jump to navigation

an entry to remember Oktubre 14, 2008

Posted by gasti in paligsahan.
trackback

hindi ko alam kung bakit nahilig ako sumali sa mga pacontest kahit hindi naman ako nananalo. gusto ko bang masaktan na naman at umiyak sa sulok ng opisinang ito kapag hindi nabunot sa magic tambyolo ang raffle entry ko? wag naman. anong malay natin baka ito na ang swerteng hinahanap ko. ang pacontest na maghahango sa akin sa kahirapan. ang salapi na pwede kong pansimula ng balak kong business na buy and sell ng katawan. mangarap po tayo! kahit simpleng tao lang pwedeng mangarap!bugoy.

ok enough of that shitty introduction.

dear Buraot,

maraming salamat sa maagang pamasko mo sa mga bloggers. hayaan mong angkinin ko na ang grand prize na 300 dollars. yung entercard na 3000 credits..uhhmm di ko alam kung para saan yan. lols! ipamahagi na lang natin sa mga nangangailangan. kung hindi man ako palarin na mabunot dyan sa roleta ng kapalaran mo (dahil napakalaki ng chance na umuwi na naman akong luhaan), sana mapansin mo ang effort ko sa entry na to. wala lang nagpapalakas lang ng konti para sa consolation prize..ahehe! nga pala ang entry na napili ko ay walang iba kundi ang….

holdap! – bakit kamo eto ang napili ko? alam naman nating walang nakakatawa kapag naholdap ka lalo na kung malaking halaga ang nalimas sayo ng mga putaragis na holdaper..mas masaklap pa kapag iniwan ka ng remembrance na hiwa sa tagiliran o di kaya ay mamatayan ka ng kaibigan o kamag anak. ako nga rin muntik muntikan na madale ng mga yan. maysa-palos lang talaga ako at natural na pugante kaya nakakalusot naman sa awa ni Lord. ni singkong duling eh walang nakuha sakin nung minsang kinapkapan ako at ng mga kaibigan ko. (eh sa wala naman talaga akong kadatung datung nun dahil nakapambahay lang ako at butas pa yung bulsa nung short ko). dyan sa entry na yan pinakita na pwede ring maisahan ng hindi sinasadya ang mga holdaper. sabagay, barya na lang yun kung tutuusin dahil sa dami ng nakulimbat nila nung mga oras na yun pero hindi lahat ng pasahero sa bus ay naiwang luhaan. ganyan talaga ang pinoy, tuwang tuwa kapag nakaisa sa kapwa. nakakangiti kahit pa nanganganib na ang buhay (baliw?). o sya sige ayoko naman ikwento rito ang buong istorya. basahin nyo rin yung luma nyang entries dahil makabuluhan lahat yun at puro true to life stories na maaaring mag iwan ng kurot sa mga nipols nyo.

ang entry na ito ang aking opisyal na ilalahok sa sikatchupoy contest ni Buraot. Nawa’y mapasa akin ang lahat ng premyong nakalahad sa patimpalak na ito. at kapag nangyari yun, asahan nyong tutuparin ko ang lahat ng mga pangarap nyo sa 2010 elections. maraming salamat po!

Mga Puna»

1. BURAOT - Oktubre 14, 2008

harinawa syanawa. heheheh. tenkyu sa pagsali mo sa pautot ko tol. i ko pa naiisip kung papano bobolahin, baka sa me sagingan na lang. heheheh. o kaya baka gayahin ko na lang yung style ni badudels. pwede rin ako kumuha ng spot sa chnnel 4. hehehhe.

gasti: sige kahit anong paraan pa ng pagbola yan ayos lang. gusto mo parang kris kringle style..pero dapat lahat may premyo. haha!

2. akosiikay - Oktubre 14, 2008

salamat sa pagtangap bilang isa sa iyong mga boarder…rock on!!jeezz ^_^

gasti: walang anuman ikay. kakasimula mo lang pala magblog. sana mag enjoy ka!🙂

3. Yummy Dingding - Oktubre 14, 2008

hahahaha mananalo ka din balang araw LOL.

Ako minsan lang sinwerte sa mga pacontest sa school. Dati nananalo ako ng gift sa David’s Salon, buti na lang kasi Grad Ball namin ng susunod na week LOL ayun wala na akong problema sa pang makeup ko hehe.

Pero maswerte talaga ako mga concerts and events… Nitong taon na ito nakatatlong beses akong concert, astig puro libre hahaha. Siguro swerte din ang e-mail add ko. Di ko makakalimutan ang Eraserheads na ticket na yun…

Gayunpaman di ko pa nararanasang manalo ng cash LOL, nanalo na ata ako dati, 700 pesos sa Lotto hahaha. Salamat sa tatay kong makulit hahahah.

Ayun nashare ko lang LOL, kakagising ko lang amff buong araw akong tulog shet kasi itong karamdaman ko.. di ako nakapagexam hayyzzz bakit ba nagkakasakit ako kapag malapit na birthday ko?

Batiin mo naman ako😄.

gasti: buti ka pa laging nananalo. siguro naitabi ng nanay mo yung unan-unan mo nung sanggol ka pa lang. lols! uy bertdey mo na pala..congrats! upgraded ka na..goodbye sa pagiging teenager. happy bday!

4. Maldito - Oktubre 15, 2008

buti nalang ako indi pa ako nakarananas ng ganyang kamalasan sa buhay.. at buti nalang virginity ko ang hinold up…

kusa ko namang binigay..

pasalamat pa din ako at indi ako nasaktan..

ahahhahahhahhaa

gasti: balang araw marereyp ka rin ng bading. haha! pasalamat talaga tayo dahil hindi masakit satin ang pagkawala ng virginity.

5. Yummy Dingding - Oktubre 15, 2008

hahaha… good bye na talaga sa pagiging teenager.
I think I should grow up and be matured sa pag iisip.

Salamat sa pagbati gasti. Di pa rin ako magaling cancelled ang paghahanda namin X[

gasti: matured ka naman. magaling ka na nga mag ayos ng layout sa blog eh..haha!
pagaling ka. pag natuloy na yung handaan penge ah.

6. vhonne - Oktubre 16, 2008

hindi ko pa nararanasan ang maholdap… pero madalas akong mangholdap… ehehe…

sana manalo ka… oops? teka… kasali din yata ako sa contest na yan eh? sana pala… manalo tayo… ehehe… gudluck po…

gasti: nyekk! kasali ka rin pala..sige ganito na lang..akin ang first prize..iyo na yung second. madali naman ako kausap eh..haha! gudlak satin!

7. popoy - Oktubre 16, 2008

huwaw. gasti. uso pala ang mga pakontest no?

dahil ba ito sa nararanasan nating WORLD CRISIS? lols

gudlak sau. at sana manalo ka. wag kang makakalimot lols

gasti: siguro dahil malapit na ang pasko kaya dumadami ang mapagbigay. hehe! sana nga palarin na akong manalo this time. wag ka mag alala hindi kita makakalimutan. ikaw si popoy ryt? hehe!

8. chyng - Oktubre 17, 2008

ouch, holdup!

peyborit ko din sumali sa mga raffles at game shows! PATOL ako salahat basta the price is right over the kahihiyan! haha

and i once won in a noontime show game nung college. naging katuwaan ako sa school, paksyet! so wat, meron naman akong P100,000! wahahaha

gasti: huwaw! ang swerte mo naman! sana mahawaan naman ako kahit konti. tama ka. aanuhin mo ang kahihiyan kumpara sa premyong nakuha mo. for sure yung mga mang aasar eh magpapalibre naman.

9. Wacky - Oktubre 20, 2008

Nanalo akodati non sa isang poster making contest. tagal na non. grade 6 pa lang aq. hehehe. tapos yung mga sumunod na sinalihan ko, di na ‘ko nanalo. nadepress ako kaya yoko na. hehehe. parang gusto ko itry yan. cnu ba yang Mr. Buraot na yan. totoo ba yan o tsismis lang? hahaha! perahin na yan!

gasti: mahusay ka rin palang magdrowing..sayang ang talent dapat pinagpatuloy mo..kahit di ka manalo at least nadedevelop mo pa.
yung kay Buraot, totoo yan! sali ka na rin.

10. Yummy Dingding - Oktubre 20, 2008

salamat at sa wakas magaling na ako amp may ubo pa rin ako.
siguro kailangan ko na ipakalikot sa doctor ngala ngala ko.
di ako tuloy makakain ng ice cream😄

tingin ko di na matutuloy birthday ko LOL.
ipapambili ko na lang ng Lomo camera ang perang panghanda nila hehehe…. kuhanan na lang kita ng litrato hehehe..

o musta ang pagsali sa contest?
ako inuulan ng text frauds at emails ng lottery ammp😄

gasti: magaling tapos may ubo? hehe! uy wag mo ipapakalikot sa duktor yang ano mo..yang ngala ngala mo. napakaselan kasi nyan bka kwan..basta. nakakakilig kapag may icecream.
hindi pa rin natutuloy ang bertdey? sige perahin na nga lang kesa wala. nga pala hindi ako tinatablan sa pic. laging blurred ang mukha kasi malikot ako eh. lols!
yang mga text frauds na yan lagi rin may dumadating sakin. “dear reply ka na lang sa number ko. paloadan mo ko ng 150” putris yan! 4 na beses na ata ako nakakareceive ng ganyan magkakaiba lang number. eh ako nga minsan sa isang buwan lang magpaload 30 pesos pa.

11. Alagad ni Kulapo: Gudlak Blakjak! | Anak ni Kulapo - Setyembre 17, 2011

[…] Buzzing Flowerpecker Show The Invisible Blog The […]


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: