jump to navigation

booklat Disyembre 3, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

hindi ko hilig ang pagbabasa ng libro. sobrang nababaduyan ako noon sa mga kaklase kong nagbabasa ng mga romantic novels nung hayskul lalo na yung sweet valley high na meron pa talagang picture sa cover. kahit pa sabihin nating maganda at sexy yung babae, hindi pa rin ako nagkainteres basahin ang libro na yun. eh wala naman sila nilagay na larawang nakaburles sa loob ng libro anong mapapala ko dun? mas maigi pa magbasa ng tabloid. 3 piso lang ata yun noon. yung tiktik.

naalala ko pa noong musmos pa lang ako nung grade school meron din naman akong library card. syempre requirement yun pag estudyante para naman may bumisita sa bulok na library namin. sa loob ng anim na taon, 3 libro lang ata nahiram ko. tungkol sa dinosaurs, isda, at insekto. nagustuhan ko kasi hardbound saka madaming pictures. nagkaron pa nga ako ng penalty kasi natagalan ako sa pagsauli.

minsan na rin akong nabato ng libro ng teacher ko nung hayskul. isasauli na dapat yung mga hiniram namin na libro dahil magbabakasyon na kaya lang eh ayaw tanggapin yung sakin dahil gula-gulanit na daw at pwede ng ipambalot sa tinapa. pangalawang subok ko na yun ng pagsasauli pagkatapos kong lagyan ng sangkatutak na scotch tape ang mga pahinang napunit at sikaping pisatin ang libro para hindi ito bumuhaghag. wa epek pa rin kay teacher terror at ang gusto nya mangyari ay bumili ako ng bago kapalit ng bulok na libro na yun. ansarap ipagahasa sa kambing amputa! muntik na ko mapabili for the sake of makakuha ng clearance at makapagbakasyon na kaya lang ay wala naman ako pera dahil 40 pesos lang ang baon ko noon. ayaw ko namang patulan ang baklang nangungumusta sakin kapag napapadaan ako sa parlor malapit sa eskwelahan. kaya nung nanghingi ako ng pera sa nanay ko at ipinaliwanag ang detalye kung para saan ang perang hinihingi ko, di ko na sya napigilan nung sumugod sya sa eskwelahan para awayin yung teacher namin. ilang sandali pa, naidispatsa ko na rin yung bulok na libro at nakuha ko na ang inaasam kong clearance.

nauuso na yung mga libro na isinasapelikula. nakilala ko si harry potter pero wala akong pakialam sa kanya at kung anong pangkukulam ang ginagawa nya. maayos naman ang pelikula pero hanggang sa ngyon eh hindi pa ako nakakamove on sa prisoner of azkaban. tinamad na rin ako dahil di ko maintindihan ang takbo ng istorya. buti na lang maganda yung effects kaya kahit papano ay hindi ko nakakatulugan ang panonood. malapit na pala ipalabas ang ikaanim na installment, yung half blood prince. kahapon ko nga lang yun nalaman dahil pinahanap sakin ni misis yung libro nun. akala ko madali lang maghanap ng sikat na libro sa national bookstore pero inabot ako ng 2 oras sa pag ikot sa loob. nakakaligaw pala. next time siguro magtatanong na lang ako.
isama mo na rin ang “twilight” sa listahan ng sikat na libro na isinapelikula. hindi man lang ako nagkainteres panoorin yan sa sinehan dahil mukhang madrama at pambakla. wala ba kayong naaalala? let me refresh your memory. sequel lang yan nito.

vvtwilightkaya pala maraming kinikilig. tsk tsk!

mas ok pa rin talaga ang comics at magazine.

Mga Puna»

1. The Gasoline Dude - Disyembre 3, 2008

Si Insan Jeck ang isa sa mga una kong nalaman na nagbabasa ng Twilight. Ibig ba sabihin nun eh ano… uhmm mahilig lang talagang magbasa ng libro si Jeck? *LOLz*

gasti: uu tama yun. mahilig talaga si jeck. sobrang hilig…sa anuhan.

2. yummy dingding - Disyembre 3, 2008

HAHAHAHHAHAHA,😄

naiintriga nga ako bakit hit yung twilight eh kasi naman usual lang yung story board balak ko panoorin kaso mas gusto ko mabasa yung nasa libro muna. hirap makahits ng libro ngayon e.😄

masaya naman magbasa ng libro e wag lang libro ng calculus, programming sa java at economics nakakaimbyerna LOL.

gasti: tamad talaga ako magbasa kahit noon pa. lalo na yang mga libro sa programming at math..sus! pahirap sa buhay!

3. lovely - Disyembre 3, 2008

hi kuya hehe
ok naman po yung librong twilight iba naman po sya sa twilight dancer …magkaiba ng istorya…
hehe yung movie inpernes sabi nila madami daw nanood …
inabangan daw eh …hehe
pero ako nanood na lang dito sa loob ng shop ayoko sa sinehan hehe dami ko kasi nakikitang mga ewan ba…
hehe ….

gasti: sa trinoma nga daw na sinehan eh 5/8 cinema twilight yung palabas. nasobrahan lang ng publicity yan kaya naging mabenta. mas gugustuhin ko pang manood ng iskul bukol kesa dyan.
sa shop ka nanood? nagsolo ka pa..hehe! gusto mo lang namnamin maigi ang bawat eksena noh🙂

4. mangbadoy - Disyembre 3, 2008

nahahalata ang age mo master gasti at nilagay mo pang:

“3 piso lang ata yun noon yung tiktik”

buti nung panahon namin 5 pesos na.

natawa ako sa ang twilight ay madrama at pambakla a… hahah!

gasti: hayskul na rin yata ako nun nagbasa ako ng tiktik. parang kapresyo lang naman sila ng Abante nung year 2000. di naman magkalayo edad natin. haha!

5. Bonistation - Disyembre 3, 2008

ayos.naranasan ko din yang pagalitan dahil sira ang libro,aba eh nakuha ko ng ganun yung libro pinagtyagaan ko na nga din.. pero napag isip din ako, ok pala talaga ang gobyerno libre ang libro,mga simpleng bagay na nakakalimutan nating tignan,isa sa mga naibibigay ng libreng edukasyon! Proud 2be pin0y.w0w hehe

gasti: mahal na nga rin ng mga libro ngyon kaya swerte na talaga mga nasa public schools pero hindi pa rin ako bilib sa gobyerno natin. mga kurakot politicians.

6. hashish - Disyembre 3, 2008

twilight? anu nga po bang meron sa libro at plabas n un kuya? dmeng nppraning, mga ktrbho ko. tas pag lumlbas n daw sa eksena ung bidang artista lalake, lahat ng babae nagtitilian. gwapo ba un? muka ata ng bakla, amputi kc. =) nkakainttiga, mgnda nga kaya?

gasti: walang kuya kuya! hehe! napakaordinaryo nga ng mukha nung bampira. ewan ko yung iba bakit kinikilig siguro gusto rin nila magpakagat sa leeg. so far wala pa nagsabi saking lalaki na nagandahan dyan sa movie na yan.

7. anakngpiso - Disyembre 3, 2008

ahahaha.. Baliw!!!!!!!!!! hayop sa poster parang bebenta sa takilya yan ah…

nung estudyante ako, hindi rin ako humihiram ng libro sa library kasi madalas lahat ng librarian eh kumakain ng tao at saka ang bayad para sa penalty pag di mo on time naibalik eh mas mataas pa sa 5-6!!! -cheers…

gasti: bumenta talaga yan sa mga bading at matrona. ikaw baka magustuhan mo rin. haha!

8. thelostme - Disyembre 3, 2008

hahahaha!!! inde ko nga rin alam kung bakit sumikat yang twilight na yan eh. ampupu

gasti: bampira daw kasi ang bida at gusto ng mga manonood ang sipsipan sa leeg.

9. chillidobo - Disyembre 4, 2008

ako rin napagtripan ko nung elementary naman na punuin yung aking library card..as in laspagin talaga sa dami ng nakalistang borrowed books. Kaso, ginawa ko na lang yon isang linggo bago ang end of klas so…di ko rin nabasa lahat. –pero napuno ko yung card hehehe. Btw, naisoli ko naman lahat (kasi isa lang natapos ko basahin -utot)

gasti: buti sinauli mo pa. ano ba kasing libro mga hiniram mo at masyado ka tinakam? haha!

10. Maldito - Disyembre 4, 2008

ibang twiligt yan eh!takte!ahahaha..indi ko gusto ang story..its so mushhy ang bangalore!ahahaha..nakakatawa ang effects at power ng vampires nila…mukhang mutants yun eh indi vampire..

aaminin ko bossing mahilig ako sa books…pero indi lahat ng books binabasa ko..mapili ako..at iba ang taste ko sa mga libro..

ang eragon galing din sa book yan..meron ako book 2 at 3….kaya lang ang mga pelikula talaga sinisira ang book..ahahhaa…

nagbabasa ako ng bandera noong una kasama ang mga trabahador namin..ssshH!

gasti: kaparehas lang yan tingnan mo..humihigop din. hindi nga lang dugo. hahaha! mutants nga!
bandera ba kamo? tsk tsk…bastush! naisip ko lang pwede rin pala gawing koleksyon yun noh? limited copies lang yun lagi eh

11. jeck - Disyembre 4, 2008

mga gagu! hahaha
oist, hindi kabaklaan yun. pag binasa mo yung book lalo mong maiintidihan ang mga babae. ang resulta? magiging lapitin ka ng chickababes! haha

gasti: mahirap talaga intindihin ang babae. period. hindi masasagot ng anumang libro ang pag uugali nila.
fhm na lang basahin mo para maintindihan mo naman kung paano mapaliligaya ang babae pagkatapos ka nila lapitan.

12. Drake - Disyembre 4, 2008

Ayos tong blagsayt mo ah! Well,ngayon ko lang nalibot ang mundo ng mga blag blag na yan, medyo marami talagang mahilig magsusulat ngayon!

Tulad mo wala rin akong hilig magbasa ng libro( at wala pa akong natatapos ni isang libro), pero mahilig akong magsulat. Pero sabi nila kailangang palabasa ka para maging manunulat ka. Pero tingin ko naman, kahit hindi ka na palabasa eh magiging magaling ka ring manunulat! Tulad mo (ha hahaha, talagang nambola pa eh)

Ingat bro

gasti: marami ka naman kasing matututunan kapag nagbasa ka ng libro pero kahit naman yung mga simpleng experiences mo eh pwedeng pagkuhanan ng lesson. sumasakit kasi mata ko pag nagbabasa ng puro letra at walang pics man lang eh. salamat sa pagdaan..ingat din!

13. madbong - Disyembre 4, 2008

bro, ako din nung hayskul nahilig sa libro. madalas ako magpunta dun sa library dahil maganda yung assistant libarian este yung mga book selection ahehe.

siryusli, bookworm talaga ako at kailangan may binabasa ako bago ako matulog. nanghihinayang nga ako at binenta ko yung mga book collection ko nung bago kami lumipat dito sa nz.

gasti: hindi ako tumatagal sa loob ng library kasi maingay ako eh..hehe! sasawayin lang ako lagi ng librarian..pero kung may magandang asst. librarian dun baka manahimik na ako at pasilay silay na lang.
tinuturing nga na kayamananan ang libro. madami rin libro sa bahay eh tamad lang talaga ako magbasa.

14. Pepe McKunat - Disyembre 4, 2008

katulad ng ngyari kay chili.
nghiram ako ng sangkaterba na libro
para maging awardee ng:
BEST LIBRARY USER
kaso. di ako inawardan.

gasti: meron palang ganyang klase ng award? sayang di mo nakuha. dapat hindi ka na lang nagsauli ng libro.

15. a.r.d.y.e.y. - Disyembre 4, 2008

hindi ko rin naintindihan ang harry potter sa pelikula. pero nung binasa ko yung book, astig pre. hindi rin ako mahilig magbabasa pero mas astig ang book pre. =D

gasti: marami na nga nagsabi nyan na mas maganda talaga sa book. siguro pag nagretiro na ko sa pagtatrabaho at pakuya kuyakoy na lang ako sa bahay baka maisipan ko na rin magbasa ng libro.

16. antuken - Disyembre 5, 2008

ako naman i love to read. kahit nung elem/hs at college, malimit sa library ako nakatambay. i love the smell of old books kse. kalimitan rin mas nauuna ko pang mabasa ang books even before gawin silang movie. and most of the time, mas maganda talaga ang book kesa sa movie. yung bourne series, sus, nung ginawang pelikula maraming taon na ang nakaraan nung nabasa ko. mas maganda ang book pero na-appreciate ko lalo kse mahina ako sa imagination e. di ko ma-picture yung fight scenes.
nung dalaga pa ako, i always read a book before going to sleep, no matter how tired (mga ilang pages lang para antuken agad), kaso nung nag-asawa ako, di ko na nagagawa. wala kseng bedside table sa room namin ngayon (nasa proseso pa lang ako ng pagpilit sa asawa ko na i need a bedside lamp!). hehe. mahirap kse magbasa pag ang ilaw mo yung ceiling light lang e. ako i could die happy pag nakulong sa bookstore (page one/bibliarch/powerbooks o national bookstore). hahaha.

gasti: nahahatsing ako sa amoy ng lumang libro baka nga inaamag na yung iba dun sa library. hehe! yung bourne series isa lang yata napanood ko. di ko rin masyado maintindihan yung story eh pero yung fight scenes ayos naman.
siguro kaya ayaw ka bilhan ng libro eh para walang istorbo sa labing labing. pero pwede rin naman sana kung gugustuhin ng mister mo na habang nagbabasa ka ng libro ay istorbohin ka ng paunti unti tapos…o sya ideya ko lang naman yun.

17. Cindyrella - Disyembre 7, 2008

bata pa lang ako, favorite ko na talaga ang mga libro kahit di ko naman sila lahat binabasa.. ewan ko ba, wala naman akong napapala pero i feel satisfied pag nakakatapos ako ng libro parang pelikula lang ^^

pa link naman po ^^

gasti: marami naman libro sa bahay eh pero tamad lang ako magbasa. iba iba naman yan. nung nakatapos rin ako magbasa ng libro dati pakiramdam ko nagsayang naman ako ng oras. di ko masyado naintindihan ang kwento. haha!

18. FerBert - Disyembre 7, 2008

mahilig akong magbasa ng libro pero hindi ko nagustuhan ang harry potter at twilight.. sige sugurin nyo na ako mga HP freak at Edward Cullen suckers.. pft

gasti: baka ibang tema ang gusto mo basahing libro efbee. siguro gusto mo yung may halong kabastusan. haha!

19. YUMMY DINGDING - Disyembre 7, 2008

nagbago na isip ko gusto ko na panoorin ang Twilight LOL.
nakakaamaze kasi mga linya nilang dalawa sa libro LOL nabasa ko na yung libro konti pa lang😄.

mukhang di ko matatapos yung libro e hahaha, mas aatupagin ko pagbabasa kasi ng Cisco LOL Siguro maghahanap ako ng kikidnapn ko na manood ng sine this week sana meron pa😄

gasti: baka madisappoint ka kasi mas maganda naman daw di hamak ang sa libro kumpara sa movie. siguro maigi pa nga magconcentrate ka dyan sa Cisco. pero ingat ka kasi nakakabaog yan. haha!

20. popoy - Disyembre 9, 2008

binabasa ko pa lang yung libro at mukhang aabutin ako ng isang milenyo lols.

gasti: goodluck pards. kung ako sayo manonood na lang ako ng bold. haha!

21. b@kekang - Disyembre 30, 2008

hi..1st tym q d2 sa blog..nung college aq ‘yung greek mythology lng n libro ang naubos q basahin kc nid yun sa major subject nmin..lahat ng uri ng babasahin binabasa q.. aba!normal aqng tao noh?hehe

22. uly - Hulyo 31, 2009

pwede moh ba akong bigyan ng listahan ng mga kwento sa tiktik ngayon?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: