jump to navigation

and if it feels good put it on Pebrero 12, 2009

Posted by gasti in Uncategorized.
trackback

balentayms na naman. ang alam ko ang karamihan sa atin ay excited na. siguro ang iba pa dyan ay nakapagpareserve na sa mga motel. yung mga namamanata na magdyugdyugan kapag valentines. syempre agawan ng kwarto yang araw na yan eh! parang biglang nawawalan ng bahay ang mga tao at gagawin nilang evacuation center ang motel.

sa magandang araw natapat ang valentines day ngyon. feb. 13 byernes. hindi mo masasabing malas ang araw na yan dahil napaaga ang bigayan ng sweldo. maaari nyo ng sabayan ng putok ang pagsapit ng 12am ng feb 14 dahil may pambayad na kayo sa overnight stay sa paborito nyong motel. watta great way to start the valentines day. ika nga eh with a bang!

dati rati madibdiban ang preparasyon ko dyan sa valentines day na yan pero ngyon parang ordinaryong araw na lang din. eh bakit sasabay ka pa sa ibang naglalambutchingan sa araw na yan. matraffic pa. payayamanin mo lang lalo yung mga nagbebenta ng bulaklak saka yung mga may ari ng restaurants at motel.

pero sige na nga. alang alang sa minamahal kelangan naman mag effort. siguro magpupunta muna ko ng gym sa umaga para maghamon ng away sa mga fellow gymbuds pagkatapos ay iinom ng isang litrong extra joss at isang case ng cobra energy drink para naman magkaron ako ng lakas na hindi umaayaw. syempre hindi rin dapat kalimutan ang isang dosenang balot para dumami ang sisiw ko. samahan na rin ng limang kilong tahong at talaba saka saku-sakong tsokolate para sa panghimagas. wala ng tulugan to!

akala mo naman kung ano mangyayari ano? wala naman! baka mamasyal lang kami at kumain sa labas syempre sasama na naman yung anak kong gwapo na magpapabili ng laruang elepante sa mall. ganun talaga eh! ang importante may quality time. siguro mamboboso na lang ako ng mga teenage mutant ninja couples na walang pambayad sa motel.

at nga pala nabalitaan nyo ba yung job hiring ng durex bilang isang condom tester? gusto ko sanang subukan para magkaron ako ng supply ng products nila. nahihiya kasi ako bumili sa watson dahil puro babae ang tindera. baka kindatan pa ko pag bumili ng isang box na assorted flavors. di nila alam wala naman ako paggagamitan. gusto ko lang makita kung anong kulay ang nababagay sa kargada ko at kung anong flavor ang hindi nakakapagpagaspang sa kamay.
payong kaibigan lang: kung talagang mahal mo sya, wag mong gamitan ng condom. nasisiguro ko sayong ayaw nya rin nun. sa iba mo na lang gamitin yan.

happy valentines day bloggers!

Mga Puna»

1. azul - Pebrero 12, 2009

napakahulsam ng entry mo na ito kuya..hehe

yung sa job hiring ng durex una kong napakinggan sa RX yan ewan pero natawa talaga ako ..kala ko kasi joke lang ee…

gasti: ako naman nadismaya kasi akala ko matutupad na yung pangarap kong maging porn star..hindi pala.

2. mangbadoy - Pebrero 12, 2009

hindi ko alam na anti-contraceptives ka pala at ayaw mo ng condom… ingat lang baka magkatulo pag sa pokpok ka gagamit damit may condom baka kasi magkatulo at STD ka pa sa mga yan…

balak ko sanang patulan ang job hiring ng durex kaso asa malaysia ako… sayang naka libre sana ako ng kahong kahong condom dito pa naman ang betahan ng condom ay kahon kahon per 12 pieces akala mo may panic buying sa condom at maramihan ang tinda walang tingi… wala kagaya sa pinas na tigatlo lang kada kahon…

Happy Balentines master gasti y romantiko under ke misis!

gasti: ang sabi ko nga diba kapag mahal mo yung babae, wag mo gamitan. syempre kapag pokpok dun ka magcocondom dahil hindi ka nakakasigurado sa kalinisan nun.
meron din ganyang job offering sa ibang bansa eh sa france nga pwede rin kahit single ka. dito kelangan married couples eh.
happy valentines din sa inyo dyan sa Malaysia mang badoy!

3. Maldito - Pebrero 12, 2009

to na ang tamang panahon para sa todong putukan..o siya..putukan na!ahahhahaa,…

bagay sayu ang work na yun bossing..

sabi kasi only for married men lang e..lols

gasti: qualified na talaga ko dyan. ayoko lang kasi baka ipaskil ang pagmumukha ko sa mga poster.

4. karmi - Pebrero 12, 2009

happy balentyms tol!🙂

Sabado ang valentines, walang pasok pero puno ang mga jeep papuntang Sta. Mesa. haha. trapik din sa Cubao, mga di kasi pwede sa bahay.😛

magiging family affair pala ang Valentines day sa inyo.🙂 ayos yan, sana may mabiling elepante ung anak mo ^^,

gasti: happy valentines karmi! uu punuan na naman sa sta. mesa nyan mahaba na naman ang pila ng mga taxi.
andami na ngang elepante sa bahay..mga pito na yata.

5. blurosebluguy - Pebrero 12, 2009

ako una..yehehheyeey…hmmm..pano ako wala akong valentayms date..
ang gustong makijoin sa akin sa araw na ito….makibasa na lang ng mga entry ko…bluguy…heheheheh

gasti: may nabasa ako sa dyaryo mga escort service. isang tawag lang meron ka ng instant date.

6. emilayskie - Pebrero 12, 2009

Hahaha.. Kakatuwa naman tong post mo. Napaka-cohesive ng sentences. Isa lang ang paksa. Ang galing. ^_^

Personally ayaw ko rin nun. Tama ba yun? Nagbigay pa ng opinyon di ba? Haha..

Bago po ako rito sa blog mo. Pa-add po ha? Hehe..

gasti: wala pa akong nakilalang babae na nagustuhan ang paggamit ng condom. ahhmm..nakwento lang din sakin. hindi masarap noh?
dahil sa ayaw mo magamitan ng condom, sige add na kita.

7. antuken - Pebrero 13, 2009

kami ni hubby hindi talaga nausuhan ng valentine’s day celebration. we don’t do anything special on that date. feeling kse namin overrated e. hehe. happy valentine’s day gasti!

gasti: red and black lang naman makikita mo suot ng mga tao..nababaduyan na nga ako eh! hehe! parang pang hayskul talaga.
happy valentines chona!

8. Jeck - Pebrero 13, 2009

pwede ka nang sumali dun sa durex di ba? married couples ang required e. sayang. gusto ko sana nung 50k. tsaka umaatikabong bakbakan din yun ha.
hapibalentayms.

nga pala, wag kang maniniwala sa mga mababasa mo sa blog namin ni maldits. joke lang lahat yun. hahaha

gasti: nakagamit ka na ba ng condom? alam mo naman sigurong hindi masarap sa apkiramdam yun diba? hehe! suntok sa buwan yang 50k na yan. mas madali pa mag ipon. o kaya tataya na lang ako sa LOTTO maigi pa.
gagu kayo! haha! wag ka mag alala hindi ako naniniwalang may ulcer ka kaya lalasingin ka pa rin namin.

9. anakngpating - Pebrero 13, 2009

haha magba violet ako sa saturday ahaha…
dadaan lang din yung araw na yun sakin alaws ako ka date eh😦
hindi rin ako lalabas ng shop para hindi ako mainggit sa mga babae na may bitbit na boquet of flowers huhu baka mag lumpasay lang ako eh …
grabe isang litro ng extra joss,isang case ng cobra,balot waw ha hindi kaya hindi ka tlga makatagal nyan haha..nkaka antok din kaya ang balot haha…:)

gasti: ayos lang yun. ako rin naman walang bitbit an bouquet of flowers nung valentines day. hehe! ibili ko na lang daw ng tsokalte at least yun makakain at hindi nalalanta.
naniniwala akong pampatigas ng tuhod ang balot. at saka hindi ka aantukin kapag nasa mood ka. sinisigurado ko sayo yan!
🙂

10. simplefula09 - Pebrero 13, 2009

traffic ba 2m??
wahehehe pwang ayw q na ata lumabas 2m… di q pa nga alm qng pano q makakatakas sa amin…
hehehehe naaliw aman me sa blog mo….
tc

gasti: uy nagbabalak! hehe! ang sarap talaga tumakas ano..ingat lang! salamat sa pagbisita.

11. simplefula09 - Pebrero 13, 2009
12. lio loco - Pebrero 13, 2009

potah! ang o-oa talaga ng tao tuwing balemtayms. mga leche! nice. may asawa’t anak ka na pala. ibig sabihin hindi ka kasing gago tulad ng iba jan. at oo, hindi ko ule sasabihing si malditong maddapakingshet ang tinutukoi ko. lolz!

pwedeng patulan ung durex ad? shooting two birds in one stone. singkwente mil. coitus nirvana. rolled into one. hakhak! on second thot, ala pala kong asawa. lolz!

salamat pala sa paglink. bigyan mo pa ko ng isa pang makulet na post. ililink na kita. hehehe. cenxa ha. may standards ako eh. hindi ako nakikipag-exlink nang ganun ganun lang. lolz!

gasti: haha! nubayan gumaganun pa. sige bahala ka na sa links mo basta andito ka na sa blogroll ko.

13. lio loco - Pebrero 14, 2009

nagbago na pala isip ko. ia-add na kita. binasa ko ang ibang entries mo. at isa ka rin palang siraulong makulet tulad ko. lolz!

14. Jhaynee - Pebrero 14, 2009

happy valentines sa family mo kuya… family namin outing din.. malapit na kasing bumalik sa far far away land si ermats… kaya malamang, sila ni ermats ang may bakbakan at may kelangan ng durex na yan..

masama akong anak.. shshshsh!!!!

gasti: nakow matinding bakbakan nga yan. medyo dumistansya muna kayo sa kanila..hehe!

15. flamindevil - Pebrero 14, 2009

happy v-day.putuka na !!

yipeeeeee

gasti: happy v-day din! san parte mo pinutok? haha!

16. Jex_Sah'Pahk - Pebrero 14, 2009

marami talagang naniniwala sa haka haka, mga bagay na impusibleng mangyari, d talga ako naniniwalang malas ang friday to 13…

sa totoo gusto ko ang number 13 at peboret ko ang biernes…

gasti: paborito ko rin ang byernes lalo na kung matapat ang araw ng sweldo rito. pampelikula lang yang friday the 13th kamalasan na yan.

17. nicki - Pebrero 15, 2009

auz ah.. motel!

18. a.r.d.y.e.y. - Pebrero 16, 2009

wala talagang may gusto ng condom…

lalo kung nagjajakol ka lang… ako pala.

hehehe

gasti: kaya nga gusto ko yung hindi nakakagaspang ng kamay eh..meron ba nun? haha!

19. bioniclugaw - Pebrero 24, 2009

nakita ko lang sa site ni badoodles, paalam ko lang add kita sa links ko ha. wamatz

gasti: o sige. kaw bahala. salamat sa pagbisita.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: