jump to navigation

labanan natin ang tukso Enero 27, 2009

Posted by gasti in pampakiliti, pampaswerte, to whom it may concern.
trackback

kung hei fat choi! year of the Ox na at syempre sinilip ko ang predictions sa mga kagaya kong pinanganak sa year of the dog. hindi naman sa binabase ko na ang buhay ko sa mga yan. alam ko naman na tayo lang ang gumagawa ng ating swerti!

eto ang sabi.
The Dog (1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006) should brace himself for many changes in 2009. These changes which could go to extremes are either good or bad. Then again, having many happy and joyful events can help the Dog avoid the bad and negative events from happening. That is because happy events like having a baby, getting a new house or getting married can offset any mishaps and redirect any negative energy towards the positive direction.

Dogs are also advised to stay on the move or be mobile. By being always on the move and consciously introducing changes to his life, the Dog can turn negative energy into good ones. It would be a good year to pursue plans of working abroad or going overseas, same goes true in renovating the house.

kung gusto nyo rin mabasa ang iba pang mga kahayupan ngyong taon na to, punta kayo rito.

sa pagkakaintindi ko dyan eh kelangan ko pala maghapi-hapi. dalasan ang pagpunta sa mga bahay aliwan at syempre lubus lubusin ang mga happy hour promos. mukhang magastos pero kinakailangan para makaiwas sa kamalasan. sa isang banda parang sumakto yung mga eksampols sa akin ah! una, bagong baby, baka maparenovate na rin naman yung bahay sa marikina ngyong taon at yung panghuli eh getting married for the 2nd time around this time sa church naman…pwede!

bumili rin pala ako ng tikoy kahapon. tinanong pa nga ako ng kaopisina ko kung bakit kelangan pa ng ganun syempre buong pagmamalaki ko naman sinabi sa kanyang “for sticky relationship!” pero syempre alibi ko lang yun dahil ang totoo talaga eh namiss ko ang pagkain nito dahil once a year lang ako makatikim. nakalimutan ko na nga rin kung ano lasa nun eh. akalain nyong sumagot pa ang loko “sus gasti! magtino ka lang at tatagal ang pagsasama nyo”.

maayos naman ang pagsasama namin ni misis. sa wakas ay unti unti na syang nanawa sa pagseselos. kalmado na rin sya palagi at hindi na sya gaano pumapalag. good signs of good nutrition. masasabi ko ng kasapi na rin ako sa mga “Panatag Dad”

bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang. susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan. tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas. paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag iimbot at ng buong katapatan. sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa. Amen!

samahan nyo ako sa adhikaing ito mga kapatid sa pananampalataya. lakasan natin ang ating mga loob. lumayo na tayo sa tukso at tumungo tayo sa direksyong matuwid. ako ang daan! maniwala ka at ikaw ay gagaling.

kapag may makakasalubong kang magandang chikas, yung mga tipo mo. isang dalagang may maamong mukha pero mukhang may alam at hindi lang yung basta tumitihaya na lang sa gabi. maganda ang hubog ng katawan. da curves! pamatay…maputi at makinis ang balat na mukhang alaga sa lotion. malayo pa lang naaamoy mo na ang halimuyak nya na nagkalat sa paligid. yung natural na amoy ng magandang babae na bagong paligo. nakaka-L. eto yung mga tipo ng babae na masarap lapitan dahil mukhang approachable at masarap kausap. certified tukso in the making. ang maipapayo ko lang sayo kapatid, sa tuwing makakakita ka ng ganyan ay mag sign of the cross ka. yumuko ng bahagya at kumambyo. palagpasin mo na lang pre! wag mo na lingunin dahil lalo ka lang manghihinayang.

kung meron namang babae ang lumalapit sayo at napapansin mong napapadalas na ang pagkapit nya sa braso mo at pagkiskis ng suso nya sa katawan mo mapa-ordinaryong araw sa opisina pa yan o kahit may okasyon. di na tama yan. sinasamantala lang nila ang pagkakataon na makatsansing. walang nalalasing sa isang baso ng ice tea maniwala ka sakin. at kung talagang inaantok yang taong yan, kusang tutumba yan. hindi mo obligasyon na ipaubaya ang balikat mo lalo na yang hita mo. walang balak matulog yan. nag iintay lang ng pagkakataon. kung kelan mahina ka na at handang magpaubaya saka sila aatake.

mahirap iwasan ang ganitong klase ng panunukso lalo na kung mga tipo mo rin ang ating suspek pero walang imposible sa taong nagpupursige. hindi natin yan kawalan. pakiusapan mo na lang sila ng maayos na kung maaari ay layuan nila ang mga kagaya natin dahil masasaktan lang sila. banatan mo ng mga pamatay na linya gaya nito.
it’s nothing personal it’s business. [insert name of that mapanuksong girl here], I did’nt ask you to love me. and don’t make me feel as if I have to love you back. dahil kahit bali-baliktarin mo ko ngyon wala na ko mabibigay sayo. maawa ka nga sa sarili mo. itigil mo na yan. mapapagod ka lang. mapapagod ka lang umasa. mapapagod ka lang maghintay. mapapagod ka lang umasang mamahalin ka rin.”

kung pangit naman ang lumalapit sayo, hindi panunukso ang tawag dyan kundi pang aasar. kaya mo na siguro itaboy yan.

sana naman swertihin na tayo lahat pagkatapos maisakatuparan ang adhikaing ito.

Mga Puna»

1. apollo - Enero 27, 2009

amen kapatid!

2. Cindyrella - Enero 27, 2009

nice one! ganun ba? kung lilingunin mo ba ang chix na iniwan mo ay manghihinyang ka lang? wahahah! kakatawa ka! enge tikoy!

gasti: dobleng pahirap sa puso kasi yung lilingunin mo pa eh! lalo na kung wala ka man lang makitang kapintasan sa kanya. tapos mapapansin mo pa na matambok yung pwet…wala na talaga.
hmmm..teka kung bibigyan kita ng tikoy baka naman lumagkit tayo. mahirap na.

3. myk - Enero 27, 2009

weh? di nga pare?

4. ellieshe - Enero 27, 2009

“kung pangit naman ang lumalapit sayo, hindi panunukso ang tawag dyan kundi pang aasar. kaya mo na siguro itaboy yan.”

so ibig sabhin nang-aasar lang ako pag nagpapansin sa mga b0ys? haaays

gasti: wag mo naman masyado ibaba ang sarili mo. hindi naman siguro ganun yun. ano bang klase ng pagpapansin yan? halika pag usapan natin yan ng masinsinan.

5. The Gasoline Dude - Enero 28, 2009

O tukso, layuan niyo ako! Hindi na ako magpapadala sa mga ‘yan ngayong taon kasi gusto ko ng ayusin ang buhay ko. Makabili nga din ng tikoy. *LOLz*

gasti: hahaha! good for you brother…mas maraming tikoy mas maraming lagkit. bili na!
panahon na para lumaban naman tayo!

6. bonistation - Enero 28, 2009

ahaha ang saya saya! kagandang entry! wohoo mukhang nagbago na ang ihip ng hangin dito!? naligaw yata ako!? ahaha! haykent bilib it!

mapupulang labi, at matingkad mong ngiti.. umaabot hanggang sa langit.. wag kalang titingin sa kin at baka matunaw ang puso kong sabik… sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling, at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo koy tumitigil…

wahaha!

gasti: ganito talaga kapag maysapi! hinayaan ko na lang na lukuban ako ng divine virginity..I feel so young and fresh!

7. foobarph - Enero 28, 2009

amen!

8. Jeck - Enero 28, 2009

hmmm… parang inspired ang entry na ‘to ha. may pinaghuhugutan ng damdamin. kumekerengkeng ka na naman..hahaha

calling calling mrs. gasti… calling calling. hahaha!

gasti: the number u dialled is out of coverage area..haha! baliw! kaw rin naman panay ang hugot mo sa tabi-tabi. kelangan ko ng suporta mo rito jeck! umayos ka!

9. mousmous - Enero 28, 2009

mukhang may inspirasyon ka…siguro naka-encounter ka ng napakagandang babae na walang kapintasan, and now you’re really trying to fight the temptation. good job, tama yan para di magalit si misis.😀

gasti: wala akong aaminin. haha! saka hangga’t maaari ay iniiwasan ko talagang mamintas. magaling naman ako magpigil…siguro!🙂

10. anakngpating - Enero 28, 2009

akala ko nmn year of the ox ka kuya dog pla hek3
malamamng suportahan ka ni kuya jeck jan sa adhikain mo
ayos na adhikain to ha parang sa mga babaero lang ba to o sa lahat ng lalaki sa mundo hek3…:)

gasti: yang si jeck bihira na magparamdam kasi panay hugot sa ibang lugar eh. haha!
para sa lahat ng nilalang to na mahilig. lalo na sa mga babaeng mapanukso at mahina.

11. antuken - Enero 28, 2009

hahaha. i wish you could stick to what you’re saying. hahaha.

mahirap umiwas sa tukso. ngunit, saludo ako sa mga hindi nagpapatukso. susko, kung ako ang lalaki tapos ganun ang ginagawa saken ng mga chicks, mhen, goodluck talaga. hehehe.

parang nakaka-inspire kumerengkeng ah. hmmn. asan na ba asawa ko? tsk. nasa trabaho pala.

gasti: haha! uu naman..para eto lang eh! o wala pala asawa mo dyan eh nasa mood ka pa naman. sayang ang oras🙂
goodluck na lang talaga lalo na kapag lasing..dumarami ang maganda. more chances of winning.

12. foobarph - Enero 28, 2009

PLUG: My first post for my new blog – http://rllqph.wordpress.com/2009/01/28/pag-banned-ng-world-bank-sa-mga-kompanya-sa-pagpapagawa-ng-mga-infrastraktura-sa-pilipinas/

Yung http://foobarph.wordpress.com – wala na po kasi yan yung version one.
Eto na po yung bago – http://rllqph.wordpress.com

Pa exchange link naman kung sakali. PM nyo sa akin yung link nyo kung di ko pa kayo na-a-add. Ahehe

gasti: ok. walang problema. sige add kita sa links ko. pero teka nakakalito andaming links. iba pa yung nilagay mo sa url yung online pocketbook.

13. beero - Enero 28, 2009

“for sticky relationship!” –> ayos! kumain pa lang ako ng tikoy kahapon. sana may mga chicks na magstick na sa kin at nang mag-stick din ako sa kanila. lols. mas ok pa yung predictions sa mga taong ipinanganak sa year of the dog ngayong year of the ox. yung forecast kasi sa kin di ako nagandahan. mga salungat sa mga gusto kong mangyari. anak ng tokwa! di pala ganun kaswerte ang mga pinanganak sa year of the ox sa mismong year of the ox. lols.

gasti: baka naman manlagkit ka masyado nyan pag naparami ang kain ng tikoy. haha! year of the ox ka pala..malay mo naman maging oks ang taon na to para sayo..only God knows hudas not pay.

14. foobarph - Enero 29, 2009

wah! yoko maging dog. aw aw! (huhu, isa akong frog eh, kokak kokakk)

gasti, yung sa TOP, collaborative site namin yun. yung foobarph.wordpress.com ko, permanent stop na yun. yung naka link sa profile ko, eto na bago kong playground. ^^

15. yummy - Enero 29, 2009

hallelujah heheheh!
naksss…
nakalimutan ko pala kumain ng tikoy…
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
di masyadong maganda pasok ng year of the ox sa akin
siguro nga tama yung nakalagay sa prediksyon ng mga dragon.
may mga pagbabagong mangyayari either mabuti o masama depende sa dragon sa akin ata masama hahaha. Sana matapos na agad 2009😄

gasti: wag kang mawalan ng pag asa. may 11 months ka pang bubunuin..hehe! sa ngyon, kumain ka muna ng tikoy baka gutom lang yan.

16. akosiikay - Enero 29, 2009

it’s nothing personal it’s business. [insert name of that mapanuksong girl here], I did’nt ask you to love me. and don’t make me feel as if I have to love you back. dahil kahit bali-baliktarin mo ko ngyon wala na ko mabibigay sayo. maawa ka nga sa sarili mo. itigil mo na yan. mapapagod ka lang. mapapagod ka lang umasa. mapapagod ka lang maghintay. mapapagod ka lang umasang mamahalin ka rin.”

parang pamilyar ang linyang ito ah??? miggy ikaw ba yan???JLC!?
well e2 naman ang isasagot ko jan “kahit minsan hindi ko naramdamang nakakapagod kang mahalin…ngayon lang….ngayon lng”…..joke!…hehehehe

gasti: nakakapagod naman talagang magmahalan sa buong magdamag. pasensya pero wala na talaga ako mailalabas.

17. madbong - Pebrero 4, 2009

parekoy, na-miss kita saka mga blog mo! iwas na ko sa mga ganyang panunukso. sa katunayan nga nung nagpunta kami dun sa beerhaus nung nasa pinas ako last xmas ay iniwasan kong hawakan man lang yung kateybol ko saka hinde man lang ako tumitingin dun sa naghuhubad ahahaha.

gasti: hindi mo man lang ako naisipang yayain sa beerhaus! tsk tsk. magpapabinyag sana ako.
pwede namang ako na lang ang humawak sa kateybol mo at makipagtitigan dun sa naghuhubad. ayun nga lang hindi ako naniniwalang nakaiwas ka sa kanila sa buong magdamag. haha!

18. enjoy - Pebrero 12, 2009

bro parang ayokong maniwala na “for a sticky relationship” ang tikoy ah. kasi kumain naman kami nun ng dyowa ko nung chinese new year pero di pa rin kami sticky. eh kahit yata glue ang lantakan namin di na kami magiging sticky to each other… wahaha! pakings**t! sigh…

gasti: hmm..magagawan pa naman siguro ng paraan yan. relax! baka nambababae lang sya.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: