jump to navigation

mga lumipas na ligaya Setyembre 16, 2008

Posted by gasti in kahihiyan, muni-muni moments.
trackback

Musmos pa lamang ako noon. hindi pa sementado ang kalsada sa daan. Walang maituturing na bangketa at nakalitaw pa ang mga imburnal at kanal na hitik sa kiti-kiti at pagminsan ay may naliligaw na bulig, gurame, martiniko at japanese carp. Tuwang tuwa kami nagtatampisaw sa baha kasama ng mga kalaro ko. Naglalatag ng fishnet para makahuli ng isda na aalagaan sa timba o kahit sa bote ng babolgam na bilog at singlaki ng jebs ng kambing. Kaabang abang ang buhos ng ulan dahil yun ang hudyat ng sabayang pagligo sa kalsada..hindi ko pa naiisip kung anong klaseng trahedya ang hatid ng pagbaha sa ibang kabahayan basta ang alam ko masarap magswimming sa kalsada na puno ng tubig at ang pangbanlaw mo ay ang tubig na umaagos pababa mula sa alulod. Malamig. Malinaw. Sana hindi na tumigil ang buhos ng ulan.

Lagi kong naaalala ang bukid sa likuran ng bahay namin. Malawak yun at meron ding mga palaisdaan ang lolo ko. Masarap mamingwit ng dalag, hito at tilapya doon kahit di ko hilig kumain ng mga yan. Daig ko pa ang pakiramdam ng nakahuli ng sirena kapag may kumagat sa pain ko at makipaghilaan dito. At kapag naitaas ko na ang aking pamingwit, buong pagmamayabang ko ipapakita ang aking nahuling isda at ipaparada sa mga kapitbahay namin habang sila ay nagsisipalakpakan at nagbibigay ng mga papuri. Ito rin yung mga panahon na naging bihasa ako sa panghuhuli ng bulate.

Summer vacation. 2 buwan walang pasok ang mga estudyante. Natutuyo ang mga palaisdaan at dito naman kami nagpipicnic at naglulutu-lutuan. Hindi ko naisip na pwedeng umitim ang balat ko ng dahil sa pagbibilad sa arawan. meron na bang sunblock noon? O whitening lotion? Wala na akong pakialam dun basta ang importante masaya kami kapag nasa labas ng bahay. Naalala ko lang..ang bano ko pala magpalipad ng saranggola noon, laging sumasampid sa puno o kawad ng kuryente. Nasira ang mga pangarap kong maging isang piloto.

Isang uri lang ng bituin ang alam ko noon. Yung nagkikislapan sa gabi na parang christmas lights na iisa ang kulay. Kapag hindi ako makatulog, lumalabas ako ng bahay at humihiga na lang sa damuhan at pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan…napakarami pang bituin noon di gaya ngyon na parang pinitas na lahat ng mga artista. Kinuha na nila ang mega star, ang superstar, ang star for all seasons, pati ang diamond star, ang aking pangarap na bituin, ang bituing walang ningning, ultimo ang pinapantasya kong bold star, porn star, sexy star at kahit yung mga up and coming starlets wala na! Sayang lang din ang mga bituin na nagsisilbing pantakip sa utong at keps ng mga kababaihan sa tabloid. Ano na lang ang natitira para sa mga kagaya kong tigang at sabik sa pagmamahal salat sa kayamanan. Umaasa na isang gabi ay makasungkit ng isang bituin na magsisilbing ilaw ng tahanan sa nalalapit na kapaskuhan.

End of daydreaming session –

Nagpapasalamat ako sa pamunuan ng video city dahil sa pagbebenta nila ng murang mga vcd. Bagsak presyo ang mga bala ng pelikula sa promo nilang 4 for 100. hindi rental promo yan..pwede mo na iuwi at paulit ulit na panoorin ang pelikulang nais mo kahit pa sabihin nating luma na ito at previously owned (malinaw pa rin naman). Kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Namili ako ng apat at agad ko itong binayaran sa cashier. Pagkauwi ko ng bahay..

Mrs. Gasti: bumili ka na naman ng bala?! Ano yang mga pelikula na yan patingin nga.
Gasti: ahh uu mura kasi eh apat isandaan lang.
Mrs. Gasti: at bumili ka pa talaga ng Silip ah! Bastos ka talaga…bold yan eh!
Gasti: ha?! Bastos ba yan? Di ko alam eh! Ipapalabas ba sa sinehan yan kung bastos?
Mrs. Gasti: muntik na nga hindi ipalabas ng SM yan dahil sa kalaswaan.
Gasti: pero naipalabas pa rin dahil napatunayan na educational ang pelikula at kapupulutan ng aral ng mga manonood..box office hit din yan baka akala mo.
Mrs. Gasti: magtigil ka! isusumbong kita kay Mama.
Gasti: ok fine. (sabay dampot ng vcd at isinilid sa loob ng bag)

Kinabukasan habang nagtutuklap ako ng sticker na nakadikit sa sasakyan..

Mrs. Gasti: Hoy gasti! Nagtago ka pa pala ng isang vcd dito ah! Sige sabihin mo sakin kung anong mapapala mo kapag pinanood itong Xerex ni Aubrey Miles…

Mga Puna»

1. batangmarina - Setyembre 16, 2008

ahahahaha…

nagagawa nga naman ng walang SL… (Sick Leave)

2. BADoy - Setyembre 16, 2008

kawawa ka naman;… mabuhay mga under! hehehe!

gasti: di masarap pag lagi kang nasa ibabaw dapat magpa-under ka rin minsan.

3. xienahgirl@yahoo.com - Setyembre 17, 2008

may damuhan pa pala
sa panahon ngayon?
hahahaha

ekasi naman
ang tagal na nito ah?
sus🙂

gasti: marami pa namang damuhan sa probinsya..hehe! meron din dito samin kaya lang talahiban naman..masakit na sa balat yun pag hinigaan.

4. karmi - Setyembre 17, 2008

magbago ka na tol.😛 hehehe

pero napanood ko ung Prosti ni Aubrey Miles. sa sinehan ha.🙂 artistic. hehehe.. ^^,

gasti: hmm..parang hindi ko yata napanood yan ah! haha! magbago daw..sus! tangkilikin natin ang pelikulang sariling atin! artistic naman lahat yan.

5. Jeck - Setyembre 17, 2008

pahiram ako ng vcd mong Silip. mukhang mahirap na makahanap ng magandang kopya nyan eh. haha
at Gasti talaga ang tawag sa iyo ng asawa mo ah? hahahahaha!

gasti: haha! nagkakaubusan na nga ng kopya eh..syempre gasti ang tawag sakin ni misis dito sa blog! lols!

6. ellieshe - Setyembre 17, 2008

mgandang magpalipad ng saranggola sa bundok na walang gaanong puno..dati papataaasin muna ng kapatid ko yung saranggola ko, pag nasa taas na saka ko hahawakan..Oh diba ang galing ko? ahahaha..sarap maging bata..🙂

gasti: haha! gawain ko rin yan dati kapag sumampid na yung saranggola ko..nakikihawak na lang ako sa pinapalipad ng mga pinsan ko.

7. popoy - Setyembre 17, 2008

gasti, ano yung martiniko? ganyan din sa amin dati.

may hanging bridge din, ang saya nun. naalala ko pa yun g tinatawag naming bukid, dun kami naghahabulan at naghuhubaran. may isang puno pa dun, tawag namin sa bunga sipsip utong este sipsip kalabaw. masarap yung bunga, pag uwi nmin yun bumula bibig ko.lols.

sana sa pagbago ng panahon at pagunlad nito, may matira pa ring mga damuhan at mga bakanteng parang kung san pede kang humiga at tumingin sa mga bituin sa langit, kasi yung mga natitirang damuhan ngayon ginagawa na ding motel, GET A ROOM, all you PERVS!!!(para sa mga manyak)lols

napanuod ko din ang PROSTI, yung nagseks sa kabinet sila ni jay manalo? galing nun no?lols

gasti: hmm..makati kaya sa damuhan tapos pagulong gulong pa kayo dun baka ang mangyari eh magkamutan lang kayo. haha!
yung martiniko isda rin yun na malaki ang tinik sa likuran. mukhang pitbull ang ulo.
ayun! napanood ko rin pala yang prosti. naalala ko lang nung sinabi mo yung part na nagsex sa loob ng kabinet… astig nga yun kasi patago. haha!

8. apollo - Setyembre 17, 2008

tsk.. parang sa MTRCB pala si mrs gasti. gayahin mo na lang pre yung dahilan ng mga producer: it’s for art’s sake. hehe!

gasti: mahilig naman talaga ako sa arts. pwera lang sa maarts kasi naaalibadbaran ako.
dapat tangkilikin natin ang sariling atin. hindi naman siguro hahayaang magbold ang mga pangit diba? walang manonood nun.

9. FerBert - Setyembre 18, 2008

seryoso hindi ko alam yung silip na pelikula?
yan ba yung kay diana?

gusto ko yung daydreaming ek ek mo.. gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata at maging birhen ulit.. ahihihi

gasti: nag iwan na nga ako ng link ng silip eh. yup si diana nga ang isa sa mga bida dun.
uhmm bata ka pa naman eh! ako nga sa puso’t isipan ko ay walang dudang intact pa rin ang virginity ko.

10. mang BADoy - Setyembre 18, 2008

bossing paki check tong site ko binoto kita sa project lafftrip…

http://talambuhay.wordpress.com/2008/09/18/limang-kupal-sa-blog-o-sphere

gasti: haha! taragis na title yan..salamat sa pagboto ah! buti nakaabot ka pa.

11. lilmiz - Setyembre 18, 2008

haha nahuli ka pa.. sana sinabi mo na lang na gusto mo yung story kaya binili mo ahaha.. pero ha, yung mga ganyang pelikula, patok sa mga film festival sa labas.. weird ehehe

gasti: eh di parang patong na patong na kaso na ang pwede isampa sakin na may kinalaman sa pagsisinungaling. ayos lang yun nabili ko na eh🙂

12. mhar - Setyembre 19, 2008

wahahaha… gusto ko yong part sa bituin! hahahaha..panalo! haha….

13. Jake The Miserable - Setyembre 19, 2008

Old-school, p’re. Tampisaw sa ulan kasama ang buong tropa!

Baka may mini-“mud wrestling” din kayo du’n ah.

Minsan gusto kong magpunta sa video rentals na ‘yan kung meron pa silang mga old-school bold flicks. ‘Yung tipong halos hard-to-find na 90s movie. Nakakita ka ba ng “Sutla” duon? ‘Yun daw ang pinaka-bold sa lahat ng bold e. Porn na daw halos.

gasti: wala naman ako naalalang mud wrestling..alam ko eh lahat ng video city branches may ganung promo try mo minsan pumunta. tyagaan lang ng paghalungkat ng mga dugyuting vcd. yung “Sutla” wala ako nakita sa mga pinuntahan ko saka hindi ko rin yata napanood yan.
welcome back pala! hehe! ngyon lang ulit kita nakita dito..

14. Maldito - Setyembre 20, 2008

sa wakas naka post na din ako sa idol ko..ahahhaa…

sori na kung ngayun lang ako naka time out sa work..ampotah kasi, slavery at its finest talaga dito…24 hrs a day 7 times a week ako..musta naman?lols..parang obligasyon talaga ang pag basa..ahahaa

anyway,,,gusto ko din ang line up ng stars mo….pero nakalimutan mo….meron pa ding star wars..ahaha..korni ko? Ok…i shut up nao?

oo,,,maraming mura ngayun sa video city/.bumili din nga ako..yung mga fave ko lang na movies dahil dadating ang araw magiging vintage sila atleast may collection naman ako ng superheroes vcds…

yeah boi! out na ako..lols.

gasti: baka kulang ka na sa dugo pards..pero magandang senyales yang nakakapag comment ka ulit mukhang nasa katinuan ka pa naman. hehe!
sangkatutak na nga yung vcd namin sa bahay kasi yung utol ko adik rin mamili. kinumpleto na nga rin nya ang star wars at godfather saga eh. tantya ko yung mga bold flick nung 90’s eh magiging rare at collectors item na rin kaya bumili ako. lols!

15. pedronggwapo - Setyembre 22, 2008

napaka-sweet talaga ni mrs. gasti. hahaha. kelan kaya ako magkakaroon ng mrs. pedro? pag nagkataon susungalngalin ko bunganga nun pag araw araw ang tatalakan hahahaha. pero baka hindi rin. takot ko lang.

gasti: hahaha! siguro pag nakakita ka na ng permanenteng gelps. galingan mo pagpili pards!

16. antuken - Setyembre 22, 2008

ahahaha. eh ang chaka kaya ng mga bold films ng pinoy (yung iilang napanood ko ha). halatang fake. ay… i-erase pala ang comment ko. ano ba… di ako nanonood ng bold. hihihi.

ansarap alalahanin ng kabataan ano? kami nung mga bata, ang trabaho mag-saranggola din. maghabulan sa parang. mag-laro sa gabi na ang ilaw ay mga bituin ng langit. naks. hehe.

gasti: hehe! fake yung pag ungol? sabagay kasi hindi naman aktwal na pinapasok eh pero yung iba ayos lang..napakababaw lang talaga ng storyline..kaya kadalasan puro fast forward at rewind ginagawa ko. lols!
masarap talaga maging bata. sa edad natin kasi ngyon..tayo na ang gumagawa ng bata eh! (pero ok din yun)

17. anakngpiso - Setyembre 22, 2008

ahaha.. natandaan ko nung first time kung manood ng x rated film.. ayun na ata ang first and last kasi nahuli ako ng kuya ko.. nyahahahaha…cheers!!! glesy the great;p

gasti: haha! bakit naman kasi hindi ka nag ingat..beginner kasi. try mo ulit wag kang susuko!!

18. icka - Setyembre 24, 2008

natawa namn ako, pupuslit ka pa ha, dapat kc pagkabili mo pa lang pumunta ka sa cr, tas pinalitan mo ng front poster, ilagay mo shrek ganon, di sila magtataka. haha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: