jump to navigation

dream come true Disyembre 8, 2008

Posted by gasti in movie review, muni-muni moments.
trackback

perstaym ko makapanood ng sine mag isa. hindi ko maipaliwanag ang saya at excitement na naramdaman ko nung mga oras na yun. para akong nanood ng porn sa unang pagkakataon. hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

bakas ang ngiti sa mga labi ko nung mapasakamay ko na ang ticket sa matagal ko ng inaabangan na laban. hindi ko na inisip kung malaking halaga ba ang limandaang piso sa mga panahong ito at kung mangangalay ako sa pagkakatayo dahil “standing” na lang ang binebentang ticket. bahala na. saka ko na iisipin kung ano magiging strategy ko para tumagal ng 5 oras sa loob ng sinehan na hindi tinutubuan ng ugat sa binti.

gustuhin ko man ay hindi ko maibili ng ticket ang tatay ko at bunsong kapatid kaya nagsolo na lang ako manood. live naman sila nakinig sa radyo kaya updated din sila sa latest happenings. ayun nga lang pangit kapag nakikibalita ka sa radyo. wala ka ng pinagkaiba sa mga bulag.

8:30 na ng makarating ako sa mall. marami pang bakanteng upuan pero hindi ko naman pwedeng angkinin dahil may mga nagmamay ari na dun. bakit ba kasi sa tinagal tagal ng pagpaplano ko kung kelan isang araw na lang bago ang laban saka ako bumili ng ticket. pero salamat na rin dahil may nabili pa rin ako at maganda naman yung nakuha kong pwesto sa may gitnang hagdanan.

ilang sandali pa biglang dumami ang tao. gaya ng inaasahan, karamihan ng nagpunta ay mga lalaki. nagulat lang ako kasi karamihan sa kanila ay pawang retirado na at may posibilidad na atakihin sa puso kapag ginulat. naalala ko bigla ang lolo kong yumao dahil siguro kung nabubuhay pa sya ngyon 84 yrs old na sya at kasama kong nanonood ng boksing. idol kasi nun si Pacquiao nung nagsisimula pa lang ito lumaban sa programang “Blow by Blow”. malayo na ang narating ni Pacquiao ngyon..pound for pound best boxer in the world!.

biglang may tumabi saking lolo na rin pero hindi naman sya amoy lupa at mukhang nakakapagjogging pa rin kahit papano. tinitigan ko sya maigi dahil sobrang dikit nya sakin at nagkikiskisan na ang aming katawan. sa isip isip ko hindi kaya bakla ito? holdaper? o mas malala kung baklang holdaper..paktay! pero mukha namang hindi kaya pinagpatuloy ko na lang ang panonood. wala rin pala syang ibang kasama.

madaming technical abnormalities ang ngyari. may mga eksenang sobrang hina ng audio para sa mga commmentators at mas malakas pa ang sigawan ng mga tao at yung mga mismong boksingero kapag nilalagyan nila ng sound epeks (w/ matching talsik laway at pawis) ang bawat suntok nila. for added cinematography ika nga. may mga ilang ulit din naging kulay blue ang screen at audio na lang ang may silbi. hindi rin nagkakasabay minsan ang sound sa pinapakita sa screen. pero ang pinakamatindi sa lahat ay yung pagreplay ng mga naunang laban. nagsimula ng maghurumentado ang mga kasama ko dahil sa pag aakalang hindi na live ang pinapanood namin. “akala ko ba liveshow to! bakit wala pang mga nag aanuhan?”. “Sir hindi po ito torohan! nagkamali yata kayo ng pinasok”

nung magsimula ng kumanta si Karylle ay biglang bumukas ang ilaw at nagsitayuan ang lahat bilang paggalang. dama mo ang excitement ng bawat isang naroroon. nanginginig pa ako dahil sa sobrang lamig at gutom na rin siguro. pero nabalewala ko lahat yun ng magsimulang magsipasukan na ang mga boksingero sa loob ng ring. hinanda ko na ang sarili ko sa anumang pwedeng mangyari. kasama ako sa mga taong nagdasal para maipanalo ni pacman ang laban na to.

walang humpay na sigawan at palakpakan ang sumunod na ngyari. masaya ang lahat at kulang na lang ay mag apiran kami, magyakapan at maglaplapan sa sobrang excitement na nadarama. walang humpay ang pakikipagtext ko sa mga kakilala at kaibigan para i-update sila sa pangyayari pero nung oras na itinigil na ang laban at ideklara ng si pacman ang nagwagi, sakto namang naubusan ako ng load. malas! sila pa tuloy yung nagtext sakin dahil narinig na rin nila ang magandang balita sa radyo.

masaya ang lahat habang palabas ng sinehan. walang umuwing luhaan. ewan ko na lang sa mga pumusta kay Delahoya. malas lang nila dahil wala silang bilib kay Pacquiao. anong masasabi nyo ngyon losers? naubos na ba ang kabuhayan nyo? haha!

pagdating sa bahay ay pinanood ko ulit ang laban sa ch. 7 at kinagabihan naman sa ch. 9. yan ang adik.

SEEN: sobrang saya ni Atienza at hindi nya nilubayan si Manny kahit saan ito magpunta. kulang na lang sya yung tumayong referee para kumpleto na ang exposure nya. bwiset! isama mo pa tong si Chavit na isa pang hindi kaaya aya sa paningin. default talaga ang itsura nitong nakasimangot. at saan ka naman nakakita ng vice president na dumayo pa talaga sa ibang bansa para manood ng boksing? only in the Philippines yan!

Mga Puna»

1. cindyrella - Disyembre 8, 2008

sana kumain ka muna bago ka pumunta doon para di ka naman nilamig.. kamusta naman ang lolong katabi mo? lol!! sayng nga lang kasi medyo pumiyok lang si karylle ^^

gasti: friendly si lolo. kakausapin ka nya kahit ayaw mo. hehe! hindi naman napiyok si karylle medyo nasamid lang. kabado kasi🙂

2. karmi - Disyembre 8, 2008

adik ba? bili ka na rin ng piratang DVD tol tas nood na rin ng video sa youtube!😀

ung mga kasamahan kong mehikano dito, lahat sila si manny ang pambato.. ung isa nga, nanalo sa pustahan. heehhe..🙂

hahaha. oo nga, andun cna noli de castro.. syempre, suporta na, nakapagsugal pa sa Vegas..🙂

gasti: bibilhin ko yung orig copy kapag meron na tapos papipirmahan ko kay Pacquiao. hehe! meron pa nga ako readers digest na sya yung cover eh. kukuhanin ko rin syang ninong sa magiging anak ko. haha!

3. Maldito - Disyembre 8, 2008

ang mga putang ina na yan taxes ng tao ang ginagawang panggastos..shitnesss…

ako indi ako nanood…lasing kasi ako..ahahhahaa…

buti nalang at walang torohan na naganap..maganda sana yun….bareback action…….packman and delahoya..ahaaha..eww

anyway, yung frend ko natalo…12k….aahahhaa….

buti nga sa kanya.

gasti: nagyakapan na sila eh dapat tinuloy tuloy na. hehe!
anlaki namang pustahan nyan. malas nya sa kalaban sya pumusta.

4. ellieshe - Disyembre 8, 2008

kay dela hoya ako pero hindi naman ako nakipagpustahan.

at di ko rin pinanood yung laban, nakibalita nalang ako…haaays sayang naman minsan na nga lang ako sisimpatya talo pah..haha

gasti: nakisimpatiya ka sa kalaban porket gwapo. hehe! mga babae talaga. sana pala napanood mo para nakita mo kung gaano kalaking bukol at pasa ang nasa mukha nya pagkatapos ng laban. mas pogi na si Manny.

5. ron - Disyembre 8, 2008

tol, nalimutan mong isama si jake joson..yung artista na tuluyan ng dumikit kay pacman ng maramdaman siguro na wala naman nangyayari sa pag aartista nya…akala mo sya ang promoter kung umasta…kilala mo ba yun?

gasti: nag artista ba talaga yan? hindi ko nga sya kilala eh.

6. anakngpating - Disyembre 8, 2008

una sa lahat
wala lang …
di ko man napanood ang buong laban
proud to be kapuso si pacman
masaya dahil nakapagbigay ulit sya ng karangalan
uu nga kuya epal sila chavit at atienza alam kasi nilang may balato silang makukuha kay pacman (meron nga kaya ? hindi imposible di ba)?)

mag retired na kaya si delahoya dahil natalo sya sa laban?

gasti: hindi naman balato ang habol nila atienza at chavit kay pacman. nakikiangkas lang sila sa kasikatan nun. gusto nila maging sidekick. ganun. malapit na nga magkapalit palit mukha nilang tatlo eh
dapat na talaga magretire si delahoya. sayang yung itsura nya kung lagi na lang sya magpapabugbog. isa pa eh matanda na sya.

7. thelostme - Disyembre 9, 2008

ok lang yung pagkawala ng liman daang piso…

sulit naman eh…

hahaha!!! ang kulit nga ng mukha niyan ni chavit…

parang simangot lang ang alam gawin ng mukha niya…

ampupu… wahahaha!!

gasti: parang laging talunan yan si chavit eh di kaya sa kalaban ni pacquiao sya pumupusta? haha! masaya naman siguro sya ayaw nya lang ipahalata di gaya ni Atienza na sobrang opposite naman. laging nakangiti kahit walang dahilan. nakakairita rin.

8. a.r.d.y.e.y. - Disyembre 9, 2008

sabi rin ng tatay ko ay tutukuran lang ni golden boy si pacman dahil sa reach advantage. pero pagkatapos ng laban, sampalataya na rin daw sya at sasali na sa pacman forever group. hahaha!

dito paulit-ulit ipinalabas ang HBO version ng laban, magdamag hanggang bukas. nakaka-15 na ulit na yata ako. hahaha! adik din gaya mo. =D

gasti: pacman forever? haha! nakakabilib naman talaga eh. kelangan makapagpapicture at makapagpa-autograph na ko dito.
15 ulit? grabe na yan. sobrang gulpi na si golden boy. mabuhay ang mga adik!

9. mangbadoy - Disyembre 9, 2008

nakaka bwisit at umatras si dela hoya… siguro ayaw nyang mapahiya kaya umatras na lang…

kaduda ang eksenang pilit pumipwesto si dela hoya sa gilid para masuntok ng husto ni pacquiao…

kawawang golden boy ngayon lalaban ulit sya sa baryo baryo para makakuha ng sinturon…

gasti: bakit parang nakukutuban ko na malaki ang natalo sayo sa pustahan. haha!
no excuses naman si delahoya. mas magaling lang talaga si Manny nung gabing yun. dapat na sya magretire.

10. R.J. - Disyembre 9, 2008

@mang badoy: para sakin dun talaga sya pumuwesto sa lubid dahil parang di na nya kakayanin. kailangan na nya ng sandalan at ayaw nyang tumiwangwang sa ring gaya ni JMM. hahaha!

gasti: nasaktan na kasi yun saka napagod kaya sumandal na lang sa ropes. hehe! mas nakakahiya naman kung bumagsak sya.

11. siangelnawalangpakpak - Disyembre 9, 2008

ehehe… ako lang yata ang kaisa-isahang hindi nanood ng laban ni pacquiao nung linggo.

kasi nakikinig lang ako sa kanila habang nanonood sila sa salas. temptation kasi pag lumabas ako ng kwarto ko, baka mapasigaw din ako at maexcite, hala, tamarin na naman ako bumalik mag-aral niyan.

mabuhay ang pinoy! kahit hindi ako nanood, alam ko namang si paquiao talaga ang mananalo. yahoo!

gasti: medyo marami na siguro kayo hindi nakapanood. buti na rin yun baka kasi atakihin kayo sa puso. baka rin nakipag inuman ka na sa kapitbahay nyo at kalimutan na ang pag aaral. hehe! mukhang matindi rin ang pananampalataya mo kay pacquiao ah!

12. glesy the great - Disyembre 11, 2008

nyahaha… masaya ang lahat at kulang na lang ay mag apiran kami, magyakapan at maglaplapan sa sobrang excitement na nadarama-> buti di natuloy eh di sana si lolo yung kalaplapan mo…

sa totoo lang parang hanggang ngayon parang too good to be true.. pero okay yan.. magaling, magaling, magaling.. cheers;p-glesy the great


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: