jump to navigation

ang sagot sa kahirapan Enero 20, 2009

Posted by gasti in kamalasan, to whom it may concern.
trackback

kung sa tingin mo hindi mo na kaya, kung sa tingin mo aping api ka na, kung sa tingin mo walang nagmamahal sayo. nagkakamali ka. sandamukal ang mga fixers na nagkalat ngyon.

“i fix broken hearts I know that I truly can.”

gusto mo bang mapadali ang iyong buhay? hindi mo na kelangang magpakamatay. tutulungan ka nila sa abot ng kanilang makakaya. pero may service charge. wala ng libre sa panahon ngyon.

sa totoo lang badtrip ako sa mga yan dahil sobrang kulit talaga. dinaig pa ang mga tindera sa palengke na malayo pa lang ay ipagsisigawan na nila sayo ang mga paninda nila. para bang mga kamag anak mo sila na matagal nawala’y sa piling mo at sabik  makita ka. user-friendly.

pero sa isang banda. malaking tulong ang mga yan kung gusto mo mapabilis ang proseso ng nilalakad mong kunganoman. gaya ko na simula ng magkaron ng sasakyan ay samu’t saring fixers na ang nakasalamuha. puro gastos na lang  simula student license, upgrade ng non-pro, rehistro ng sasakyan at ang walang kamatayang renewal ng mga yan. kung lumaki lang sana ako sa piling ng mga Abu Sayyaf at gusto ko magpapansin, nangunguna ang LTO office sa una kong pasasabugin. saka imbes na banko na mahigpit ang seguridad ang nanakawan ko, dito na lang rin dahil kung pera lang ang pag uusapan. madaming tagong kayamanan ang mga empleyado rito.

naging masalimuot ang naging araw ko kahapon dahil umpisa pa lang ay naburyong na ko sa kakahagilap ng pesteng Union Bank na yan! halos libutin ko na ang buong marikina pero wala ako nakita ni isa. badtrip! buti na lang at sinagip ako ng BPI atm card ng erpats ko para matuloy lang ang pagpaparehistro ng sasakyan.

at syempre tipikal na eksena yung mga sandamukal na tambay na sasalubong sayo. may napusuan akong lalaki naka green mukhang bata pa. pero hindi ko sya crush. anobeh! kahit tigang to hindi pa rin ako makikipagiskrimahan. kung sa tibo pa siguro pwede pa..magagawan naman natin ng paraan yan. anyways, ayun nga ang ngyari hinayaan ko syang gawin ang gusto nya. mabilis naman sya kumilos infairness. pero inabot din ako ng malas dahil nung humingi na ako ng form para sa gagawing stensil…sablay! binago na daw kasi ang sistema recently lang na ang lahat ng mga sasakyan na galing Subic ay doon na sa LTO East Ave. pinapastensil. putrages na sistema yan! pabago bago! (ang stensil ay isang procedure kung saan binabakat sa mismong form ang body number at chassis number ng iyong sasakyan gamit ang lapis. syempre kelangan magmatch yung mga details sa previous registration mo. )

ang tanong. san naman yun? pootah! magkakandaligaw na naman ako at mag aaksaya ng precious diesel sa ekspedisyong ito. buti na lang sinamahan ako ng utol kong tambay para magabayan ako sa direksyon at kung mamalasin, may kasama na akong maliligaw. ayos!

“daddy sama! bili bili car!”. eto namang anak ko naki-join na rin. akala mo pasyalan yung pupuntahan. at magpapabili pa ng kotse! naman! ang sarap talagang maging bata. sinama ko na rin sya para kahit papano eh malibang kami sa byahe. at isa pa eh magtatampo na naman tong batang to pag hindi napagbigyan.

makalipas ang isang oras, narating rin namin ang lugar. sobrang dami ng tao at sasakyan. parang may entrance test sa college. masalimuot. hindi ko alam kung san ako magsisimula. ano bang ginagawa ko sa lugar na to?! and who’s that pokemon? ohh! a fixer in formal attire…pwede!

kakaiba tong lalaking to dahil mukhang propesyunal ang dating. labas pasok din sya sa loob ng opisina ng LTO at marami syang koneksyones. mabilis nyang naasikaso ang rehistro ko hanggang sa ipinasok na lang sa cashier para sa ilan pang bayarin.

“maupo ka na lang dyan at antayin mo tawagin yung pangalan mo bale 2500 yung kelangan mo bayaran. pahingi na rin ng 200 para ipaasikaso natin sa loob”. ayan ang mga binitiwang salita ni manong fixer bago kami naghiwalay ng landas. pagtapos magbayad diretso na sa window 1 at panghuli, releasing na. napakasimple. walang kahirap hirap.

pero syempre dahil malas nga ako nitong araw na ito ay hindi naman pwedeng ganun ganun na lang yun. kung nagkataong may baon akong teargas, hinagis ko na yun sa loob ng cashier. tangenangyan! inabot ako ng 1sa’t kalahating oras sa paghihintay na tawagin yung pangalan ko para lang sabihin sakin na hindi pa raw na-upload sa computer ang insurance na binayaran ko at ang tanging paraan lamang para maproseso nila ang nilalakad kong rehistro ay ang bumalik sa LTO marikina at ipaayos muna yun. at anong oras na? 4:30pm. magaling! hindi na rin aabot kaya bukas na lang daw ako bumalik. nga pala, hindi pa rin ako nakakaligo ng mga oras na yan.

kung nasabi lang sana sakin ng maaga eh di nakabalik pa ako agad at hindi naaksaya ang oras ko sa paghihintay sa wala at pagbayad ng 200 pesos kahit hindi naman nila ako natulungan. ako pa nga ang nasisi dahil daw dun na lang ako dapat kumuha ng insurance sa kanila. taragis yan! kung may choice lang ako hindi naman ako pupunta pa sa pesteng lugar na yun.

nahabag naman si misis sakin kaya nag offer sya na sya na ang magtutuloy ng registration process tutal eh sandali na lang naman daw yun at bayaran na lang isasabay na rin daw nya ang pagkuha ng student license.  kani-kanina lang tumawag sya sa celfon ko. akala ko tapos na. makakatulog na sana ako ng mahimbing mamaya rito sa opis.

pero sablay pa rin. kelangan ko pa bumalik ng east ave para dun magbayad. malamang bukas naka-leave na naman ako. putris yan! hassle talaga.

Mga Puna»

1. Jhaynee - Enero 20, 2009

haaay naku… ganyan din kahit dito sa Iloilo… grabe talaga ang mga fixers sa LTO..

nung kumuha ako ng student license, akala ko talaga may sobrang bait na lalaki na tumulong sa akin all the way sa pag process.. tunuring ko pa siya na anghel…

nakngtupa, kulang ang sukli ko pagkatapos kong magrehistro!!! talent fee niya pa la yun..

ay pucha! may nakalagay pa sa labas ng opis ng LTO…

FIXERS NOT ALLOWED!!!

angkakapalngmukha!!!!


gasti: eh mismong empleyado pa nga ang fixers minsan eh! wala na talagang pag asa ang ahensyang yan. pugad ng kurakot.

2. anakngpating - Enero 20, 2009

nagka200 tuloy si manong fixer with a pormal attire hek3…
😄

3. mangbadoy - Enero 20, 2009

comment muna ako! ako una! heheh

4. mangbadoy - Enero 20, 2009

kawawang gasti… pasabugin mo ang lto para naman tumaas ang dolyar matutuwa pa ang mga OFW na gaya ko at gagawin ka naming honorary member ng mga OFW hahahah!

gasti: tataas ba talaga ang dolyar pag pinasabog ko yung LTO? hmmm..sige subukan natin.
basta porsyentuhan nyo ako sa dollars nyo ah!

5. Cindyrella - Enero 21, 2009

ganun talaga, pag may pera mas mapapadali ang mga bagay bagay. gagastusan mo pa talaga ang fixer but that’s the way it goes so wala tayung magagawa.. T_T

gasti: ayaw naman kasi nila ayusin trabaho nila eh. kelangan pa tuloy ng fixer. para ka na ring naholdap tuloy.

6. flamindevil - Enero 21, 2009

hay naku..daming ganyan..naalala ko tuloy nung nagrenew ako ng passport sa dfa…talagang magugulang ang iba dyan.hehe.

gasti: isa pa yang DFA. hindi pa ko nakakakuha ng passport sa ngyon. malamang pahirapan din dyan.

7. myk - Enero 21, 2009

pag punta mo ng LTO sa east ave. daanan mo ako sa opisina. libre mo ako ng lunch

gasti: halfday lang ako dun. nakabalik na ko dito sa opis..hehe! ikaw kaya manlibre. wala na ko pera dahil pinambayad ko sa rehistro.

8. apollo - Enero 21, 2009

dati akong nasa government agency. sasabihin ng mga fixer na mas mapapabilis pero hindi yun totoo. pagpasok sa loob, ipipila pa rin ang papel kasama ng iba. ang kaibahan lang ay iba ang nag-abot…

gasti: uu nga eh depende sa lakas ng kapit nung fixer pwede iuna yung papeles mo sa iba. talamak naman yung bayaran sa ganyan eh. mas ok kung may kamag anak ka na empleyado. sandalian lang talaga.

9. Maldito - Enero 21, 2009

mag trisikad ka nalang kasi…wala pang rehistro..ahahaha..pagdyak lang ng padyak..excersise pa..

marami talagang boyps sa LTO…may frend ako nagtratrabaho sa LTo..

sabi niya kunti lang ang sweldo nila..ni hindi nga makaabot sa one week na gastusin..pero potah..daig pa nila ang mga call center agents dahil sa laki ng kinikita nila sa lagay!!bwesit…

ganyan talaga sa pinas…turd world country!!grrr

gasti: ayun nga ang bumubuhay sa kanila. yung mga perang tax free na diretso sa bulsa. matagal na ngyayari ang ganyan. wala na siguro pag asang magbago pa ang bulok na sistema ng gobyerno.

10. gudang - Enero 21, 2009

na-tackle to sa Philippine Agenda ng GMA.. hehe. wla lang..🙂 galing naman!

11. Jeck - Enero 22, 2009

tol, hinay hinay lang. ang puso mo baka tumabi na yan sa junjun mo pag bumigay ka sa galit. haha

pasasabugin ang LTO? haha

piliin mo lang kung saang branch ah dahil sa lto nagwowork ang future father in law ko. hehe

gasti: future father in law? haha! sure na ba yan? alagaan mo yang gelps mo para magkatuluyan kayo at ng hindi ka na rin mahirapan kapag kumuha ka ng lisensya sa LTO.

12. beero - Enero 23, 2009

naku po. kahit kelan di talaga mapapagkatiwalaan mga fixers na yan. kanya-kanyang raket na talaga mga tao ngayon. kung umasta parang mga anghel na mapagkawang-gawa yun pala pagkaka-kitaan ka. tsk!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: