jump to navigation

invisible passengers Setyembre 24, 2008

Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments.
trackback

Minsan talaga may mga pagkakataong hindi natin kayang kontrolin. Gaya na lang nitong pagtigas ng kwan sa umaga. Ganun talaga kapag malaki na, meron ng sariling pag iisip. Natuto ng tumayo mag isa. Matikas at hindi basta basta umuurong sa mga babaeng gustong sumubok sa iyong katapatan.

Just enjoy the moment until it lasts. In short, maging mapagsamantala. Baka isang araw magulat ka na lang na wala ka na palang kinabukasan dahil pinutulan ka na ng lover mo dahil nahuli kang nangalunya. O di kaya ay nahawaan ka ng STD ng naano mo nung isang gabi..dahil dyan ay ayaw mo ng umihi dahil paniguradong mapapamura ka sa sakit na dadanasin mo at ang masaklap pa dun ay magiging tampulan ka ng tukso ng mga kabarkada mo. Minsan nga naisip ko eh mas maigi pa pala magka AIDS kasi pag nagkaron ka nun eh kakaawaan ka..pandidirihan rin pero di gaya ng pag sinabing may tulo ka na parang pag kinuwento mo sa ibang tao ay binigyan mo na rin sila ng karapatan na pagtawanan ka. Pero syempre parehong sakit yan kaya ayoko pa rin mahawaan.

Uso pa rin pala ang PDA ngyon sa pinas? Hindi kantahan ang tinutukoy ko rito ah kundi tukaan. Alam ko namang may kapalmuks pa rin na magrereak dyan ng “mind ur own business” pero sandali lang kaibigan. Hindi yata nalalaman ng magsing irog na ito na kasabay nila sa pampublikong sasakyan ang “that’s my boylet” ng marikina city. Ang nag iisang tulisan ng blogosphere..ang taong kilala sa pagiging pabling na loyal sa kanyang misis. Bumabayo kahit hindi ganado. Walang iba kundi ako! Teh Gasti! You read it right..(te-gas-ti) once is never enough…

Maulan na naman dahil sa bagyong Nina. Malamig ang kapaligiran. Sabayan pa ng malamig na buga ng aircon sa katawan mo at paniguradong magtatayuan ang lahat ng balahibo at kwando kwando sa kagubatan. Maya maya pa, biglang may pumasok na magsyota. Pamilyar ang mukha ni babae dahil maaring naksabay ko na sya noon pero mag isa lang. tahimik at laging tulog sa byahe. Pero hindi sa mga pagkakataong ito na kasama nya ang bf nya na babansagan nating si Ben Tisoy (maputi sya infairness). Wala naman sanang kakaiba sa pagkain nila ng burger at paghigop ng softdrinks pero ang hindi ko maintindihan eh sa tuwing maglalapit ang mukha nila ay otomatik na umuusli ang kanilang mga nguso at maghalikan. Napansin ko rin na pareho silang may nunal sa ibabaw ng kanilang labi. Yung lalaki sa may bandang kanan at si babae naman ay sa may kaliwa. Hmmm..san ko nga ba nasagap yung tsismis na kissable ang lips kapag may nunal..siguro nga may katotohanan yun. Baka sa tuwing nakikita nila ang nunal ng bawat isa ay para silang hinihikayat na maglaplapan. Hmmm..

Lumiwanag ang mga mata ko. Lumakas ang pandinig ko. At binuksan ko ang aking pakiramdam bilang paghahanda sa mga susunod na mangyayari. Patuloy pa rin sila sa kanilang nakaugalian. Pinagmasdan ko ang iba pang pasahero. Parang hindi nila napapansin ang ngyayaring tukaan sa loob ng sasakyan. Mga walang muwang dahil pinili nilang matulog na lang sa byahe. Ganun din naman ang plano ko kundi lang sumakay ang magsyotang nasa harapan ko. Hindi ko pwedeng palagpasin ang mga eksenang gaya nito dahil bihira makapanood ng live show ngyon at puro na lang vidclips na kuha sa celfon ang nauuso.

30 minuto ang nakalipas at wala pa ring patid ang tukaan nila na may sound epeks na „tsup!” mga ilang beses rin akong nahuli ni babae na tumitingin habang nagtutukaan sila ni Ben Tisoy pero keber ang hitad. Wala na syang pakialam kung ano ang iisipin ko at kung ano ang kaya kong gawin sa mga oras na iyon. Marahil hindi na nila alintana kung ibaba ko ang zipper ng pantalon ko at makipagkamustahan sa kanila ang kargada ko. At sa saliw ng awitin ng MYMP naging kapana-panabik ang bawat eksena.

Let ’em say we’re crazy, don’t care ’bout that
Put your hand in my hand baby, don’t ever look back
Let the world around us just fall apart
Baby, we can make it if we’re heart to heart

And we can build this dream together, standing strong forever
Nothing’s gonna stop us now
And if this world runs out of lovers, we’ll still have each other
Nothing’s gonna stop us, nothing’s gonna stop us now
Woooh woooh ohhh ♫

Pagkarating sa bandang Katipunan, naisip kong bilangin ang bawat paghalik nila sa labi. Tahimik lang ako sa isang tabi na nagbibilang. Samakatuwid naging scorer ang labas ko. Mabilis ang mga pangyayari at wala sa eksaherasyong nakalimampung beses sila nagtukaan bago ako nakababa. Hindi pa kasama roon ang halik sa noo, sa pisngi, sa ilong, sa likod ng tenga, sa leeg at sa kamay. Siguro nga kung simula pa lang ng byahe ako nag umpisa magbilang eh aabutin yun ng 90+ na beses at hindi pa sila nakakababa ng sasakyan nun dahil mas malapit ang inuwian ko. At narinig ko rin na mag opismate rin ang mga iyon. Ayoko ng isipin kung ano naman ang nagagawa nilang trabaho pag magkasama pa sila sa opisina. Walang himala! Pero nakatitiyak akong may milagro.

Ikaw babae kung sakaling mapadaan ka dito sa blog ko at aminado ka naman sa sarili mo na ikaw yang tinutukoy ko rito. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako tinigasan sa napanood ko. Walang dating sakin ang makapal mong nguso na malaki ang pagkakahawig nung kay Zoraida. At ikaw naman Ben Tisoy, hindi ko alam kung pinaglihi ka sa kuhol dahil ibang klase ka makasipsip talagang matunog. Siguro nga kung may ubo yung gf mo eh nahigop mo na lahat ng plema nya sa katawan. Maalaga ka rin pala kahit papano.

Ang pinanghihinayangan ko lang ay wala man lang ngyaring kapaan at dukutan. Hindi ko rin kayo nakuhanan ng picture para sana naibalandra ko mga pagmumukha nyo rito. At higit sa lahat, sana ay nagpakawala ako ng pagkabaho bahong utot para nakaganti man lang ako sa pang iinggit nyo. letse!

Mga Puna»

1. rio - Setyembre 24, 2008

ang dami nagkalat na mag bbf na nag P-PDA..bakit ba naman kasi hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili?? paano kaya kung biglang sumakay din ang magulang ni babae sa jeep na sinasakyan nila? yari sila..hehe

gasti: ayun na nga ang masaklap dun kapag may nakasabay silang nakakakilala sa kanila. pag nasosobrahan kasi hindi na talaga maganda tingnan. hindi marunong magmuscle control tong mga ganito.

2. Solid Liquid Gas Plasma Matter - Setyembre 24, 2008

PDA? ano yun?

oo nga pala, pwede bang medyo pang “newer” generation ng konti ang mga terms? hahaha joke😀

gasti: naku mervs..lumabas ka nga dyan sa hawla mo ng makasalamuha mo naman ang ibang tao sa paligid. napakasimple na nga lang ng terms na ginamit ko para maintindihan ng kahit na grade 1 pupil. saka nga pala hindi ka na kabilang sa new generation dahil hindi naman nagkakalayo edad natin sa totoo lang.

3. mangbadoy - Setyembre 24, 2008

galit na galit ka bossing siguro ganyan ka rin nung kabataan mo? hheeheh!! maingay lang siguro sila. pabayaan na natin sila dahil in-lab sila panoorin na lang natin para maka libre sa live show..

gasti: correction..kaedaran ko lang naman yung nakita kong naglalaplapan sa sasakyan. at hindi sila pasimple kundi garapalan talaga at lantaran…hindi talaga kaaya aya sa paningin.
at isa pa pala hindi ako nakikipaghalikan sa pampublikong lugar kahit noon pa dahil naaasiwa ako. pero kung closed door lang naman ang usapan, wala akong inuurungan.

4. xG - Setyembre 25, 2008

kung may boyps ako?
gusto ko lagi ako hinahalikan
ewan ko kung ako lang ah?
pero yun ang gusto ko
hahahaha

malambing kasi ako🙂

gasti: sana magkaboyps ka na noh? hehe! malambing ka pala eh! swerte na din maging boyps mo. dun na lang kayo sa medyo tago gumawa ng scandals.

5. jeck - Setyembre 25, 2008

hindi ka tinigasan pero nainggit ka! hahaha. nakow, sana hindi mo kami makasabay sa bus. pero hindi naman ako ganyan kasulasok sa laman no. mga limang halik lang ang nagagawa ko bago bumaba at smack smack lang. ahihihi

gasti: kung dun sa babaeng bisugo lang naman, wag na. di naman nakaka-arouse yun. ewan ko jeck malabo naman tayo magkasabay kasi hindi ako sumasakay na ng bus tapos iba pa byahe nyo. pero kung sakaling matyempuhan kita, asahan mong gagawan din kita ng entry na may kasamang picture. haha!

6. har har - Setyembre 25, 2008

WOW!! observant..🙂
hehe. naalala q tuloy ung sabi nung prof nmin nung college..
pag pasok tlaga nya nikwento agad ung nkita nya pag-uwi daw nya the other day.
kiss to the highest level daw taz parang ahas mkalingkis.. hehe
sobrang conservative p nmn nun kahit may asawa at anak na.
taz nipangaralan nya kami.. un daw ang 1 pagkakaiba ng tao s mga hayop.. ung hayop daw kahit saan nglo-lovemaking or kiss, ung tao may delikadesa, s private place dapat ginagawa.. para daw binaba n ung level s hayop pag nigawa un in public. NAKS!

gasti: tama naman yung prof mo kasi nga nasa pilipinas tayo. siguro kung sa ibang bansa di sila papakialaman, iba dito dahil nagkalat ang moralista at konserbatibo.

7. apollo - Setyembre 25, 2008

…“that’s my boylet” ng marikina city. Ang nag iisang tulisan ng blogosphere..ang taong kilala sa pagiging pabling na loyal sa kanyang misis. Bumabayo kahit hindi ganado. Walang iba kundi ako! Teh Gasti! You read it right..(te-gas-ti) once is never enough…

idol!

8. JOICE - Setyembre 25, 2008

gasti!!!!!!!!

naalala mo ba ako? langya, ang tagal kong nawala dito, wala ka pa din pinagbago! haha, pinapatawa mo pa din ako! hahaha ;))

nakow sakto, kanina may nakita din akong ganyan sa may fastfood na kinainan ko. umuulan kase ng malakas kaya naisipan kong magchill muna dun, mag 6:30pm. tapos may magjowa na umupo sa couch sa harapan ko. abay, habang naghihintay ng order ay biglang hinalikan ni bf si gf. yumakap si gf kay bf. nagbulungan habang parang kinikilig. tapos nakailang ulit pa silang nagkiss. bwahahaha.

ayun, sayang kung nag-stay pa ko ng mas matagal baka may nakita pa kong iba. hahaha.

eto yung catch: NASA 30’S NA SIGURO SILA. yun yun eh!

gasti: haha! uu naman joice ikaw pa nga yung nagbigay sakin ng award dati..buti napasyal ka ulit🙂
hanep ah fast food na quickie pa. yung iba talaga nawawala yung hiya kapag tinamaan ng libog. siguro pangit din yung mga bida sa palabas kaya di mo na tinapos ang panonood.

9. Maldito - Setyembre 26, 2008

nakakamatay ang inggit..sabi nga nila..totoo pala..

bagyong nina? good luck…ilang days na daw maulan duyan sa lugar niyo..

wag na kasing maingit it…sana sinapak mo nalang ang babae…wala siyang modo..ang babaeng tao manyakis..

ahhahaa…

gasti: ginusto ko talagang tapalan ng packaging tape ang mga nguso nila. pero mas maigi sana kung napicture-an ko eh

10. karmi - Setyembre 26, 2008

*nyahaha. nawala ung comment ko. di ko na maalala ung nilagay ko knina. ang haba pa naman nun. :P*

hmmm, di kaya c fiesta yang nakasabay mo? LOL. hehehe. teka, baka mabasa nya tong blog mo ha.. sorry na.😀

dapat talaga nilulugar yan eh. pwede namang PDA, private display of affection. ok ba un? ok. korny.

gasti: wala naman ako nakita kahit sa spam comments..baka nag error. wala na rin ako balita kay fiesta eh haha! pero paniguradong di sya yun.private display? hmm..tapos kukuhanan ng video.🙂

11. Yummy Dingding - Setyembre 27, 2008

Hay naku pabayaan mo sila LOL, baka naman naiinggit ka lang LOL.

Basta ako no to PDA, naniniwala ako na di mo naman kailangang ipagkalandakan sa buong universe na MAG SYOTA KAMI KAYA IKIKISS KO SIYA PAKIALAM NIYO, INGGIT KAYO LOL?

Sapat na sa akin yung holding hands at hawak kamay just to show some sweetness. Pero yung ganun, alam naman nating iba iba ang takbo ng utak ng mga tao. Respeto na rin siguro sa babae dude.

gasti: eh hindi nga kanais nais yung itsura ng babae pano ko maiinggit? ayun nga eh wala kasi silang pakialam sa paligid basta nasatisfy nila yung mga nguso ng bwat isa ayos na sa kanila.
holding hands at hawak kamay? hmmm..pareho lang yun ah! haha! ewan ko pero sa nakita ko parang yung babae rin ang sabik mahalikan eh!

12. McRey - Setyembre 27, 2008

Naku maraming ganyan sa FX… ang kapal ng mukha…

Kaya nga pagnaghahalikan sila ganito ang ginagawa ko:

1. Tumatawa
2. Magtatakip ng mukha sa harapan nila para maconscious…

Hindi ko pa naman alam ang gagawin ko kung matatawa ako o malalaswahan sa ginagawa nila… with matching kapaan pa yun ….

Ang lilibog ng tao hindi na lang gawin sa sleeping quarters para mas private at walang inggitan!

Ahahaha

gasti: siguro mas lamang yung malalaswaan o malilibugan ka (kung de-kalidad yung babae na bihira mangyari) siguro wala na silang oras para magtago kaya wala silang sinasayang na mga sandali at kahit habang nasa byahe ay sinasamantala na nila ang pagkakataon.

13. McRey - Setyembre 27, 2008

Bakit nawala ang comment ko?!

HTTP ERROR 500?!

Shet anu yun…

gasti: di ko rin alam eh pero narecover ko na yung comment mo.

14. akosimakoy - Setyembre 29, 2008

ui me TAG ako sa iyo!

gasti: ok sige silipin ko muna.

15. Wacky - Setyembre 30, 2008

hehe… pagbinabasa ko mga post mo tulad nito… hindi ko maiwasang matawa…… natural kase… hehehe…. oo naranasan ko na rin yang PDA na yan…. kaya minsan pag may lantaran ng ganyan… pasimple na lang akong aalis….. hehehe. nakaka-inggit naman talaga…. eh pano ba naman… single pa rin ako. shemay.. hehehe. syet!!!!!

gasti: haha! hindi mo na kinaya kaya umaalis ka? sayang ang palabas! yaan mo next time makakaiskor ka rin.

16. anakngpiso - Oktubre 2, 2008

marami nga talagang ganyan… pag nakakakita ako ng ganyan, tinitingnan ko rin yung mga katabi ko kung nakatingin din sila tulad ko.. tapos pag may nakita din akong mamboboso tulad ko, kukunin ko yung atensyon ng kauri ko at ngingitian ko para a silent way to say “para silang mga tanga noh?”… cheers

gasti: uu nga eh nakakatawa manood ng ibat ibang reaksyon. baka makakilala ka pa ng bagong kaibigan. hehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: