jump to navigation

a very special blog entry Oktubre 23, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
Tags: , , , ,
trackback

isang napaka espesyal na pangyayari ang naganap ngyong araw na ito. nakaramdam ako ng kilig. iba to mga kaibigan..maniwala kayo sakin na hindi lang ito isang after shock ng pag ihi. ito ay bunga ng isang pelikula na nagpatibok muli ng puso kong nahihimlay. muntikan na ring tumulo ang mga luha kong nakaimbak ng matagal sa mga mata ko. totoo nga ang tsismis. napakaganda ng “a very special love”. at nababaklaan na ako sa mga pinagsusulat ko ngyon. taragis!

ngyon lang ako nakapanood ng pelikulang tagalog na may temang romantic comedy na nagustuhan ko at hindi ko pinagpantasyahan na makahalikan ang bidang babae. o makadyugdyugan sa kama ng matagalan. at hindi na rin ako umasang may eksenang ganunan ako mapapanood. kuntento na ko sa pagtitigan at paglalapit nila ng mukha. at yung smack sa cheeks, bonus na lang yun. dahil sa totoo lang. mas masarap ang yakap kesa sa halik.

binabawi ko na rin ang sinabi ko noon na hindi sulit ang ibabayad mo sa sinehan kapag nanood ka ng mga ganitong klaseng pelikula. maituturing ko pang walang kwenta yung mga napanood ko dati. yung mga panahong gusto namin manood ng sine ni misis pero walang magandang palabas at puro basura ang pagpipilian mo. nakalimutan ko na nga yung mga title. (wag nyo isiping titilating films ang tinutukoy ko rito dahil hindi basura ang tawag dun kundi treasure.)

simula ngyon araw na ito ay pinapatawad ko na ang lahat ng mga nagkasala sa akin. ititigil ko muna ang pagpatol sa walang kapararakang bagay. magmahalan na lang tayo at magtulungan. inalis ko na ang anumang poot na namamalagi sa puso ko. at handa na akong umibig muli…

joke! tara magkantahan na lang tayo…

♫♪ bawat araw sinusundan di ka naman tumitingin anong aking dapat gawin..♫

kailan (kailan)…kailan mo ba mapapansin ang aking lihim♪♫

Mga Puna»

1. popoy - Oktubre 23, 2008

ang landi ni gasti o? hahahaha

ndi ko pa napapanuod yan. yung copy dun sa pinsan ko ndi ko pa nahihiram, baka this weekend.

takte, normal lang naman kiligin siguro ang mga lalaki. pinipigil lang hahaha.

sana maramdaman ko din yung nararamdaman mo kapag napanuod ko yan. hahaha.

SARAH G: Sir, gaano ka close? hahaha

gasti: sa tingin ko naman tatablan ka rin ng kilig kapag pinanood mo yan. hindi ka titigasan pero ayos na rin. haha!

2. Yummy Dingding - Oktubre 23, 2008

hahaha LOL
di ko pa napapanood yung pelikulang yan hahaha pero tingin ko maganda siya dahil noong bago pa yan na pinalabas ay sikat na siya sa aming eskwelahan. hahaha… siguro din kasi may tropa akong hawig si john lloyd cruz😄 at lagi niya akong kinakantahan ng very special love na yan.

natutuwa naman ako na tinamaan ka ng kilig ngayong araw na ito LOL.
kailangan yan sa paglaki LOL.

Ako man ay tinamaan ng laughtrip sa ngayon… Kanina ay nasa Rakista Chatroom kami, natatawa ako sa audio/video streaming namin… puro boybands hahaha. Feeling ko susunod ako sa yapak ni moymoy palaboy at roadfill. hahaha alam mo na lipsync mode kami taena.

masakit na naman ang aking lalamunan dahil sa kakatawa. di naman pala boring ang bakasyon basta ikaw ang maghahanap ng mapaglilibangan mo hehehe.

Ikaw na lang kumanta Gasti hehehe… Wala na akong boses e.
Ok this is getting long again😄

gasti: masarap talaga pakiramdam ng kinikilig..yung sa pagwiwi nga lang eh solb nako. madalas ako kiligin nung hayskul pero nung nabawasan na ang hiya ko sa katawan, bihira na talaga mangyari yun.
ayun nga lang pinanood ko ito ng mag isa kaya..sinolo ko lang ang moment. lols! mahirap na kasi lalaki yung katabi ko dito sa opis..
ngyon ko lang nabalitaan yang roadfill ah dami na talaga nagsulputang lipsync vids ngyon. baka next time kasama ka na rin. hehe! tapos pang boyband na kanta..pwede!

3. karmi - Oktubre 23, 2008

hahaha. kikiligin rin pala si gasti sa mga ganitong klaseng pelikula.😀 tsong, nagulat ako ha,, kasi naman, parang di halata sayo ang kiligin, dapat ata eh nakuhanan ito ng video.. bibihira ito..🙂 hehehe.

maganda nga ang AVSL. kung andyan lang ako sa Pinas nung pinalabas un, pinanood ko talaga! buti na lang at may youtube.😛 hehehe..

gasti: haha! natyempuhan lang siguro na maaliwalas ang paligid at walang gaanong iniintinding trabaho sa opis. kumbaga eh caught off-guard. malamang nga kung andito ka sa pinas nung nirelease yung orig video nito baka bumili ka pa ng copy.

4. jheiphoe - Oktubre 23, 2008

wah! kumanta?

nywei, oh? maganda ung filipino film na un? akala ko pa naman puro gusgusin ang mga pelikulang pinoy… except dun sa mga documentaries which I really appreciate… ayun

gasti: hindi naman lahat ng gawang pinoy ay sablay. yung mga pelikulang gaya nito ang bumubuhay sa movie industry natin..naka 200million++ pesoses na nga daw ang kinita nito. yung mga documentaries maganda ring panoorin yun.

5. malooze - Oktubre 24, 2008

dapat ang title nun eh Kailan at hindi A very special love

“Miggy: lock the door

Laida: sir wag po!

Miggy: lock the door wen u leave

Laida: ah akala ko sir kng ano ”

maganda naman yung movie ah!

let’s do the sun dance!!

gasti: naks! memoryado pa ang mga linya..hehe! ewan ko pero medyo corny na yung sundance..natutuwa lang ako pag ginagawa ng anak ko yun.

6. malooze - Oktubre 24, 2008

try mo din panuoden yung one more chance hahahaha

7. Maldito - Oktubre 24, 2008

atay!!ahahahhaa….mukhang mapapasubo na talaga ako na panoorin ang pelikulang ito…syett!!kaw pa!!

kaw na tinuri kong quality movie checker…!!

ikaw!!!

ikaw!!!!

ikaw na may sala!

gasti: haha! sorry naman. pero garantisado to. pag di ka nangiti dito sa pelikulang to, ibig sabihin bading ka. lols! nood na!

8. mayui - Oktubre 24, 2008

haha.. ang wholesome nga ng movie na yan. wholesome pero maganda pa rin! yey!

9. chyng - Oktubre 24, 2008

seriously??!!

gasti: kelan ba ko nagbiro? sorry na nga! alam kong pinanood mo na rin to.

10. mangbadoy - Oktubre 24, 2008

nabading na si gasti… mga kabakyaan na sinusulat pero parekoy napanuod ko rin to! nagandahan nga ako may lalim sila umarte kahit papaano magaling na umarte si sarah… kudos to them!

gasti: may sapi lang..to naman! hindi naman siguro maituturing na bakya film to. maganda naman eh! magaling sila magpanggap.

11. wei vines - Oktubre 24, 2008

hala… di nga? sabagay, nagkkwento nga yung mga classmate ko tungkol dyan.. hmmm… waaahhh

gasti: maniwala ka na dahil sinabi ko. magsama ka ng babae kapag manonood ka..malaki ang chance na magkatuluyan kayo. tyempuhan mo kapag bilog ang buwan.

12. Louis - Oktubre 25, 2008

Napakainspirational naman ng post mo. Haha. Pero seryoso, sabi nga din ng kaibigan ko, maganda yang movie na yan. Hindi ko pa napapanood. Kapag lumitaw na lang sa video city. Ayoko ng pirated eh, baka malabo.

gasti: hindi ko rin pinanood ito sa pirated copy eh kahit inofferan na ako pahiramin noon. pero nung dumating yung downloaded na .avi file, sinubukan ko ng panoorin at yun..ayos naman..parang kopya sa orig video.

13. antuken - Oktubre 25, 2008

i actually bought a piratang dibidee netong movie na to. pero honest, di ko pa napapanood. so sabado naman ngayon, walang trabaho, wala si hubby at nasa work pa. sige nga panoorin ko na rin. hehe

gasti: sana maganda kopya nyan para maenjoy mo ang panonood. hehe!

14. akosimakoy - Oktubre 25, 2008

nakkkks. kinilig ka talaga noh. hahaha! pero sa totoo lang maganda talaga yang “a very special love” pinanood ko kahit hindi ko trip si john lloyd, andun naman si sarah eh hahaha!

gasti: magaling naman umarte si john lloyd. kay sarah nga ako nagduda kung bagay sya rito eh. pero ayun nga..swak silang dalawa. type mo si sarah g? parang nalalakihan ako sa balakang nya.

15. akosiikay - Oktubre 25, 2008

“sana ako parin…
ako nalang ulit!!!”

“she loves me at my worst…
you had me at my best….
and you choose to break my heart”…

manong gasti maganda rin tong movie nato
hehehehe….”one more chance”.

gasti: nabalitaan ko nga rin na maganda raw yan. sige maghahanap ako ng madodownload.

16. April - Oktubre 26, 2008

hehehe! totally agree ako sayo sa movie na ‘to. kahit ako, nun lang nakapanood ng local na movie na love story na naenjoy ko at hindi ako na-cornihan. hehe! favorite scene ko yun, yung sa part ng “Kailan” ang kulet kasi haha! may kilig factor talaga! haha, si gasti mukang lumembot sa a very special love!😀

gasti: hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nanonood ako nito. muntik pa ako paiyakin. buti na lang umiral pa rin ang pagkamanhid ko.

17. linglingbells - Oktubre 26, 2008

naks! nabihag ka nina john lloyd cruz, sarah geronimo at cathy garcia-molina!😀

18. thefilipinamistress - Oktubre 26, 2008

LOL… Yeah, sa totoo lang, maganda nga ang movie na yan. Kahit na napakawholesome. Parang hanggang smack lang ata sila John Lloyd at Sara.

Nagtaka lang ako bakit mula kalahati ng pelikula hanggang sa natapos yung movie eh, hindi na nawala yung mga ngiti ko sa labi. Wala namang nagpapapicture sa akin.

Basta. Cute siya.

gasti: ayun nga eh nagustuhan ko kahit wholesome..bibihira yun. haha! kumbaga eh hindi spicy..
pangingitiin at paluluhain ka nga nito. mas patok siguro to kung naging valentines movie.

19. eloiski - Oktubre 26, 2008

huwaw!
ako na lang ata nahuhuli ah!
hindi ko pa ito napapanood!

makabili na nga ng pirata!

amp!

gasti: piliin mo yung kopya sa orig vcd. hindi ka rin mag eenjoy kapag malabo ang kopya.

20. ellieshe - Oktubre 27, 2008

maganda ba talaga? nood nga din ako at ng kiligin naman..hehe

gasti: nasisiguro ko sayong kikiligin ka rito. makakabisado mo pa ang mga linya.

21. har har - Oktubre 28, 2008

hehe.. cute nga ung movie.. d b c jek ngustuhan din yan? tama b? hehe

cute ung line ni sarah n.. “kahit kelan ndi q naramdamang nkakapagod kng mahalin… ngaun lng” naks😉

agree nga din pla q kay akosiikay.. maganda din ung one more chance.. (d halatang mhilig aq s movies ni john lloyd)

gasti: uu yun pa! hehe! akala nga nni jeck napanood ko rin sa sinehan eh.
isusunod ko na yang one more chance saka mga pelikula ni Aga.. magpapahinga muna ako sa mga scandals.

22. Layla - Oktubre 29, 2008

curious naman ako. panoorin ko nga rin. teka.. sino ba bida dun?

gasti: si john lloyd cruz at sarah geronimo. hindi ba nakarating sayo ang magandang balita noon? tsk tsk!

23. popoy - Oktubre 29, 2008

napanuod ko na gasti. tawa ako ng tawa hahahaha

gasti: kitams! sabi sayo magugustuhan mo rin eh!

24. siangelnawalangpakpak - Oktubre 29, 2008

naku, kuya. mukhang pwede ka ng taga endorse ng pelikula nila sarah at john lloyd. dapat sabihan mo ang abs-cbn na madaming nagbabasa ng blog mo.

additional racket din yun no?

P.S. nag-iba na po ako ng pangalan kaya di ko na kailangang sagutin yung ibang tanong mo dun sa kabilang posts.

gasti: uu nga eh mukhang maraming nacurious sa pelikula nila..epektib pala ko endorser. hehe! parang bugaw pa rin ang labas ko? pwede!
buti napalitan mo na yung name mo. mas bagay yan sa mga duktora..angel ng mga pasyente.

25. anakngpiso - Nobyembre 3, 2008

napanood ko rin yan.. nakakakilig.. ahehehe… kaya lang mejo nabilisan ako sa storya…. natutuwa lang ako…. alam mo yung feeling na gusto mong sumigaw ng yihee sa sobrang kilig, iniimagine po kitang ganun… ahahahaha… dahan dahan lang gasti, kumukulot na buhok mo sa kilig… cheers;p-glesy the great

http://anakngpiso.wordpress.com/

26. boni station - Nobyembre 3, 2008

ganda din nun movie! limang beses ko pinanood wahaah! sobrang light ng story!

“kahit kailan hindi ako napagod mahalin ka”

27. joycee - Nobyembre 8, 2008

i love that! super kilig talaga!🙂

28. rakz - Nobyembre 19, 2008

super late reply..hehehe..
bali-balitang ung part two nung AVSL ang magiging Valentine movie na gagawin ng star cinema..
yiheee!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: