jump to navigation

boxer short film Agosto 29, 2008

Posted by gasti in balitang isports.
trackback

Nagkakamali kayo kung iisipin nyo na ako ang nasa larawan na yan katabi ni Manny. Sa kasamaang palad, hindi na matutuloy ang exhibition match namin this year dahil tinanggap ko ang “step-aside fee” na inalok nya sakin para matuloy na ang laban nila ng pinakasimpatikong boksingero sa kasaysayan ng boksing, si Oscar Dela Hoya.

Ni sa panaginip hindi ko inaasahang maging possible ang laban na ito dahil sa pagkakatanda ko, una kong nakilala si dela hoya kesa kay pacquiao…sa bawat suntok ng mamang yan ay may kasabay na tilian ng mga nagseseksihang fans nya. Kitang kita sa camera kung gaano sya kapopular noon hanggang ngyon. At si pacman naman sa Pilipinas pa lang lumalaban na parang isang basagulerong nag aamok sa may kanto.

Namumungay ang mata ni misis dati (gf ko pa lang sya noon) kapag pinapanood si DelaHoya. At lahat ng kalaban nito ay kontrabida para sa kanya. Kung papogian lang naman ang labanan, sure win na sya. Kaya nga siguro tinagurian syang pay per view king dahil alam naman nating mas marami ang populasyon ng babae kesa lalaki. At hindi manonood ng isang palabas yan kung walang kanais nais sa paningin nila. Anong saysay ng mga gorilyang nagbabasagan ng mukha? Aalamin mo pa ba kung binata pa yang mga yan at kung bakit nila naisipang magboksing.san planeta ba sila galing? Pero kapag nakakita ng gwapo yan…

“uy ang ganda pala ng mata nya ang haba ng pilikmata”

“ang gwapo nyan ah bakit kaya sya nagboksing? Sayang lang mukha nya kung mabubugbog lang”

”naks artistahin! Ilan taon na ba yan? Binata pa ba?”

”putris na negro yan andaya! Suntok pa ng suntok..kawawa naman si (insert mexican fighter here)”

pero napatunayan na ni Pacman na hindi lahat ng tsiks ay nadadaan sa papogian…maraming ebidensyang lumabas sa internet na kahit mga de-kalidad na tsiks ay kayang kaya nya ring makuha gamit ang kanyang salapi…samahan mo na rin syempre ng Porsche, Jaguar, mercedes, bmw..etc etc…sa talk and sex gumagaan ang life!

At sa darating na Disyembre 6, 2008 ay magkakaalaman na kung sino ang totoong macho. Kung kanino ang may mas malakas na tilian ng mga fans. At kung sino ang magreretire. Nabanggit na kasi noon ni dela hoya na last fight nya na kay Pacquiao pero mukhang nagbago ang ihip ng hangin…kung maganda ang maipapakita nyang laban at mapatunayan nyang may maibubuga pa sya, maaaring lumaban pa sya sa susunod na taon. At kay Pacquiao naman, napakadelikado ng laban na ito at maaaring mapuruhan sya sa lakas ng mga suntok ni dela hoya at hindi na ulit sya makapagboksing. Pero kung pera ang pag uusapan, wala silang katalo-talo.

Ngyon pa lang ay magtatabi na ako ng pera para mapanood ito ng live dahil ayoko ng magtyaga sa uber-delayed broadcast ng ch.2 or 7 kung sino man ang magcover nyan sa Pinas. At wala na rin ako pakialam kung sabihin man ng iba na circus, mismatch o handicapped match ang laban na ito dahil ito na siguro ang magiging pinakasikat na laban sa kasaysayan ng boksing. PPV king vs. current Pound 4 Pound king… san ka pa? nood na!

Mga Puna»

1. BADoy - Agosto 29, 2008

natawa naman ako sa mga pics mo… ayus una ako boss gasti!!!

2. Maldito - Agosto 29, 2008

ganyan talaga ang nagagawa ng pera…binabalot ang maduming balat ng kumikinang na ube..nakakasilaw..nakaka enganyo..indi na din malayo sa huli, na ang pera nalang ang magpapatakbo ng puso.

-maldito

ahahhaa….nag qoute pa o….ay…kanis naman.indi na matutuloy laban niyu?nag reserve pa naman ako ng araneta colliseum para sa mini concert niyo ni manny…para sayo ang laban na to!lols..

o siya…yan naman lagi ang sinasabi nila eh..kapag mexicano sayang daw ang mukha..pero pag pinoy ang lumaban bahala na mawasak ang retina o eyeballs basta makapgpadala lang ng medalya sa ngalan ng pilipino!

suck it!pwe!

gasti: haha! bitterness na naman pre..miniconcert? sayang nga eh pero baka matuloy naman next year bago sya magretire lulumpuhin ko sya.. lols!
mas marami kasi masisira sa mexican fighters eh gaya ng ilong..sa pinoy bale wala kasi pango naman..pansin mo hindi dumudugo ilong ni Manny pag may laban.

3. Jeck - Agosto 30, 2008

bwakanangina. natawa talaga ako sa pic ni manny na lapu-lapu.
astigin! bwahaha. walang tatalo.
manonood rin ako nito ng live kung sakali. hehe

4. McRey - Agosto 30, 2008

Hindi pa ba naglalaban sina dela hoya at pacman?

Siguro matatalo na si Pacman this time. Kasi hindi siya pumayag sa unang deal diba?! Ibig sabihin kung tinaasan man yung deal, naninigurado lang siya na kahit matalo siya ay hindi naman lugi sa perang makukuha niya?!

Hmm…

5. mcrey - Agosto 30, 2008

Nawala message ko?!

Matatalo si pacyaw. nararamdaman ko kasi humingi na siya ng mas mataas na deal para hindi lugi matalo man o manalo.

diba?!

6. geran - Agosto 30, 2008

kuya gasti salamat sa pagbisita sa bhay ko….

naku kuya gasti kaabang-abang nga yan eh…. kso gudluck na lang sa fez ni dela hoya

7. apollo - Agosto 30, 2008

uu nga pre! something to look forward yang laban na yan. hindi kaya mahirapan si manny na abutin ng suntok si oscar? hehe…

gasti: siguro hahawakan ni delahoya sa noo si pacman saka babanatan ng suntok..haha! parang bata lang na pinaglaruan. pero may kasabihan tayo na “walang malaking nakakapuwing”..speed is power.

8. Jason - Agosto 31, 2008

bukseng! bukseng! heheheheh!

9. angel - Agosto 31, 2008

parang ang gwapo ng kuha dun ni Manny ah.. i feyrnesshh….

gasti: mukhang kelangan mo na magsalamin…hehe! nadaan sa katawan siguro.

10. R.J. - Agosto 31, 2008

amen. ako rin, saktong nasa bakasyon sa pilipinas sa araw na december 7. at ngayon pa lang pinagreready ko na ang tatay ko magpareserve ng pay per view kung meron reservation. dahil baka ito na ang huli, kapit bayan! hehehe =D

gasti: hehe! ako malamang solo lang manood dahil sa kamahalan ng ticket pero ayos lang..susulitin ko yan pag nagkataon.

11. chyng - Agosto 31, 2008

And I believe it’s not late for Manny to train. Kayang kaya nia yan!😉

12. Leyn - Setyembre 1, 2008

natalo ako ng 10k dati sa school, pumusta ako laban kay pacman. huhu. maaaring magkaroon ng conspiracy, huling laban na DAW to ni pacquiao e.

may itsura nga si dela hoya base sa pic mo, ngayon ko lang siya nakita. lol.

gasti: grabe ka naman pumusta..hehe! sa lahat ng laban ni pacquiao dito lang ako nagdadalawang isip pumusta sa panig nya.

13. FerBert - Setyembre 1, 2008

kung pwede magpareserve na ng ticket ngayon malamang kanina pa ako nagpareserve..

14. apollo - Setyembre 1, 2008

mahirap gumawa ng forecast sa laban na to pre… parehong iba ang weight class nila and magsasalubong lang sila sa 147… anyways, lamang sa papogian si mang oca pero di hamak na mas matigas dila ni manny. lols!

15. Wacky - Setyembre 2, 2008

Llamadong-llamado (anu ba ispeling non?) si delahoya… kitang-kitang naman.. pustahan pa tayo… hehehe….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: