jump to navigation

kawanggawa Setyembre 12, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

“handa na akong mag-donate ng aking nag uumapaw at maliksing mga sperm cells”

masarap ang pakiramdam kapag nakakatulong ka sa kapwa mo. hindi kayang pantayan ng pera o anumang kumikinang na salapi ang ligayang nadarama mo kapag nalaman mong nakapagpasaya ka ng iyong kapwa kahit sa maliit na paraan lang.

naisip ko nga eh kung mayaman lang ako siguro nagdo-donate na ko ng pera sa iba’t ibang foundation..nakapag sponsor na rin siguro ako ng mga scholarship sa mga piling college students. nakapagdaos ng libu-libong feeding program sa mga kabahayan. marami na rin sana akong nabiling action figures. (syempre alangan namang puro pamigay na lang kelangan may kabig din ako.)

wala akong magagawa sa ngyon kundi tumulong sa ibang paraan. kung nagbebenta ka ng sampagita,basahan, o kahit pa balut/penoy yan bibili ako. kung gusto mo bayaran ko ang serbisyong ginawa mo sa panghahawi ng ibang sasakyan palabas ng parking, gagawin ko. kung may problema ka sa pag ibig at wala kang pambili ng blade, gagawan natin yan ng paraan. pwede kitang itulak sa Edsa kapag may paparating na bus o di kaya ay gawing pain kapag mamimingwit ako ng janitor fish sa ilog Marikina. ayoko kasi nakakakita ng taong naghihirap ang kalooban.

sa kalagayan kong ito, hindi pa ako pwedeng mag donate ng dugo dahil baka ikamatay ko pa yun. maging anemic ako ng di ko namamalayan at hindi na kayang solusyunan ng balut ang nawalang dugo sa katawan ko. ang naalala ko lang na nabigyan ko ng donation ay ang simbahan, at yung nagtatawas samin na si Mang Ponso. ayun yung mga serbisyong hindi nagpapabayad pero nanghihingi ng donasyon. pero minsanan na lang pala ako magsimba at hindi na rin ako nagagawi sa mga albularyo ngyon. napapadalas na kasi ang punta ko sa mga strip club at beerhouse. eh nakakaawa naman yung mga babaeng nagtatrabaho dun para may pampaaral sila at makalikom ng perang pampagamot sa lola nilang nakaratay sa ospital kaya nag aabot na lang ako ng pera..ang problema nga lang wala ako makitang drop box kaya iniipit ko na lang sa bra at panty nila ang donasyon..pahirapan pa kapag barya ang ihuhulog mo kasi nalalaglag kaya kelangan mo isingit dun sa alkansya nila.

ang hindi lang maganda sa pagkakawanggawa ay kapag nagtatrabaho ka ng sobra sa takdang oras pagkatapos ay walang dagdag na kabayaran. di na tama yun. dahil ikaw lang ang lugi. kumbaga sa mga porn flicks, sinubo mo na, pinaputok mo pa sa loob ng bibig tapos inuutusan ka pang lunukin ang katas. iiwan ka nakalupasay sa sahig ng hindi pa nakakaraos kahit isang beses man lang. napakasarap naman talagang maging employer kung ganun.

kung matagal na kayo tumatambay dito sa blog ko at ni minsan ay hindi kayo nag iwan ng mga kabalbalan at mapanghusgang komento, itunuturing ko na kayong mga alagad este kaibigan ko. at sakaling kelanganin nyo ang tulong o serbisyong totoo, wag na kayong mag atubiling lumapit sakin at pupugin ako ng yakap at halik. maglabas ng bimpo para punasan ang namamawis kong kili-kili at singit. magsukbit ng sampaguita at everlasting na bulaklak sa aking leeg. hindi ko kayo pipigilan. sino ba naman ako para tumanggi? anyways, basta ganito na lang pag may problema kayo at gusto nyo dumaing, kesa naman maglaslas ka ng pulso mo dyan eh ilahad mo na lang ang istorya mo sa 1 whole sheet of yellow paper pagkatapos ay i-scan at ipadala sa aking email(p.gasti@yahoo.com). wag kalimutang lakipan ito ng pinaka recent photo (1pc. 2×2 pic, isang “morning shot” or bagong gising look at 1 whole body shot na naka-peace sign at walang pang itaas na suot. kung sasabihin mo naman na “potah andami namang kaartehan nyan! mas madali pang maglaslas” eh di humayo ka at magtungo sa pinakamalapit na karinderya na nagluluto ng dinuguan o di kaya ay magdonate ka na lang ng dugo sa red cross para naman hindi masayang ang likidong dumadaloy dyan sa ugat mo. letse!

just remember, there’s always plenty for everybody!😉

Mga Puna»

1. rakz - Setyembre 12, 2008

hahaha! ung statement sa taas..sa three dads and one mommy po na show yan ah..team kapamilya ka po kuya? hehehe..

it’s better to help others nga po kaysa magpaka-emo..masarap pa sa pakiramdam..nice one kuya..hehe

gasti: naaadik na nga ako manood nung three das and one mommy na yan eh..nababawasan tuloy ang oras ng pagtulog ko.

2. mcreymarcelo - Setyembre 12, 2008

WHAT?!

Parang santoninyo naman yun… at everlasting pa ang bulaklak… ahahah…

Pampaaral nila yun? Ang tanong may naiipon ba naman sila? May napanood akong dokyu sa iWitness, 20-40 pesos and commission nila per ladies drink…

gasti: may napanood naman akong babae dati na nagtrabaho sa pegasus at nakapag ipon. nag aral ulit at nakapagpatayo ng bahay para sa pamilya nila..syempre mas marami pa rin ang napariwara ang buhay dahil hindi marunong magbudget ng kinikita.

3. carL - Setyembre 12, 2008

yes, may magpapaaral sakin! tenk yu!

gasti:pero hindi naman ako mayaman at magandang babae lang ang nais kong bigyan ng scholarship sana.

4. Pedro - Setyembre 12, 2008

at sakaling kelanganin nyo ang tulong o serbisyong totoo

parang politiko ah, hahahaha!

gasti: paghahanda ko na ito para sa 2010 elections…haha!

5. har har - Setyembre 12, 2008

O.T.y. din xenio???
kainis pag ganun noh? Taz pag nmn mejo kulang s oras ung pgstay m s office need p mg-offset.. hayz

seryoso po b ung nisabi m n pwede humingi xeo ng tulong pg kailangan??? ( pinatulan q nmn tlaga un nisabi m..😉 )

gasti: hindi naman required samin mag OT pero hindi mo talaga maiwasan na mapapasobra ka sa oras minsan. ganyan talaga pag trabaho..gamitan lang.
seryoso? naman! kelan ba ko nagbiro sa inyo? sige lang wag na mahiya.

6. mayui - Setyembre 12, 2008

naks. ambait naman.

7. MARU - Setyembre 13, 2008

hay salamat! akala ko wala na talaga akong matatabuhan para sa solusyon ng mga problema ko. PAUTANG naman!

gasti: uhhmm hindi kasi ako nagpapautang eh..nagbibigay lang ako ng limos.
marami ka naman dollars maru. ang savings ko lang naman eh nasa alkansya. haha!

8. anakngpiso - Setyembre 13, 2008

nyahahaha.. napaoink-oink ako sa kakatawa ah… gagawa na ako ng wishlist.. may bago na akong santa, yipee!!! santa, enge baon..;p cheers!!! glesy the great;p

http://anakngpiso.wordpress.com/2008/09/13/sampung-mga-daliri-patay-ang-isaglesy-the-great-hums-sadly/

gasti: sinong santa ang tinatawag mo? wala namang ganun dito. hehe! malayo pa ang pasko.

9. i_k_a_y - Setyembre 13, 2008

eh manong gasti eh alam nman kya ni mrs. gasti n ngdodonate
k sa mga club and beerhauz???hehehehe…

gasti: hindi na importante yun basta sabihin na lang natin na pakiramdam mo ay nakapunta ka na ng langit kapag nagdodonate ka sa club.

10. wei vines - Setyembre 13, 2008

naman naman… napakabait mo naman pala! IDOL!~ 😀

gasti: atin atin lang yan kabaitan na yan. wag mo na sabihin sa iba.

11. chyng - Setyembre 15, 2008

yes naman. pag madame ng tao ang my pakealam, sa palagay ko wala ng maghihirap sa Pinas!

gasti: at mangyayari lang yan kapag tumitimbang na ako ng 135 pounds…

12. repah - Setyembre 15, 2008

napakabait mo tlga pareng gasti.. sna nga naging mayaman ka para napatupad mo ang mga layunin mong yan.. tapos isama mo na rin akong ambunan ng mga biyaya mo..

gasti: walang problema! siguradong uulanin kayong lahat ng biyaya kapag sumakabilang buhay este kapag naging prime minister ako ng Pilipinas.

13. Maldito - Setyembre 16, 2008

sa likod ng kabaitan ng tao eh may nakatagong pangil ni satanas..

ahahaha…wag kayung maniwala kay gasti..chos lang yan!lols..

at ano naman ba to??baka maunang mag sulat sayu si inday….hala mo…

ang deniscryb mo na babae na parang sa porn flick ay siya yun..

balita ko kasi ginahasa na siya ni Jeck kasma ang ibang Green pinoy followers…ahahhaa

indi alam ni inday kung kanino ang kanyang nilunok..

gulp!

gasti: haha! kaya pala napunta sa spam ang comment mo dahil mapanira ka ng image! lols! pero eto narecover ko na.
hindi si inday yung dinedescribe ko ah! di ka nga titigasan dun kahit malasing ka pa eh..haha! taena kabastusan na naman..malamang yung kay jeck ang nalunok pero mga isang kutsarita lang siguro yun.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: