jump to navigation

morning glory Nobyembre 24, 2008

Posted by gasti in kahihiyan, muni-muni moments.
trackback

pagminsan talaga sa buhay kapag tinamaan ka ng lintek..sunod sunod yan. at hindi ka titigilan hanggat hindi ka napapatumba at nag-eemo. ganyan ang pagsubok ng buhay.

napansin ko lang na sa tuwing may dumarating na pera ay may kasunod na pagkakagastusan. swerte na rin siguro kung tutuusin pero nakakapanghinayang din lalo na kung may iba kang plano para sa perang naipon mo. sayang din yun. kung iisipin mo ang mga bagay na sana ay mabibili mo sa halagang ibinayad mo sa lahat ng gamutang nangyari, manghihinayang ka talaga. pero hindi naman pwedeng pabayaan ang sarili mo. hindi naman kusang gagaling ang sakit ng hindi ka nalalagasan ng pera. kahit yung mga simpleng albularyo nga ay nanghihingi ng donasyon, mga doktor pa kaya.

magpapasko na at sangkatutak na ang mga taong nagpupunta sa shopping malls. isa na ako run. pero hindi naman ako namimili kundi pimipili lang. magkaiba ang bigkas dyan. ulitin mo! ako yung kalimitan na kinakausap ng mga saleslady o bantay sa mga stores dahil mukhang bibili at mukhang interesado sa tinitingnan pero mukhang undecided. akala nila ay makakatulong sila para bumili ka pero ang hindi nila alam, wala kang sapat na pera sa wallet mo.

may mga eksena pa minsan na magkahalong inis at hiya ang mararamdaman mo dahil sa makikita mong price tag na nakalagay sa damit na nagustuhan mo. ibubulong mo na lang sa sarili mo ang katagang “putris! bakit ko ba kasi napasok itong store na to..“. o di kaya ay “tanginang presyo yan! ginto! hindi makatarungan ito!?” tapos hindi mo ipapahalatang hindi mo kayang bilhin ang mga paninda nila kaya kunyari ay titingnan mo pa yung ibang items hanggang sa maikot mo na ang bawat sulok ng store at lalabas ka na lang kapag may iba pang customer na pumasok habang ikaw naman ay humuhugot ng celphone sa bulsa at kunwari ay may itetext o kaya ay tatawagan.

napakarami talagang gastusin ngyon. yung perang matatanggap ko sa katapusan ay hindi ko na rin masyado iniisip dahil may nakalaan na para dun. wala na rin ako ganang magsusulat pa ng wishlist dahil panigurado namang hanggang wish na lang yun. bakit ko pa isusulat? para lalo lang ako manghinayang…haaays!

nasa ganitong eksena ako ng pagmumuni muni kaninang umaga pagsakay ko ng shuttle service. pumasok na ang huling pasaherong sasakay at isasara na ang pinto para makabiyahe na kami ng biglang sabihin ng dispatcher ang magandang balita…”nagbaba na ho kami ng pasahe. 40 pesos na lang simula ngyon”. siguro kung iba siguro ang makakarinig nyan baka naghurumentado pa sa galit. namumurahan ka ba sa kwarenta pesos na one-way ride? uhhhmm wala naman ako magagawa sa part na yan dahil commuter lang ako at hindi ko kayang maglakad simula marikina hanggang dito sa opisinang pinagtatrabahuan ko kaya tiis na lang.

nakasampung piso na rollback na sila buhat ng nagsimulang bumaba ang presyo ng krudo. mabuti naman at nakosensya rin ang mga lokong drayber dahil mas malaki na ang kinikita nila kesa samin. mas maigi na ngyon patas ang laban.

eh kung magboksing na lang kaya ako? hmmm….
manny

Mga Puna»

1. lovely - Nobyembre 24, 2008

10php malaking halaga na rin po yung binawas pero sa mga naniningil pa pong mataas na pamasahe mahiya naman sila db atlist yung manong honest na nagbaba sila ng presyo…kuya napadaan lang ako hehe taga marikina rin kc ko …hek3

gasti: malaki ang itininataas pero maliit lang ang ginagawang rollback sa pasahe..sarap talaga batukan ng mga drayber na madupang.

2. mangbadoy - Nobyembre 24, 2008

atleast may sampu kang bawas kung sa 30 days yun e di 300 din yun… isang andoks chicken na rin at dalawang 1.5 Coke. mabuhay ang mahihirap gaya natin!

gasti: peyborit ko rin yang andoks chicken. ginutom tuloy ako..hehe! buti nga nagrollback sila eh kahit hindi naman ako umaasang may bawas pasahe nga.

3. Maldito - Nobyembre 24, 2008

oo nga…na notice ko ilang beses na nagrollback indi parin bumabababa ang pamasahe..Minsan nakakaawa ang mga dtayber…pero sa panahon ngayun inis na inis ako sa kanila dhil utakan ang laro dito…pag indi ka nagreklamo about sa pamasahe indi din sila magsusukli ng tsakto..pak ol the draybers..

isama mo na din ang taxi..hanggang ngayun may 10 pessos value added fare sa orginal na pamsahe….

ako plano kong bumili ng PSP sa 13 month ko….pero dahil exam ng mga skulars ko, malayo na siguro na makakabili pa ako….

sitwasyon ko na siguro ang pinaka unfair sa mundo…o bakit? tanong ko sayo…o bakit??bat nagtitiis? o bakit? puso koy sinugatan moooohhh…..—by aegis..ahahhaa

gasti: ganyan naman ang mga drivers eh kapag agrabyado sila magwewelga tapos itataas ang pamasahe pero kapag nagrollback naman ang krudo nakow parang nagbibingi bingihan. syempre sila naman yung nakikinabang. andami talagang madupang sa mga panahong to.
makakaraos ka rin dyan sa mga sakripisyo mo pards. onting tiis na lang. maraming kapalit na good karma points yan.

4. lyzius - Nobyembre 24, 2008

ang nakakainis pa jan bossing jon kapag nag papasok ka sa mga stalls, hindi mawawala ang mga sales lady na sunod ng sunod na para bang shop lifter ka..

errr, baka nga mukha akong shoplifter kaya ganun!

gasti: hindi ako si jon! eto namang si lyzius andali makalimot. haha!
ayoko rin ng mga saleslady na masyadong magiliw at nakabuntot sayo. nahihirapan ako lalo mamili.
sus ikaw pa shoplifter? baka mukha kang maraming pera.

5. siangelnawalangpakpak - Nobyembre 24, 2008

ahaha… ako din, gawain ko rin ang kunwari nagteteks habang palabas ng boutique kung wala naman akong binili.

eh, wala naman talaga akong load.

paminsan, para maiba naman, kunwari tumitingin ako ng relo o di kaya kunwari may tumawag sa cellphone ko.

gasti: haha! mga style! marami na pala gumagawa nun. iwas-kulit, iwas-hiya.

6. a.r.d.y.e.y. - Nobyembre 24, 2008

Pacland ang isa sa mga site na binubuksan ko sa umaga bukod sa NBA, at astig ang posing ni idol diyan. hehehe.

wag ka magalala pareho tayo ng style kapag mahal ang presyo ng napasok, kung wari ay may biglang tumawag at lalabas ng store na kunwari ay hinahanap ka. hehehe.

gasti: pareho pala tayo ng site na pinupuntahan pards. suki rin ako ng pacland at nba.
hindi naman siguro nakakahalata yung mga saleslady sa ganung istilo ng pag eeskapo natin🙂

7. Pepe McKunat - Nobyembre 24, 2008

wala akong reklamo kung laht ng bagay may bayad
kaso iyong hinihinging bayd di makatarungan
katulad sa mga tricycle.
kabadtrip.
🙂

gasti: mahal din ang singil ng trycycle samin. mas maigi pa nga magbike na lang para makatipid.

8. superboi - Nobyembre 25, 2008

boxing.. mahal ang training. heheh :)) not unless sa kalsada ka magtetrain😀 heheh😀

gasti: marami na naman akong natutunang boxing skills sa panonood kay ippo makounochi. bale yung pangtraining sana eh ibibili ko na lang ng pagkain para madagdagan naman ang timbang ko. haha!

9. bonistation - Nobyembre 25, 2008

masaya padin ang buhay! ^^ cheers!

gasti: syempre masaya pa rin. lalo na pag ganitong marami kang nakikitang anghel sa paligid…amoy bagong paligo pa.

10. chyng - Nobyembre 25, 2008

been there.

im spending P2,000 for my monthly gamots! and i have to buy those for 9 months.

sayang ang pera. ginastos nalang sana sa boylet.

sad no?

gasti: nakow malaking gastusan nga. pero kelangan bilhin ang gamot para gumaling..no choice talaga.
ingat na lang tayo palagi.

11. hitokirihoshi - Nobyembre 25, 2008

buti kayo nakapagbaba na ng pamasahe eh kami ganun pa rin. hehehe

hmmm. korek ka na parang may darating ngang pera pero alam mong gagastusin din. subalit, natuwa naman ako na dahil mas masakit naman yung wala ka nang natatanggap totally. hehehe

kahit papaano naman sa Divisoria eh malayo na rin naabot ng 500 ko. hehehe. mabuhay!

gasti: mabuhay ang divisoria! hehe! tagtipid na talaga ngyon dahil sa worldwide crisis.

12. yummy dingding - Nobyembre 26, 2008

Kaya nga di na ako pumapasok sa mall e. Kung papasok man hanggang bookstore at kainan lang hahaha. Naasar ako sa lahat ng damit na nasa YRYS hahahaha. Matagal ko na gusto bumili NG MGA THIGH HIGH SOCKS pero laging napupunta sa eskwelahan ko ang perang naiipon ko hahaha. Humaba na rin ang bangs ko kakapostphone ng pagpunta sa parlorista.

Ganito tayo kaapektado sa paghihirap ng amerika e. X(
Sana sa bagong taon makaraos na tayo😀

gasti: gusto mo nga mataas na medyas? uhhmm nakakakita nga ako ng mga naksuot ng ganun..parang isteytside ang dating. ayos na yung sa eskwelahan mapunta wag lang sa mga hinayupak na holdaper!
makaraos? hmmm..nakakamiss din.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: