jump to navigation

kulasisi Enero 23, 2009

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

nung una pa lang kita makita, nagandahan na ako sayo. alam ko sa puso kong gusto na kita pero pilit kong pinaglabanan ang kunganomang nararamdaman ko sayo dahil mali ito. hindi ko alam kung hanggang saan hahantong itong kalokohan ko. gusto kitang alagaan pero papayag ka kaya? sana. hindi ko alam ang iniisip mo kasi.

lumipas ang mga araw na ikaw pa rin ang laman ng isip ko. asan ka na kaya? nakakakain ka ba ng maayos? buhay ka pa ba? wag ka mag alala. hindi naman ako sumusuko sayo. darating din ang panahon na magkakasama tayo at sisiguraduhin ko sayong mababantayan kita ng husto. walang ibang tao o hayop ang pwedeng makapanakit sayo. magtiwala ka lang sakin. hindi kita pababayaan.

hanggang sa dumating ang oras na nakapag ipon ako ng sapat na pera para maibahay kita. dumiretso agad ako sa simbahan para hanapin ka pero wala ka doon. nagtungo rin ako sa palengke pero hindi rin kita natagpuan. bigo ako. nangibang bayan ka na yata kasama ang amo mong mukhang pick-pocket sa Quiapo. sana pala itinakas na kita noon pa lang. mas gugustuhin ko pang makita kang malaya kesa manatili sa piling nung mamang yun.

enero 1, 2009 ibinalita sakin ng kapatid kong nakita ka nya. uu alam nya ang lahat dahil hindi ko naman itinago ang pagkagusto ko sayo. hindi ko na pinakawalan pa ang magandang pagkakataong ito, agad kitang pinuntahan sa kinaroroonan mo at nung oras ding yun ay nakipagkasundo ako sa amo mo. sa wakas, napasaakin ka na rin.

batid kong masaya ka rin dahil sa wakas ay magsasama na tayo. hindi man sa iisang bubong pero ang mahalaga, abot kamay na lang kita. at sa tuwing bubuksan ko ang aming bintana sa umaga, ikaw ang masisilayan ko. walang mapagsidlan ang kaligayahan ko habang pinagmamasdan ang matingkad mong kulay. ang iyong tinig na animoy umaawit. ang iyong pagtuwad tuwad kapag gusto mo kong aliwin at syempre pa ang pinakagusto ko sa lahat, ang panoorin kung papaano mo kainin ang saging na hinahain ko sayo. may pagka-wild ka rin eh noh?!

p.s. ang cute mo talaga sa larawan na ito. pwedeng ipantapat sa kalendaryo ni Bangs Garcia at Marian Rivera.. hayuuup sa ganda!

Mga Puna»

1. Jhaynee - Enero 23, 2009

ayun!!!

birdie pala etech.. kala ko nakakalimutan mo na si misis gasti eh.. hehehe…

alagaan mong mabuti lagyan mo ng sign sa gate..

DONT TOUCH MY BIRDIE

2. gudang - Enero 23, 2009

na-love at frist sight ka sa isang ibon?
sweeeett ^^

3. Cindyrella - Enero 24, 2009

loko ka! kala ko inlove ka! wahahah!

4. bonistation - Enero 24, 2009

ahaha yan na nga bang sinasabe ko weh! kulasisi literally ahaha! nice! ganda nyan! ^^ mahilig nga sa saging yan! minsan kase may ibinahay din akong ganyan! naku tuwang tuwa sa saging ko. taragis!

sana maging mabunga ang inyong pagsasama idol gasti at sana magkaroon ng anak mukhang nabigyan mo naman ng maayos na bahay..

o pano goodluck! ^^

taragis!

5. foobarph - Enero 24, 2009

wahaha! cute nung parrot. lolz!

6. karmi - Enero 24, 2009

ka-kyut nga ng ibon😀

akala ko nung una, laruan ung tinutukoy mo eh.. kaso, may pagkain? hehehe. napaisip tuloy ako.🙂

7. anakngpating - Enero 25, 2009

yan ba yung love bird o parot hek3…hilig mo tlaga sa animal kuya gasti hek3…animal lover ka pla tlga hek3…XD cute …

gasti: kulasisi nga yan. isang uri rin ng parrot pero native sa pinas🙂
pinagbabawal na nga ang paghuli sa mga yan eh. haha!

8. flamindevil - Enero 26, 2009

kala ko naman unggoy..may saging kasi

haha. im peyrness, natawa ko dun.kala ko drama. asus.

9. anakngpating - Enero 28, 2009

teka kuya anong english ng kulasisi hek3..:)

10. J i y u h - Enero 31, 2009

lol

onga anu yung kulasisi?

gasti: pinakita ko na nga yung picture ayaw mo pa maniwala. mabuti na yan kesa ibang kulasisi ang ipakita ko.

11. Maldito - Pebrero 5, 2009

sabi ko na nga ba may fetish ka sa mga hayop ang mukha…indi na talaga matatago may relasyon kayu ni ederlyn…

gasti: bok! walang talo talo! haha! sayo yun eh!

12. marlo reyes - Mayo 29, 2012

grabe ang galing!!sobrang nadala ako!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: