jump to navigation

orasan mo ako Disyembre 11, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, self review.
trackback

wala akong kahilig hilig sa relo. yung wristwatch. itinigil ko na ang pagusuot nito noon pang nasa elementarya pa lang ako. para kasing kontrolado ang bawat kilos mo. lagi ko pang iintindihin at alalayan ang braso ko para hindi mabangga o mabasa yung relo. mahilig pa naman ako maghugas ng kamay. gusto ko laging humipo ng basa. masarap sa pakiramdam. laging fresh.

may isang relo ako na naisuot noon na parang stufftoy lang. kulay brown na ulo ng aso. halos singlaki na sya ng kamao ko nung bata. kung iisipin mo nga naman parang ambakla. pero hindi ko naman alam kung ano ang itsura ng mga bakla noon. naisip ko lang cute ako kahit anong suotin ko.  matagal ko rin nagamit yun hanggang sa masira na lang at humiwalay yung takip.  nakita ko ulit yun nitong nakaraang araw lang. nakadikit na sya sa ref namin.

ano ba talaga ang kahalagahan ng pagsusuot ng relo? alam mo nga kung ano ang oras pero tinatamad ka pa rin kumilos. late ka pa rin sa pinapasukan mong eskwelahan o trabaho. lagi kang matataranta. lagi ka na lang magmamadali. kung magsusuot ka lang nyan para ipamporma, mag isip ka dahil mainit sa mata ng mga holdaper yan.

nabuhay naman ako ng walang relo sa loob ng mahabang panahon (potek parang antanda ko na). mga 15 yrs din siguro. nabuhay rin ako ng walang celphone nung nag aaral pa ko. kaya nga ni minsan walang nag attempt mangholdup sakin eh dahil napansin siguro nila na wala sila mahihita. mag aaksaya lang sila ng oras.

pero syempre iba na ngyon. im a full grown man with a fully grown manhood. hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na magmay ari ng isang relo dahil sa namataan kong 70% off sale. nawala sa isip kong bibili pa ko ng basahan at sampaguita sa mga bata, mag abot ng kaunting barya sa mga mangangaroling, limusan ang mga pulubi sa kalsada at mamigay ng tip sa masahista . bakit ko hinayaang mangyari ito? paano na sila? pinagpalit ko sila sa isang sporty watch na hanggang ngyon ay pinag aaralan ko pa kung papano gamitin.

sa isang banda, maganda rin pala ang magkaroon ng relo. sa sobrang hightech nga ng gadget na ito ay napagkakamalan kong may dumarating na txt message dito. dahil sa mekanismong ito magagawa ko ng orasan ang niluluto kong instant mami. hindi na ko makakakain ng labsak na noodles. mamomonitor ko maigi ang oras ng uwian. masusukat ko na rin kung gaano ako katagal maghubad ng saplot sa katawan. kung gaano ako katagal o kabilis labasan (oh! yesss! ten seconds!). sa wakas may maisasagot na rin ako sa mga pokpok na lalapit sakin at magbibigkas ng katagang “anong oras na? gusto mong short time?!” at iba pang bagay na maisipan ko na maaaring paggamitan nitong relong to.

pwede rin pala ito gamitin sa takbuhan. habang nasa training.  kapag naghahanap ka ng sakit sa katawan. optional lang naman yan.

Mga Puna»

1. Maldito - Disyembre 11, 2008

bigay mo nalang sa kin ang relo bossing..total e xmas na din..

dont worry ako nalang magbibigay sa mga pulubi..promise hahatian ko sila..ahahaha..

ako indi din nakapag suot ng relo kahit kailan..

parati namang late..so be practical nalng…magtanong tanong nalang sa may mga relo..ahhaa

gasti: mamimigay ka na nga lang sa pulubi, hahatiin mo pa. haha! siguro bumili lang ako ng relo for the sake na meron akong relo. wala naman pinagbago late pa rin ako pumasok ng opis.

2. popoy - Disyembre 11, 2008

ahm gasti. anong tatak ng relo na yan? casio ba yan? timex? fossil? kenneth cole? ano? hahaha. malaki laki ang discount ha, 70 percent. alam mo pareho tayo. isang beses actually dalawang beses lang ako nagrelo sa buhay ko, okey payn 3 na. una yung bugs bunny na nabibili yata sa jollibee nuon, pipti pesos nga lang yun eh. tapos pangalawa yung Q ang tatak, japan made, medyo tumagal sa akin to. mga 3 years tas ayun nasira na lang bigla. hindi ko alam kung bakit. tas yung huli eh yung Baby G nuon na ewan ko ba kung bakit ang laki. niregalo lang sa akin yun, hindi ko naman idolo si jolina nun kaya nagtaka ako kung bakit ako niregaluhan nun. okey lang naman kasi after 3 months sira na sya hahaha.

till now… i always got by on my own. ay mali bakit ako kumakanta? hahaha. ngayon, hindi ko na trip ang ganyan. hassle pa yan. may oras naman ang cellphone ko okey na yun. hahaha

pansin ko lang parang isang entry na tong comment ko.lols

gasti: salamat nga pala sa entry este comment mo pala..haha! nagsuot ka pala ng baby g? diba pambabae yun. baka naman yung g shock. di bagay sakin magsuot ng ganun kasi nga makapal saka wala rin naman ako pambili.
etong nabili ko adidas watch. napagtripan ko lang bilhin. bagsak presyo na kasi. hehe! cellphone lang din ginagawa kong orasan noon saka pang alarm sa umaga.

3. mangbadoy - Disyembre 11, 2008

wow nakatipid ka nga… ako rin bumili dito sa KL sale yung fossil at diesel na relo.. 50 percent nga lang… libre ka naman at nakatipid ka!!!

gasti: nakatipid sana ako kung hindi bumili ng relo. hehe! iba naman ang pera mo dyan eh baka mas malaki ang nabawas dun sa nabili mo. naks 2 pa talaga!

4. chyng - Disyembre 12, 2008

Uy pareho tayo! Not fond of relo, pero nung nakita ko tong chrome fossil, bili na gad. 0% interest naman eh!

Apir!

Ano pala brand niyan?

gasti: Apir! pareho pa kayo ni badoy ng brand na binili. yung sakin adidas climacool.

5. jeck - Disyembre 12, 2008

nagtataka lang ako dun sa mga taong ginagawang advance yung oras nila. tapos pag nalelate na sila, sasabihin naman nilang okey lang adbans naman to e. e di parang inayon din nila yung oras sa exact time. nag-adbans pa.

nga pala. alam mo ba kung anong gift sa akin ni atty? hihihi
hindi lang ikaw ang may bagong relo this xmas no. wahihihi

gasti: gusto lang siguro nila makapanloko ng kapwa at ng sarili na rin..haha!
ayaw ko ng nanghuhula pero malakas kutob ko na may kinalaman sa anuhan yang gift na yan. haha! pero di nga relo ba? o baka naman brief o boxer shorts yan! pwede ring panty siguro..

6. Maldito - Disyembre 12, 2008

huy jeck…aanuhin mo ang relo? gagamitin para ma devide ang oras between atty and *tot*?ahahhahaa….

ako nalang pala walnag relo nito…pano ako makakapower ranger kung walang power clock? woa!

gasti: haha! chika minute ba yan? magaling naman si jeck sa multiplication..ayos na yun!
gusto lang nya orasan ang pagdating mo ng manila.

7. YUMMY DINGDING - Disyembre 12, 2008

Hahaha parang ako lang ahh walang wristwatch. Tanging relo ko cellphone ko.😄. Ayoko rin ng laging iniisip ang oras e sabagay sa dami ng ginagawa ko ayoko ng natataranta lagi at di ako mahilig magplano ng gagawin kasi pag nasira plano ko badtrip na ako LOL.

Anyway maaga naman dumating pamasko ko e. Nikon D80 hahaha. Nalula ako sa tax ng camera ko e 10THOU potek arrrrrggg. Sayang ang sampung libo mapupunta sa gobyernong wala kwenta😄. Anywayyzzz, Papakabait muna ako sa nanay ko this Christmas😀

Paminsan minsan masayang regaluhan mo naman ang iyong sarili🙂

gasti: grabe namang tax yan! ano yun padala from abroad? tsk tsk. sana bumili ka na lang sa dimasalang or sa Raon. anyways enjoy ur new cam. ganda nyan!

8. bonistation - Disyembre 13, 2008

oo tama si jeck ganyan din reaction ko sa mga nag aadvance ng oras tapos iniisip naman nila na advance. mainam yata ung relong inadvance ng iba para sau. ung di mo ba alam na advance pala hehe! palagi kang una pag ganun! un nga lang una kadin uuwe! UNDERTIME sa office! hehe

astig ng adidas climacool!! pogi points idol gasti!! lalo ka na nga nyang pagkakaguluhan ng mga pokpok, white ladies at iba pa! “psstt! ANONG ORAS na? may hinihintay kaba?” pedeng makipagbidahan!? haha!

nagsuot din ako dati nung digital watch na un na pambata! twing pasko bago relo payabangan pa sa mga kababata mo sikat ka pag water proof!

gasti: naalala ko pa nga dati yung water-proof na relo ng classmate ko eh nilulubog pa namin sa may lagoon. antibay nga eh hindi nasisira pero hindi na rin namin makuha kasi malalim yung pinaglubugan. haha!

9. J i y u h - Disyembre 13, 2008

ui ako din may bagong watch! early xmas present🙂

hay, minsan pag nagpupunta ko ng coffee shop hindi ako nagrerelo, libro lang dala ko or wala, mag ppeople watch at xmpre mag kakape. ang sarap kasi kapag hawak mo yung oras mo at ini enjoy lang ang simple pleasures.🙂

gasti: mas makakapagrelax ka talaga pag walang iniintinding oras. pero dahil sa umiinom ka ng kape baka nerbyosin ka rin. hehe!

10. xG - Disyembre 14, 2008

napilitan nga lang
ako magsuot ng relo
kasi required sa mga nursing students

pero ngayon di ko na kaya
kapag walang relo

ako naman
naka advance ang relo ng 45 minutes
wala lang
para nakakalito
kapag titignan yung oras
imbes magcompute
magmamadali na lang ako
hahahaha

gasti: uu nga kelangan talaga ng nurses ang relo dahil kasama sa trabaho nyo yung orasan ang pagpapainom ng gamot sa pasyente.

11. anakngpating - Disyembre 15, 2008

hindi relo gamit ko kuya kundi celphone
hehe advance ang oras ng selpone ko ng 1hr
pero late pa rin ako lage …
kasi kapag nagising ako sa alarm clock ng selpone ko
tamang 5 mins muna ako magmumuni-muni muna ko
yun pala nakatulog na ulit ako
yung 5mins ko nagiging 1hr
hek3…

nice entry about sa relo kasi napanood ko ung sa rated k
ang galing ng swatch company kaso ang mahal ng relo sakanila hehe cannot afford.XD

gasti: bata pa lang ako mahal na yang swatch na yan eh. grabe talaga presyo nung ibang relo parang ginto yung materyales na ginamit.
parehas tayo na hindi nagigising sa itinakdang oras..hehe! para kasing laging bitin tulog ko.

12. madbong - Disyembre 16, 2008

pards, ako naman di pwededng walang suot na relo. feeling ko ba ay may kulang pag wala akong relo. pero iba ang hirit sa akin ng bayaw ko bilang pasalubong paguwi sa pinas. tag heuer daw!! namputcha, ako nga hanggang casio lang hirap pa bumili dito. tsk tsk mukhang lashing na naman si bayaw hehe

gasti: nakasanayan mo na kasi na lagi kang may relo kaya ganun. potek tag heur? haha! naglalambing si bayaw mo. sa magazine lang ako nakakakita ng ganun eh.

13. siangelnawalangpakpak - Disyembre 16, 2008

oo na. inaaamin ko. ako yung tipong hirap na hirap pagwalang suot na relo, tipong bumabalik pa ng bahay kapag nakita kong nakalimutan ko pa lang magsuot ng relo pero consistent naman akong LATE.

wala lang. ewan ko tuloy kung ano ang naging purpose ng relong yan sa buhay ko. siguro, pang check lang ng seconds hand para makita kung ilang beats per minute ang heartbeat ng pasyente.

gasti: hehe! atleast may pakinabang pa rin ang relo sayo. isip ka na lang muna ng ibang paggagamitan nyan. try mo yung mga eksampol ko.

14. FerBert - Disyembre 16, 2008

may teeangae mutant ninja turtle n relo dati yung kuya ko nainggit ako kaya binilhan nila ako ng tig iisang daan na relo na nasira din agad.. hahaha

ang tatay ko pag umuuwi ng pinas binibigyan nya kame ng relo. hindi ko na alam kung nasaan na yung iba. importante ang relo sa medical profession kase hindi nila makukuha ang vital signs kung wala yan

gasti: mabenta nga yang TMNT dati. hindi yata ako nagkaron ng ganun eh.
importante talaga ang relo kahit anong propesyon pa yan. malimit ko ring tingnan ang relo ko para i-check kung lunchbreak na saka uwian.

15. Pepe McKunat - Disyembre 16, 2008

ayoko magsuot ng relo.
kasi naman may selpone ako.
kaso nagagalit nanay ko
dami daw niyang biniling relo.
wala man lang daw akong isinuot.

padaan lang.

gasti: isuot mo naman kasi..sayang ang effort ng nanay mo sa pagbili ng relo.

16. Dyepri Budoy - Enero 8, 2009

errrr. di ko kinaya ang pag-titimer mo. lols
ako naman palaging hanggang sa simula lang mahilig sa relo, pag-bago.
minsan namamalayan ko nalang di ko na alam kung nasan ang relo ko.

hahaha. goodluck sa relo mo at naway makahanap ka ng maraming gamit nyan! lols

happy new year sayo!

ismaaaaaaaaaaaaaaayl!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: