jump to navigation

ebony to ivory Nobyembre 25, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

sino ba naman kasi ang nagpasimuno dito sa pinas na ang ehemplo ng kagandahan ay ang pagkakaroon ng maputing balat? maayos naman ang kulay nating kayumanggi. wala rin naman sigurong masama kung nagkataong brownout nung ipinanganak ka sa bahay o ipinaglihi ka sa adobong pusit. hindi naman dapat ipamukha sa mga tv ads na kapag maputi ka ay kaakit akit ka na o lamang ka sa ibang nilalang sa mundo kapag mukhang nagbabad ka sa chlorox magdamag. wag ganun! nakakaano yung mga commercials nyo eh!

mas nakakaattract ba sa mga babae ang mapuputing kalalakihan? parang nababakla nababaklaan nga ako sa mga ganung tipo. lalo na yung mga nagpupulbo sa mukha! mukhang kumakasa sa grade 5. ayos na ko dito sa kulay ko ngyon. hindi na ako singputi nung toddler days ko salamat sa mga kalaro ko sa lansangan at nagkakulay ako kahit papano.

hindi ko naman itinatanggi na mas type ko ang mapuputing babae. yung makinis at walang damage sa katawan. mas maigi pa nga kung rosy white at pinkish mas nakakaaliw tingnan. saka dapat mabango. pero hindi naman lahat ng maputi ay maganda. minsan try mo rin imaginin ang itsura nila kapag umitim. maganda pa rin kaya? nasa tumitingin talaga yan. kung hindi madaan sa paputian, daanin sa kasuotan. gumamit ng pekpek shorts.

ano na bang ngyari kay Jinky Oda? napamura talaga ako nung nakita ko ang bago nyang itsura. siya na naging basehan ng kaitiman noong sumasaere pa sa telebisyon ang “Okay ka Fairy ko” bilang si Bale na may buhok na malago. kung hindi ko sya napanood sa tv habang ineenderso ang produktong pampaputi ay iisipin kong photoshopped lang tong poster na nakasampay sa poste ng Julia Vargas. pwede na syang ipantapat kay michael jackson. hindi ko masabi kung gumanda ba sya o ano..pero nakasisiguro akong nag improve na ang estado nya sa buhay dahil sa negosyong pampaputi.

dapat ko pa bang ikagulat kung sa susunod naman ay lumabas na rin si Whitney Tyson na may kutis na singputi ng mga inodoro natin? wala ng imposible sa panahon ngyon.

Mga Puna»

1. bonistation - Nobyembre 25, 2008

haha sana una ‘to pero mahirap makauno ka idol. ^^. waaah maputi ako pero ayoko din ng kulay ko haha. kahit pano paitim di din umepek mamumula lang den balik uli sa kaputian. ok nga ang kayumanggi! inggit nga mga kano kulay ng pinoy/pinay kae kumabag perfect color na. hindi maitim hindi maputi. ibang usapan na lang talaga pag ma itim talaga, pero sabi nga black is beauty. tapos lalo pa ngayon si big O na presidente. so wala talaga sa kulay yan hehe.

sana mauso din ang commercial na pampaitim ahehe! ^^
para patas ang laban!

gasti: congrats! first placer ka ngayon! hehe! mukhang tumatambay ka na nga lagi dito ah! siguro wala nga gustong umitim pero kung ganun na talaga kulay mo dapat tanggapin na lang. naalala ko din dati after ng bivoac sa ROTC pulang pula ang balat ko nun dahil sa pagbibilad sa arawan.

2. mangbadoy - Nobyembre 25, 2008

mas maganda si BALE nung molata color sya kamukha nya si beyonce ngayon muka na syang harina sa puti…

gasti: sa tingin ko nga rin mas tugma yung kulay nya sa itsura nya dati. parang multo na kasi tingin ko sa kanya ngyon.

3. mangbadoy - Nobyembre 25, 2008

pansin ko lang master gasti 2 days in a row ka na nagblog a… wow! sipag!

gasti: bigla kasi ako kinating magsulat. bihira na nga mangyari to..yung magkasunod na araw may entry.

4. ka bute - Nobyembre 25, 2008

hahaha. kaya mabenta ang gluthathione eh (tama ba spelling ko?) hehehe. i’m glad i’ve met. (–,)

gasti: mabenta nga yang produkto na yan kahit mahal pinapatos pa rin para pumuti lang.

5. antuken - Nobyembre 25, 2008

ay di ko pa nakikita yang sinasabi mong billboard/poster ni jinky oda. na-curious tuloy ako bigla.
ako nung bata feeling ko maitim ako. kaso nung college, nauso yung likas papaya. aba nakigamit din ako. ngayon tinatawanan ako ng asawa ko pag sinasabi kong hindi ako maputi. bulag daw ako (pero talaga, tingin ko sa sarili ko kayumanggi). ayos lang din naman maitim, basta makinis at hindi mukhang amoy mabaho. hahaha.

gasti: gumamit din ako ng likas papaya dati pero sa katawan lang..iba na yung sabon sa mukha kaya siguro di pantay ang kulay ko. haha!
importante talaga ang kabanguhan sa pagkatao. nakakagana kasi.

6. a.r.d.y.e.y. - Nobyembre 25, 2008

depende talaga yan. naniniwala ako sa opposite attracts. karamihan, ayaw ng mga babae sa mga lalaking mas maputi pa sa kanila. nasasapawan kasi sila. mas muka pang pagirl ang mga boypren nila.

gasti: ayun nga rin naisip ko. mas ok kung mala-machete. marami na nga rin couples na mukhang kape at gatas.

7. anakngpiso - Nobyembre 26, 2008

malinis kasing tingnan pag maputi pero bukod dun wala na…
at naintriga talaga ako kay jinky oda… ano ba itsura nya ngaun?

kinikilabutan kaya ako pag nakakakita ako ng babaeng nakapekpek shorts.. mga walang delikadesa… ahehehe cheers;p

gasti: mukha na syang multo. disturbing nga yung poster eh…bilib ako sa mga babaeng may guts na magsuot ng pekpek shorts lalo na kung may ipagmamalaki naman talaga. ang sexy tingnan. pero yung iba kahit alanganin sa itsura sige pa rin. dun ako kinikilabutan.

8. basti0780 - Nobyembre 26, 2008

pa tambay po..

hahaha.. natawa naman ako dun.. buti nalang hindi ako nagpopolbo. nivea ang ginagamit ko.

depensa ko lang sarili ko ha.. kailanagn po kasi dito sa saudi ang may moisturizer kundi mapupuno ng flakes sky flakes at kung ano ano pang flakes ang muka kaya muka ka na din may polbo at mukang naaganas. mahirap naman yung ganun, muka kang bangkay na buhay.

nasa paningin din kasi ng tao yun. pag maputi mukang mabango amuyin at malinis tignan. pag maitin dugyot tignan pero maraming laman tiyan pag dinilaan.. ewwwww..

kaya ako gusto ko maitim ako para muka akong laman tiyan.. toinks!

gasti: defensive! haha! ok sige lusot ka na..pero mag ingat ka sa mga arabo dahil basta maputi kinakana nila kahit pa lalaki.

9. Maldito - Nobyembre 26, 2008

ang pinoy kasi ang nasa culture natin, kung sino ang pinakamaputi yun ang pinakamaganda…..

kaya parami ng parami ang nagkaka low self esteem na mga teenagers ngayun dahil sa media at mga producto na yan..kaya pala maraming mga babae na mukhang sampayan dahil parang kung ano ang nakikita sa tv o commercial gagamitin din nila..

kahit na indi na bagay.

gasti: ang importante lang ay malinis tayo sa katawan at panatilihing mabango palagi. balewala ang kaputian kung amoy kimchi ka naman.

10. yummy dingding - Nobyembre 26, 2008

sa totoo lang dahil yan kasi sa pagiidolo ng mga pilipino sa mga kanluraning bansa. Katulad lang din yan ng pagiging marunong natin sa salitang igles. bakit tayo marunong mag-igles kasi idolo natin amerikano.

ako mahilig ako sa mga lalaking mapuputi at singkit ang mata. hahaha. sa totoo lang di lang naman lahat sa kulay ng balat ang sukatan ang pagiging kaakit akit o kagandahan ng panlabas na anyo ng isang tao.

Nasa komposisyon yan ng lahat ng parte ng mukha ano ba?!!!

madaming mapuputi na mukhang puting aircon lang. ewan ko ba bakit nauso ang pagiging mukhang bampira LOL. madaming tao ang inaakala ninyong maganda kasi maputi, pero pinaitim mo pangit na. do you get what i mean hahaha???

OK AYAW KO MAGKOMENTO NOH? geh tama na siguro yan kuya!😄

gasti: ang haba ng explanasyon! hehe! iba na ang labanan ngyon hindi na paputian kundi pakinisan at pabanguhan. wala talaga sa itsura yan kundi nasa performance.
ang pangit nga ng maputi tapos mukhang lampa.

11. karmi - Nobyembre 27, 2008

sus yan.😐 amputi nya ha.. tsktsk.

ewan ko ba, kung anong problema sa pagiging kayumanggi. ngayon ko nga lang naappreciate ung kulay natin.. cguro kasi, iba sa mga tao dito..😛

basta makinis naman, kahit mejo maitim, ok naman eh..

gasti: bagong laba kasi yan…hehe! naiinggit nga mga kano sa kulay natin eh mukha kasi silang anemic.
masarap hawakan kasi pag makinis…papadulasin mo yung kamay mo sa kwan…tsk tsk! potek na imahinasyon yan.

12. chyng - Nobyembre 27, 2008

i still prefer moreno. walang sex appeal ang maputi!

but i admit, natataranta ako magpaputi after magswimming! haha

gasti: pero maraming nahumaling sa F4 noon saka sa mga bida sa koreanovela ngyon. ewan ko ba sa ibang babae kahit yata supot yung type nila ayos lang.
ayoko rin magkasunburn..maitim na, mahapdi pa. ayos na ko sa kulay ko ngyon.

13. anakngpiso - Nobyembre 27, 2008

ahaha.. siyempre kulang na lang rumolyo mata mo pag may nakapekpek shorts…

pero tama ka mas nakakabilib super to the max pag isang babae nagpekpek shorts tapos tipong pagnakita mo gusto mo na lang pumikit forever… ahaha cheers;p

nanggugulo lang

gasti: hindi ko aaminin na namboboso ako sa mga makikinis na legs ng babaeng nakapekpek shorts. kasalanan yun.

14. ellieshe - Nobyembre 27, 2008

mas hot ang mga morena…yun lang masasabi ko…

at oo, hindi ako maputi😦

gasti: pero wala naman ako sinabi na pangit kapag morena. bsta importante lang eh maalaga sa katawan. wag ka na malungkot dyan.

15. xG - Nobyembre 27, 2008

hindi mo na kailangan pa sabihin na pangit ako
alam ko na yun

ps
mas gusto ko
ang maputing lalake
at chinito
na matangkad pero payat
hahahaha

gasti: wala naman ako sinabing ganun! adik!
siguro koreanong supot mapapangasawa mo. haha! mahal mo na ba si Yao Ming?

16. siangelnawalangpakpak - Nobyembre 28, 2008

ano ba ang pekpek shorts kuya? di ko man yun alam =)

gasti: aysus di raw alam! hehe! presko sa pakiramdam magsuot ng ganun. natry ko na.

17. eilla - Nobyembre 29, 2008

hi! nkkbasa at bumibisita

sobrang nacurious ako sa itsura ni jinky oda ha sn po b mkkita un? sbagy ur right it depends upon how you handle yourself, sbi nga nila nsa ngdadala lng un., pero sa 22o lng ngttry ako ngaun ng gluta soap hahaha effective kc s sister ko!

gasti: nilagay ko yung link ng pic ni jinky oda sa entry..click mo na lang🙂
aha! gluta soap pala ah! sige matesting na nga rin yan..sa aso namin.

18. rofel - Nobyembre 29, 2008

“kung hindi madaan sa paputian, daanin sa kasuotan. gumamit ng pekpek shorts.”

tama!

gasti: puting tago o kayumangging labas? bring it on!

19. FerBert - Nobyembre 29, 2008

sya daw ang nawawalang nanay ni Michael Jackson

gasti: parang pinaputing janet jackson naman sya..hehe!

20. ronimiranda - Nobyembre 30, 2008

si gasti talaga, ubod mo ng tigas..pati ba naman kulay pinatulan mo, ayan ang dami nag-react…hehehehe….anyway mas ok na kulay natin na medyo sunog..true filipino ika nga…

gasti: para sa ikabubuti ng sambayang pilipino ang usaping ito. mabuhay ang lahing kayumanggi! mabuhay ang mga pinkish!

21. sexy moi - Disyembre 1, 2008

hahaha yang kulay na yan, lagi akong napapaaway nung bata ako dahil sa kulay ko. ako kasi ang pinaka maitim as in morena samin. pero naman nung dalaga at binata (naks) na ang mga tao ako ang pinakamaganda. haha. kaya nga love ko ang beach eh kasi parang laging galing ako sa beach sa kulay ko. mahal ko naman ang kulay ko. may iba lang siguro na feel ang magpaputi. anyway, diko rin type yung mga guys na mapuputi, parang tatakbo lang pag me away eh. hehehe

gasti: sayo pa rin ang huling halakhak..hehe! congrats naman sa transformation. pwede mo na duraan sa mukha yung mga umalipusta sayo noon.
yung mga guys na mapuputi manipis balat nun. siguro.

22. aLps - Disyembre 1, 2008

Nakita ko rin ung poster ni Jinky sa mall kanina! Nagulat ako! :O

gasti: mukha talaga syang multo dun sa poster..diba?

23. Jeck - Disyembre 3, 2008

mas type ko rin yung mapuputing babae. yan ang weakness ko. hehe

uy, blogging for good ah. post na tayo ng post. mwahahaha!

gasti: mukha nga. puro mapuputing babae ang nalilink sayo eh! haha!
naka one year na rin pala ako dito sa gasti.wordpress. sige lang hanggang kaya pa!

24. b@kekang - Disyembre 30, 2008

ei..type q mga mapu2ti..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: