jump to navigation

sapilitan Disyembre 17, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

simula ngyong araw na ito ay tanging share-a-load na lang ang maibibigay ko sa mga taong manghihingi ng limos. kung wala kayong celphone, problema nyo na yun. magnakaw kayo kung gusto nyo. wala akong pakialam. kung ako lang ang masusunod, lahat ng mahuhuling magnanakaw ay gagantimpalaan ko ng bracelet ni hudas. magandang simulain yun para next year hindi na sila makaulit. para sa mga rapist naman, pagkakalooban ko sila ng watusi na ipapasok sa butas ng mga etits nila saka ito sisindihan. and christmas will never be the same again.

kumakapal talaga ang mukha ng tao kapag dumarating ang araw ng pasko. kahit sintunado, malamya at singlapot ng sinabawang saluyot ang boses sa pangangaroling ay sige pa rin ang banat. dapat talaga nag aaply muna ng lisensya tong mga chikiting na to bago magbahay bahay eh!

ayos lang sana kung isa, dalawa o tatlong beses lang eh pero wag naman gabi gabi at iba-ibang batch pa. niloloko nyo ba ko? namumukhaan ko kayo ah! nanggaling na kayo rito at nagpapapalit palit lang kayo ng miyembro. mukha ba akong mabait sa paningin nyo? pwes nagkakamali kayo! asan ba ang mga nanay nyo? wag kayong mag aanu ano dyan at dadalhin ko kayo sa DSWD. sigehan nyo pa!

may mga tao talagang hindi marunong makahalata o sadyang nagpapakaengot lang. kelan pa naging requirement ang pamimigay ng pera sa nangangaroling? utang na loob! hindi namin kayo obligasyon. wag naman kayong magpakabalat sibuyas kapag hindi kayo nabigyan. sumali na lang kayo sa wowowee at magpaawa kay papi.

bakit ba kasi may mga taong ginagawang raket/hanapbuhay ang pambuburaot? pasintabi na lang sa ibang makakabasa nito pero hindi ko talaga maarok ang kahunghangan ng mga taong nag aabot ng puting envelope sa mga bahay kasabay ng kanilang pagkanta. ano yan para sa talent fee? ni hindi naman namin kayo inimbita rito para kumanta. sana lang talaga nasa bahay ako nung mga oras na sabihan yung kapatid ko ng mga katagang “nagsabit pa kayo ng parol. hindi naman pala kayo nagbibigay ng pamasko”. putris talaga! porket may parol ibig sabihin mapera na? sinong manghuhula ang nagsabi nyan at nang magilitan sa leeg. yan ang pinaka ayoko sa lahat yung namimigay ng envelope dahil ina-assume nila na magbibigay ka at hindi barya ang iaabot mo. estupid pipol.

simbang gabi na rin pala. hindi pa ako nakaka-attend sa ngyon kaya di ko pa alam kung may ipinagbago ba kumpara sa dati. sa palagay ko wala. present pa rin dyan ang magsising irog na nagkukumpulan sa gilid ng simbahan..dun sa parteng madidilim at ramdam mo ang lamig ng simoy ng hangin. at syempre malapit sa bilihan ng puto bumbong. gugutumin kasi sila pagkatapos.

sa una at huling gabi lang naman talaga punumpuno ang tao sa simbahan. yung iba ay parang ordinaryong eksena na lang kapag linggo. karamihan halata mong hindi naligo. yung iba naglalagay ng gel para wet-look pero meron namang bakat ng banig sa mukha at marka ng natuyong laway sa pisngi. yung mata naman kumukutikutitap dahil puno ng muta. meron pa nga ako namataan dati na nakasuot ng pajama. infairness seksi naman sya. bakat ang panty at matambok ang pwet pero hindi ko na maalala ang mukha. madilim kasi.

naniniwala ba kayo sa pasko? naniniwala ba kayong may bday ako? mahirap paniwalaan pero totoo yan. markado na sa kalendaryo ang pagtuntong ko sa edad na bentesais. uu alam ko. matanda ka nang damuho ka kaya wag ka na magpanggap na bata dyan. anyways, baka hindi ko na masundan ang entry na to ngyong taon kaya ngyon palang ay binabati ko na kayo ng isang maanghang at crispylicious na “Merry Christmas and Happy New Year!”.

pasayahin nyo naman ako kasama ang mga kapuspalad nating kababayan na puro kalyo ang mga kamay sa kakaano. di ko kelangan ng jokes na korni. hindi ako sasaya dyan. ayoko rin ng kupas na damit, pinaglumaang salawal, nfa rice, at luslus na laruan. utang na loob hindi ko kelangan ng relief goods. gusto ko lang naman makatanggap ng kagilagilalas na picture mula sa inyo na naglalaman ng isang maikling mensahe o pagbati. wag na kayo masyado magsuot. abala pa yun eh.

pakisend na lang dito sa p.gasti@yahoo.com
thanks!

Mga Puna»

1. cindyrellaz - Disyembre 17, 2008

happy happy happy birthday!!! merry merry christmas na din ^^ hindi ka pa matanda no, bata ka pa, pag iniisip mo na matanda ka na, mag mamature ka! LOL! be happy and enjoy the days ahead, lapit na mag year of the beef!!!

gasti: hindi ko pa nararamdaman ang epekto ng pagtanda sa totoo lang. saka kaya ko pa kahit ilang rounds. mukha nga akong virgin sa personal.

2. FerBert - Disyembre 17, 2008

pansin ko galit na galit ka talaga sa nangangaroling.. hahaha.. ganito din nabasa ko sayo last year..

sige sige padadalhan kita ng picture.. dahil kaibigan kita sige magpapakita ako ng mukha.. bwahahaha

happy bday gasti! magblog ka sa 25 para naman mabati kita..😛

gasti: antalas talaga ng memorya mo..hehe! uu nasa san mateo pa kami nun nakatira. mas malala nga ang nangangaroling dun eh talagang minu-minuto meron bago dumarating.
haha! sabi mo yan ah! sige aantayin ko. baka hindi na ko makapagblog sa 25 eh..

3. J i y u h - Disyembre 18, 2008

hay naku gasti nakakainis yung mga nag aabot ng envelopes sa bus, eh ilang araw na kong naglalamyerda sa alabng, araw araw na lng, either may tambourine na props or babasahan ng bible. ang dungis pa nung envelopes, tsk. kakaumay na. hinihingi na ngayon, hindi na binibigay ng kusa. azar.

anyways, game ako, email na lang kita ng bonggang bongga.😀

ako ba naka pers sayo? i mean dito? yehay!

gasti: siguro nga malaki ang kita dyan sa pangangaroling eh. meron din naman kasi nagbibigay kaya hindi sila tumitigil sa raket nila.
thanks jiyuh! antayin ko yan ah!

4. chyng - Disyembre 18, 2008

Huwaw, it’s your bday! Sesendan kita ng picture kong naka two pc. Kaso lang wholesome yun ah, parang grade 3 lang kasi yung size ng katawan ko! hahaha

I hate those na pinagkakakitaan nga ang panghihingi ng tulong for charity daw! Oh come on! Di na nahiya. Pasko na nga, nanloloko pa! At gamitin pa ang mga bata daw sa ampunan! Sus! tumulong discreetly kung gusto tlga!

Heart attack

gasti: haha! thanks chyng..kahit ano pa kalabasan nyan ayos lang.
easy lang. baka atakihin ka sa puso. andami talaga rumaraket kapag pasko noh? para ka na ring hinoholdap.

5. bonistation - Disyembre 18, 2008

merry christmas at happy birthday! send ako sa idol ko syempre!!

gasti: hehe! nakita ko na yung sinend mo. ambilis mo gumawa ah!. maraming salamat! merry christmas din sayO!

6. Wacky - Disyembre 18, 2008

Dec 25 bday mo?! Ehehe, kung, edi hapi bday sa’yo! Merry X’mas din! Oo nga, asar nga yung mga nagbabahay-bahay na me dalang puting sobre. Sa ‘min meron din, pero ang binibigyan lang namin ay yung collector ng basura dito sa ‘min, ehehe! Yung iba, di namin pinagbubuksan. Kunyari alang tao, ehehe!

Cge, Happy new year din nga pala!

gasti: pasaway kasi yung anak ko eh natutuwa pa kapag may nangangaroling tapos sya pa nagbubukas ng pinto ska naman kami hihingi ng barya sakin para sya na mag abot sa mga bata. haaays..
merry xmas and happy new year na rin sayo wacky! ang aga natin nagbatian ah..hehe!

7. anakngpating - Disyembre 18, 2008

api beerday kuya heeh also miry crismas and api new year hehe .
pacanton ka naman hehe …
wish u more babies to come exte bertdey to come pla hehe…😄

gasti: anakngpating! nahirapan ako magbasa ng sulat mo..haha!
more ladies and babies to come! thanks!

8. i_k_a_y - Disyembre 18, 2008

ang tigas naman ng muka nung ngsabi nun sa utol mo….kung ako dun sa utol mo isinampal ko sa pgmumuka nun yung envelope nya…nakakapang init ng ulo…huh!

hehehe!!

happy bday and merry xmass nrin poh!

gasti: easy..buti nga hindi ko inabutan eh pasalamat sya. baka hindi na sya makakanta sa ibang bahay pag pinasukan ko ng ano yung bibig nya.
tenks! merry xmas din sayo!
nga pala, nakita ko na yung sinend mo. isang nakaririmarim na pagbati.

9. Maldito - Disyembre 18, 2008

o cge..dahil kaw ang bestfrend ko dito sa blog, papadalhan kita…

okey lang ba kung nude kami lahat ng ka officemate ko?ahahhaa..bukas ko to i sesend ha….

advance nalang..text nalang kita sa bday mo…

next year nalang din ang gift..sa june..we!indi ka naman pwde sa xmas e!

gasti: haha! sige ikaw bahala. magaling ka naman mangumbinsi.
sige pards! goodluck na lang sa pagluwas mo..tuloy tayo next year!

10. rio - Disyembre 20, 2008

happy happy birthday sau at Merry Christmas na din…
pasensya na kung wala akong maipapadalang picture..bawi nalang ako next year.

11. glesy the great - Disyembre 27, 2008

ngayon ko lang nabasa to… nyahaha… parang di ka marunong ngumiti pag pasko ah…

kakaiba yung nangaroling sa inyo ha.. kung ako yun sinigawan ko din yun.. “eh ikaw? gusto mo pang umabot ng bagong taon!!” sobrang kapal ng mukha….

cool ka lang… ang puso mo…;p

12. aga - Enero 3, 2009

bongga!

hapi nu yir!
asust🙂

13. pabaon « The Invisible Blog - Enero 15, 2009

[…] baka may gusto pang humabol. update ko na lang tong entry na to kapag meron ng bago. syempre! wala pa yung litrato ko […]


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: