jump to navigation

magtago ka na sa lungga mo Pebrero 19, 2009

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

hindi na bago sakin ang mag alaga ng daga. noong mga bata pa kami ng kapatid ko ay nawili kami sa pagpaparami ng dagang kosta. pati na rin ang mga cute na cute na teddybear hamsters ay inalagaan namin. tinuring na mga kaibigan at parausan. napamahal na sila sa akin.

nung magkaron ako ng sariling pamilya, nawalan na ako ng interes sa pag aalaga ng mga ganito. naisip ko kasi anlakas nila lumamon. ambilis dumumi ng kulungan kaya kung di ka masipag maglinis, magtitiis ka sa baho. ang lilibog pa ng mga putang daga na yan! ambilis magparami. wala ka ng paglagyan kaya kelangan mo rin idispatsa. at syempre isang factor na rin ang pagkakaroon ng makulit na anak na dapat malayo sa mga dugyot. balik aquarium channel muna tayo.

pero nung minsang mapadaan ako sa petshop, nabaling ang tingin ko sa mga nagkukumpulang guinea pigs. nagkatitigan kami nung isa at alam ko sa puso ko na nangangailangan sya ng isang taong busilak ang kalooban na mag aampon sa kanya. tinanong ko agad sa tagabantay kung babae ba yung dagang yun pero nadismaya ako nung sinabi nyang lalaki daw. naisip ko pa na baka bakla tong kumag na to ah pero sige na maganda naman ang kulay kaya binili ko na rin.

pag uwi ko ng bahay ay isinama ko sya sa kulungan ng guinea pigs ng tita ko. dun sya nagkalat ng lahi nya sa loob ng ilang buwan. napalaki naman sya ng maayos at hindi naman sya napabayaan. pero nung nakaraang byernes, binawian na rin sya ng buhay. hindi ko na nga nakita ang bangkay nya dahil nilibing na ng kapatid ko sa bakuran namin kasama ng mga namatay na aso, pusa, kalapati, manok at ahas. masaya na siguro silang nagkakainan sa kabilang buhay.

misteryo pa rin ang pagkamatay ng dagang yun. nasobrahan yata ang pagkaadik sa damo at nang maubusan ay nakipag away sa mga kasama nya at yun ang kanyang ikinamatay, atake sa puso. hula ko lang naman yan.

hindi ko naman namiss mag alaga ng daga dahil marami pa rin namang bubuwit ang pagala gala sa loob ng bahay namin. natatawa pa nga ako minsan kasi parang malalamya. laging nahuhulog kapag tumatawid sa pader. walang proper training. binalak ko pa nga bilhan ng exercise wheel ang mga yun para naman maging physically fit sila. ayoko naman makakita ng dagang bigla na lang nastroke at maglupasay sa sahig. o kaya naman ay bigla na lang mamamaho sa loob ng bahay at malalaman ko na lang na may naipit na daga sa electric fan. ang yuck kaya! eeeww!

pero nagbago na ang isip ko. lintik lang ang walang ganti sa mga putrages na daga na yan. sa tuwing uuwi ako ng bahay na pagod galing sa maghapong pag aararo sa opis ay madadatnan ko pa ang mga tae ng daga na nagkalat sa cabinet ko pati na rin sa mismong kama. at nung isang beses, meron pang isang bubuwit na sumama sakin papuntang opis, nagulat na lang ako nung pagbukas ko sa bag ko para kunin ang susi sa loob ay may biglang tumalon palabas at kumaripas ng takbo sa corridor. buti na lamang at walang ibang tao na nakakita dahil baka nagkaron pa ng eskandalo. at ang pinakamatindi sa lahat pagkagising ko ngyong umaga. nalate na nga ako ng gising, hindi na ako kumain sa sobrang pagmamadali para makaalis ng bahay at nung ilalagay ko na ang baunan ko sa bag ay napamura na lang ako na sira na pala yung zipper nito at hindi ko na maisara. tangenangyan! may nagpilit na naman makiangkas sa loob. kinailangan ko tuloy magpalit ng bag at dahil dun napatagal pa lalo ang pag alis ko. pagdating ko naman ng sakayan, sobrang haba na ng pila at wala ng masakyan. halos isang oras na ako nakatulala hanggang sa mapagdesisyunan ko na lang bumalik ng bahay at dalhin yung van. nagpagas na ko, kelangan ko pa magbayad ng buwakinang parking fee at halos 2 oras akong late ngyong araw na to. bwiset na daga yan! kasalanan mo lahat to.

antayin mo ko makauwi ng bahay at sinisiguro ko sayo kung sino ka mang bubuwit ka, uunahin kong hulihin ang nanay mo, ang tatay mo at mga kapatid mo. hahayaan kong panoorin mo kung pano ko sila lunurin sa balde na puno ng gasolina, itutuhog sa barbecue stick at ihawin sa pamamagitan ng lighter lang. saka kita panonoorin kung papano magpatiwakal.

Mga Puna»

1. cindyrella - Pebrero 19, 2009

madamin ding daga sa bahay namin dati sa cavite. grabe as in feeling namin pet na namin siya. di naman kasi ako nahilig sa pagaalaga. nagkaroon na din ako ng pet pero di ko type yung mga nanggagaling sa kanal! ewwww!! wahaha!! kakain pa naman ako mamaya! anyway at least ngayon, rest inpeace na sila sa aking life., condolence nga pala sa alaga mo ^^

gasti: pet na galing sa kanal? ano yun butete? hehe! try mo kaya mag alaga ng hayop..kahit giraffe lang pramis theraphy din daw yun eh. pampawala ng stress.

2. azul - Pebrero 19, 2009

sa bahay namin neon bongga ang ang daga isa lang peo malaki sabi ng pinsan ko.di naman namin malason kasi baka nga mamaho ng bonggang bongga yung bahay namin.laki pa aman daw.tsk.bad3p yung uuwi kang pagod galing work tapos sasalubong sayo ang kalat ng daga.ampness talaga..

gasti: bili ka na lang ng gutling gun para wala ng kawala yang gigantic na daga sa inyo. antakot lang siguro nun.

3. IKAY - Pebrero 19, 2009

nakakabwesit talaga yang mga daga na yan…
pero takot ako sa kanila!hehehe,
at takot akong pumatay ng daga.
kc ewan ko basta nandidiri ako sa kanila
ewwww….

pero para nman akong biglang naawa sa nais mong gawin
sa buong pamilya nya…torture kung torture ang labanan ha!
manong gasti baka makasuhan ka nyan ng human ryts…
ay este animal ryts??
hahaha…tama ba ako dun???

gasti: walang rights ang mga bubuwit na yan. mga peste sa buhay. kelangan ko na talaga mag alaga ng pusa sa lalong madaling panahon. parang di naman sila natakot sakin.

4. Maldito - Pebrero 19, 2009

ahahaha.pinatulan ba naman…massacre pala ang gagawin mo eh…kungting awa naman…namumuhay naman sila ng husto…isa pa kasalanan mo din naman siguro kasi iniiwan mo baon mo sa bag…may mga used condoms pa cguro dyan..ahahahhaa…

indi ako mahilig sa mga daga…ang baho…nacucutan lang ako.pero hanggang tingin nalang ako..bawal akong hawakan..ahahha..joke lang..

cge ako mag aalaga ng siamese cat…lagay natin sa iisang bahay…magandang collection yun.

gasti: hindi ako nag iiwan ng pagkain sa loob ng bag lalo na condom kasi wala ako nun. haha! ayun nga lang kasi hindi ko nilalabahan talaga yung bag ko kaya sari-saring amoy na.
mag iipon naman ako ng pambili ng persian cat. papatabain ko ng husto para magmukhang nakakatakot. humanda talaga yang mga daga na yan.

5. abou - Pebrero 20, 2009

sus naranasan ko rin masiraan ng bag dahil sa daga. binutas dahil me pagkain sa loob grrr. buti na lang peke na jansport yun haha tinapalan ko na lang ng patch hehe

gasti: buti nga yung sayo binutas lang eh..yung bag ko nginatngat talaga yung zipper kaya wala ng pag asa. sabagay luma na rin yun saka matagal ko na ring hindi nalabhan kaya napag interesan pasukin ng daga.

6. karmi - Pebrero 20, 2009

anak ng teteng na daga naman yan. masyado ata kayong close kaya pati sa trabaho eh sinusundan ka.. tsk.

o puso mo.. bili ka na lang nga ng bagong bag.🙂 hehe.

gasti: nakabili na ako ng bagong bag. saka pellet gun just in case.

7. anakngpating - Pebrero 20, 2009

mga daga samen sosyal din eh ang nilalapang ba naman yung sabon namen sa katawan halimbawa safeguard nawawala na lang sa lagayan at kapag nakita namen sa likod ng cubicle ningatngat na nya at wala ng natira halos 1/4 na lang nung sabon kaya galit na galit din ang nanay ko dahil imbes na mapapakinabangan pa yung saon hindi eh kasi ginawang agahan nung daga..tsk..tsk..madami talaga sila paano kaya mapupuksa sila tama ba yang gagawin mong torture sa pamilya nila hehe….

gasti: napakalinis naman pala ng mga daga dyan sa inyo at pinangsisipilyo pa ang safeguard. dapat siguro dyan kapag nahuli mo, pakuluan mo ng maigi sa pressure cooker..magugustuhan nya yun.

8. gudang - Pebrero 20, 2009

samin din, meron niyan.. pero ngayon, tinanggal na sila..😀 hehehe.. tas meron namang mga pusa! nanganak pa yung isa! ndi naman namin sila pagmamay-ari pero feeling sila eh.😀 hehehe..

–gudang!

gasti: may mga pusa rin umaaligid sa bahay namin pero kaningbaboy ang kinakain nila. di naman marunong manghuli ng daga yun.

9. mangbadoy - Pebrero 20, 2009

yung pusa nga namin takot sa kanila papano sinlalaki na nila ang mga daga samin… chossy pa naman ang mga pusa ko gusto bubwit ayaw na nila ng thunder mouse akala mo kahuhusay manghuli ng mga daga e..

naexperience ko nakadala ako ng ipis sa opis namin e wala namang ipis dun nagulat ung mga opismeyt ko san nangaling yun!

gasti: maliliit nga ang ipis dito sa opis kumpara sa bahay. badtrip din ako sa mga ipis pag gumapang sa katawan..kadiri. dinidikdik ko talaga ng pinong pino yun kapag nahuli ko.

10. xG - Pebrero 22, 2009

ayoko sa daga
lalo na sa amoy nun
kapag namatay na
tsk tsk

yung daga
doon sa dati naming bahay
parang kuting😦

naalala ko naman
yung sa kaklase ko nung hayskul
lumabas yung ipis
sa damit niyaaaa
yuck
hahahahaha

gasti: kadiri! haha! baka naman niliparan lang sya kaya ganun. babae ba yung kaklase mo? ansarap panoorin nung eksenang yun.

11. lio loco - Pebrero 22, 2009

daga lang pala pinagpuputok ng butse mo! tsk tsk! hehehe! sadista ka naman. maawa ka naman at ibitin mo muna sila nang patiwarik. lolz! at sure ka bang siya ang sumira ng bag mo? malay mo kung may nangloob sa kwarto mo at sibunukang gamitin ang bag mo? hehehe.

gasti: alam kong sya yun. may nunal sa kaliwang mata saka tatoo sa kanang binti eh. hindi ako maaaring magkamali. patay sya sakin.

12. emilayskie - Pebrero 23, 2009

Hahahhaa.. Halakhak naman daw ako ng malakas sa dulo ng blog mo. Para kang kontrabida sa pelikula na pinagbabantaan yung bida kung paano papatayin ang buong kamag-anakan bago sya. Hahaha.. Nag-umpisa pa naman na love na love mo ang pag-aalaga ng mga daga hanggang sa naging brutal.

Kainis talaga mga dagang yan. Parang nung isang araw dun sa bahay namin. Minsan lang kasi ako makakita ng daga doon (mabuti naman) pero noong nakakita ako ay napakabata pa nya at ang bagal pa nyang gumalaw. Kakapanganak pa lang siguro. Tapos nung nakita nyang nandun na ako, lumpat sya ng lumpat para maabot yung isang part ng sink pero di nya maabot. Pinaulit-ulit nya ito ng mga tatlong batches (attempt, hiningal, pahinga, talon ulit) at ako naman, dahil maawain sa creatures, pinanood ko lang sya kung anong gagawin nya. Para talaga syang hiyang-hiya sa ginawa nya. Huhulihin ko na nga sana at papatayin kaso sakto namang naisip na rin nya na pwede namang bumaba na lang sya somewhere. Nung nakatakas sya hinayaan ko na lang. Alala ko yung Ratatouille tuloy. ^_^

gasti: may pagkatanga rin talaga minsan ang mga daga eh! kaya nananatili silang mahirap. wala namang silbi yan kundi mo ipapakain sa mga ahas.

13. madbong - Pebrero 25, 2009

bro, epektib na panghuli jan sa daga ay yung fly paper na may pain na tsokolate sa gitna. lagyan mo din ng gabutil na tskolate sa paligid yung fly paper para magtakam sila muna ahehe

gasti: bumili na nga rin ako nun pre. ayun nga lang nadikit yung binti ng anak ko kaya nagngangawa. hehe! pero epektib talaga yun..nakahuli na rin ako ng daga gamit yung pandikit eh.

14. Aling Baby - Pebrero 25, 2009

😆

natawa ako sa last part.😆 ramdam na ramdam ko ung poot mo dun sa bubwit nyo, may pakiramdam ako na alam na niya ang balak mo kaya dinala na niya sa witness protection program ang mga ito bago mo pa sila isa-isahin hehehe.

gasti: mas maigi na nga na lumayo sila para di na sila makaperwisyo.

15. glesy the great - Marso 5, 2009

nyahaha.. langya ang mga daga dito mukhang tigre… di na nga sila marunog matakot saming mga tao… nung inambahan ko sila feeling ko pinakyuhan pa ako..

at nung minsang tinry kong humawah ng guinea pig at nagsisimula na akong mag enjoy bigla na lang akong inihian… gusto ko na sanang mag-alaga ng daga.. well, i changed my mind… cheers;p-glesy the great

gasti: haha! nangyayari talaga yan..maihian at mataehan ng daga sa kamay. di sila cute pag madumi na kaya kelangan dyan matinding maintenance.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: