jump to navigation

nababagay na pangalan Setyembre 30, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

May mga taong alanganin. Ito yung mga pagkakataong hindi nababagay sa itsura mo ang ipinangalan sayo ng magulang mo kaya ang ngyayari kadalasan eh binibigyan ka na lang ng alyas ng mga kaibigan o kaopisina mo. Halimbawa sakin, Alyas Pogi pero hindi ko naman sinabing totoo yan..eksampol nga lang eh! Wag ka ng kumontra.

Sangkatutak na kapintasan ang pwedeng ibato sayo kung hindi ka nabiyayaan ng kagwapuhan o kagandahan, dodoble pa ang magiging pang asar sayo kapag pinangalanan ka ng magulang mo na hango sa sikat na personalidad nung kapanahunan nila. Hindi na inisip ng mga yan ang sasapitin ng mga bata pagnagsilakihan sila at hindi naman bumagay sa itsura o pagkatao nila ang kanilang pangalan. Kumbaga hindi na-meet ang expectations ng mapangmatang publiko.

May naging kaklase ako nung hayskul na “Hesus” ang pangalan. Hindi na ako nagtaka nung sinabi nyang Dec. 25 ang bday nya dahil ano pa ang basehan ng magulang nya sa pagbibigay ng ganung klaseng pangalan..magugulat na lang siguro ako kung Joseph at Maria naman ang pangalan ng magulang nya. kilala syang makulit at pasaway na bata sa klase at lagi syang kinagagalitan ng mga guro pati na rin ang ilan sa mga kamag aral namin. Aminado rin ako minsan na minura ko sya at medyo naiilang ako sa ginagawa kong yun dahil nga sa baka may ibang nakarinig na mag akala na galit ako kay Lord. Hindi rin sya tinatawag ng guro namin sa pangalan nya dahil sa simpleng kadahilanan na ayaw nilang makita ang “hesus” na kaakibat sa pasaway kong kaklase kaya ang ngyari tuloy, sa apelyido nyang “renoballes” sya nakilala pero syempre para hindi naman masyado pormalan, tinawag naming syang “Bale” (may impit sa dulo ang pagbigkas). Kung umabot kayo sa kapanahunan ng ineere pa lang ang Okay Ka Fairy Ko. Alam nyong sumikat si Jinky Oda sa pangalan na yan at maaasar ka kung ipangalan din sayo yun. Isa pa lalaki yung kaeskwela ko.

Nung sumikat si Angel Locsin, sangkatutak na bagong panganak na babae ang nagkaron ng ganitong pangalan, pati na rin ang mga pangalan ng karakter sa isang teleserye ay nauuso na rin pagkuhanan ng mga magulang. Kung ikaw ang nilalang na may pangalang Marimar, Maria Mercedes, Maria Ozawa, Lukring, Chuchay, Pinocchio, Zoraida, Logan, Frodo, Sean Kingston, Heihachi, Super Mario o Hulk Hogan matutuwa ka rin kaya? Wala akong nakikitang buti na maidududlot nito sa tao bukod sa makapagbigay ka ng panandaliang aliw sa mga nakakasalamuha mong tao at panghabambuhay na kahihiyan naman para dun sa nagmamay ari ng ganung klaseng pangalan.

Ano nga ba ang basehan ng isang magulang sa pagpapangalan ng anak? May mga magulang na nagbibigay ng pangalan sa mismong araw ng paglabas ng sanggol sa sinapupunan at maghahanap ng kaberdey na sikat na tao at dun na ipaparehas ang pangalan ng bata. Pwede ring kumbinasyon ng pangalan ng magulang. O kaya ng paboritong singer, artista o athlete. At syempre andyan din ang babynames.com para pagpilian. Maraming posibleng pangalan ang maaari mong ibigay pero napakahirap pumili ng isang nararapat at nababagay sa magiging anak mo. Kung yung mga alagang aso o pusa nga eh pinag isipan mo ang itatawag sa kanilang Tagpi at Mingming, pano pa itong galing sa sarili mong katas.

Naalala ko pa noon, hinayaan ko na lang na si misis ang magbigay ng pangalan sa anak naming lalaki dahil sa hindi ako makapili ng kung ano talaga gusto ko. Maliban sa Bruno at Jockey na nabanggit ko pero biro ko lang naman yun. At ang naging resulta ng kaadikan nya sa Korean series na “full house” ang naging pangalan ng anak namin. Hindi full house tangek! Yung pangalan ng karakter ng bidang lalaki. At dahil in ngyon ang 2 pa ang pangalan na hindi ko rin alam kung bakit, sinamahan nya rin ng pangalan galing sa isang neymsungsite na may ibig sabihin na”God is Gracious”. Bagay na bagay para sa isang napakakulit na bata.

Base sa mahiwagang liedetector ultrasound test, girl ang ipinagbubuntis ni misis ngyon at wala rin akong matinong pangalan na maiambag dahil sa tuwing magbibigay ako ng suhestyon ay lagi na lang tatanungin kung bakit yun ang naisipan ko kesyo may pagnanasa ako sa babaeng may ganung pangalan etc. etc. Isa pa, hindi ko rin mapigilan ang ngiti sa mga labi ko pag nag iisip ng mga posibilidad..malas lang kasi sa pagiging matapat ko sa kanya, kadaldalan at sa sarili nyang pagsasaliksik ay hindi na lingid sa kaalaman nya ang mga pangalan ng mga babaeng nakakasalamuha ko. Kaya minabuti ko na lang na sang ayunan ang pangalang napupusuan nya. Basta wag naman yung mga pangalan na kalimitan din ginagamit ng mga bakla kapag gusto nila magpacute.

Sa tingin mo ba nababagay ang pangalan mo sa itsura o pagkatao mo? Nasa nagdadala lang yan. Ikaw rin mismo ang maaaring humubog ng iyong pagkakakilanlan sa publiko. Kung maganda o pangit ang pagkakakilala sa pangalang hawak mo ngyon ay dahil na rin sa iyong kagagawan. Wag mo sisihin ang mga taong matagal ng patay.

Bininyagan ko ang sarili ko dito sa internet sa pangalang ”Nelo” sa simpleng kadahilanan na isip bata ako noon at naadik sa cartoonseries na ”a dog of flaunders” (hindi pa rin ako nakakarekober sa pagkamatay nya). Pero nung inumpisahan kong magtago at gumawa ng imbisibol blog na kinahihimlayan ko hanggang sa mga sandaling ito ay nagpalit na rin ako ng pangalan. Ito na ako ngyon..si Gasti. Kung nakilala nyo ako bilang isang blogger na bastos, adik, luku-luko, ander sa asawa, malandi, payatot, gwapo, sinungaling, wholesome, nakakatawa, nakamamatay, nakakalibog, nakakabakla, nakakabasa, nakakapagpalaglag ng panty o anupaman yan..kuntento na ako dun dahil ginusto ko yun. Ibig sabihin, naipahatid ko sa inyo ng wasto ang mensaheng nilalaman ng mga entries ko. Kung ayaw mo naman sakin, mas lalong ayaw ko sayo kaya..wag ka na!

p.s. congrats nga pala sa mga 10 lucky winners ng Project Lafftrip Laffapalooza kabilang na syempre ang mga kaibigan natin dyan na si Maldito, Ferbert, Mariano, Maru at ang numero unong chiksilogdotcom ni Xiena. Isang matunog na halik at mahigpit na yakap sa inyong lahat.

Mga Puna»

1. xG - Setyembre 30, 2008

mali spelling
NA NAMAN!
hahahaha

mwa mwa
salamat sa pabati🙂

gasti: haha! nakopya ko pala yung napanood ko sa video ni umleo23. ayan in-edit ko na🙂

2. umleo23 - Setyembre 30, 2008

HOYYYY!!! INAYUS KO NA HA!!!!😦
ampness! wahahahahahaha Dbale x|G, isa ka namang chick talaga eh! MWUAH MWUAH!!!

gasti: hehe! buti naman kasi baka maraming maligaw. xg is the man! yebah!

3. ka bute - Setyembre 30, 2008

hahaha.. tawa ako ng tawa dito. dami ko din kasi naisip n pangalan. heehhe

gasti: marami pa talagang nakakatawang pangalan sa Pilipinas. lalo na yung mga kaapelyido pa ng mga sikat na personalidad.

4. apollo - Setyembre 30, 2008

kung gusto mo ring maging sikat na pulitiko ang anak mo, dapat yung madaling matandaan na name. kaya mahihirapan daw akong manalo sa election. yan ang personal sa sabi sa akin ni ex-comelec chairman benjamin abalos.

gasti: ayoko sumabak sya sa pulitika. magulo dun saka wala akong kahilig hilig dyan kaya sa ibang career na lang siguro. at talagang close kayo ni abalos? hehe! magconcentrate ka na lang dyan sa career mo sa IT industry pards!

5. Maldito - Oktubre 1, 2008

salamat sa very hot napagcongratulate sakin parekoi..ahe he he…ako po ay nagpapasalamat sa inyu bossing dahil sa tiwala, sa strenght at sa taos puso niyong pagmamahal sakin..

at indi ba naman pangshowbiez yang katangang yan no?ahjahaha.potah…o siya dahil gusto ko personalize ang pag thank you ko..sasabihin ko sa inyu..

pakyo all!!ahahaha..

salamat talaga sober!!lols…

pangalan ko ay nangaling sa isang english word meaning “Hill”..

wala naman akong boobs..ahaha.pero okey lang…..basta wag lang lagyan ng JR masaya na ako..

at isa pa…..indi man masyadong maganda ang pangalan ko..

malaki naman ang ano ko..ahahha…esep…esep.

gasti: haha! potah personalize pa amp! dayunyor? yoko rin nun kasi walang originality. ayos naman ang name mo eh pwedeng screen name sa porn. lols! o sya malaki na kung malaki basta ang importante eh magpainom ka! wag ka makakalimot..

6. anakngpiso - Oktubre 1, 2008

nyahaha.. nanonood din ako noon ng dog of flaunders.. parang ang sarap nung gatas dun… syadong lungkot ng story kaasar, kala ko tutulungan siya ni phillip (oha, kabisado ko pa yung characters)…

glesy ang name ko.. feeling ko kahit kanino naman babagay ung name ko eh, kahit sa alaga nyong isda, palaka, pabo o daga… kahit sa pangalan ng dyosa o pamalit kay bakekang.. bagay naman kahit kanino…

nyahaha.. di ka na pala pwedeng pumalag sa asawa mo kilala na pala mga naging babae mo eh… minsan talaga it pays na magsinungaling ka.. cheers!!!!

gasti: masarap talaga ang gatas lalo na kung galing sa isang primera klaseng babae…na baka.
uhhmm..gusto ko lang sabihin na alam nya lahat para hindi na sya nagtatanong pa. ahaha! joke!

7. chyng - Oktubre 1, 2008

same experience, i had a classmate named Jesus too, at di cia masigawan ng teacher ko nung grade3 kahit gano cia kaharot! hehe

gasti: hehe! malamang may nickname din yan. parang makukulit ata talaga mga taong pinanganak ng pasko.

8. alasais - Oktubre 3, 2008

http://alasais.wordpress.com/o-dyip/

Magugustuhan mo ito

Tem-i

gasti: sige nga patingin.

9. Maldito - Oktubre 3, 2008

oo bosssing..indi ako makakalimot ng mga pangako ko sa mga ginoong wordpress dito..promise….malapit nang matapos ang year…june na!!yahoo!!!

salamat……he he he…ang taas ng hits ko ngayun dahil sa pacontest..ahaha…gusto ko sana ibigay ang shirt sayu…

kaya lang….wala lang……susuutin ko muna bago ibigay sau..aahahha…joke..

pangako..indi lalaki..indi lalaki ang ulo ko!!

gasti: sige aabangan ko yan. secret lang natin para hindi dumugin ng mga fans. ahehe!
yung shirt na napanalunan mo? sayo na yan pards remembrance mo yan dito sa blogosphere. deserving ka naman manalo eh. pero malamang magkasize tayo kaya kasya rin sakin yan..haha! pero wag na. itabi mo na lang sayo o kaya bigay mo kay princess fiona. hehe! matutuwa yun.
pag lumaki ang ulo mo, mongoloid ka!

10. lyzius - Oktubre 4, 2008

yung asawa ng pinsan ko ang pangalan eh Teresito Base The Third…

lagi ko inaasar kung wala na bang ibang maisip na pangalan ang mga magulang nya at umabot pa sa the third… eh hindi rin naman kagandahan ang pers name…

pero ang sagot nya sa akin, mas okay na raw yun kesa ang pangalan mo naman ay Harley tas kamukha mo si Onyok… Wag na lang daw..

gasti: hehe! kaya ayoko ng may kapangalan eh kasi wala ng originality tapos parang hindi pinag isipan. may klasmeyt din ako nung hayskul “Benedicto the Fifth” naman. parang legacy na talaga.

11. YUMMY R DINGDING - Oktubre 5, 2008

hahaha ako kaya bagay ba sa akin ang aking pangalan na YUMMY DINGDING?

Hahahaha…. Ano sa palagay mo Gasti?

gasti: bakit nga pala yan ang napili mo na alias? bagay rin naman kasi tunog bata🙂

12. antuken - Oktubre 6, 2008

ako naman may classmate nung elementary pare-pareho sila ng name magkakapatid. nagkaiba lang sa second name.

san nga ba nakuha ang name ko. dun daw sa ninang ko. na actually di rin nya name. nickname lang nya.

yung alias ko naman dito, eh term of endearment namin ni hubby yan. pareho kse kaming antuken eh. hehehe.

gasti: ahhh ginawang name mo yung nickname ng ninang mo. very unique. ahehe!
mga antuken pala kayo..pero siguro naman kapag nasa mood eh wala ng tulugan yan!🙂

13. madbong - Oktubre 7, 2008

bro siryusli, nung nagtrabaho pa ako sa pag-ibig fund ay meron akong naging kliyente na ‘hitler’ ang first name.

gasti: parang bagay lang sa asong mabangis yang pangalan na yan. ansagwa siguro kung bakla pa yung nagmamay ari ng pangalan. hehe!

14. mangbadoy - Oktubre 7, 2008

congrats!!!! ninong ba kaming lahat dyan? penge naman, akin yung orange a…

gasti: haha! baliw! hindi pusa ito para magkaron ng kulay orange!!!
wala pa nga akong napipisil na magninong. bahala na.

15. mangbadoy - Oktubre 7, 2008

ito pala ang site ko: http://mangbadoy.wordpress.com/

pinalitan ko na yung luma… thanks! muahhugs!

gasti: hehe! in-update ko na ang link mo. di ka naman mahirap hanapin kasi wordpress din pala. kala ko nga bumili ka na ng domain.

16. yummy dingding - Oktubre 7, 2008

ano ka real name ko yan no joke…. Ewan ko ba sa tatay ko. Kala nga nila Online Identity ko lang eh… Pero marami na rin nakakaalam na pangalan ko yan.😄

dati kasi ako si Kurose tinatamad ako gamitin yung pangalan yun kaya ginamit ko real name ko! Mas rock!😄

gasti: napakalupit naman pala magpangalan ng tatay mo. ibang klase! haha! cguro chatter sya noon. ayos yan kesa sa kurose tunog anime eh.

17. Jhaynee - Oktubre 12, 2008

ansaya naman!! madadagdagan ang mga anghel mo.. congrats sa inyo ni misis gasti…

sabihin mo, ipangalan Shayne dahil beauty daw ang ibig sabihin ng pangalang yun… unless hindi kayo confident na magiging maganda ang anak niyo, which i doubt, huwag na lang.. hehehe…

yahoo!!

hehehe…

gasti: tenks! hindi ako naniniwala sa mga beauty na name..lalo na yang shayne..may kakilala kasi ako boksingero si shane mosley. busangol mukha nun eh.

18. mistress - Oktubre 26, 2008

kung kaberthdey na celebrity ang pinangalan ng nanay ko eh di sana “POPS” na rin ang tawag sakin ngayon. At muntikan na ring maging FLORDELUNA ang ipangalan sakin ng nanay ko dahil favorite niya yung TV show ni janice de belen noong 80’s. buti na lang nahimasmasan sila at nagbago ng isip.

kakatuwa blog mo. nag-eenjoy talaga ako magbasa ng iyong posts.

gasti: buti naman at nahimasmasan ang nanay mo. nagustuhan mo ba naman ang name mo ngyon? saka bakit ganyan ang blogname mo parang ano eh..totoo ba yan?
salamat nga pala sa pagbisita🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: