jump to navigation

i’m bettyful Enero 6, 2009

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

napakagandang title para sa sa pagsisimula ng taon. ayos noh? parang naputukan lang. pero teka ano bang bago ngyong taon bukod sa gaganda si betty at sex scandal ni doc hayden at katrina halili? hmm….ilalabas ko na ba ang mga uncensored/never-before-seen/nakakadismayang pics ko? ok kalimutan nyo na yang pictures na yan dahil hanggang sa ngyon ay hindi ko pa rin nasisimulan ang pictorial.

anyways kwentuhan ko na lang kayo ng mga ilang eksenang naganap habang ako ay nakabakasyon. magbasa kayo maigi dahil kapupulutan nyo ng aral ito (parang mga kwento ni lola basyang lang)

Malapit ng maghatinggabi pero hindi pa rin ako inaantok kaya napagpasyahan kong buklatin ang FHM na naglalaman ng 100 sexiest women in the world na kabibili ko lang noong araw ding yun habang nakapila sa sakayan papasok ng opisina sa halagang singkwenta pesos. excited pa ako dahil solong solo ko ang moment na yun sa ibabaw ng kama na hinihigaan ni misis at ng anak namin. pwedeng pwede akong magtikol kung gugustuhin ko o kaya naman ay magpatiwakal dahil sa sobrang katigangan. either of the two sigurado naman akong lalabas ang dila ko at titirik ang mata ko dyan. pero hindi ko ginawa dahil wala ako sa mood.

di ko na nga alam kung baog na ko. gusto mo try natin? pero kung may bayag ka rin gaya ko eh kalimutan mo na lang yan. try nyo  sa iba wag sakin.

makalipas ang ilang sandali pagkabasa ko ng ladies confessions ay nagsimula ng umandar ang aking imahinasyon at napapikit na lang para namnamin ang bawat eksena. maya-maya pa, nakatulog na rin ako.

“gasti….gasti…ahhh!” animoy may karomansahan akong babae at binabanggit nya ang pangalan ko. kung ito’y isang panaginip, ayoko ng magising. ayun naman ang mga tamang tirada sa mga ganitong eksena. pero naalimpungatan ako ng biglang naulinigan ko ulit ang boses ng babae na tumatawag sakin kanina pa…si misis pala yung nagsasalita at hindi ko na pwedeng balewalain ang pagtawag nya na may kasamang “dalhin mo na ko sa ospital! pumutok na yung water bag ko!”

karipas agad ako ng takbo nun at nagmamadaling pinaharurot ang sasakyan papuntang ospital. ni hindi na nga ako nagpalit ng damit. buti naman at naging maayos ang lahat. bandang alas syete ng umaga, dec. 20, 2008  naipanganak na ni misis ang isang napakagandang anghel na pinangalanan naming queen elizabeth. joke! kay Manny Pacquiao yung batang yun…syempre hindi ko rin sasabihin ang tunay na pangalan ni baby para pareho kami. saka isa pa eh wala naman tayo sa showbiz.

dumating ang araw ng pasko at sa unang pagkakataon ay hindi ako naligo sa bday ko. may lagnat kasi ako kaya ayaw nila ako magtampisaw sa tubig. kaya ayun hindi ko na lang din sinuot yung bago ko damit at pantalon. at gaya ng inaasahan inulan ako ng pagbati mula sa mga kamag anak, kaibigan at kakilala pero hanggang dun na lang yun dahil tanging isang regalo lang ang natanggap ko nung bday ko. isang alkansya na hugis oso. panalo!

speaking of pagbati, salamat sa ilang piling nilalang na nagpadala ng litrato sakin. you touched me like I’ve never been touched before. can I touch yours?

bagong taon. bagong pakikipagsapalaran na naman sa blogosphere. salamat sa lahat ng bloggers na nakilala ko noon at makikilala pa sa taon na to. kayo ang nagsisilbing inspirasyon ko sa pagsusulat. kayo na nakasuot pantulog o pampaligo lang. kayo na mahilig gumawa ng sex video. maraming salamat sa lahat. sana ay hindi kayo magsawa at nangangako naman akong hindi ko kayo pagsasawaan. o ano kaya mo pa ba ng isang round?

dito na lang ako magpaputok sa loob. para hindi ka na matilamsikan.

Mga Puna»

1. cindyrella - Enero 6, 2009

panu ba yan? meron din akong bayag? wahaha! joke lang! conservative to no!! anyway!! uyyy tatay ka na!!! congrats!! pakabait ka ah! wag basa ng basa ng fhm!!!

gasti: malaking tulong sa buhay natin ang pagbabasa ng FHM. kakailanganin mo rin yan sa tamang panahon.

2. The Gasoline Dude - Enero 6, 2009

Huwaw! Congrats! Andami atang misis ng mga bloggers ang nanganganak ngayon. Me correlation kaya sa blogging ‘yan? Hmmm… = P

gasti: madami talagang buntis ngyon..ewan ko ba. uso yata eh!

3. Maldito - Enero 6, 2009

congrats sa baby gasti the second..ahaha..sayang kasi may lagnat ka..kung wala lang deresto na sana ako sa marikina..aha ha ha…

post mo na ang mga pictures dali!!ahahaa…masaya kami sa pictorial na yan..hinadaan pa ng party hats..

salamat din bossing…

indi ko talaga ma imagine..

ang iniidolo ko noong una..

naging kaibigan ko na.

o m2m action na to!!ahhahaha….

btw bumili ako ng laruan dyan..post ko sa blog natin next tym.

gasti: salamat rin sayo at sa mga kaopisina mo dyan. nakita ko ang effort sa mga party hats..napaluha ako sa ilong.
buti ka pa nakabili ng laruan. sige patingin na lang ako nyan. di pa ako makakabili ng laruan sa ngyon eh

4. kengkay - Enero 6, 2009

congrats gasti! kaya pala mas maganda ang mundo dahil may dumating na maganda🙂

tigil mo muna yang touching mo, hahaha

gasti: di maiwasan ang touching ngyon lalo na at malamig. sarap.

5. aga - Enero 7, 2009

bwahahahaa….
kakatuwa ka talaga gasti!!!
more power.
gudluk sa karir mo this year!!!
hehehehe

asust!🙂

gasti: goodluck sa ating lahat! asust!

6. J i y u h - Enero 7, 2009

aww a baby girl, just like badoodles!🙂 congrats pare ko *mwahugs

gasti: salamats jiyuh! nabalitaan ko rin yung kay pareng baduds..malapit na rin lumabas baby nya.

7. apollo - Enero 7, 2009

congrats pre!

8. anakngpating - Enero 7, 2009

uu nga dami ang lumalabas na ang anghel at mga babae pa hek3…

ang gaganda pa ng lahi nila hek…

like kuya badoods congrats din kuya gasti..hek3…

sabi na eh more babies to come nga …

ayts..
😄

gasti: syempre ganun talaga. may pinagmanahan..at yun ang mga nanay nila.

9. mangbadoy - Enero 7, 2009

congrats sa bagong baby at tumanda ka na naman master gasti! 26 ka na di ba?

alagaan mo ang baby mo at wag masyadong malibog at makulit. nakakabaog yan…

gasti: uu hindi ko naman itinago ang edad ko..mukha lang. hehe!
ayos lang mabaog ako ngyon dahil naka 2 nako eh.. ikaw ingat ka! hapi new yir pala sayo mang badoy!

10. Jeck - Enero 8, 2009

congrats sa baby mo parekoy! kumpleto ka na. bakla tsaka tomboy na lang ang wala. haha

yung pic ko pinapadevelop ko pa e, mala-billboard kasi ang size. bwehehe

gasti: baka naman pangtabloid rin ang posing mo dyan sa pic. ayusin mo!
congrats na rin pala sayo..malapit ka na! hehe!

11. enjoy - Enero 8, 2009

uy pareng gasti! tatay ka na pala… ang sarap ng feeling noh! naramdaman ko rin yan (siempre hindi nung maging tatay ha at ala akong balls). hehehe! wag mo mashado pagnasaan ang fhm. para lang yan sa wlang karir sa sex. neweis, happy new year! sa wakas, tapos na rin ang putukan🙂

gasti: bihira naman ako magbasa ng FHM eh kapag wala lang magawa sa bahay.
di pa tapos ang putukan! meron pang chinese new year!

12. myk - Enero 8, 2009

buti di mo naiwanan si mare nung nagmamadali ka hahaha

gasti: hindi pa naman ako ganun kaulyanin noh
buti nga at malapit lang din yung ospital.

13. bonistation - Enero 9, 2009

wow! naka dalawang version kana! boy and girl na ang anak mo!

CONGRATS idol! may bago ka na namang tatakutin sa undas! wahaha!!

gasti: matagal pa naman yang takutan na yan. mag ingat lang ang mga manliligaw sa anak ko pag nagdalaga sya dahil tatalupan at kakaliskisan ko maigi ang mga yun.

14. chyng - Enero 9, 2009

Seriously? Wow, a baby! So malamang girl yan… Feeling ko lang. Itago naten siya sa code name na GASTINELLA! haha

Congrats! 9Million + 1 na tayo sa Pinas!😀

gasti: parang tunog bratinella lang ah..hehe! yup girl nga.

15. chyng - Enero 9, 2009

90Million* not 9M

16. chyng - Enero 9, 2009

walang appeal si piolo saken. ever!

gasti: haha! at talagang dito ka pa sumagot. mukhang nahalata mo rin na bakla sya.

17. a.r.d.y.e.y. - Enero 9, 2009

wow congrats sayo tol. pagkasaya sayang birthday naman niyan. hehehe. sayang hindi pa kayo nagkasabay.

uso pa pala yung ‘water-bag-broke-stories’. hehehe akala ko sa mga pelikula ni vic sotto lang nangyayari yun. =D

gasti: hindi umabot sabday ko eh! nasobrahan kasi ng paglalakad si misis gusto na talagang ilabas.
idol ko yan si vic sotto eh kaya kahit yung water-bag-broke stories eh nagagaya ko na ng di sinasadya. haha!

18. karmi - Enero 10, 2009

hahaha. manganganak na nga lang si misis, FHM pa rin inaatupag mo. iba ka talaga tol.😛 hehehe.

congrats sa bebi nyo ni misis.. ^_^ yan na ang regalo sayo ni papa God😀

gasti: natyempuhan lang naman. eto nga at lagi na naman kaming puyat dahil sa regalo ni Lord..hehe!

19. Jhaynee - Enero 11, 2009

astig ang gift ni Lord sayo.. congrats sa dagdag gastusin este biyaya sa pamilya mo.. hehehe.. ingatz!

namiss ko ang mag blog hop!!!

gasti: uy tagal mo ring nawala ah! gumagawa ka na rin yata ng biyaya eh..joke! ingatz! happy new year!

20. rio - Enero 12, 2009

congrats kuya…nakaka dalawa ka na..sana dumami pa ang mga anghel mo sa buhay..
aabanagan ko ang mga pictures ng baby mo ha..sigurado akong kasing cute yan ni misis at sympre, kasing kulit mo din..hehe

gasti: di ko maalala kung mas matanda pa ko sayo. haha! uu cute rin sya pero hindi ko pa makilatis kung sino kamukha. yung pics all rights reserved eh. di ko alam kung pde ipakita dito sa blog.🙂

21. popoy - Enero 12, 2009

gasti congrats sa 2nd baby mo. nawa’y maging mabuti syang bata tulad ng kanyang ina, wag gumaya sa tatay nya, manyak.lols.biro lang.

aba aba, oo nakilala kita sa blog pero hindi pa in person, how sed nemen! hahaha. anyway, maging maganda sana sa ating lahat ang taon na ito. more blessing!!! more children!!! hahaha. kaya pa? kaya pa?lols

gasti: syempre sa nanay dapat magmana yun. para marunong pumili ng mabait na mapapangasawa. ehem!
more blessing na lang siguro. sayo na lang yung more children..haha!

22. xG - Enero 13, 2009

di nga ako naniniwala na
may pamilya ka na
tapos ngayon sasabihin mo
december 25 bertdei mo?

lul!
hahahaha

adbans pibertdei na rin
para yir
regalo ko nga pala?🙂

gasti: nasabi ko na rin ba sayong virgin pa rin ako? at uu hindi pa ko nabibinyagan. ganyan talaga kapag maysapi ka. mahirap paniwalaan pero totoo lahat yan.
teka. kakatapos lang ng bday ko tapos nag aadbans ka na? lupet! haha!

23. jason kenny - Enero 17, 2009

Just like you, I go forever with out reading RSS. My view is, if it’s important at all, It will hit my twitter stream.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: