jump to navigation

ibuka mo pa ng kaunti Setyembre 2, 2008

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
Tags: , , , ,
trackback

Uso nga yata talaga ang mga sakit ngyon. Walang pinipili kung bata o matanda basta may katawang tao ka, tatablan ka pa rin ng sakit.

Kumalat ang balita tungkol sa reunion concert ng Eraserheads nung sabado pati na rin ang biglaang pagkakasakit ng kanilang vocalist habang breaktime. 3 ganun ata ang nakita kong entry na nasa top post of the day. Di ko alam kung sadyang concern tayo dun sa taong inatake o sadyang ayaw lang natin magpahuli sa chismis. nalungkot ako sa ngyari pero hanggang dun na lang yun at ayoko ng makialam pa.

Kung magbabalik tanaw naman ako sa weekends na nagdaan, hmmm..wala palang masyado interesanteng ngyari dahil nagpa-change oil lang ako ng sasakyan nung sabado at nung lingo naman ay nagsimba kami(revisited after so many months na pamamahinga)tapos kumain ng masarap na bulalo sa bahay, pahinga ng onti at namasyal sa paboritong mall sa Cainta. Lahat ng yan ay ngyari habang ang aking kamay at tuhod ay nananakit dulot ng hinihinalang mataas na uric acid. At syempre ang sakit hindi tinitiis yan…umabsent ako kinabukasan.

Matagal ko na ring tinitiis ang sakit na mga yan. Naniniwala kasi ako sa kasabihang..”no pain, no gain” pero letse! Wala naman ako nage-gain kapag nagiging longganisa ang daliri ko..hindi ako makakain ng maayos, hirap makabuhat ng kahit ano, ni hindi ko na nga magawang makapagsarili. Deym!

At dahil injured si misis (na umabsent rin), ako lang mag isa ang pumunta sa clinic para magpaconfine este magpacheck up. 1st time ko gagamitin ang Medicard kaya pagkarating ko doon ay naghagilap agad ako ng coordinator pero sa kasamaang palad, wala ni isang available kaya nagmukha akong inosenteng paslit na palinga linga at naghahanap kung saan ang libreng tuli. Mabuti na lamang at mababait ang mga nurse na napagtatanungan ko at ilang sandali lang ay nagkamabutihan na kami…(translation: minabuti ko ng umalis muna at kumain na lang dahil wala pa palang available na doctor na titingin sakin.)

Naglibot muna ako sa loob ng mall at naghagilap ng lugar kung saan talamak ang bentahan ng laman laruan. Nakiusyoso sa mga latest cover girls sa mga magazine stands pati na rin sa mga gadgets na mabibili sa tyangge. Sa dinami dami ng hinawakan at nilapirot kong items na gustong bilhin, isama mo pa ang tawaran sessions sa mga saleslady…isa lang ang nabili ko. Silicone cover para sa psp slim. At makalipas ang isang oras ng pamamasyal, ginutom rin ako at umorder ng porkchop w/ egg sa sizzling plate..at dahil sa isa akong tagong blogger na maituturing, wag nyo i-expect na kinukuhanan ko ng litrato ang mga kinakain ko. Hindi masayang kumain ng mag isa kaya mabilisan ko lang nilantakan yun. Isa pa, di ko gusto ang eksenang napaliligiran ng maraming tao habang kumakain mag isa dahil pakiramdam ko ay may mga matang nakaabang sa bawat pagsubo ko. Bumabalik ang alaala sa akin nung hayskul days na mag isa rin akong kumain sa canteen at nilapitan ako ng isang tagong-bading para makipagkilala at gustong makipagkamay sa elephant ko…ganyan talaga ang buhay lagi kang nasasapian..pagka’t sya’y bakla at wala pang nahahada…ahhhh

Bumalik ako sa clinic sa napag usapang oras kung saan meron na daw doctor. Nagfill-up ng coupons at naghulog sa drop box…inabot ng 3pm at tanging blood pressure testing pa lang ang nagagawa sakin..120/90 normal pa naman daw yun at isang magandang senyales na hindi pa nila kelangang tumawag ng anti-riot policemen para kontrolin ang ikikilos ko. Maya-maya pa, tinawag na ulit ang pangalan ko at nagsimula na ang confession.

Doc Uric: Anong ano mo? Nag aano ka ba? Kumakain ka ba ng ano? Alam mo ba kung bakit sumasakit yang ano mo? Kelan ka huling tumikim ng ano? Masarap ba talaga kapag patago? Bibigyan kita ng pain relievers para dyan.

Gasti: ok thanks.

At pagkatapos ng madibdibang pag uusap naming ni doc Uric, umupo na ulit ako at naghintay ng isa pang tawag para naman sa susunod na check up sa mata. Ilang sandali pa ay tinawag na naman ang pangalan ko…

Doc Linaw: malabo ba ang ano mo? Kumusta naman ang pamboboso? Gaano na katagal yung bukol sa ano mo? What made you decide na gusto mo na magpa ano? Dapat kasi atleast 2 weeks straight ka nag aano eh! I-sched natin yang surgery na gagawin dyan sa ano mo…

Gasti: do you just said surgery? Holy shhhh..cow! ok fine..let’s do it asap!

Dumiretso na agad ako sa nurse station at nag autograph signing sa mga fans. Pagkatapos ay pumunta naman ako sa laboratory para magpa-bloodtest. Pero nahuli ako ng isang oras dahil 3pm pala ang cut-off time nila ng testing kaya pinababalik na lang ako. Hindi na ako nag aksaya ng oras at mabilisan akong umuwi para samahan naman si misis na magpacheck up din sa OB-GYNE at makinig ng heartbeat ni baby..2 weeks from now malalaman na rin namin ang gender nya.

at sa ngyon naman, balik trabaho na ulit. kung nagtataka kayo kung bakit ganyan ang title? wala lang..gusto ko lang. may kinalaman naman yan sa entry. bahala na lang kayo mag isip kung san parte.

Mga Puna»

1. Wacky - Setyembre 2, 2008

Hi! Musta na? Hehehe!!! Ngayon lang ulit ako naligaw dito sa ano mo. Masyado kase ako maraming ano eh. Alam mo na ‘no? Hehehe!!! Alam ko yang ano mo. Nagkasakit rin ng ganyan ang tito ko. Bawasan mo lang ang pagkain ng mga masobrang alat na karne. Huwag ka ng sumawsaw sa patis at toyo. Hehehe!!! Joke lemon lang!🙂

gasti: uy wacky! tagal mo nga nagpahinga ah! uu alam ko na yang ano mo..pero yung tingin mo sa ano ko parang iba. hehe! arthritis kasi yung sakin.

2. BADoy - Setyembre 2, 2008

pwedeng sa mata at gitna ng dalawang hita! hahaha! congrats sa junior mo master gasti! pag may pula akin ha… tenks!

gasti: haha! ginawa mo pang siopao..pag may pula, bumbay yun.

3. Yummy Dingding - Setyembre 2, 2008

I was there sa concert ng ERASERHEADS (salamat sa Rakista dot com at RedHorseBeer sa ticket), ayun nang dahil din dun masakit ang buong katawan ko LOL. Adventure kasi ang pagkuha namin ng ticket LOL, umaga ko na kasi nalaman na nanalo ako LOL ayun paggising MAKATI pagkatpos balik school, shoot ng video sa circle, punta ng THE FORT.

I am actually feeling sorry for those people who have just bought and entered the gates of the venue when they announced that it had to be cut off, sa amin ok lang kasi LIBRE naman kami (yabang LOL), but wala naman silang magagawa dun e… Hmmm, it just saddens me that Ely Buendia I think will never be able to perform na bigay na bigay again because of his illness. But hell yeah the concert was great kahit kalahati lang ang natapos!

Buti na lang nakabatak ako ng napakaraming energy drinks. LOL. Pero para pa rin akong hilo. Nabangga kasi ako sa salamin LOL akalain mo yun ang tanga LOL. Masakit pa rin pisngi ko!! Argh!

Anong gender pala gusto mo hehehe?

Sensya na mahaba masyado LOL

gasti: isa ka pala sa mga maswerteng nilalang na nakapanood ng libre..hehe! ayos ah! nakarami nga daw kanta kaya sulit na rin. halatang bangenge ka pa siguro epekto ng pinagsamang energy drink at red horse beer yan🙂 rosy cheeks ba? haha!
any gender ayos lang naman basta healthy

4. akosimakoy - Setyembre 2, 2008

hehehehe. musta??

gasti: haha! sa istilo mo ng pagsusulat mukhang kilala na kita..

5. sexy moi - Setyembre 3, 2008

bad trip nga yung magpapapcheck up tapos ang haba ng pila. yung feeling mo gagaling na yung sakit mo pero wala pa rin yung doctor. tapos yung results after 10 years mo pa makukuha. anyway, bawal mag kasakit ngayon. ingats and pagaling kayo ni mrs gasti.🙂

gasti: partida na nga eh walang pila..hehe! may mga hawak lang kaming number. salamat! ikaw rin lagi ka mag ingat.

6. madbong - Setyembre 3, 2008

parekoy, long time no contact. musta na mga ano mo? ahehe arthritis ba kamo?

gasti: uy pards eto ayos naman..maliban dito sa pesteng arthritis attack…

7. Yummy Dingding - Setyembre 3, 2008

Haha di naman rosy cheeks. Di naman ako nagkapasa whatsoever. Masakit pa rin siay hanggang ngayon kahit pindutin lang damn it. hahaha. Hayyyzz napahiya talaga ako nung araw na yun LOL naglupasay ako kakatawa akala nila nahimatay ako hahah😄, nagsilabasan sila sa door LOL.

Di naman ako nakabatak ng RHB hehehe. Sadyang pagod lang! BANGAG!

Good luck sa baby mo hehehe. Naaliw ako sa mga daddy na katulad mo hahaha😄.

Atsaka wag papabayaan ang sarili hehehe. Tangna matapos lang ang sem na ito magsasawa ang kama sa akin matutulog ako habang buhay!

gasti: hehe! mukhang nasulit mo naman ang pagpunta sa concert ayos na yun..ingat na lang next time! salamat ah! yaan mo makakaraos ka rin dyan sa mga subjects mo…matulog ka kapag may lecture ang prof. ayos lang yun.🙂

8. FB - Setyembre 3, 2008

uso ang sakit
katunayan tinablan din ako
last week naconfine ako
typhoid fever
kakakain ng unedible foods
tulad ng keps.. hahaha

goodluck magiging daddy ka na ulet..

gasti: haha! unedible nga yan pero mahirap i-resist lalo na kung sariwa..lols! hanubayan..

9. akosimakoy - Setyembre 3, 2008

anak nang. baka nga kilala mo na ako. hehehe! inadd na rin kita sa blogroll ko kaibigan… dalaw ka ulet. me malupet akong post!

gasti: hehe! tagal mo nga nawala eh buti nakabalik ka na. nabasa ko na yung bago mong post. anlupet!

10. xG - Setyembre 3, 2008

nandon ako sa eheads concert
di ko naman alam ang mga kinanta nila
hahahaha

pero mas masaya yung after nun
kasi uminom kami
nagbidyoke
at dun ipinanganak
ang morena na pwede magjapan

kaya pala wala ka nung lunes
kasi maysakit ka
nagtaka rin ako e
sana ayos ka na🙂

gasti: andun ka rin pala? hehe! ako alam ko panigurado mga kanta nun..meron nga kami dati cassette tape pa ng album nila eh.
pag napunta ka ng Japan, puputi ka rin. wag ka na pumunta run baka gawin ka nilang cartoons.
ayos na naman ako sa ngyon. pain relievers lang ang iniinom ko gamot.

11. aga - Setyembre 4, 2008

mag centrum ka!
parang ako i want to be complete!
asust!🙂

gasti: mas naniniwala ako sa revicon max ni robin padilla kesa sa centrum…hehe!

12. icka - Setyembre 4, 2008

ngayo lang ulit nadalaw. naaw, tumatanda ka na. hmm.. bawal ang pork, ang meat.. haha”

gasti: haha! galeng ah nagbalik ka na ulit sabay pa kayo ni wacky..
oist lahat naman tayo tumatanda saka hindi bawal sakin ang pork at meat..beans lang!🙂

13. Pedro - Setyembre 4, 2008

Nang aano ka eh. hahahaha! plurk plurk, OF na wohoooooooo!

gasti: hindi naman ah! hehe!

14. i_k_a_y - Setyembre 4, 2008

pero db bawal din ang red meat sa merong arthritis???
hehehehe……sayang nga tlga yung eheads concert….and kawawa nman si ely.

gasti: hmm..natatandaan ko lang sinabi eh sardinas saka isdang makakapal ang kaliskis.
si ely ayun nagpapagaling pa rin hanggang ngyon. di na sya talaga pwede magpagod.

15. Maldito - Setyembre 4, 2008

kaya wala ka nung lunes..he he he…alam na ang sked ano?ahaha

okey lang yan..matanda ka na kasi..kaya ayan…bawal na sayu ang hipons..ang beans..at ang mga mapupulang karne..lols

sira parin ang internetz ko..kaya medyo number 13 na ako sa comments..syteness….im late!urgHH!!!

akala ko bumili ka na naman ng laruan…

ako wala pa rin…hu hu hu

bastos ng title….dapat kasi binuka nalang ng todo!lols

gasti: mapupulang karne? haha! wala naman nabanggit sakin ganun si doc kaya siguro pwede pa…para na rin akong kitilan ng buhay nun pag nagkataon..ano naman kakainin ko? chichiria na lang..
nabili ko na yung king leonidas na action figure…may 3 pa kong laruan na target bilhin bago matapos ang taon😀 yung water dragon na series 5 pala meron ako nakita sa toys r us..

16. hitokirihoshi - Setyembre 5, 2008

napadaan lang… kasama ka kasi sa fastest growing blog eh… ehhe

tama ka nga daming nagkakasakit ngayon o di kaya natititgok… like tia dely, zorayda sanchez…

gasti: puro taga marikina pa yang mga nabanggit mo..tsk tsk..nagkataon lang siguro.
patin na rin yang nakapasok ako ng fastest growing blogs tyamba lang yan.

17. grimsborith - Setyembre 6, 2008

Gasti, si maldito to. Gumawa ako ng blog para sa mga laruan natin.ahe he he.email ko nalang sayu ang password at email add para may access ka din.salamat!

gasti: hehe! sabi ko na pamilyar eh..nakita ko na yung site..ayos ah! meron na tayong magiging baul ng laruan dito sa wordpress.

18. grimsborith - Setyembre 6, 2008
19. antuken - Setyembre 6, 2008

parang ambata mo pa para tamaan ng artraytis. pareho kayo ng pinsan ni hubby ko. ang masaklap pa sa kanya he was advised to rest for a week. naco, matigas ang ulo. after 3 days, pumasok na. hayun, abot hanggang tuhod ang pamamaga (na dati’y nasa paa lang).

bawal ang beans, bawal ang beef — ganyan ang litanya ng lola ko dati (na hindi ko makalimutan, ewan ko ba kung baket), kse may artraytis din sya. pero sya naman matigas din ang ulo at kain ng kain ng bawal. hahaha.

oi, kaka-excite naman ang 2nd little gasti…

last, hate ko rin kumain mag-isa.

gasti: hehe uu nga eh sabi ni doc posibleng namana ko daw. madami talaga dapat iwasan sa pagkain pero mahirap yun kasi nakasanayan na.
hindi talaga masarap kumain ng mag isa. para ka lang taong grasa nun.

20. menggay - Setyembre 6, 2008

wow!!

Kuya magiging dadi ka na pala uyet!!

apir po!! kongrats…

gasti: tenks. sana kamukha ko ulit!

21. thelostme - Setyembre 6, 2008

puro “anu” ang tinanong ng doktor…

anu kaya yung “anu”?…

kasi, wag kakain kapag “red tide”…😆

gasti: confidential daw kasi yung usapan kaya naging puro anu ang lumabas dyan..saka hahaba lang yung entry ko pag marami pang checheburetce.
walang redtide 5 buwan na ang nakalilipas. hindi na nga ako kumakain eh🙂

22. prinsesamusang - Setyembre 7, 2008

siguro dapat magpasalamat na lang ako na pag mamatay na ko wala ng pila sa ER

gasti: napakabata mo naman para mag isip ng kamatayan. saka na yan.

23. ponchong - Setyembre 11, 2008

pareng gasti, kung mataas ang uric acid mo, iwasan mo na ang bulalo. natitrigger ng fats ang nakastock na mga uric acid.

maswerte ako ng kaunti, di arthritis, di rin dahil sa uric kundi dahil sa tanging pamana ng tatay ko — ang rayuma.

ingat lang daw sa diet tsaka more on exercise. kaya mo yon?

gasti: nakow! peyborit ko pa naman ang bulalo..kelangan ko na talaga mag exercise..bihira ako pagpawisan eh lalo na ngyon laging umuulan.
namamana rin pla ang rayuma? wala naman siguro ako nun.

24. anakngpiso - Setyembre 13, 2008

nyahaha… ibuka mo pa ang kaunti? hehehe.. rayuma ang mataas na uric acid… bawal ang pagkain na mataas ang purine… sardinas, atay.. naku pag nalaman mo pa ang ibang bawal sayo malulungkot ka.. ahihihi glesy the great cheers!! http://anakngpiso.wordpress.com/2008/09/13/sampung-mga-daliri-patay-ang-isaglesy-the-great-hums-sadly/

gasti: hindi sya rayuma! magkaiba daw yun sabi ni doc. ayoko na nga magpacheck up kasi malalaman ko pa lahat ng bawal kainin.

25. hannah faith yamano - Marso 8, 2009

sex ang kailangan ko search nyo yung bratz18_faith@yahoo.com sa friendster doon nyo ko makikilala!….

gasti: kung sino ka man babae. sana makita mo ang hinahanap mo..

26. Maldito - Marso 9, 2009

malaki ang galit ng babaeng to sa may ari ng frenster na yan..hahahahaa….

kumakalat ang mga evil bicthes..shitz.

gasti: siguro malalim ang pinag ugutan ng iringan na yan. laglagan eh!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: