jump to navigation

sundo’t hatid Marso 17, 2009

Posted by gasti in to whom it may concern.
trackback

tipikal na eksena na ang pagsundo ni lalaki kay babae. kasama na raw yun sa package ng panliligaw at ng pagiging isang butihing boypren o asawa. malakas ang kutob ko na babae ang nagpauso nyan. ano nga ulit? equal rights? kalokohan!

masarap rin naman yung ganun paminsan minsan. syempre unahin ang kaligtasan ng iyong minamahal pero kaakibat naman nyan ang gastos. masakit sa bulsa yun lalo na kung kulang pa sayo ang binabaon mo sa iskul tapos manliligaw ka ng babae. wala ring kasiguraduhan yun kung mahal ka rin nya o pinapasakay ka lang para makalibre ang hitad. marami pa rin ang gumagawa nyan. mga nagpapaasa.

kaya ako hindi ko magawang manligaw noon eh! bukod sa kuripot ako at may pagkatorpe, ayoko ng inoobliga. ayoko ng pakiramdam na kelangan ganito kelangan ganyan..dapat ganun para sweet. wag nga kayo! napakademanding naman magkarelasyon!

pano ko nga ba napasagot si misis? ni wala nga ako naibigay sa kanya kahit picture frame man lang nung binubudburan ko ng mahalimuyak na salita ang usapan namin sa magdamag. hindi ko sya nasundo o hinatid kahit magkalapit lang ang mga bahay namin. at kung oras naman ng kainan, niyayaya ko na lang sya kumain sa bahay para makatipid.

wag nyo ko husgahan. alam ko naman ang dapat gawin ng isang butihing asawa/bf sa kanyang kabiyak. at sabihin nating malaki talaga ang factor ng pera sa isang magandang pagsasama hindi lang naman iyon ang mahalaga. may mga babae pa rin namang kuntento na sa jollyhotdog o kaya footlong bilang meryenda. ibig sabihin, hindi lahat ng babae mukhang pera. may mga nadadaan din sa pagpapacute. ehem!

paalala lang sa mga kababaihan na gustong pumasok sa magulong mundo ng pakikipagrelasyon. maging mahinahon kayo sa lahat ng pagkakataon. wag nyo ituring ang mga lalaki na parang isang stuff toy na walang pakiramdam o di kaya ay isang unan na sinisingit lang sa pagitan ng hita nyo kapag natutulog. although nangangarap din akong maging isang unan paminsan minsan, wag nyo isiping susundin namin ang lahat ng inuutos nyo. wag kayong umasta na parang kayo ang nagpapasweldo samin at obligado kaming magsilbi sa inyo. hindi ganun yun.

aaminin ko. sumasakit ang ulo ko kapag iniisip kong magdadrive ako papuntang makati dahil napakavirgin ng mga kalsada dyan at sobrang higpit ng mga tagabantay. pero sa tuwing nakakarating naman ako sa tapat ng building ni misis para sunduin na sya at makita ko lang na masaya sya sa pagdating ko, ayos na ko dun. parang lumuluwang ang kalsada at hindi na ako naiinip sa byahe. mas nagiging panatag pa ang loob ko dahil ako ang driver nya.

salamat naman at nasa the fort ka na ngyon. hindi na msyado traffic dyan at mas mabilis na rin kita masusundo. wag ka mag alala hindi na ko maliligaw. hindi na rin ako magpapahuli sa mmda. antay ka lang dyan. ako bahala sayo.

p.s. gaano ba talaga kahirap bigkasin ang “thank you” at “sorry”? bihira ko kasi marinig yan.

Mga Puna»

1. azul - Marso 17, 2009

ay di ko ugaling magpasundo at magpahatid..hehe service?

“p.s. gaano ba talaga kahirap bigkasin ang “thank you” at “sorry”? bihira ko kasi marinig yan.”

ako madalas kong marinig yan may kasama pang “promise magbabago ako di na mauulit” ..uhmmm mga every other day yata naririnig ko yan..ahaha

gasti: naku naman! haha! sablay lagi? ang sama naman. pangit yung ganun. ipakulong mo na!

2. simplefula09 - Marso 17, 2009

“wag ka mag alala hindi na ko maliligaw. hindi na rin ako magpapahuli sa mmda. antay ka lang dyan. ako bahala sayo.”

asteeeg….
Im sure kinikilig asawa mo sa mga ktagang yan…😛

gasti: pero hindi naman nya nabasa. sayang ang effort. haha!

3. anakngpating - Marso 17, 2009

ang dali nga lang nun lalo na pag bukal sa loob mo ang pagbigkas ng “thank you” at “sorry”…

katuwa naman po ikaw nung nanliligaw ka kay ate hehe…
mas pabor ako ng walang material things basta magkasama palagi at masaya mas sweet ang dating ng ganun hehee…

sana mag ka love life na rin ako hehe…asa pa ko..

gasti: may lovelife ka naman! sa friends at relatives mo. pero ang mas masakit tanggapin ay yung wala kang sex life. ang hirap nun!

4. Maldito - Marso 17, 2009

thank you…at sorri..

ayan narinig mo na..ahahaa

siguro nga nasanay na ako manligaw noong una…kaya ngayun indi na ako bumebelib sa ligaw ligaw na yan…

eh kung ikaw ba mabusted ng ilang beses mangliligaw ka pa ba?

gahasaan nalang..para deresto…wahahaha..

ayan ka naman sa pagka tatay mo eh..lols.

gasti: hindi naman pagkatatay ang usapin dito..buhay may asawa naman. ahahha! nagpapalakas kasi magpapabili ako ng laruan sa korea.

5. madbong - Marso 17, 2009

pre, nung magsyota pa lang kami ni misis, tinesting ko siya at dinala ko siya dun sa luneta. ayus naman maski sitsarong balat lang saka gulaman ang pinakain ko sa kanya hehe

gasti: gusto ko rin nun! haha! di naman sya maselan sa pagkain talaga buti nga yun eh dapat talaga tinetesting muna bago pakasalan ano? kesa naman magugulat ka na lang na baon ka na sa utang.

6. mangbadoy - Marso 17, 2009

baka di lang sya showy na tao… pero mas okay kung madalas nyong masabi ang thank you, sorry at i love you… lalo na may anak na kayo… kame kasi di naman naririnig yan nung bata kame e…😀

gasti: ang lalim ng pinaghugutan mo pre! hehe! baka naman kasi binubulong lang kaya di nyo marinig. si misis pag nagalit sakin, tinuturing lang akong kaluluwa.

7. Cindyrella - Marso 17, 2009

minsan din ayoko ng sinusundo pero minsan gusto ko. Wag yung palagi. pero teka easy ka lang kasi mukhang asar ka habang sinuulat yung sa taas ah. actually di naman mahirap bigkasin ang thank you pero ang sorry, yun ang mahirap! ^^

gasti: hindi naman ako asar habang sinusulat ko yan. naisip ko lang bakit nga ba ganun? lahat naman tayo nagkakamali pero kadalasan hindi natin makuhang humingi ng tawad. napakadali ko pa namang kausap..

8. antuken - Marso 18, 2009

feeling ko tuloy ang swerte ng mister ko. nung mag-boypren pa lang kami, di ko ugali magpasundo or magpahatid. kung commute din lang, di na ko nagpapahatid. malimit kung lalabas kami, imi-meet ko sya somewhere, yung tipong di out-of-the-way for him. tapos dutch treat kami lagi. to the point na feeling ko ang kuripot nya. lagi kseng bayad ko sine ko at kain ko, bayad nya sine nya at kain nya. i drew the line kung magmo-motel na. aba naman. di ako magbabayad para dun. hahaha.

up to now, di ko ugali magpasundo. lagi akong nakikiusap if ever magpapasundo ako. never ako nagsabi na: sunduin mo ako sa kanto. or sunduin mo ako sa office. it’s always: pwede ba pasundo sa kanto? minsan he refuses at sasabihan nya ko ng: mag-tricycle ka na lang. pero kalimitan naman sinunundo ako.

thank you we always say to each other. sorry, naco, i seldom hear it from him. hehe.

gasti: ahh dutch treat ba yung KKB? haha! parang tunog mamahalin pa ah! ngyon lang naman ako nagsusundo kasi may sasakyan na pero dati. never talaga. ako pa nga ang sinusundo eh!
no comment na lang ako dun sa pagbabayad ng babae sa motel..ano kasi eh..pwede namang sabihing..utang muna. ganun.
madalas ako magsabi ng sorry pero hindi naman ibig sabihin nun na ako lagi may kasalanan. ayoko kasi ng mahabang diskusyon. ayoko rin ng walang pansinan. nakakabaog.

9. pinaylicious - Marso 18, 2009

Nakibasa lng po …

gasti: owwkaaay!

10. gudang - Marso 18, 2009

“p.s. gaano ba talaga kahirap bigkasin ang “thank you” at “sorry”? bihira ko kasi marinig yan.”

depende kung kanino sasabihin.😀 amf. minsan kasi dahil sa pride..

wala lang! nakikiepal!

gasti: wala naman naidudulot na kabutihan yang pride na yan.

11. IKAY - Marso 18, 2009

pero di ba minsan sweet nman talaga yung gnun??

p.s. gaano ba talaga kahirap bigkasin ang “thank you” at “sorry”? bihira ko kasi marinig yan.

ang madalas na pagsasabi kc ng sorry minsan hindi n maganda kc it seems lng na madalas din ang pggawa nya ng kasalanan.

ako madalas kong naririnig yan noon, tapos ampf prang kailangan patawarin mo na sya kc ngsorry nman na sya.

gasti: hehe! sapilitan naman pala. mas maigi naman yung nag sorry kesa dedma lang. tapos kinabukasan ina-assume mo na ok na lahat kahit hindi ka nag effort.

12. bioniclugaw - Marso 19, 2009

ok lang maghatid bossing basta ba may kasamang sundot paguwi sa bahay. hehe

gasti: gusto ko yang pananaw mo sa buhay. onga naman!

13. lio loco - Marso 20, 2009

hinuha ko may awayang naganap kaya nagpapa-good shot sa misis. meron nga ba? masarap ang lambingan pagkatapos ng away. hehehe.

gasti: kaya nga kami nakabuo noon dahil sa reconcilliation process..ahehe! pero wala lang to di naman kami nag away.

14. ellieshe - Marso 20, 2009

p.s. gaano ba talaga kahirap bigkasin ang “thank you” at “sorry”? bihira ko kasi marinig yan.

minsan kasi pride ang pinapairal kaya di makapagsabi ng thank u at sorry, pero kung mahal mo yung taong un at ayaw mong mawala sau eh kalimutan na yang pride na yan lalo na at ako naman ang may kasalanan. (para saken)

Nakakatakot kasi subukan ung haba ng pasensya ng mga lalaki…ung iba nagsasawa.. haaays

15. Myk - Marso 25, 2009

Paano mo napasagot si misis? Ako alam ko ang sagot wahaha

amp pinahirapan mo ako dati.. hahaha pag naalala ko yung sandaling sinabi mo sa akin na kayo na.. di ko alam gagawin ko wahahaha

gasti: sana nilibre mo na lang ako ng pagkain at inumin. o kaya nag 3 in 1 plus 1 happy kaarawan ka sa harap ko para guminhawa naman pakiramdam ko.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: