jump to navigation

quality time Nobyembre 5, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

karaniwan mo ng maririnig yang katagang yan sa opisina. hindi ibig sabihin nito na quality time with your boss. kalandian na yun. ang ibig ko sabihin ay kung papano mo gugulin ang 8 oras o higit pa sa loob ng opisinang pinagtatrabahuan mo. ilang movies at music na ba ang nadownload mo? ilang streaming videos na ang napanood mo? saan saan ka na nakarating sa panaginip mo? nakailang putok ka na? mga ganun ba.

hindi naman pwedeng habang buhay eh petiks ka na lang at hindi rin naman maaaring gugulin mo ang buong oras mo sa pagtatrabaho. kahit alam mong EMO ka, hindi ka pa rin nag iisa. tangena andami nyo na kaya nagkalat. parang inaraw araw nyo na nga ang selebrasyon ng halloween eh!

may mga taong umaasa at nagmamahal sa atin. kung sayo wala, magpakamatay ka na. hindi ka naman pala kawalan. anyways, kelangan rin natin bigyan ng sapat na oras ang pamilya natin. lalo na yung mga magulang dahil matatanda na yan, nagiging maramdamin na. naghihintay lang sila ng mga damoves mo. hindi naman sila kagaya ng gelpren mo na demanding at very vocal sa pagmumukha sayo na wala na kayong quality time. na wala kang kwentang boypren at mas maigi pa yung alaga mong pusa dahil palagian mong hinihimas.

at kung pamilyadong tao ka naman bukod sa labing-labing sessions na hindi masyadong binibigyan ng halaga ng misis mo dahil pagod sya at wala sa mood, hahanapan ka nyan ng quality time. yung simpleng pag uusap/pagkukuwentuhan nyo ng mga bagay o pangyayari sa buong araw na magkalayo kayo. in short, mangumpisal ka. kelangan mo sila pagbigyan para hindi sila magtampo at para masarap ang kakainin mong almusal kinabukasan. magsinungaling ka kung kinakailangan, maglahad ka ng istorya na kagaya ng mga romantic stories sa pocketbook para mapasaya sya. basta siguraduhin mo lang na hindi mahahalata ang panlolokong ginagawa mo at makakatulog ka ng mahimbing pagkatapos. madali lang naman yan.

pero kung isang alipin ka ng pagmamahal sa asawa mo na (syempre pa!) gaya ko, mas pipiliin mong bigyan ng swabeng masahe ang misis mo. hindi lang makakatulong yan para pakalmahin ang nag aalburotong asawa mo, makakaiwas ka pa sa kung anumang sakuna na paparating. kelangan mo lang ng mahaba-habang pasensya at angking galing sa paghagod ng katawan gamit ang langis. at take note hindi ka dapat tigasan sa mga oras na yun dahil pagdududahan agad ang sinseridad mo. kung pano magagawa yun ay hindi ko rin alam, sablay ako dyan sa parteng yan.

sagutin mo lahat ng tinatanong nya ng mabilis at pabalang. ang pikon, talo. basta habang nakikipagsagutan ka sa kanya, tuloy pa rin ang masahe. nasisiguro ko sayong mababalewala ang inis nya kapag nasasarapan sya sa pisil at hagod ng mga kamay mo lalo na sa mga parteng kayo lang ang nakakahawak. keep up the good work. be as gentle as you can at sa huli kapag nagsawa na sya sa kakasalita, aantukin na rin yan at magyayaya na matulog. kung hindi ka pa dinadalaw ng antok sa mga oras na yun eh ikaw na ang bahala dumiskarte ng susunod mong gagawin basta marahan ka lang dapat para akalain nya eh panaginip lang ang lahat.

at panghuli, kung may psp ka, wag na wag mong hahawakan yan kapag nasa bahay ang misis mo dahil baka maihagis nya yan sa kung saan. baka lang naman.

Mga Puna»

1. yummy dingding - Nobyembre 5, 2008

hahaha nice entry hahaha.ano ba yan di ko alam kung sino pinatatamaan mo e😄 hahaha ako ba iyon? malamang hindi alam ko naman madaming nagmamahal sa akin!

nga pala may award na naman ako sa iyo punta ka sa blog ko. para naman mabasa mo yung dedication ko sa inyo LOL.

Sana wala ng magbigay ng award di ko na alam kung kanino ko ipapasa LOL. musta hallowen hahaha?

gasti: kelan ka pa naging emo? haha! syempre naman maraming nagmamahal sayo.
salamat pala sa award nakita ko na. andami nun ah parang nakagrandslam ka. yung holloween ayos lang di na ako lumabas ng bahay kasi maraming nananakot na bading.

2. har har - Nobyembre 5, 2008

uuuhhhmmm..lambing naman. bihira s lalaki malambing.. kadalasan mas gusto nila ung cla ang nilalambing.

bait m ha…😉

gasti: uhhhmmm..potek! bakit parang iba na naman yung dating. sintomas na ba to ng pagkatigang? anyways, punong puno ng lambing ang comment mo sakin napansin ko. ganito talaga ako eh. caregiver.

3. boni station - Nobyembre 6, 2008

hahaha! ^^ siguro naihaigis ung PSP mo!? urgh!!

gasti: mahigpit naman ang kapit ko sa psp kaya hindi natuloy. pero mabuti ng nag iingat🙂

4. foobarph - Nobyembre 6, 2008

*whew* buti na lang wala akong psp.

gasti: pero may asawa ka na? kelangan mo ng psp!

5. chyng - Nobyembre 7, 2008

parang based on experience ang Flying PSP ah! (lagyan mo ng metal case para no worries!) hehe

basta ako pag nagkaasawa at PSP at iPhone ang aatupagin nia, eh nde lang bsta ihahagis yun. Itatago ko at mamatay cia kakahanap! harhar

gasti: mahal ang metal case kaya hanggang silicon cover lang ako. hehe!
sana maintindihan nyo rin ang pagkaisip bata ng mga lalaki minsan. lalo na yung mga napagkaitan ng gadgets nung kabataan nila dala ng kahirapan. pwede namang daanin sa maayos na usapan🙂

6. ruthi - Nobyembre 7, 2008

hmmmmm. ganda nito bibihira akong nakakabasa ng mga ganitong usapin. May punto ka nga. Quality time marami ako… quality time sa paglalaba, paglilinis, at pagluluto… sa asawa marami din. Pag ganitong wala akong trabaho at dakilang maybahay lahat ng time quality time. At kahit papano eh nahihimas ako… at si mister nakakamot ko… lagi kasing makati ang likod. hahahaha

gasti: mabuti naman at hindi pa rin nawawala ang himas at kamot sa inyong pagsasama.. importante talaga yan para tumagal ang inyong relasyon. quality time nga. hehe! salamat sa pagbisita.

7. mangbadoy - Nobyembre 7, 2008

tinigasan ako sa post na ito… professional husband ka na master gasti!!! at certified boss ni misis… ano ulam mamayang gabi?

gasti: erotic entry ba talaga ang kinalabasan nito? hehe! nakalimutan ko na kung ano inulam namin pero sa pagkakatanda ko eh..may sabaw🙂

8. thefilipinamistress - Nobyembre 7, 2008

hahaha… natuwa naman ako dito. oo, weakness talaga naming mga babae ang pagmamasahe. pero totoo yun, meron bang lalakeng indi tinitigasan pag nagmamasahe sa isang half-naked na babae?

tsaka kamusta na ang iyong flying psp? umaandar pa ba? =)

gasti: tungkol dun sa tanong mo kung merong lalaking indi tinitigasan sa ganung sitwasyon sa tingin ko naman meron..at yun ay yung mga taong suyang suya na sa partner nila. wala ng gana🙂
yung psp nasa ayos pa naman. konting gasgas lang.

9. Maldito - Nobyembre 8, 2008

ako pag inihagis ni teody ang psp ko..isasama ko din siya sa psp..akala nila no!!

quality time sa games!!!ahahahhaa…

ewan. pero parang xerex ang post na to..ajjaja

gasti: haha! ang brutal. pano naman naging xerex to? ang ayos ko na nga.

10. sexy moi - Nobyembre 8, 2008

may mga taong umaasa at nagmamahal sa atin. kung sayo wala, magpakamatay ka na. hindi ka naman pala kawalan. —–>>>> hahaha sasabihin ko yan sa kakilala ko

gasti: sige sabihin mo sabi ko. pero kung babae yan, sabihin mo wag sya magpasalos dalos..buksan nya ang isip nya sa mga posibilidad.

11. ponchong - Nobyembre 8, 2008

ambait mo ngayon a…at may nabasa din akong hindi rascal.

pag nagspend ako gn quality time, iba ang kinahahantungan! hehehe…

gasti: quality time at it’s best..hehe! mas gusto ko yang ganyan sulit ang bawat minuto ng pagsasama.

12. linglingbells - Nobyembre 10, 2008

naks! ang lambing naman! mukhang magaling ka magmasahe ah.. ganyan lagi gawin mo para di ihagis psp mo.. baka lang naman..😀

gasti: mas magaling ako magmasahe pag nasa mood. nakakaano.

13. V - Nobyembre 10, 2008

minsan talaga kailangan mong maglambing. importante yun. minsan mas masarap yung yakap kesa sa halik. parang ganun.

gasti: napapadalas na nga ang minsan. saka eh natural na naman sakin yun. hindi nga lang sa materyal na pamamaraan.

14. foobarph - Nobyembre 11, 2008

gasti: pero may asawa ka na? kelangan mo ng psp!

re foo: eto na! inaasawa na! ^_^ nyahaha! magpapabili na lang ako ng psp sa magiging misis ko. lolz!

gasti: ayan maigi pa. nagpabili lang din naman ako sa misis ko noon. hehe! parang gusto na nga nya bawiin.

15. Jeck - Nobyembre 12, 2008

kilala mo ba si damdam? may post syang bago, tungkol sa psp. hehe.
sabihin mo sa misis mo pag inihagis yung psp mo, sa akin na lang ihagis. buong puso kong sasaluhin… hehehe

gasti: hmmm damdam..uu yata. isang greenies din.
masyado ka malayo para umabot ang hagis dyan. ang mabuti pa..hanap ka ng mga dalagitang nalaglagan ng puso🙂

16. AZRAEL - Nobyembre 12, 2008

kung tutuusin, napakadali lang naman magbigay ng quality time sa asawa.. isang oras lang sa isang araw sa loob ng isang linggo pwede na!

halimabawa:
lunes – makipaginuman sa barkada ng overnite
martes – pagkagising sa overnite, puntahan ang ibang barkada. repeat inuman
miyerkules – matulog buong araw sa bahay dahil 2 days strait lasing
huwebes – mambabae ng hindi mahuhuli syempre
biyernes – mambabae ulit
sabado – mag computer buong araw at planuhin ang susunod na gimik at pambababae sa isang linggo
linggo ng hapon – magsimba kasama si misis at pagkatapos pakainin sya sa jollibee.

o di ba?? pwede na!

gasti: ano pang silbi ng buhay kung mawawala ang barkada at alak? hehe! maganda yang naisipan mong quality time pards mukhang bawing bawi naman siguro ang mga oras na nawala dahil sa pambababae. pwede! kaya lang hindi ko kayang gawin yan lalo na ngyon at paniguradong mababasa na naman to ni misis.

17. jakeyjunkie - Nobyembre 15, 2008

“take note hindi ka dapat tigasan sa mga oras na yun dahil pagdududahan agad ang sinseridad mo.” – EPIC!

Panigurado p’re masarap at masaya din ang pagiging family man. May pag-a-alayan ka ng lahat-lahat ng mga ginagawa mo.

gasti: magkakaroon ka ng mas malalim na purpose sa buhay ika nga. bukod sa pagpapasaya sa kababaihan. mas maeenjoy mo makipagkulitan sa anak mo.

18. Pedro - Nobyembre 16, 2008

sira ang psp ko. tae!

gasti: nakow sayang kokopya pa naman ako sayo ng games.

19. antuken - Nobyembre 21, 2008

naco, weakness ko yang masahe. ewan ko ba, favorite ko talaga yan. kaso si hubby, di mashado magaling magmasahe.
yang psp na yan, sus, pag-aagawan pa namin yan. hahaha.

gasti: more praktis pa siguro para sa mister mo. hehe! baka naman pagod din sya kaya hindi maganda resulta ng masahe. ang kaagaw ko naman sa psp eh yung kapatid ko saka anak ko. mas madalas pa nga sila gumamit nun kesa sakin.

20. anakngpiso - Nobyembre 23, 2008

nyahaha.. okay lang sana kung ibabato lang kung saan yung psp eh.. ang masama lang kung sa’yo ibato di ba?

samahan mo pa ng bulong.. .baka madaan sa dasal si misis.. ahehehe-;p-cheers-glesy the great


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: