jump to navigation

kaberdey Setyembre 8, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

ngyon ang araw ng kapanganakan ni “Mama Mary”. At siguro naman kung palasimba kang tao, matagal mo ng alam yun kaya di ko na dapat banggitin. Bday nga rin pala nung opismate kong isa..siguro naman di mo nahulaan yun. Hehe!

Sa mga kakilala at kamag anakan ko, pagdating sa mga petsa ng setyembre hanggang disyembre sunud-sunod ang bertdeyan. Gaya dito sa opisina, 6 lang kami empleyado at yung 3 ay ngyong buwan magpapacanton. “chilli! nagpaparinig ako yuhoo!” (kung tama ang aligment ng mga bituin sa kalangitan). Yung erpats ko nga kahapon nagbirthday. “happy birthday!” kaya tamad akong bumangon sa pagkakahiga ko kaninang umaga dahil sa pagod nung nakaraang araw..hindi na halos ako nakapagpahinga dahil nakigulo rin pala kami sa Octoberfest nung byernes at namili ng living room showcase nung sabado sa Valenzuela…di na nga ako nakapunta sa grand opening ng Sm Marikina dahil kulang na sa oras at balita ko eh sobrang dami ng tao doon. Nagkalat ang mga lurkers na mukhang tumitira ng katol at nandadakma ng bayag kaya nakakatakot rin. Sa ibang araw na lang siguro ako pupunta.

Gusto ko rin palang ipamalita na nanganak na yung American cavy na alaga ng tita ko. Natuwa naman kami dahil nagmana sa tatay (abyssinian cavy) yung 4 na supling na sya ring ama nung isa pang cavy. tuwang tuwa pa ko nung ipinakita ko kay misis yung mga guinea pigs.

Gasti: uy nanganak na yung guinea pig! Astig ka-berdey pa ni Papa. Apat lahat puro may puyo! Yung Abyssinian lang pala ang tatay nung dalawang sabay na nagbuntis..ibang klase talaga! Anlupit sa chicks..ako kasi ang bumili.

Misis G: ano kamo? Ikaw ang bumili! diba sabi ko sayo ayokong mag alaga ka ng ganyan? Kaya pala ang saya mo..ikaw pala ang ama nyang mga daga! Nahuli na kita..

Gasti: Ama ka dyan! Baliw kelan pa ko naging daga? Uhhmm hindi pala ako ang bumili nyan. Ganito kasi…blah.. blah.. blah! *sabay punas ng dugo sa ilong.

Kasabay naman ng bertdey nila ang pagkamatay ng dalawang manok na alaga rin ng tito ko. Instant chicken inasal ang inabot nila. At yung natitirang dalawa naman ay tinaningan na rin ang buhay na hanggang 2 linggo na lang masisikatan ng araw dahil mag-birthday na rin ang tito ko. Pagkatapos ng mga birthday nila, wala ng matitirang manok at tanging guinea pigs na lang ang matitira sa kulungan…hulaan nyo kung ano ang ihahanda namin sa bday ng ate ko at ng anak ko sa Oktubre. Hehehe!

Magastos ang handaan. Pero di naman maiwasang hindi maghanda dahil ang dahilan..minsan isang taon ka lang naman daw magselebreyt ng kapanganakan. Makakatanggi ka ba naman sa buyo ng mga kaibigan at katrabaho mo? Oo naman! Pero wag ganun! Manlibre ka rin kahit sa lugawan. Kung meron ka kalapit na bday, kakutsabahin mo..joined celebration! Tapos sya lahat pagbayarin mo..hehe! madupang.

Ang bilis ng panahon. 59 na si Papa at next year magreretiro na sya. Si Ate naman mag 27 na sya kahit mukhang nene pa rin..mag 3 yrs old na rin anak namin. Madadagan na rin ang edad ni Misis sa Nobyembre (sagrado ang edad at bawal ilathala sa babasahing ito), kasunod naman ang bday ng bunso naming kapatid na mag 23 na at hindi pa rin nagkakagelpren. At ang pinale ng berdeyan, sa Disyembre naman si Mama (at nakalimutan ko na kung mag iilang taon na sya)..at wag na wag nyo kakalimutan syempre ang birthday ko! Markahan nyo ng pula ang mga kalendaryo nyo! Magpapainom at magpapakain ako sa inyo (teka parang ambastos ng dating)..anyways, pasko nga pala yun baka may kanya kanya na kayong lakad kaya kalimutan nyo na ang sinabi ko.

Mga Puna»

1. FerBert - Setyembre 8, 2008

happy bday sa kanilang lahat!

happy bday din kay mother mary..

happy bday din sayo kung kelan man yun

xoxo

gasti: happy bday na rin sayo.
xoxoXoxxoOxXo

2. Wacky - Setyembre 8, 2008

Nakiusyo ulit sa mga pangyayari sa iyong buhay. Hehehe! Lilipas din ang lahat ng yan. Puro one day celebration lang naman yan. Pwera oktoberfest. Yung pasko, dito lang naman sa tin pinahahaba ang celebration nyan. Hehehe! Advance Merry Christmas!

gasti: mukhang hindi ka nagcelebrate ng bday ah..hehe! try mo minsan. arkila tayo ng clown.

3. popoy - Setyembre 8, 2008

ahahah. hindi pedeng walang handa kapag bertdey.ugali na nang pinoy yan gasti. penge akong guinea pig. ang cute cute nyan. ay gusto ko pala yung chinchilla kuyut din kasi yun.

ang tagal ko ng hindi nakabisita dito. lols

gasti: ano yung chinchilla? hehe! parang tunog sitsirya lang ah..mukhang masarap ipulutan.

4. anakngpiso - Setyembre 8, 2008

dec 25 b-day mo? kahit di ko na markahan ng pula ung kalendaryo, naka-red na talaga yun pagbigay pa lang sa akin…aba aba bukas na pala ang sm marikina… kala mo lang wala pang gerlpren ung kapatid mo, nakarami na siguro yun hindi mo lang alam… add kita sa blogroll ko ha.. cheeres!!!-glesy the great;p

http://anakngpiso.wordpress.com/

gasti: sus! yung kapatid ko wala yun…konserbatibo! gusto ko na nga ibugaw.
salamat sa pag add..bisita din ako dyan sa blog mo minsan.

5. BADoy - Setyembre 8, 2008

painom ka naman master gasti!!! ayus ang anak mo 3 years old na! ibig sabihin 21 ka palang nung una kang lumandi ano? hehehehh

gasti: FYI. grade 4 pa ako nagsimulang lumandi. supot pa ako noon kaya… wag ka na!

6. vera - Setyembre 8, 2008

aba lagay mo bertdey mo sa blog ko. makakalimutin ako.
inasal na guinea pig..
be kind to animals, si Mariano nalang ihanda mo. aahahaha
happy bday mama mary!

gasti: haha! sige si Mariano na lang..pero baka naman hindi mo sya ipakain sa iba🙂
matagal pa naman bday ko eh. baka makalimutan ko rin.

7. ayyzzz - Setyembre 9, 2008

wow.
xmas beerday mo kya gasti?

weh?
di nga?

adbans happy beerday..

gasti: yup! di mo ba nahalata sa personality ko? wala namang nakakagulat dun.
thanks! pero malayo pa naman ang bertdeyan.

8. myk - Setyembre 10, 2008

Di ko na kailangan markahan ng pula ang bertdey mo pare..PULA YUN LAGI SA KALENDARYO!

well anyways.. ano ba ireregalo ko sa inaanak ko? har har har

gasti: hehe! sabi ko nga eh..mahaba ang bakasyon ngyong christmas season..dikit dikit ang walang pasok. bahala ka na kung ano ireregalo mo basta wag yung tipong pang exchange gift nung elementary.

9. Maldito - Setyembre 10, 2008

4 years old si gasti lumandi…ako 4 din….4 months..ahahhaa

musta naman ang landian na yun?lols…

cge bro..malayo layo pa din naman ang bday mo kaya baka pwde pa mag prepare…tamang idelohiya yan..

kapag bday..manglibre…

ako nang lilibre din..basta redhorse lang all in ako!

indi ako nangliliber ng pagkain…

bakakabusog din anman ang beer eh.lols

gasti: haha! tinalo mo pa ko..sabagay yung sayo kasi eh documented. lols! mas maigi nga manlibre ng redhorse saka mga hard drinks para tumba agad mga gusto maglasing…di na kelangan kumain kasi isusuka rin naman nila yun. sayang lang..

10. Jeck - Setyembre 10, 2008

ang saya naman pala ng post na ‘to. tungkol sa bertdeyan.
ngayong setyembre, madami rin ang magbebertdey sa mga kakilala ko. kasama na ang kuya ko, ex-gf ko (yung may fs), tsaka yung bi-ep ni you-know-who.

wake me up na lang when september ends. hahaha

gasti: invited ka rin ba sa bday ng ex-gf mo at ng bf ni I-know-who? hehe!
mahaba-habang inuman to! wag ka na matulog.

11. rofel - Setyembre 10, 2008

idol, bumabaha pala ng kabertdeyan sa inio.
walang humpay na handaan at inuman. at mukhang mauubos ang mga alagang hayop nio. ^__^

gasti: may mga aso at japanese carp pa naman kami..sasapat na siguro yun panghanda..tapos next year na kami ulit mag aalaga..nyahaha!

12. aysus - Setyembre 10, 2008

Wakokocrunch. Puro berdeys!

haberdey sa lahat. ang saya-saya xmas ang berdey mo, kuya.

http://aysus.wordpress.com/
http://azecalicesky.com/

13. wei vines - Setyembre 10, 2008

last year nagsimulang tanggaling na as holiday sa school namen ang beerday nyo.. huhu…
ang saya naman..at least, naramdaman ko naman na holiday pa rin nung monday😀

gasti: totoo? anlupit naman ng iskul nyo masyadong hapet! yaan mo na marami namang holidays na susunod pa.

14. Yummy Dingding - Setyembre 10, 2008

happy birthday sa inyong lahat lahat lahat LOL hahahha…

Birthday ko rin pala sa October LOL. At di ako manlilibre. Nak ng teteng na comment yan! Advance merry christmas na rin LOL.

gasti: in behalf of all the bday celebrants, tenk yu! oy magbday ka na rin pala..lapit na ah! sana makaabot dito ang biyaya..haha!

15. ponchong - Setyembre 11, 2008

sir…hapi bertdey sa iyo kung kelan man yon.

tagal kong di napadpad dito. nag-iipon din ng pang bertdey. baka kasabay pa kita.

ahhhaaa..

gasti: hehe! kung sa pasko bday mo pareho tayo…advance hapi bday din sayo pards! salamat naman at pinag iipunan mo pa ang bday ko.

16. rakz - Setyembre 11, 2008

haburdei po s kanila!!!

nakakatakot ang ber-months para sakin..parang sunod2 na rin ang gastos..hehehe…

gasti: wag ka na mag isip ng gastusin dahil nakakabaog yan.

17. antuken - Setyembre 11, 2008

aba’y magb-birthday pala si chilli. happy birthday na lang sa kanila.

sa family ko marami rin magb-birthday ng september. kuya ko (tapos na). mom ko at kakambal nya at pinsan ko.🙂

gasti: next week ang bday nun..nananahimik nga eh! haha!

18. chyng - Setyembre 11, 2008

uy gasti!!!!!!!! namiss ko tumambay dito!!!

gasti: wuy uu nga! galing ka pala bakasyon eh!

19. Maldito - Setyembre 12, 2008

indi ko talaga ma gets…kung bakit.

isinama pa ni jeck ang X niyang ewan.

Akala ko wala na kayu? minsan On parin kayu…

patay sindi.patay sindi.putah sumasakit ang ulo ko sa yo jeck..

wag mong ipapakita mukha mo sakin na kasama yang x gf mo na yan..

malamang makikita na lang kayung dalawa sa kangkongan.

pramis.

love lots,

maldito.

gasti: haha! potek! hayaan mo na si jeck marami kasing ex-gf yan..kahit ako naguguluhan na rin eh!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: