jump to navigation

commentators Oktubre 9, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
Tags: , , ,
trackback

Oo na. medyo matagal na akong hindi nakapag update. Masyado kasi akong nawili sa kakalaro ng ano ko. Saka ng psp. Masaya naman magsarili paminsan minsan..mas ok na rin to kesa mang rape o kaya pumatay ng tao para lang masabing may social life ka na.

Nasa ayos pa naman ako. Kayo ba? Hindi na? Halika ayusin natin yang ano mo. Yang buhol buhol na yan kunganomanyan. Handa akong tumulong ng walang hinihintay na kapalit na salapi. Take note..salapi. kung puri yan pag iisipan ko pa.

May mga napagtanto lang ako nitong mga nakaraang araw. Kahit hindi pala ako gumawa ng entry ay marami rami pa rin ang lurkers dito sa blog ko. Ayun nga lang, lurker. Ibig sabihin silip manok lang..hindi nagpaparamdam. In short, walang iniiwang comment. Ni hindi mo alam kung ano tumatakbo sa mga kukote nila..kung basa na ba yung kwan nila sa pagkalibog o umuusok ang ilong sa galit. Wala tayong alam.

Nasubukan nyo na bang manood ng basketball sa tv? eh yung live mismo nakanood ka na? Mas masaya yun. Maingay at samu’t sari ang mga komentong maririnig mo sa mga tao. Kahit hindi mo nga kilala eh kakausapin ka na lang bigla. Try mo pumwesto sa koponan ng Ateneo at mag cheer ka sa La Salle malalaman mo sinasabi ko.

Kahit sa anong sport pa yang pinapanood mo basta walang commentator, walang sense. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong nanonood ng boxing na walang commentator. Ang corny naman nun kung magbabanatan na lang sila ng hindi natin nalalaman kung ano ang nakaraan nila sa buhay. Kung sino ba yang mga yan. Eh di para ka na ring nanonood lang ng mga siga sa kanto na nag uupakan. Hindi propesyunal ang dating. Walang kalatoy latoy. Nga pala, pinangarap ko ring maging commentator o boxing analyst. Lalo na pag nakikita ko si Korina Sanchez na nagcover ng boxing. Wala naman talagang alam sa sport pero tuloy pa rin ang pabida epeks.

Ang mga commentator ang nagbibigay ng anghang sa laro. Kung wala yan, wala kang sasang ayunan. Wala kang kokontrahin. Walang mangyayaring palitan ng kuro kuro. Kumbaga eh syut ka ng syut tapos wala kang maririnig na ungol. Deym! Anong ibig sabihin nun?!

Kahapon lang tuwang tuwa pa ako dahil nakapagdownload ako ng nba live 09 game sa psp. Pero nung laruin ko na, enggggkkk..bakit walang nagsasalita? Uu hindi naman ako bulag at nakikita ko kung sino may hawak ng bola dahil may name indicator sa bawat player. Kita mo rin kung sino ang naka-shoot. Kung sino ang lamang. Pero walang kabuhay buhay ang paglalaro pag wala kang naririnig na nagsasalita.

Komenteytor: pinasa ang bola kay Gasti..gasti nagdidribol..nagdrive papuntang kanan..sinalubong naman sya ni Glenn..hindi makatira si gasti..pinasa nya ang bola kay Jeck..nagdribol din ang loko..matagal. parang nageexhibition lang ala-globetrotters…mauubos na ang oras…nagsisitilian na ang mga kababaihan..“Jeck! i-shoot mo na pls.“ 2 puntos ang lamang ng kalaban. Nag isip sya kunyari..akmang titira pero malaki ang gwardya nya at hindi nya makita ang ring…8..7..6..5.. humaharurot na dumating si gasti at hinablot ang bola kay jeck..sabay bulong ng “blog ko to kaya ako ang bida“.. 4…3..2..tumalon si Glenn sa harapan nya. “sumakay ka pa!” ang sigaw ni Gasti. at buong lakas nyang ibinuslo ang bola..Pasok! (shooter yata to!) nagsitilian ang lahat at nagyakapan ang mga players kasama na rin ang coach nilang si Chillidobo. isang napakabaklang eksena ang sumunod na ngyari at ayoko ng ikwento pa. the end.

O kitams mas exciting ang kinalabasan!

Ikaw. Ano pang inaano ano mo dyan? Magbabasa ka lang ba?! You lurker!

Mga Puna»

1. rio - Oktubre 9, 2008

tao po…nakikiraan po at nakikibasa..mukhang guilty ako sa pagiging lurker kaya eto po at nag iiwan na ako ng kahit man lng simpleng bakas..=)

gasti: haha! at na-guilty naman si doc rio. sorry naman. aminado rin akong lurker sa karamihan ng nasa blogroll ko.

2. madbong - Oktubre 9, 2008

buti ka pa maraming lurker, sa blog ko wala hehe

galeng mo palang komenteytor pards, parang nakikinita ko sa isip ko

gasti: sus! andami mo kaya commentators kya wala ng lurker..hehe! ako na lang ang maglurk sa blog mo🙂

3. mayui - Oktubre 9, 2008

mas exciting nga pag may komentator. mas buhay ang blog kapag may comments! kaya eto, nag-comment na po ako.

gasti: ahehe! masaya talaga makabasa ng samut saring comments kahit pa hate comment yan. sa tingin ko kasi kelangan mo ng interaction sa mga readers ng blog mo..kunyari sexual interaction..mga ganun ba.

4. Maldito - Oktubre 9, 2008

ha ha ha..oo na ..kaw naman parati ang bida eh…same lang naman tayu..umaabot ang hits ko ng 300 per day….nagtataka ako kung saan galing yun…

cguro nga isang tao lang yun panay change ng pc para mapataas ang hits ko..ahahaha..

pirated kasi ang game mo…ayan.

gasti: hindi na nakakapagtaka yang hits na yan sayo kasi sikat ka na! may bragging rights ka na nga🙂
siguro puro refresh ang ginagawa para tumaas ang hits..hehe! pero malamang nasa 299 dyan naghahanap ng bastos. ako lang hindi. hahaha!
nga pala ripped version kasi yung nadownload ko kaya ganun..kaya eto nagdownload ulit ako ng bago.

5. Leyn - Oktubre 10, 2008

COMMENT!

lol.

gasti: haha! ang blogger na ayaw magpa-comment. mukhang napilitang mag iwan ng bakas dito sa blog ko.

6. mangbadoy - Oktubre 10, 2008

no COMMENT! ang ganda mo Leyn!

mangbadoy[dot]wordpress[dot]com

gasti: aysus! si mang badoy dumadamoves dito sa blog ko. oy mang boladas!
anlupit mo naman magcomment.

7. jeck - Oktubre 10, 2008

hindi sana ako magko-comment e. wala talaga akong balak. pero nung nabasa ko yung pangalan nami ni glenn, ahahaha. sabi ko magko-comment na ako. lols

ganun ba talaga ang nba live sa psp? wala ako nun e.😦

“isang napakabaklang eksena ang sumunod na ngyari at ayoko ng ikwento pa.” — sa tingin ko si glenn lang ang may karapatang mag-blog tungkol dito. bwahahaha! labyu, glentot!

gasti: haha! pinag isipan pa talaga.. yung nba live na nadownload ko kasi eh ripped version kaya may mga putol na features. binura ko na din eh.
tama. ipaubaya na lang natin kay glenn ang paglaladlad este paglalahad ng mga istoryang gaya nito. may kaakibat pang larawan.

8. Yummy Dingding - Oktubre 10, 2008

Aysus gusto mo ng maraming comment LOL.
Ako din nilangaw bigla blog ko nitong mga nakaraang araw LOL, simula ng magpost ako ng business related stuff LOL mga kuripot hehehe.

AYAN ANG COMMENT KO!😉 mwahahaha!
Padaan muna ang pader!

gasti: haha! eh ganun talaga ang business..tyagaan lang.
bakit naman pader..pwede naman haligi! o ayan tunog babae na.

9. R.J. - Oktubre 11, 2008

buti na lang at may nba live 2009 pa rin sa psp. akala ko magiging obsolete na ang psp. hehehe.

naalala ko tuloy ang mala-alamat na commentating ni noli eala, binilang ang tagal sa ere ng player (di ko maalala kung sino)….

sa slomo replay. ngaks!

gasti: masyado pa maaga para maging obselete yun pre..habang wala ka pa games pwede mo naman pasakan ng video,music at pics. andami ngang games na pwede i-download eh parang everyday updated.
ibang klase talaga yang si Noli Eala. mahusay magbilang. hehe!

10. karmi - Oktubre 11, 2008

uy lurker.😀

ummm.. ako ba lurker? minsan..😀 hehehe…

sikat ka na talaga tol…. =)

gasti: lahat naman siguro ng blogger ay nagiging lurker.
hindi nga ako sikat. kuntento na ko sa mga suki dito. hindi na nga ako nagba-bloghop.

11. akosiikay - Oktubre 11, 2008

oo nga nman mas masaya at nakagana ang pgkukuwento kung may mga ngkokomento sa mga pinagsasabi mo.

eh manong gasti kelan nman po kya ako masasali sa listahan mo jan sa gilid….hehehehe… “wish ko lng”.

^_^

gasti: sana nag iwan ka naman ng link para maisama kita dyan sa listahan ko. hehe! yun lang pala eh!

12. lilmiz - Oktubre 12, 2008

hahah nagpakonsensya pa oh.. infernez, nagcocomment naman ako pag napadaan which is di na ganun kadalas, nawiwili din kasi ako sa pakikipaglaro oops work pala lolz.. mas ok nga talaga may commentators sa mga sports.. yung hindi ok ay yung sa sinehan, badtrip yun ahehe

gasti: haha! side comments ng mga taong nanonood ng sine. badtrip nga yun. istorbo sa paglalabing labing este sa panood pala.

13. aga - Oktubre 12, 2008

ehem…. asust

14. Jhaynee - Oktubre 12, 2008

ayan at kakabalik ko lang mula sa isang mahabang pahinga…

sana yung tennis may commentator rin para hindi “uh!” “ha!” ng players at “pok” ng bola ang naririnig..

gasti: sarap magpahinga noh? hehe! buti naman at nakabalik ka na.
tahimik nga na laro yang tennis pati na rin ang golf. pero kelangan yata nila yun para makapag concentrate maigi sa game.

15. akosiikay - Oktubre 14, 2008

http://ikay0708.wordpress.com
manong gasti ito n link ko….
sana hindi sa listahan ng uutangan mo ito ilagay ha!..hehehehe

gasti: wag ka mag alala hindi ko ugaling mangutang dahil wala akong pambayad kundi pagmamahal lang.
sige update ko na blogroll ko..hanapin mo na lang kung san kategorya ka nabibilang🙂

16. adel - Oktubre 16, 2008

ayos! pwede na talagang maging commentator.

17. perez - Oktubre 26, 2008

ngaun ko alng nabasa ang iyong mga blog natutuwa ako natatawa..bsta nakakatawa..ahahaha pwdi ka na maging comentator men..wahaha rock en roll


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: