jump to navigation

closer you and I Pebrero 5, 2009

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
trackback

masarap ang pakiramdam kapag ikaw ang nakauna. ganyan naman lagi eh. sino bang may gusto ng napagpilian na? ng tira-tira, ng latak? syempre gusto natin yung tayo ang makakabinyag.

lagi kong hinahabol ang first trip sa umaga. wala pang pila dahil marami pang sasakyan na nakaparada at syempre mas maaga ako makakarating ng opisina. hindi ko na hinahangad pang maupo sa bandang unahan ng sasakyan dahil nakareserve na yun sa mga babae. kumportable kasi dun tapos nakatutok pa sayo ang aircon di gaya sa bandang likuran na mas gugustuhin mo pang magbukas ng bintana dahil mas malamig pa ang hangin sa labas. parehas lang naman kayo ng ibabayad.

halos ganyan din ang eksena kapag oras ng uwian. di nga lang masyado marami ang kalaban dahil siguro konti na lang din ang sumasakay ng shuttle service pauwi kumpara kapag sa umaga. may chance ka na makasakay sa bandang unahan pero hindi na rin ako umaasa. sinubukan ko na yun dati pero hinarang ako ng dispatcher dahil nakareserve na raw.  simula noon nagtatanong muna ako kung pwede ako maupo sa unahan kung bakante pa. taragis na mga tao yan. ang lilibog!

pero nagulat na lang ako nung isang araw  habang naglalakad ako papunta sa likuran ng sasakyan ay biglang may nagbukas ng pinto sa harap. may lumabas na babae at inalok nya akong maupo sa tabi nya. tinanong nya pa kung san banda ako bababa kaya kinutuban na ako ng hindi maganda. Bro! isang pagsubok na naman ba ito?

namumukhaan ko yung babae at alam kong mas mauuna akong bumaba sa kanya at pinaalam ko sa kanya yun pero pinagpilitan nya pa rin na dun na lang sya sa bungad. sa madaling salita, kinorner ako ng hitad. kesyo ayaw daw nya sa pwestong yun dahil tumatama yung balakang nya kapag kumakambyo yung driver at kung ano pang mga kwento na nireplyan ko na lang ng isang plastik na ngiti. sus naman! antaba kaya nun. hirap na nga sya ipasok ang katawan nya sa pinto eh nagpipilit pa.

lumingon ako sa bandang likuran ng sasakyan at laking gulat ko nung makitang tatatlo pa lang ang nakasakay. mukhang mas maraming hangin pa ang malalanghap ko run kumpara sa pwestong ibinigay sakin nung manang na katabi ko.  hindi pa man nagsisimulang bumiyahe eh pakiramdam ko namumula na yung betlogs ko sa pagkakaipit. samantalang sya nakapahilis pa. putrages na babae yan. ang sarap iumpog ang ulo sa windshield.

Mga Puna»

1. azul - Pebrero 5, 2009

cool ka lang po.
ako sa likod ng fx lagi umuupo mas kumportable ako dun hindi pa siksikan.
wala naman nasabi ko lang.

gasti: ayos lang naman ako. syempre sa fx pang dalawahan lang yung bandang likod kaya di rin masikip. di rin naman ako umuupo sa gitna kundi rin lang maganda at seksi yung makakatabi.

2. akosiikay - Pebrero 5, 2009

baka nman kras ka lng ni manang…hehehe
malay mo matagal ka na nyang inaabangan at ngayon
k lng nya natyempuhan…hayaan mo na pagpasensyahan mo na…hehehe!

gasti: madalas ko mapansin na tumitingin sakin yun eh. ewan ko lang ah pero sa tingin ko 10 years ang agwat ng edad namin. mga 60 lbs din cguro lamang nya.

3. Jeck - Pebrero 5, 2009

mukhang type ka ni ate ha. bigyan mo ng matinding da moves! haha

uy, may tekken resurrection ka sa psp mo?

gasti: damoves ba? mga tipong left hook at right uppercat tapos choke slam…hmm..pwede rin.
uu may tekken dark resurrection ako dito..tara laro tayo.

4. Maldito - Pebrero 5, 2009

ahahaha..kawawa ka naman..compare sa katawan niya….wag mo nalang patulan..masasktan ka lang…ahahaa…

chilazx…may reason bakit nangyari yan..malay mo..balang araw pala siya pa ang magiging kalaguyo mo..whahaha

gasti: never in a gazillion years pre. haha! pabigat lang sa buhay yan..literally.

5. dhyoy - Pebrero 5, 2009

hihihi… baka type ka…

la lng.. napadaan lang po😉

gasti: kahit hindi na ko type ayos lang…hehe!

6. Cindyrella - Pebrero 5, 2009

hay ako naman makikipag agawan talaga kung nangangailangan. dahil hirap kaya ng nakatayo lang pagdating sa train. hahah!! its a matter if paunahan lang talaga eh! ** easy ka lang!

gasti: ayos lang kapag train kasi wala naman traffic sa byahe nun. saka babae ka naman kaya pagbibigyan ka cguro.

7. anakngpating - Pebrero 5, 2009

pinapantasya ka ata ni manang sus maryosep hehe..peace out…
kala ko kilala mo kaya ka pinaupo dun di pala hehe🙂
nxt time tatanggi kana sa alok ng iba pumayag ka kung sexy na mabango ang makakatabi mo hehe oha…🙂

gasti: pero wala naman sigurong mag aalok sakin ng panandaliang aliw gaya nun kung walang bayad. haaays kung makatarungan lang sana ang presyo ng parking space sa Ortigas sana nagdrive na lang din ako.

8. J i y u h - Pebrero 5, 2009

naku gasti mag ingat ingat ka na, nasisigurado kong stalker mo yan si manang. bongga!

gasti: katakot na stalker naman yun kung sakali. nanghaharang!

9. foobarph - Pebrero 6, 2009

idol!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

astig yung ‘kambyo’, ano kaya yun? bwahaha!

gasti: ganun talaga kapag nagdadrive..kumakambyo. pero iba yata yung naisip mo. haha!

10. mangbadoy - Pebrero 6, 2009

ako usually sa likod ako sumasakay kasi mas maluwag at mas madaling itutok sa ulo mo ang aircon sa likod kesa sa gitna… sa unahan naman kame sumasakay pag kasama ko ang gf ko at dun kame naglalandian sa harap, pwede magakapan at halikan sa harapan…

gasti: ayos lang umupo sa likod kung fx sinasakyan mo pero kung mga L300, nissan urvan at iba pang mahahabang sasakyan na pulpol ang aircon, siguradong pagpapawisan ka.
may nakakasabay din ako couples na naglalaplapan sa loob ng sasakyan pero yung mga yun walang pinipiling pwesto. hehe!

11. ellieshe - Pebrero 6, 2009

me mga babae talagang sobra sa kaartehan lalo na kapag syempre di sila kumportable

Baka kras ka nya..at ngayon palang niya sinisimulan ang mga teknik niya pra mapansin mo siya! nyaahahaha!

gasti: may binabagayan din naman kasi ang pagiging maarte. sa purgatoryo siguro kung meron man.
buti na lang kamo hindi kumandong. putsa! wasak ang betlogs ko nun kung sakali.

12. Basti - Pebrero 6, 2009

haha ok lang yan parekoi paminsan minsan ka lang naman mahaharang ng ganun, next time lammo na gagawin mo. hehe pero kung sexy at maganda yung humarang sayo… ok lang..

13. a.r.d.y.e.y. - Pebrero 6, 2009

akala ko pa naman nastarstruck ka sa babaeng lumabas ng pinto, yun pala dabyana. hehehe. eh di ikaw naman ang ‘kinambyo’ ni manong niyan?

gasti: starstroke cguro..hehe!
napapapapikit pa nga ako pag kumakambyo yung driver eh. katakot!

14. xG - Pebrero 7, 2009

ahm
sampu ng lahat ng matatabang kilala mo
nais kong iparating ang

sorry na🙂

gasti: o bakit may ganito xg? haha! damay damay.

15. chyng - Pebrero 7, 2009

Hi Gasti!

Lakas ng appeal! Sabe mo nga dumadamoves lalo na at V-day na! Yihee! Jukies!

16. chyng - Pebrero 7, 2009

Hi Gasti!

Naks naman appealing!
Sabe mo nga dumadamoves lalo pa ngayon at V-day na!
Yihee.. Jukies!

gasti: hello chyng! wala naman siguro malisya yung damoves nun..uhhmm para ko na syang tiyahin eh.

17. blurosebluguy - Pebrero 8, 2009

buti na lang malayo na ako…kaya hindi na ako nakakasakay ng fx…..mahirap nga ang uri ng transpo na yan masyadong masikip ..minsan summer nasa bandang likuran ako…init grabe….sana nagdyip na lang ako.

18. antuken - Pebrero 10, 2009

hahaha. na-tipuhan ka ni ms chubby. hehe. ako naman, hate ko yung naging pwesto mo. una, kse hindi ko masasandal yung ulo ko. pangalawa, i agree with her na laging nasasagi ni manong driver at pangatlo, di ba pag mejo traffic at mahaba ang biyahe, umiinit yung upuan. hahaha.

19. kathy - Pebrero 12, 2009

hi dumaan lang po^^

20. JUSH - Pebrero 26, 2009

kala ko boy talks to…???

21. JUSH - Pebrero 26, 2009

payo naman jan…? mahiyain kac ako… ask lang ho anu ung mabisang pampagana??? bayagra kaya?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: