jump to navigation

dadi mumu! Oktubre 30, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
Tags: , , ,
trackback

dear anak kong gwapo,

batid kong hindi mo pa naiintindihan ang mga bagay bagay sa paligid mo dahil 3 taong gulang ka pa lang. ganun din ako, kadalasan eh hindi rin kita maintindihan dahil bulol ka pa magsalita. ayos lang yun. basta wag mo na ulit dudukutin yung mata ko kapag nag uusap tayo ng masinsinan. madami na kasi gastusin at wala na kong pangbili ng gamot. isa pa yang gatas mo. pwede bang 3x a day ka na lang uminom nyan? ipapaalala ko lang sayo na ang gatas ay hindi substitute ng tubig. saka marami tayo nun mura pa. 40 pesos lang isang w/faucet. hindi mo ko naiintindihan? ok fine. dumede ka na lang ulit dyan.

humihingi ako ng paumanhin sa ginawa kong pananakot sayo minsan. pero maniwala ka sakin hindi ko gustong paiyakin ka. tamang gulat at takot lang naman ang gusto kong makita sa mukha mo ayoko ng may iyakan pa kasi nakakaawa ka tingnan at nakakarindi na rin sa tenga pag ayaw mo tumigil sa kakahagulgol. sorry na nga! wag ka na magalit kay daddy mo.

naalala ko pa. halos isang oras din akong paikot ikot sa loob ng toykingdom at nakihalubilo sa mga holloween accessories na yan dahil wala lang..marami kasi namimili kaya naki-join ako. hehe! pero ayun nga bigla kitang naalala nung makakita ako ng mga batang sinusukatan ng mga nanay nila ng “panakot costume”. sinilip ko ng bahagya ang laman ng wallet ko..sakto kakabigay lang pala sakin ni misis ng limandaan para pamasahe ko ng isang linggo. bahala na kapag kinapos, kukuha na lang ako ng barya sa alkansya.

pangisi ngisi pa akong lumabas ng megamall bitbit ang plastic na naglalaman ng aking surpresa sayo. wala kang kaalam alam sa kung anumang laman ng plastik na hawak ko! bwahahahaha! hanggang sa makarating ako ng bahay at inabutan pa kitang naglalaro. andun na rin ang mommy mo at sinamangutan nya agad ako ng makita nya ang bitbit kong plastic na may tatak na toy kingdom.

mrs. gasti: ano yan? bumili ka na naman ng laruan? dapat pala hindi na kita binigyan ng pera!
gasti: hindi laruan to! hulaan mo…*ngiting aso

sa parteng ito ka na sumalubong sakin anak. mabilisan mong kinuha ang plastic na bitbit ko at tuwang tuwa ka pa dahil sa inaakala mong kotse kotsehan ang laman nun. at ng masilayan mo ang laman nung plastic ay natigilan ka mga 5 seconds…sabay hagis nung plastic sa ilalim ng upuan at tumakbo sa loob ng kwarto. nyahaha! ang sakit ng tyan ko nun kakatawa sayo. pati na rin ang mommy mo nakita ko pigil ang tawa. sulit na sulit talaga ang perang pinangbili ko sa maskarang panakot. priceless ika nga.

sa ganung paraan mo nakilala ang mumu. mabilis ka ng matakot ngyon at pagminsan pati sa panaginip ay naaalala mo pa rin ang itsura nito kaya napapaiyak ka na lang bigla sa pagtulog mo. naguilty naman ako kaya hindi ko na sinusuot ang maskara na yun pero eto namang kapatid ko pasaway rin. sya naman nananakot sayo kapag masyado ka ng makulit. kelangan mo malagpasan ang pagsubok na ito anak. tibayan mo ang loob mo. mas marami pang mananakot sa halloween.

masama pala epekto ng pananakot sa bata..yun ang sabi sa tv kagabi. may tendency daw na lumaking mahina ang loob nung bata kapag lagi na lang ginagamitan ng pananakot ang pagdidisipilina. pero tingnan mo na lang ang nanay mo. sobrang matatakutin sa multo at aswang nyan pero kayang kaya nyang makipagbasagan ng mukha sa kalsada. ok joke lang yun! ibig ko lang sabihin eh walang inuurungan yang mommy mo at hindi mabilis panghinaan ng loob. napaka agresibo sa lahat ng bagay. pwede mo syang gawing ehemplo ng katapangan pero wag ka naman laging magsusumbong sa kanya kapag may kaaway ka sa klase baka sabihan kang mama’s boy. wala sa lahi natin ang ganun.

ang gusto ko, magkasama tayong mananakot sa mga kapitbahay pero pano naman mangyayari yun kung hindi ka makalapit man lang sakin kapag sinuot ko na yung maskara. bibilhan pa man din kita ng pumpkin para dun sana ilalagay yung mga candies na makukulimbat natin sa tindahan ng lola mo. sayang naman. umayos ka! wag kang nagpapaniwala sa mga multo. tsismis lang yun.

mula sa puso ng iyong butihing ama,
gasti

at para naman sa mga white ladies dyan, iwasan nyong mapagawi sa kinaroroonan ko dahil hindi ako mangingiming anuhin kayo. pasensyahan na lang tayo.

Mga Puna»

1. yummy dingding - Oktubre 30, 2008

haha waw naman touching you remind me of my dad hahaha😄.
tagal kong hinintay entry mo ahh😀

gasti: touching me? ahh ok. haha! bangag.
kanina ka pa ba naghihintay? natraffic kasi ako sa edsa eh.

2. karmi - Oktubre 30, 2008

haha. mabuting ama. tama di totoo ang multo.. di totoo.. di totoo.. (parang kinukumbinsi ko lang ang sarili ko)

happy halloween sau, kay mrs. gasti at sa iyong bebi boy.🙂

gasti: natatakot ka sa multo? ahehe! dibale babae ka naman eh..excuse ka na.
happy halloween din sayo karmi!

3. Maldito - Oktubre 30, 2008

ama ako to…ang anak mo!ahahhaa..

sa akin. kung sino man ang anak ko, iaaply ko ang positive and negative reinforcements…syempre para sabihin nila na may nakuha ako bilang isang psychologist…

ano bag maskara ang binili mo? ang mukha ni diego?lols

happee halloween!

gasti: hindi kita anak! baka kapatid kita..haha!
naks naman psycho man! sige gudlak naman sa pagtuturok para magkaanak ka na rin.
nakakatakot yung maskara na binili ko pwede ng gamiting pangholdup sa mga bangko..sama ka sakin minsan isusuot ko sa ulo mo naman yung lumang stockings ni misis. happy halloween!

4. myk - Oktubre 31, 2008

patingen ng maskara hahaha

gasti: sige pero binabalaan kita baka mahimatay ka sa takot.

5. madbong - Oktubre 31, 2008

parekoy, yung bunso kong dawter iba ang kinakatakutan – clowns!!

gasti: hehe! nung 2 yrs old pa lang anak ko takot na takot din sya sa mga clowns…

6. mang badoy - Oktubre 31, 2008

parang gusto kong gumawa na ng anak.. makagawa ng kahit tatlo lang sa ibat-ibang nanay para tatlo kagad panganay ko…

gasti: mabilis ka makakapagparami ng lahi kung ganyan gagawin mo..hehe! bakit naman kasi 9 na buwan pa ang pagbubuntis ng tao eh yung mga hamster wala pang isang buwan nakaraos na.

7. Wacky - Oktubre 31, 2008

Happy Halloween! Dalawin mo naman ako sa blog ko. Kung hindi, sige ka, dadalawin kita sa inyo. Ahaha! Joke!

Nice entry para sa isang anak mula sa kanyang ama.😄

gasti: madali naman ako kausap eh..o sige dadalaw na..hehe!

8. rio - Oktubre 31, 2008

ano kasi yung maskara na binili mo?? hehe
happy halloween sa inyo ng family mo..

gasti: yung rubberized na maskara tapos may kasamang konting buhok. hehe! mainam na panakot sa makukulit na bata.
happy halloween din sayo doc rio!

9. Neex - Oktubre 31, 2008

nyahaha! gusto ko ng makulit na tatay.. seryoso tatay ko eh. hehe

gasti: seryoso din naman madalas tatay ko. ayos lang yun basta mabait at hindi nananakit.

10. har har - Oktubre 31, 2008

aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh.. ang sweet.. parang sarap m mging daddy.🙂

d m p papalampasin ung white lady.. hehe😉

gasti: sweet? masarap? uhhmm para namang sugar daddy na ang dating ko nyan. haha!
wala pa kong nakitang white lady sa pelikula na hindi sexy at kaakit akit ang itsura pero ewan ko na lang.
nga pala, iba talaga yung dating nung “aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh” ayos!🙂

11. anakngpiso - Oktubre 31, 2008

ahahaha…. pati ba naman white ladies pinatulan… tama yun!!! nakakatrauma ang pananakot sa bata.. kasi hanggang ngayon matatakutin pa rin ako dahil sa mga pesteng mumu na yan…. sino ba kasi naka-isip nyan, ipapalit ko kalahati ng katawan nila sa tikbalang… cheers-glesy the great

http://anakngpiso.wordpress.com/

gasti: matakot ka sa buhay wag sa patay dahil hindi ka naman magagalaw nun. yung mga white lady? sus! wala yun…

12. jheiphoe - Nobyembre 1, 2008

buti pa ung tatay mo ganyan…

hwwuuaaahhh! tatay ko kasi masyadong naka-simangot.. ehehe!

gasti: baka naman maraming problema tatay mo. yayain mo kaya sya manood ng bold.

13. i_k_a_y - Nobyembre 1, 2008

hehehe…may pgkaloko loko ka rina ama ano poh!?…joke!
tama ba nman kcng pgkatuwaan yung anak nya…🙂

eh papano kung matandang white lady ang mgpakita
syo manong gasti?😉

gasti: nagkakatuwaan lang kami anu ka ba. gusto nya nga yung ganung laro eh..yung naglalaro ng emosyon.
walang matandang white lady! dahil karamihan sa kanila ay makinis!..okay wala ako ebidensya sa sinabi ko.

14. yummy dingding - Nobyembre 1, 2008

hahaha LOL. amp na isip yan.

15. sexy moi - Nobyembre 2, 2008

dear daddy gasti,

pasaway kang daddy at pati si baby gasti napagtripan mong takutin. pero natuwa ako sa entry mo dahil ako hindi ko maalala daddy ko na lambingin ako ng ganyan (huhuhu). anyway, ok lang yan, makipag laro sa baby habang bata pa dahil pag dating ng panahon friends na niya ang kasama niya sa takutan…

nagdadrama,
sexy moi😀

gasti: halika rito tatakutin din kita. haha! masarap naman makipaglaro sa bata kasi.

16. burinj - Nobyembre 2, 2008

ang cool naman ng daddy ng anak mo!

naiinggit ako! waaaaah! gusto ko na din mag ka baby para may maibili din ako ng maskara pag halloween!

gasti: pwede ka namang bumili ng madaming nakakatakot na maskara ngyon kung gusto mo tapos pag nagkababy ka na, isampay mo yung mga maskara sa loob ng crib.

17. boni station - Nobyembre 2, 2008

astig idol gasti! 3days ko palang nakikilala ang blog site mo at ang daming nakakatuwang post!

kakaiba ka talaga may talent! hindi lahat nakakasulat ng ganyan,ordinaryong pangyayari sa buhay pero nasasabi mo ng makabuluhan at masayang paraan!

keep it up!

gasti: naks naman idol! hehe! salamat sa pagbisita. wag naman masyado yang pambobola mo baka maambunan pa kita ng barya ko sa bulsa mawawalan na ko ng pamasahe.
don’t worry I’ll always keep it up. whatever that is.

18. siangelnawalangpakpak - Nobyembre 3, 2008

traumatized na ang anak mo niyan. balang araw, babawi din siya sayo. yung pag geriatric ka na at naka-baston na kung makatakbo.

sana lang wag kang atakihin sa puso kung siya naman ang manakot sayo.

gasti: kamusta naman ang pananakot mo sakin? hehe! hindi mangyayari yan dahil palalakihin ko syang marunong gumalang sa matatanda.

19. myk - Nobyembre 3, 2008

anak ng.. hipon ba yan para himatayin ako ha gasti.. o isang babaeng may lawit? wahahaha o baka naman mukha ni ********** yan

gasti: hinihimatay ka sa hipon? haha! ewan pero sino ba yang puro asterisk na yan? hmmm..basta iba to!

20. boni station - Nobyembre 3, 2008

at para naman sa mga white ladies dyan, iwasan nyong mapagawi sa kinaroroonan ko dahil hindi ako mangingiming anuhin kayo. pasensyahan na lang tayo.

astig talaga yung linya na yan! tsikboy na tsikboy ah! heheh!

gasti: hindi totoong tsikboy ako. tsismis lang yun.

21. chyng - Nobyembre 4, 2008

wow, gasti in butihing ama role.

napanood ko din yan sa tv, nagkakatrauma pala yung mga batang tinatakot. kawawa din.

gasti: kawawa nga yung mga batang naipalabas sa tv na humahagulgol. yung mga nene pa. dapat kasi after takutin eh bibilhan ng selecta family pack na icecream..mga ganun ba.

22. Leyn - Nobyembre 4, 2008

“ang gusto ko, magkasama tayong mananakot sa mga kapitbahay”

hahaha. nakakatawa ka namang daddy, kunsintedor ka sa kalokohan.

gasti: mas maigi ng kami ang manakot kesa kami ang takutin..hehe! unahan lang yan!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: