jump to navigation

life begins at 40 Nobyembre 17, 2008

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
trackback

maligayang pagbabalik sa aking blog. kamusta naman ang aking nagmumurang katawan na hinagupit ng sakit? hirap na nga umusad ng isang guhit ang timbang ko tapos ay mababawasan pa. life is unfair. mukhang hindi ko na maaabot ang target weight ko sa december kung hindi ko maibalik ang gana ko sa pagkain o kahit yung sipag man lang sa pagnguya.

pero ang nakakadismaya sa lahat, at ito ang pinakamatindi. tinutubuan na ako ng bilbil! hindi na talaga maiwasan dahil wala na rin akong ehersisyo na ginagawa. ayoko nito. masagwa. hindi ko lang pwede pwersahin ang sarili ko ngyon dahil may ubo pa ako at hindi pa bumabalik ang lakas ko na nawala sa banyo nung mga nakaraang araw na nagstay ako sa bahay. ayokong mag-“mukhang tatay”. iyon lagi ang bansag sa mga lalaking mukhang matanda na. hindi pa napapanahon ang ganyang itsura para sa edad ko kaya sisikapin kong maibalik ang lahat ng nawala sakin. kasama na ang virginity ko.

medyo marami ang ngyari sakin nung nakaraang linggo na maaari kong ikabinat kapag kinwento ko pa lahat kaya ganito na lang siguro..pahapyaw na lang.

3 day vacation gone mad.

myerkules ang unang araw ng aking bakasyon dahil bertdey ni misis. maaga kaming nagising hindi para maghanda ng mga putaheng iluluto kundi para isugod sa ospital ang nanay ko dahil sa kagat ng ipis-ewan. blood sucking little creature na hindi naman natagpuan nung nagsagawa kami ng follow-up operation. pangatlong beses na ngyari ang ganitong insidente at laging nanay ko lang ang kinakagat. kung mas masarap ang dugo ng nanay ko kesa saming lahat ay tanging ang ipis lang na iyon ang nakakaalam. parang gusto ko na ring maniwala sa kulam.
nang lumaon, dahil na rin siguro sa kapaguran na hindi ko naman dapat nararamdaman dahil puppet lang ako, nakapagtatakang ginawin ako sa tanghaling tapat habang panay ang singhot ko ng marijuana sipon. hirap na rin ako makatulog kinagabihan dahil sa ulo kong parang dinidivirginize. and the rest is history.

huwebes. the history repeats itself. bongga! sinasabayan ng lagnat ang pag up and down ng ano ko. the heat is on! the room is on fire! feeling hot hot hot!…lupaypay na ko sa kama at nangangatog sa lamig. and the referee steps in and stops the fight. TKO win!

and to wrap it all up. byernes. life begins at 40 degrees celcius. hindi nakatulong ang pagtalukbong ko ng kumot para masala ang lamig ng hangin papasok sa katawan ko. bumangon ako ng 3am para wakasan na ang paghihirap ko sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang medyas (parang arab scarf lang ang dating) tumambay sa sala at mag ayuno. hindi naman ako iniwanan ni misis dahil nag aalala sya na baka kung may ano pang mangyari sa akin sa pag iisa ko. maya maya pa nagising na rin ang lahat ng kasambahay namin at ginawa na akong santo. panay ang punas sa aking bagsak na katawan. kung may suso lang siguro ako malamang nakalugay na rin yun. hindi na ako masyado makapag isip ng matino noon at inaantay ko na lang na tirikan ako ng scented candle para makapagrelax na ako ng tuluyan.

makalipas ang ilang oras at sangkatutak na biogesic, solmux at decolgen, bumalik na  sa normal ang pakiramdam ko at unti unti na ring bumabalik ang silbi ng dila ko. nalalasahan ko na ang pagkain. nakapamasyal na rin ako nung linggo kahit papaano.

sa ngyon balik opisina na ulit. kulay mountain dew pa rin ang ihi ko at kasalukuyan pa rin akong nagpapagaling. hindi na ako pwedeng magkasakit dahil kailangan ko rin bantayan si misis na nagpapahinga sa bahay. at kahit pa sabihin nating pwede, sino ba may gustong magkasakit? haaays..gastos na naman!

Mga Puna»

1. The Gasoline Dude - Nobyembre 17, 2008

40 degrees Fahrenheit ang naging lagnat mo? Hindi ba sobrang baba nun.

gasti: haha! salamat pards pinansin mo. wala pa pala ako sa katinuan habang nagsusulat kanina. inedit ko na. onga naman 40 degrees F ay may katumbas lang na 4.44 degrees C. para naman akong bangkay nun. lols!

2. pepe21 - Nobyembre 17, 2008

mountain dew ah?
aus un ah.
hahaha,

3. mangbadoy - Nobyembre 17, 2008

teka lang magcocomment muna ako… yes! pangatlo ako!

gasti: ibang klase ka mang badoy! akalain mo nga namang tumama ang hula mo.

4. mangbadoy - Nobyembre 17, 2008

ito lang ang mga naiisip kong dahilan kung bakit ka nag-kasakit:

1. nakagat ka rin ng ipis na kumagat sa nanay
2. nasobrahan ka lang sa pagpapaligaya sa sarili mo nung wednesday night
3. kinuha mo ang number ng nurse na maganda sa ospital na dinalhan nyo sa nanay mo at kinulam ka para makuha ang virgin mong katawan
4. may pagpupulong na nagaganap sa bilbil mo at nagtipon tipon ang mga taba kaya naman nag cause ito ng matinding pagtaas ng temperatura sa iyong katawan.
5. karma sa pananakot ng anak mo nung nov 1…

pili na?!

gasti: wala sigurong tumama dyan sa mga hula mo dahil wala akong marka ng kagat, matagal na akong tigang, hindi ako nakikipag usap sa nurse kapag nasa ospital, may mga goodbacteria ako sa tyan na panlaban sa pagpupulong ng mga taba at hindi ako tinatablan ng karma dahil may anting anting ako.

5. popoy - Nobyembre 17, 2008

hoy gasti. hindi kaya napulmunya ka o may TB? wag naman sana ksi base sa mga ipinahayag mo eh parang ganun nga ang sakit mo. ako ito si DOKTOR KWAK KWAK.lols

at least okey ka na. magvitamins ka. baka vitamin S lang at J kasi, nakakapanghina talaga yun.lols

ngayon lang ult nakabisita dito!!!!

gasti: doc naman! wala lang to..sakit ng mahirap lang. commoners disease.
matagal na kong di nakatikim nyang vitamin S na yan. nakakaubo pala kapag walang ganun.

6. bonistation - Nobyembre 17, 2008

nagkasakit pala si idol kaya natagalan mag post. wag ka muna papanaw ha at kailangan pa namin mga obra mo. ^^

biro lang, buti ok kana uli. parte na talaga ng buhay mo tong the invisible blog ha! kahit anong laban sa buhay mo eh nakatala dito awwww!!

pagaling pagaling!!

gasti: hindi naman lahat ng pangyayari ay nakatala dito. iba na yung ganun. mawawalan ka na ng privacy. wag ka mag alala hindi ako pumapanaw.

7. rofel - Nobyembre 17, 2008

malas lang!!! ikaw ang minanyak ng sakit.
at buti naman ok ka na… na sobrahan at sa anu yan bossing. hehe.

gasti: kulang na kulang na nga. nakakasakit na ng ulo.

8. foobarph - Nobyembre 17, 2008

mhuhuhuhu. sana maging ok na ka gasti.🙂

bigyan kitang babae, gusto mo? ^^

gasti: bigay mo na lang sa iba yang mga babae pards…sakit lang ng ulo yan.

9. Maldito - Nobyembre 18, 2008

penge ng mountian dew..nauuhaw ako..ahahaa..yak!

nagksakit ka?ako din eh..pero indi nanalo ang sakit sakin..san ka ba nakakakita ng tao na sumasayaw parin kahit na may lagnat?ahahhaa…

ayun nawala din naman,,pero nag iwan ng sipon..dyahe lang dahil pag nag tuturn ako lumalabas ng kusa..ahahhaa..
pagaling bossing..

dahil sabi ni John llyod…INGAT!

bye!

gasti: para ka sigurong lasing na sumasayaw noh? hehe! di ka talaga mapipigilan kapag gusto mo sumayaw. buti walang natalsikan ng mga sipon mo. nagkalat ka pa ng virus sa stage.

10. har har - Nobyembre 18, 2008

mmmmm.. wawa nmn. hirap mgkasakit, lalo sipon at ubo. sbayan p ng lagnat.. mainit ung ktawan mo pero nigiginaw ka.. haist..
bait ni misis m kasi nialagaan ka nya.🙂

gasti: may mga panahon lang talaga na bigla na lang sumosobra ang init sa katawan at kelangan mo na maglabas. saka mo lang mararamdaman ang lamig sa paligid.

11. siangelnawalangpakpak - Nobyembre 18, 2008

flu sana ang una kong iniisip na sakit mo, kaso nung sinabi mong ihi na kulay mountain dew, urinary tract infection naman ang naisip ko. pero mukha namang simpleng flu lang kasi sabi mo, okey ka na ngayon… buti naman. hinay-hinay sa stress ng trabaho kaibigan =)

gasti: flu naman talaga. kaya ko lang naman nasabing ganun ang kulay ng ihi ko dahil sa dami ng gamot at vitamins na ininom ko nung mga nakaraang araw. salamat kaibigan. magaling siguro mag alaga ang mga nurse sa partners nila lalo. saka hindi madidirihin. naisip ko lang naman.

12. jeck - Nobyembre 19, 2008

pinakaayaw kong mangyari sa akin yang magkalagnat o magkatrangkaso. ang hirap sa pakiramdam. pero buti ka nga may asawang nag-aalaga pag may sakit ka.

gasti: badtrip nga kung kelan may bertdeyan saka ako nagkasakit. wala akong malasahan sa kinakain ko kaya nawalan na rin ako ng gana.

13. chyng - Nobyembre 20, 2008

Rejoice, buhay na ulit si Gasti!

Good thing ok kna. Mahirap maging hobby ang SL. USO ang tanggalan sa companies ngayon! hehe

gasti: uu nga eh nabalitaan ko rin yang tanggalan na yan. hirap pa naman mabakante ngyon malapit na magpasko..tsk tsk.
oist! hindi naman ako namatay..haha! nagpahinga lang sandali.

14. chillidobo - Nobyembre 20, 2008

Congrats parekoy! Pwede mo bang isubmit yang kwento mo kay John Lloyd para sa susunod na commercial ng Biogesic? hahaha -utot

15. Sexy moi - Nobyembre 20, 2008

Weow,buti ok ka na. Stress nga cguro yan. Ingat ka lagi. Mwah!

16. joshmarie - Nobyembre 20, 2008

bawal nga po magkasakit ngayon.🙂

napadaan mula sa blog ni kuya badoy🙂

gasti: nauuso na ang tanggalan sa trabaho kaya ingat ingat na talaga..hehe! salamat sa pagbisita. kakilala mo rin pala si kuya badoy..hehe!

17. hashish - Nobyembre 21, 2008

gasti? need pa bng mg member dito!
aiz sa mga blog interesante in a way..

“a very special blog” – haha! auz to, na panuod ko din. minsan sarap ma emo.

gasti: membership? lols! wala naman. pero may initiation..kurot lang sa utong. yakang yaka mo na yan.
eh hindi naman emo ang pelikulang yan. sa hirap ng buhay ngyon mas pipiliin mo pa bang manood ng madramang palabas? wag na uy!

18. antuken - Nobyembre 21, 2008

ikaw valid ang reason for not posting for sometime. ako di nakakabisita kse talaga namang busy sa trabaho. mantakin mong lampas 1 week ako di nagbukas ng pc sa bahay. pagkagaling trabaho, dinner tapos tulog na. haay. sino ba nagimbento ng pera? nalulustay ang lakas at katawan ko para kumita lang nun. haay ulet.

gasti: alipin na nga tayo ng salapi. tsk tsk. lalo na ngyon malapit na magpasko. uulan na ng 13th month pay! hinay hinay lang sa work baka mauwi lang sa pambili ng gamot ang perang pinaghirapan mo. haaays rin.

19. hashish - Nobyembre 21, 2008

kurot sa utong? haha! wag nmn po kuya. awts un!
konserbatibo po ako! LOLS!

gasti: konserbatibo rin naman lahat ng bloggers🙂
sa una lang naman yung kurutan pero yung mga sumusunod eh puro pisil na lang.

20. anakngpiso - Nobyembre 23, 2008

nyahahaha.. buti nalang wala kang dede…. uminom ka ba ng vitamins? baka kaya kulay mountain dew ang iyong wiwi… inom lang ng maraming tubig!!! ahehehe… teka lang napatingin ako sa taas.. anjan na pala si doktora at may diagnosis na….

pagaling ka, para di ka naman magmukhang uhugin.. cheers-glesy the great

gasti: yup sagana ako sa vitamins kahit hindi halata. ayos nga si doc eh libre consultation🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: