jump to navigation

you ten Pebrero 26, 2009

Posted by gasti in pass muna.
trackback

siguro naman ay nabalitaan nyo na yang gumagalang tag sa blogosperyo. matagal tagal na rin akong hindi nakakasagot sa mga ganyan dahil gusto kong magsuplado. style yun para hindi ka na pasahan ng mga tag. kitams naging epektibo naman sa loob ng mahabang panahon.

kinakailangan ko lang gawin ito para sa isa sa mga BFF ko rito sa blogosphere. alang alang sa pakikisama at pagpapakashowbiz, narito na ang sampung istoryang hinaluan ng kabulaanan. galingan nyo na lang sa pagpili dahil bihira ako magsabi ng totoo.

uno. 3rd year highschool na ako nakapanood ng porn. tanghaling tapat sa bahay ng klasmeyt kong mabait gaya ko unang nadevirginize ang aking kamusmusan. hindi ko lang pinahalata pero namangha ako sa bawat eksenang napanood ko. muntik na kami mahuli ng nanay nya pero buti na lang at nakaantabay na ang props naming playstation kaya nakalusot kami sa kahihiyan.

dos. nakasagip na ako ng isang batang nalulunod. klasmeyt ko sya noong prep at kasamang naglalaro ng bangka bangkaang papel sa may lagoon. napapunta sya sa malalim na lugar at nakalimutan na nya kung papaano ba umahon. mabuti na lang at matangkad ako ng 3inches sa kanya kapag nakatingkayad kaya nakuha ko pang hilain yung kamay nya pabalik sa mundong ibabaw.

tres. mabilis akong tumakbo at lumakad. parang laging nakikipagkarera sa ibang pedestrian ang mga paa ko kapag oras ng uwian. paborito kong overtake-an yung mga babaeng tipong nagpuprusisyon habang pasan ang nazareno sa sobrang bagal ng paglalakad habang nakikipagtsismisan sa sarili.

kwatro. lumaki ako sa hirap. naranasan kong maging isang shoeshine boy sa may recto at magtinda ng sampaguita sa Quiapo. nagpagamit na rin ako sa bading nung minsang wala akong pambaon sa iskul dahil ipinangsugal ni tatay ang kakarampot na kinita ko maghapon.

singko. section 1 ako simula prep hanggang grade 6. hindi naman ako pinalad na mag uwi ng limang kilong medalya gaya ni maldito, nakapag uwi naman ako ng isa noong prep. tahimik kasi ako sa loob ng classroom at nagtatago ako tuwing may graded recitation. ginawaran pa nga ako ng statue award ng mga balasubas kong kaklase sa xmas party namin nung grade 5. hindi ko matandaan kung mahiyain ba ako o suplado.

sais. hindi ako nauubusan ng barya. bukod sa pangongolekta ng laruan, isa pang bisyo ko ay mag ipon ng barya sa alkansya. panata ko na yan every year na bumili ng alkansya para ganahan ako sa paghuhulog. mas gugustuhin ko pang mag ipon ng barya sa alkansya kesa magdeposito ng pera sa bangko.

syete. hindi ako nawawalan ng panyo sa bulsa. kaya ko pang tiisin ang pagkawala ng celfon at wallet ko pero wag lang ang panyo dahil pakiramdam ko ay parang nakahubad akong naglalakad sa kalsada. walang sandatang panlaban sa polusyon at kadugyutan ng paligid.

otso. hindi man ako singgwapo ng mga pinapantasya nyong lalaki, naranasan ko namang maligawan ng babae noong hayskul at college, pag awayan ng mga babaeng hindi ko naman kakilala at kaibiganin ng mga chiching na nakakasalubong ko lang sa mall. sa kabutihang palad, napreserve ko pa rin ang virginity ko hanggang sa makapagtapos ng pag aaral.

nuebe. meron akong kakayahan na makapagpagaling ng anumang sakit sa katawan sa pamamagitan ng paghipo. hindi ako faith healer o albularyo kaya wag kayong lalapit sakin para magpabarang o ipatawas yang mga kamag anak nyo. lalong lalo na kung sakit sa balat ang nais nyong ipagamot. walang hipuang mangyayari sinasabi ko sa inyo.

diyes. mahal ko na si john lloyd cruz at willing ako magpa-power hug, magpagamit, magpagalaw, magpahawa ng sakit kung kinakailangan, magpababoy, magpawarak  sa kanya anytime soon.

dito na nagtatapos ang tag na ito. bahala na kayo itag ang mga sarili nyo kung gusto nyo rin magpakashowbiz. karapatan nyo ring magsinungaling paminsan minsan.

galingan nyo lang ang pagpili. nakasalalay dyan ang kinabukasan ko.

Mga Puna»

1. Maldito - Pebrero 26, 2009

hmmm..ahahaha.ang hirap eh….10? parang totoo kasi ang number 4 eh..wahahhahahhaa……tae..adik.

pag nawalan tayu ng inumin dyan madali lang pala tayung makakahanap ng paraan para makainum..whaha..ibebenta ka namin ni jeck..wahhaha..

mukhang mas malaki pa kasi ang rate mo samin eh..lols

gasti: hindi ko sasabihin kung alin dyan ang hindi totoo. haha! dalian mo na ang pagpunta rito at naghihintay na yung mga parokyano natin. gusto nila yung mga dayo eh!

2. azul - Pebrero 26, 2009

uhmmm parang mas gusto kong paniwalaan na kaya mong magpagaling ng may sakit kesa dun sa nakatapos ka ng pagaaral na virgin pa rin..ee diba nga nagpagamit ka sa bading..ahehehe

apakahirap aman hulaan nito…

ako din ayokong wala akong panyo pag umaalis ng hauz…

gasti: hahaha! ayun nga ang sinasabi ko eh..pahirapan to. mabuhay ang mga virgin!

3. Myk - Pebrero 26, 2009

Hindi nga totoo na 3rd year ka unang nakapanood ng porn. Ang kwento mo kasi sa akin nauna ka pang natutong manuod ng porn kesa matutong magbasa. At nauna mo pang nabasa ang playboy na magazine kesa sa abakada na libro

gasti: hahahha! gagu! late bloomer na nga ako eh. totoo yun 3rd year talaga.

4. JUSH - Pebrero 26, 2009

ohhh ten…….! hehhe

5. emilayskie - Pebrero 26, 2009

Bakit parang ang daming hindi totoo? 4, 9 at 10?

Nakakatuwa ang mga lalaking laging may panyo. Amazed talaga ako dahil hindi ako mahilig mag-panyo. Unang una dahil hindi ako pinapawisan (abnormal daw ako sabi nila), pangalawa ay dahil lagi ko lang nawawala. Nasasayang lang. Nag-panyo lang ako nung highschool at college nung sumasakay sa jeep dahil mausok pero siguro kulang-kulang isang daan ang nawala kong panyo.

gasti: mahirap ba talaga paniwalaan ang mga kinumpisal ko sa inyo? pili ka lang kasi ng isa.
sensitive kasi ilong ko eh laging nahahatsing kapag mausok o maalikabok. saka gusto ko lagi nagpupunas ng mukha lalo na kapag naglalangis.

6. anakngpating - Pebrero 26, 2009

kwatro. lumaki ako sa hirap. naranasan kong maging isang shoeshine boy sa may recto at magtinda ng sampaguita sa Quiapo. nagpagamit na rin ako sa bading nung minsang wala akong pambaon sa iskul dahil ipinangsugal ni tatay ang kakarampot na kinita ko maghapon.

ayan oh parang hindi totoo at parang pwede rin isama yung virgin ka pa hanggang sa makatapos ng pag-aaral eh..
yung pang sampu parang nag day dreaming ka lang kay papa loydie ah hehe..:)

gasti: bakit parang walang naniniwala sa inyo na virgin pa ako hanggang sa makatapos ng pag aaral. wag nyo kong husgahan! tsk tsk. inalagaan ko yun sa loob ng mahabang panahon.

7. simplefula09 - Pebrero 26, 2009

ung no. 4 and 8 di kapanipaniwla hehehepiz..
niceblog
ex link ??
tnx po
http://simplefula09.wordpress.com

gasti: hindi kapanipaniwala pero totoo. tanggapin mo na lang ng maluwag sa kalooban mo..hehe! sige na nga add na kita sa links ko.

8. IKAY - Pebrero 26, 2009

mukang agree ako kay azul! dahil mas kaya ko pang paniwalaang naging shoeshine boy ka sa recto at ngbebenta ng sampaguita sa quiapo kesa ang grumadweyt ng virgin pa…he he he!

gasti: hahaha! ang sama! sige na paniwalaan nyo na ang gusto nyo paniwalaan.

9. mangbadoy - Pebrero 26, 2009

walang kahirap hirap naman syempre kwatro ang kwentong gasti…

naisip ko lang kung di ka ba nailang sa una mong j*** off session with your friends ako kasi nung unang beses ko nailang ako…

gasti: nailang din naman syempre pero sa ibang session namin ginawa yun. hindi sa unang beses ko panood ng porn.

10. antuken - Pebrero 27, 2009

aaay eh di buhay na buhay pa ako? hahaha.

sa totoo lang, hirap ako piliin kung alin ang bola dyan. i’m guessing it’s #4. ewan ko. pahirapan daw ba kami?

gasti: hehe! nagduda pa rin. obvious na nga eh!

11. anakngpating - Pebrero 27, 2009

ako din iaad mo andaya naman oh hehe…hindi ka rin bumubisista sa blog ko tatampurorot na ko nyan sige ka hehe…bute pa kuya jeck hehe…peace :)anu ba talaga ang bluff sa sampung yan hyas…

gasti: o ayan inadd na. wag ka na magtampo. hehe! to naman para yun lang eh! bihira lang talaga ako magbloghop.

12. emilayskie - Pebrero 27, 2009

Talaga? Nagpagamit ka na sa bading? Hahaha..

Sige na nga naniniwala na ako dun sa nakakapagpagaling ang iyong mga haplos.

Number 10 ang hindi totoo noh?

gasti: mas pinaniwalaan mo pang nagpagamit ako sa bading kesa sa pagmamahal ko kay john lloyd? nukabanaman!

13. Jeck - Pebrero 27, 2009

pota. maliwanag na number four ang kabalintuanan! ikaw mahirap? hahahaha!

ibebenta ka namin ni maldits, tandaan mo yan! haha

14. lio loco - Pebrero 27, 2009

parang may mali sa numero kuwatro. pero dahil bading lang ang lalaking magkakagusto kay john lloyd mongoloid, number ten ang kwentong barbero.

gasti: bahala na si john lloyd sakin.

15. xG - Pebrero 28, 2009

ahm
yung number 10
BAKIT?
hahahahahaha

gasti: ‘coz he changed my life. sorry na nga.

16. ladyinadvance - Pebrero 28, 2009

katuwa nmn blog mo…woot parang mas madami ang showbiz kesa sa totoo?..hehehe.joke lang pho!..

dumaan lang po nacurious lang ako maxado sa you ten mo…hahahaha..

gasti: nacurious ka sa u-ten ko? mabuti naman pala at napadaan ka.

17. anakngpating - Pebrero 28, 2009

hehe weeeew salamat po dahil jan bigyan kita kiss yung tipong pati gums sinisipsip hehe LOL joke lang power hug na lang…hug…(takot ko lang hehe)

gasti: naks naman! nabasa ko rin yan kay jeck eh! haha! mas gusto ko naman talaga yung yakapan kesa tukaan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: