jump to navigation

pakarga Marso 10, 2009

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

nakakapagod ang mismong araw ng pahinga. totoo yan. dahil dito sa opisina, maghapon ka lang nakaupo. makikipagtitigan sa monitor at gagawa ng milagro. ganun lang yun. pero sa isang banda, napakaboring din dahil hindi ka naman makapamasyal, walang ehersisyo. minsan nga naisip na namin na magdala ng dumbells dito eh. para naman magsilitawan ang mga muscles namin na matagal ng nakabakasyon.

kapag wala namang pasok, maaga pa rin ako nagigising. parang excited na hindi maintindihan na tutungo sa sasakyan at maglilinis. kapag napagod, saka na lang babalik sa bahay para kumain. parang nakakapanghinayang kung itutulog mo na lang ang mga oras na pwede kang mamasyal at mag enjoy kasama ang mga mahal mo sa buhay.

gaya pa rin dati kapag pumunta ko ng mall ay hindi maaaring hindi ako dumaan sa worlds of fun, timezone at kung ano pang laruan. ang kaibahan lang sa ngyon, may bitbit na akong isang makulit na bata. at hindi na ko naghahanap ng tsiks na malalaro at pagpapakyutan ko habang nagshoot ng bola sa sharpshooter saka namamaril sa time crisis. nagiging sunod sunuran na lang ako kung san gusto pumuwesto nitong anak ko. kadalasan sa car racing at sinusubukang bakliin ang manibela. kahit hindi mo na hulugan ng token ayos lang. masaya na sya run.

isang beses parang gusto nya subukan yung bump car pero hindi naman sya pumwede dahil di umabot sa height limit na 4 ft. inilaban ko pa sa husgado yun dahil karga ko naman yung bata sabi ko. ayaw pumayag kaya napagbalingan namin yung horror train. nung una ayos lang eh..payag na sanang katabi ko kahit naiilang na ko sa pagsakay dahil ako ang pinakamatanda run. naisip ko nga na samahan na lang yung nananakot sa loob para naman mas exciting yung ibinayad ko sa ticket. pero sige na andito na rin eh! tatakpan ko na lang yung mata nung anak ko pag pumasok na kami sa kweba. pero ang ngyari, papasok pa lang kami, biglang nagwala. ayaw na daw sumakay kaya wala akong nagawa kundi ibalik sya sa nanay nya..at ako? hinila ko yung kapatid ko para magkaron ng kadamay sa kahihiyan. langyang buhay yan.

nagulat pa kami sa mga batang kasabayan namin, dinaig pa kong magmura. potek! babae pa yung nasa harapan ko nun. tantya ko nasa grade 5 pero kung magsalita parang hindi na virgin. maaga na talagang namumulat sa kababuyan ang mga kabataan ngyon.

madalas sumasakit ang braso at balikat ko sa maghapong pagkakakarga sa anak ko. di naman sya ganun kabigat talaga. mga nasa 20+ pounds lang..kung iisipin mo nga naman nung hayskul days..kahit kumandong pa sayo ang isang dalaga na may bigat na 100 pounds ay kayang kaya mong pasanin ng hindi nakakaramdam ng pagod o pagkangalay man lang. kahit pagsabayin mo pa yung dalawang puwet sa magkabilang hita mo ay walang problema. parang lalo ka pang lumalakas.

nariyan pa syempre yung habang karga mo ay tutulugan ka sa balikat. tulo laway pa minsan kaya nagkakamantsa yung tshirt mo. magsisimula ka na ring antukin ng dahil sa kapaguran. pero ibang usapan naman noon, kapag dinantayan ka sa balikat ng type mong chiching eh hindi mo magawang matulog dahil sinasamantala mo ang bawat pagkakataon na sumagi ang braso at siko mo sa malulusog nyang boobs. unti-unting maglalapit ang mga mukha nyo hanggang dumating sa puntong nilalanghap mo na ang hanging ibinubuga ng ilong nya. saka mo naman hihimas himasin ang buhok para humimbing ang pagkakatulog nito at matagalan pa ang moments nyong dalawa. wala ka ng paki sa kung ilong kilo ba ang ulo nya basta ang importante, masaya ka na ipinagkatiwala nya sayo ang katawan nya habang sya ay natutulog.

akala ko noon ang pinakamasayang araw na naranasan ko ay kapag nginitian ako ng crush ko. kapag nakatabi ang isang maganda at maputing babae na nakasuot ng pekpek shorts. kapag nakasipat ng malulusog na dyoga na may pinkish na nipols. kapag nakapisil ng maumbok na pwet. kapag nakikipaglips to lips. kapag pinutok sa loob…hindi ko naman itatangging masarap pa rin yan..ngunit panandalian lang (yun yun eh! sabay kabig). sa oras na magkaron ka na ng sarili mong anak.. ng isang batang nagmula sayong sariling dugo, katas at bunga ng iyong magdamagang pakikipagbuno kay misis, mararamdaman mo ang totoong kaligayahan.

hindi naman habang buhay magpapakarga yan. magsasawa rin sa kakalaro yan. mapapagod rin yan sa kakatakbo. matuto ring maglinis at kumain mag isa yan. at sa oras na dumating ang panahon na iyon, saka mo maiisip. masarap pala yung may inaalagaan.

Mga Puna»

1. azul - Marso 10, 2009

masarap ba talaga pag sa loob?ahaha

kalimutan mo na po yung tanong ko..

ngaps wala pa kong anak pero kakaibang happiness nararamdaman ko pagkasama ko ang pamangkin ko..

sabi ng ng iba gang kaya makipagkulitan at makiglambingan ka sa anak mo kasi pag nagdalaga o nagbinata yan sila mismo ang lalayo kahit pa ayaw mo.kaya sa ngayon pagtyagaan mo na lang…

gasti: hindi ko kayang iexplain sayo ang sarap na dulot ng pagputok sa loob. bahala ka na lang dumiskubre. haha!
mabuti nga at maliksi pa rin ako sa ngyon kaya nakakaya ko pa makipagkulitan sa bata. ang sarap nga makipaghabulan parang exercise na rin.

2. simplefula09 - Marso 10, 2009

wow super bonding.nakakatatz nmn….
masaya nga un kc minsan nkabonding q na din pamangkin q sa WOF en timezonealabang khit ala pa q bebe na fifil q din na pwang aq momie nya lalo na b4 na pagkarga q xa….kea spoiled sakin pamangkin q ee..
(^.^)

gasti: feel na feel mo yung bigat ano? hehe! mas gusto ko na rin na kargahin anak ko kesa paghabulin ako. delikado pa yun.

3. Maldito - Marso 10, 2009

nakaka touch to bossing..

naalalala ko mga nawawalan kong anak at mga nasayang kong anak sa palad ko..aahahhaa..

nararamdaman ko bossing isa kang huwaran na tatay…sana lahat ng tatay kagaya sau…happy paders day tay gasti!

PS: naaawa ako sa lalaking may polio dito sa amin. Naka wheelchair at tuwing nakakakita ng babae eh nagjajakol. Sana akayin mo naman siya.

para sa amin. please.

ahhahaha

gasti: hahaha! taenang yan..ako rin marami ng nasayang. lalo na ngyon recession at fasting..mahirap na.
sabihin mo dyan sa kakilala mong may polio na tikolero magpakamatay na sya..LOSER! ahahaha!

4. anakngpating - Marso 10, 2009

natawa naman ako sa usapan nyo ni maldito about sa may polio na kapit bahay nya hehe out yata yung comment nya sa entry mo hehe…totoo ba yan maldito hehe..

ang sarap nga naman talaga ng may bata sa bahay nakakawala ng pagod kapag kalaro mo na sila at ngingitian ka ng napaka tamis hehe…tanggal talaga ang pagod..

namiss ko rin ang WOF sa sta.lucia un ang unang place na pinag cuttingan namen nung h.s hehehe…

gasti: bakit parang interesado ka dun sa tikolero na kapitbahay ni maldito? hahaha! gusto mo makakita ng liveshow ano?!
sta.lucia rin ang tambayan ko nung hayskul. kahit hanggang ngyon nga eh tuwing weekends yun ang default na mall na pinupuntahan namin..andun yung horror train na binanggit ko dito sa entry.

5. mangbadoy - Marso 10, 2009

natuwa naman ako dito tatay na tatay ang dating mo sir gasti.. parang dati lang puro pamboboso ang topic mo ngayon parenting na.. habang tumatanda tayo nag mamature ka a… ay ikaw lang pala matanda hehehešŸ˜›

gasti: hahaha! teka kelan naman ako namboso? aksidente lang lahat yun.
oy! hindi pa ako matanda. eto nga at aktibo pa rin. mala-totoy bato.

6. ponchong - Marso 11, 2009

napakawholesome at klarong klaro ang mensahe.

hehehehe….

pasalamat ko na lang din at lumaki na din ang anak ko pero mas mahirap pa sa karga ang gustong gawing talagang sa leeg na pupwesto kaya tuloy para akong naglalako ng puto sa tuwing susunduin ko sya.

oy, pareng gasti di ba mahilig ka sa sasakyan? international car show nayon dito sa geneva at sasadya kami sa weekend.

regards!

gasti: haha! masakit sa balikat yang ganyang pagkarga. mahirap ng sanayin yung bata sa ganyan at nawiwili.
uu trip ko talaga yang mga carshow..sunod sa bikini contest. lols! regards din sayo at sa family mo.

7. Jeck - Marso 11, 2009

hindi ko alam kung anong iko-comment ko. basta yun na yun,
ym tayo minsan. ahehe

gasti: ahehe! dyan ka magaling. bihira ka naman mag online.

8. anakngpating - Marso 11, 2009

haha may hinala na talaga k na sa sat.lucia kayo nag horror train hindi naman nakakatakot yung mga mamaw dun ang iba kapag may chiks na sumasakay nakikipag kilala imbes na manakot haha…

tagal ko na nga di napunta ng sta.lucia eh hehe..simula ng endo na ko sa work ko dun hehe…

gasti: ahh dun ka pala nagwork dati. it’s a small world after all..ahahaha! ayun nga ang paraan nila ng pananakot eh makikipagkilala tapos rereypin..tatakutin pagkatapos para hindi magsumbong.

9. cindyrella - Marso 11, 2009

ako naman kapag weekend, binubuhos ang oras sa harap pa din computer. paano naman kasi wala naman akong kasama para makapamasyal at isa pa, gagastos pa ako. anyway, masarap talaga pag may inaalagaan. naaalala ko nga ang nakababata kong kapatid, ako pa nag papatulog doon, gabi man o tanghali kaya habang may pagkakataon pa, nilulubos ko na.
^^

gasti: ulirang ate ka pala..hehe! isama mo sya sa pamamasyal. ayun nga lang magastos talaga.

10. Kara Krus - Marso 11, 2009

oo nga naman masarap pa rin yun hahahaaha! walang makakatanggi sa ganun noh nyahahahaha!

gasti: parang sarap na sarap ka nga eh! hahaha!

11. IKAY - Marso 11, 2009

aayyyy….hangsweet mo talagang tatay!!

gasti: sweet lover din…ahehehe!

12. Maldito - Marso 11, 2009

bossing..punta ka dito ha…ahehe..ang saya dito…pangdagdag sakit sa loob natin..ahaha..

http://www.otaku-life.com/tag/super-action-figure/

gasti: ayan na naman yang mga maiilap na laruan na yan. hanggang tingin na lang talaga tayo.

13. lio loco - Marso 12, 2009

kug iyo pong mamarapatin, ilang taon na anak mo? pasilip naman ng piktyur. sows! gusto ko na ring magkaaanak. anong araw kaya off ni sarah geronimo sa abs-cbn compound? hekhek!

gasti: at si sarah geronimo pa talaga ang gusto mo anakan? haha! pihikan ka pala.
meron akong 3 yrs old na anak na lalaki. at yung isa eh 3 months old na babae naman. update ko na lang tong entry na to sa ibang araw lalagyan ko ng pic nila.

14. Jhaynee - Marso 13, 2009

namiss kong mapadalaw dito sa blog mo kuya.. naks.. fatherhood na ngayon ang sinusulat mo.. mula pananyansing lang noon eh nagiging seryoso ka na nga.. hehehe..

god bless sa makulit mong chikiting.. gayahin mo na lang si francis m. na looking yuung, feeling young at 44 with 8 children.. hahaha

gasti: hindi mo naman dapat seryosohin masyado ang mga pinagsusulat ko rito..hehe! busy ka na rin kasi gagraduate ka na ata.
ayoko namang mag anak ng ganun kadami. wala ako ipapakain dun kundi lugaw lang.

15. anakngpating - Marso 13, 2009

at take note ha may time na panahon nilang manantsing ng babae hehe buti na lang di ako nadamay dun hehe hindi kasi ko mukang chicks eh muka lang akong bata hehe…

hehe malamang di mo talaga gayahin si kiko dahil pambili nga ng laruan madami ka munang iisipan bago mo makuha yan pinapangarap mong laruan eh hehe di ba ang mag anak p kaya ng 8 ..(parang puro laruan ata yung sinabi ko nagets mo ba?) hehe how i wish lang hehe

yung toy world dun sa sta.lucia hanep ang lagi di ba ang laki ng outlet nila at talaga namn kung may pera kang madami gusto mo syang bilhin hays…

gasti: mukha rin naman akong bata kaya lagi akong namomolestya sa mall.
yung mga laruan naman nagusto ko eh mahirap na hanapin tapos sobra mamahal pa. ganun talaga eh kelangan din magtipid dahil meron pang bata na magpapabili rin ng laruan sayo at maglulupasay kapag di pinagbigyan. gusto ko na nga bilhin yung sta. lucia kung may pera din lang naman..haha! pati megamall.

16. Maldito - Marso 13, 2009

narinig ko na laruan ang pinag uusapan niyo..wala lang…ahahahaa…..malakas pandinig ko basta laruan.

gasti: pati sa paglalaro ng apoy mabilis ka rin. haha!

17. antuken - Marso 17, 2009

waah. inggit ako. wala pa ko bonito or bonita man lang.šŸ˜¦

feeling ko ang sweet mong daddy.

gasti: darating din yan wag ka mag alala. concentrate lang chona!
masaya lang ako pagkasama ko anak ko. parang gusto ko lagi makipagkulitan sa kanya. siguro dahil isip bata ako..hehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: