jump to navigation

ating alamin Oktubre 21, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
Tags: , , , ,
trackback

Hindi ko na alam kung saan pa ako huhugot ng gana sa katawan ko para magsulat. Maliban sa mga pacontest na sinasalihan ko sa blog at ligaw na sponsored post na inaalok sakin ng mga banyaga. Mukhang malapit ng masaid ang dugong blogger na nananalaytay sa ugat ko. Parang gusto ko na ulit magpabinyag.

Masakit man sabihin, I can’t do this anymore…I can’t fight this feeling..I want to break free coz I have the right blog at the wrong time….

Ok praktis lang yan. Wag kayo mag alala kung sakali mang magbubura ako ng blog, wala ng paalaman yun..bigla na lang to mawawala parang magic. Nakakatamad na rin naman gumawa ng farewell speech. Kelangan ko ng inspirasyon para maipagpatuloy pa to. Lalo na ngyon at wala ng iyottube.com. demmet!

Sa mga fellow bloggers na nasa blogroll ko, hindi ko kayo nakakalimutan. Lagi ko pa ring sinisilip ang name nyo dito. Ayun nga lang hindi ko na magawang maclick lahat dahil sa dami. Bawi na lang ako next time pag nagkita tayo..hindi lang pindot ang kaya kong gawin.

audio files na lang kaya ang ipost kong entry? Nakakapagod na nga magtype, nanakawin pa ng iba yung sinusulat mo. Pag may sinulat kang taliwas sa paniniwala ng iba, mabilis kang mahuhusgahan. Kapag may naisulat ka namang makabuluhan at pwedeng gamitin sa panliligaw, wala kang kamalay malay na ikinalat na pala sa iba ang gawa mo at iba na ang nakikinabang. Nasa ibang katauhan na ang kredito. Mag artista na lang kaya ako?… sa youtube.

Pagbasa at pagsulat. Yan ang pinapraktis palagi ng anak namin na isa ng ganap na binata sa edad na 3 taon. mahusay sya. maligalig. Kahit pa tambakan mo sya ng kotse-kotsehan, hindi nya pa rin kakalimutan ang coloring book na gutay-gutay na ang itsura at maraming punit na pahina pati na rin ang mga librong pang kinder na bigay ng pinsan nya. Kahit pa bulol at halatang hirap sa pagbigkas ng tuwid, sige pa rin ng basa. Nakikinig naman minsan kapag tinuruan pero may sariling diskarte. Ang tanging magagawa mo lamang ay gabayan sya..at ilagan ang mga lightning speed na daliri na ipangtutusok sa mata mo kapag nabaling ang atensyon mo sa panonood ng tv. Nalagasan ako ng limandaang piso sa pagpapacheck up at pinambili ng gamot dahil masyado ko minaliit ang daliri nya. Hindi ko naman magawang gumanti. Hanggang ngyon iniisip ko pa rin kung pano naging cute yung insidente na yun. Napagtawanan pa ko ng duktor.

Kapag marunong ka na bumasa at marunong ka na rin sumulat, hindi ka makukuntento dyan dahil ang tao ay likas na matalino. Sa daming pwedeng alamin at aralin dito sa mundo hindi nya hahayaang hanggang dito na lang sya. Kaya nung exam, natuto naman syang mangopya.

bumasa.magsulat.mangopya. o ayan kumpleto na. Pwede ka ng masabihang matalino. Watta loser!!! Nga pala pwede ka ring maging gwapo o maganda sa paningin ng iba ng hindi nalalagasan ng salapi sa pagpaparetoke. Manghiram ka ng mukha. Piliin mo yung kaakit akit ang itsura. Wag yung artista dahil masyado ka ma-obvious. Dapat yung hindi sikat pero malakas ang dating. Tapos ipost mo sa friendster. Sa ganitong paraan mo mararanasan ang atensyon at kalinga ng pinakaplastik na mga tao sa mundo. Ganito ba talaga ang gusto mo?

paalala na rin sa mga nais mang insulto, siguraduhin mong naiintindihan ko yang mga pinagdadadakdak mo. Mahirap kasi yung nag exert pa ko ng effort para ipaconvert sa ibang tao yung mga kabalbalan mo. Sa cebu pinanganak ang nanay ko pero ako dito nako sa marikina at hindi rin ako naturuan ng wikang bisaya. Next time ayusin mo. Pwede ring wag ka ng bumalik dito mas ok yun. iho, mabuti pang dyan ka na lang at wag ka ng magagawi ng Maynila dahil hindi ko alam kung anong klaseng krimen ang magagawa ko sayo. pagsisisihan mo ang oras na inire ka pa ng nanay mo labing-anim na taon na ang nakalilipas. “you won’t like me when Im angry”

p.s. salamat kay yummy para sa isang special award na natanggap ko. mahal ko ang mga paru-paro. gusto ko silang tusukin ng karayom at ipa-frame. magandang pangdisplay yun sa dingding.🙂

hindi nga pala ako galit. nagpapaliwanag lang.

*promo period ends on 11-03-08 (removed the pic of baby gasti)

Mga Puna»

1. mnel - Oktubre 21, 2008

natakot ata yung mga magcocomment sana sa iyo manong gasti o naka-moderate lang ang comments dito?

tinatamad na rin ako magsulat. pffft. hindi pala ako nag-iisa.

gasti: hindi naman sa nananakot ako mnel…kalmado pa nga ako nyan. naka-moderate nga itong comments section kaya yung iba bumubulusok na papunta sa spam. minsan pag trip ko patulan pina-publish ko pa rin.
nga pala kakapublish ko lang nito mga 15 mins ago. hehe!

2. Yummy Dingding - Oktubre 21, 2008

Mukhang may pinatatamaan ka dun ahh hehehe. At kaninong FS link naman yun hehehe. Hiphop ahh idol niya si Lolo Snoop Dogg ko hehe.
At taga Zamboanga pa siya del Norte nga lang amf.

Di ko talaga matarok itong entry mo ngayon well anyways isa lang naintindihan ko hehehe, wala kang inspirasyon sa pagsusulat. Ako din naman… WALA.😄

2 linggo na akong nakakulong sa bahay at puro pc lang inaatupag, pag nakakachamba nakagagawa minsan ng obra sa adobe pag wala ayun insomia inaabot😄

Magbabago din takbo ng araw hehehe, may mga mangyayari pa na mapupulutan mo ng inspirasyon hehehe. Nga pala ipasa mo din sa iba yung award hehehe.

gasti: yan yung kupaloids na nagcomment sa 2 previous entry ko. siguro kakasearch ng bastos kaya nagawi dito. kaso lang bisaya ang salita kaya pinaconvert ko pa. parang naghahamon ng away eh sobrang totoy pa pala. tanginis yan!
siguro mas marami ako masusulat kung naka private ang blog ko. haha! kelangan magpakasakim. yung award ipapasa? eh tinatamad pa ako sa ngyon eh saka baka may magtampo pag hindi naisama sa listahan.

3. karmi - Oktubre 21, 2008

magartista ka na lang tol.🙂 pwedeng-pwede.

nagkakatamaran na nga atang magsulat ngayon.. ako, dati pa tamad.😛

kalmado ka pa nyan, kasi nagsusulat ka lang.. subukan nyang kausapin ka ng personal, mas kalma pa..🙂

gasti: pero mahiyain ako. alamo yan karmi..saka hindi na mabenta ang mga bold star ngyon. haha!
napakakalmado ko ngang tao. subukan talaga nyang makipag usap sakin ng personal at ewan ko na lang kung makakaya nya pa sabihin sa harap ko yung mga komento nya bago pa dumugo nguso nya.

4. akosiikay - Oktubre 21, 2008

manong gasti!mukang bata pa itong kumag na to ah!! hindi na natakot sa macho mong katawan…hahahahha

gasti: totoy pa nga yan pero kung magsalita akala mo kung sinong bouncer. nasisiguro kong iiyak pa yan kapag nasuntok sa mukha.

5. jheiphoe - Oktubre 21, 2008

oh? wait… bagu lang ako, pro i never thought na may mag aayaw sa pagbloblog… mahirap ka bang makakuha ng inspirasyon?

gasti:dahil sa sinabi mong yan napatunayan mong bago ka nga lang talaga…maiintindihan mo rin yan balang araw. masarap din mamahinga sa pagsusulat.

6. Maldito - Oktubre 21, 2008

woah!maniwala ka sa kanila…they are all losers…ahahhaa..tayu naman ay winners.kaya naghahanap lang sa ng atensyon thru US..

wag kang tumigil magsulat..dami mo pa namang napapaligaya..kahit sa words lang…ang iba nag oorgasm na..

indi ko ma open ang frenster ng “batig nawong” nga to..ahahaha..

nyay!si baby gasti..ang cute

gasti: kung atensyon ang kelangan nila, mas maigi pa sigurong ipa salvage na tong mga to. sa ganung paraan sila makikita sa tv, mababasa dyaryo at pagtsitsismisan ng mga kapitbahay.
artistahin yung anak ko noh? haha! binigyan ko lang ng konting exposure. kakabday lang kasi.

7. antuken - Oktubre 22, 2008

ang cute ng anak mo!!!!!!! sino kamukha nya? ikaw o si misis? hehe. wag ka basta mawawala. i love reading your blog. hehe.

gasti: kamukha ko syempre..cute nga sya saka makulit. mahilig pa sumayaw.
hindi pa naman ako mawawala eh masyado pa ko bata.🙂

8. FerBert - Oktubre 22, 2008

eto beer

iinom na lang naten yan baka sakaling may maisulat ka pa..

cute ng anak mo.. ewan ko kung kamukha mo.. di pa naman kita nakikita di ba? haha

anong meron kay 16y/o kiddo na yan? magnanakaw din ng entries? kung ganun dapat ipabartolina na yan…

gasti: di ko pa natry magblog habang lasing. nasa opis kasi ako eh..hehe!
kamukha ko yan. syempre san pa magmamana ng ka-cute-an yan kundi sakin. mukha nga sila magkapatid nung toddler pics ko.
yung bisaya na yan eh nagpapansin lang naman. hinamon ako eh kaya ayan..bigyan ng exposure..pasarapin ang buhay.

9. ellieshe - Oktubre 22, 2008

ang gwapo nman…ng baby.

Mahihintay ko pa kaya siya?…3 years old plang siya😦

ahahaha!

Kaya mo yan..makakahanap ka din ng bagong inspirasyon sa pagsusulat. nyaaah!

gasti: tenks! oy wag ka na maghintay baka tumandang dalaga ka pa..hehe!
inspirasyon? hmm..balik na lang ako sa xtube. lols!

10. mangbadoy - Oktubre 22, 2008

ang cute ng anak mo buti nagmana sa ina… parang galit ka ata sa mga komentarista mo… ayus lang yan… spice yan ng bloglife natin…

gasti: mahirap na magsalita dahil baka hanapan mo pa ko ebidensya. pero lahat ng nakakakilala sakin sinasabi lagi na kamukha ko yan.
di naman galit sa lahat ang ibig ko sabihin dito. dun lang sa mangilan ngilan na naligaw na nga. mag iiwan pa ng mabahong bakas.

11. Yummy Dingding - Oktubre 22, 2008

hahaha pwede ka magtanong sa akin sa mga bisaya words LOL.
I was born in Zamboanga del sur kasi haha and lived there for ten years and ten years din dito sa magulong maynila hehehe.

sadyang mga taong puro bibig lang ang pinapagana hehehe. too judgemental, minsan they hate you for no particular reason hahaha.

emo ko na naman… pareho lang tayo madaming kaaway na utak lamok hahahaha. pero di ako papatalo.

wag mo naman iprivate blog mo hehehe di ako makakabasa!! HMP!

gasti: anlayo pala ng pinanggalingan mo. hehe! kababayan mo pala yang mokong na yan. teka nilagay ko kasi sa spam yung comment eh..wag na lang siguro🙂
tama yan. wag tayo papatalo sa mga kups. lalo na sa mga totoy na bagong sabak pa lang sa mundo ng internet. don’t worry public pa rin tong blog ko. free for all good and bad spirits.

12. chell - Oktubre 22, 2008

gasti, wag mo na pagaksayahan ng panahon ganyan tao sa mundo. ksp lang yan. hehe! ang cute ng anak mo!🙂

gasti: binigyan ko lang naman sya ng kaunting exposure. hehe! wala naman ako paki dyan sa ungas na bisaya na yan. pambawi talaga yung pic ng anak ko kapag nababadtrip ako kaya sinama ko sya sa entry🙂 (for limited time only baka maover-exposed)

13. Yummy Dingding - Oktubre 22, 2008

hahaha LOL😄.

oo nga eh kababayan ko pa ammp.
siguro may pagka ignorante lang amp pagpasensyahan mo na😄.
Ipagpatuloy mo ang pagsusulat para sa amin na iyong taga sunod heheh😄

PS ang kyot ng anak mo.

Ok back to work nahahagard na ako sa pagkukulong ko dito sa bahay namin. Gusto ko bigla umatend ng haloween street party LOL maraming nambubuyo sana payagan ako umalis na nakacostume dito ng Inang Reyna at Amang Hari ko amp.

gasti: kalmado naman ako eh🙂 hindi ko kayang magalit ng matagal lalo na pag nakikita ko yang pic ng anak ko.
mananakot kayo sa kalsada? nakow! sige happy haunting na lang sana payagan ka ng hari at reyna mo. alam ko meron din ganyan sa marikina eh puro bakla yung nananakot kaya malamang hindi na rin ako lumabas ng bahay pag gabi.

14. anakngpiso - Nobyembre 3, 2008

wala munang ayawan ha….

parang ayaw kong makita kang galit…

katuwa naman yung anak mo (ay oo nga pala di ka pala natutuwa sa story…. ahehehe wag na kasi kung san pa pabaling-baling ang atensyon pag kasama ang anak.. cheers-glesy the great;p

http://anakngpiso.wordpress.com/


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: