jump to navigation

dok wag po! Marso 19, 2009

Posted by gasti in kahihiyan, muni-muni moments.
Tags: , , ,
trackback

malapit na raw mag expire yung annual physical exam namin na kasama sa benepisyo ng medicard at kami na lang ni kasamang chillidobo (uu buhay pa sya) ang hindi pa nakakapagpaexam kaya kahapon napagpasyahan na namin magtungo sa clinic.

bandang alas tres sa ilaim ng summer sunshine ay nilakad namin ang daan patungo sa dako paroon. mga 7 minutong lakaran din siguro pero di ko sigurado dahil tinantya ko lang yan. importante pa ba yun? may naispatan akong babae na nakaskirt at nakaupo sa may di kalayuan..medyo kita na yung panty pero madilim di ako sigurado. syempre hindi naman ako madamot at talaga namang blurry na ang vision ko pag babae ang pinag uusapan, pinaubaya ko na sya kay chilli.

pagkarating namin ng clinic, isinalang agad kami sa timbangan at sukatan ng height. mabilis sila kumilos infairness, kahit hanggang kili-kili ko lang yung nurse nasukatan nya naman ako ng height. pero bahagya pa akong nakayuko dahil di na nya abot yung ulo ko. pagkatapos nun kinunan naman ako ng bloodpressure. ewan ko kung ano nakita nya.

dumiretso naman ako sa lugar na parang backstage ng stripclub. nilapitan agad ako nung isang babae at tinanong kung may suot akong kwintas. kinapa nya pa yung dibdib ko para macheck maigi. nakiliti ako nung dumampi ang mga daliri nya sa utong ko. andun kasi banda yung brand ng tshirt na napagdiskitahan nyang himasin.

babae sa dilim: hubarin mo na yung shirt mo at isabit mo na lang dun banda. * sabay turo sa may dressing rm.

napansin kong nakatingin sya sa brief ko na litaw na ang kalahati dahil sa low waist na pantalon. mabuti na lang at bench hipster yun kahit papano matino pa ang garter at hindi nangungulubot. mas lalo ako naasiwa nung tinawag na ko nung kukuha ng xray dahil mukhang bading at hindi tumitingin sa mukha. parang bigla na lang mandadakma. pagkatapos mapicture-an ay dali dali na akong lumabas sa cabaret na yun.

pinapasok naman ako sa isang room kung saan kinuhanan ako ng dugo. yung nurse mukhang tomboy kaya pakiramdam ko lugi ako. wala man lang pakunswelo ampota!

nurse: sir patigasin nyo po
gasti: *kinuyom ang braso at nagsimulang magpatigas.
nurse: sir ok na po ibuka nyo na para marelax.
gasti: *naninigas pa rin
nurse: sir ok na po..ibukas nyo na kamay nyo.
gasti: ah ok!

kitang kita ko kung papano dumaloy ang dugo ko papasok sa injection. parang gusto kong himatayin. lols!

pagkatapos nun ay binigyan naman ako ng basyo na paglalagyan ko ng ihi. diretso naman ako sa cr para magkwan. sa sobrang pagmamadali dahil naiihi na ko ay muntik ko pang makalimutan na kelangan ko sahurin yung iba na pangtest. buti may natira pa. inabot ko yun sa nurse at nag antay ng next step. nagkwentuhan muna kami ni chilli.

gasti: o pre kamusta naman?
chilli: buti na lang inuna nila yung pagkuha ng dugo bago yung sa ihi noh!
gasti: bakit? ang hirap nga umihi dahil may sugat ka eh
chilli: kasi talagang napaihi ako nung kinuhanan ng dugo eh! lols!
gasti: ay teka kukuha pa ko ng isa pang basyo.
chilli: para saan naman?
gasti: baka kasi kelanganin rin natin magbigay ng sperm sample. mabuti na yung naka-ready na.

nauna na si chilli pinapasok para sa mga susunod pang exam. medyo natagalan sya kaya kung ano ano na pumasok sa isip ko. hindi kaya may ngyari na sa kanila ni doktora? eh parang nanay ko na yun eh! tsk tsk!

nakangiti naman sya paglabas at ok lang naman daw sya pero parang maputla sa tingin ko. malakas ang kutob ko na may something. Bro bahala ka na sakin..sabay pasok sa kwarto.

doktora: pakisara na yung pinto tapos i-lock mo..
gasti: uhhmm (nakupo eto na!)

marami syang tinanong na may kinalaman sa mga sakit ng mga ninuno ko at ng kung ano pang bisyo ko sa buhay. medyo natigilan lang ako nung tinanong nya kung nagda-drugs daw ba ako. malay ko ba kung anong drugs yun eh hanggang biogesic lang naman ako. hindi naman porke’t payat eh adik na! ang sama naman nitong matandang to! assuming!.

inulit rin nya ang pagkuha ng blood pressure sakin dahil medyo mataas daw. dinahilan ko lang na malayo ang nilakad ko at mainit pa kaya ganun. kaya lang 110/ 90 pa rin ang resulta. medyo mataas daw kaya mag ingat na rin. sa isip isip ko naman, sya ang mag ingat dahil pag hindi nya inayos ang mga pinagsasabi nya baka sampalin ko sya ng stetoscope. ikaw ba naman ang sabihan ng..

doktora: ang payat mo! sigurado kayang tama itong nakalagay sa record mo? teka kompyutin natin. grabe! kelangan mo mag gain ng 30 pounds para maabot yung ideal na pangangatawan para sa height mo na 5″7. kelangan mo ng mag gym to gain muscles.
gasti: dok wala na pong nakakapagtaka dyan sa sinabi nyo at matagal ko ng alam yan. pero teka…5″7? ang alam ko po eh 5″8 ako. nagiging 5″9 pa nga minsan kapag bilog ang buwan.
doktora: naku lalo na! kelangan mo mag gain ng weight. maski overweight o underweight, malnutrition pa rin yun. gusto mo kompyutin pa natin?
gasti: wag na po. I heard enough! i-check nyo na lang po ang mata kong may kuliti.

hindi na nya pinabasa sakin ang chart dahil sinabihan ko na syang nagsasalamin ako at nearsighted. akala ko tapos na. palabas na sana ako ng kwarto ng bigla nya kong pinahiga.

doktora: itaas mo yung tshirt mo.
gasti: *ulp! Father in your thy hands..I command my virginity!
doktora: relax mo lang tyan mo! wag mong patigasin.
gasti: *papano ba naman ako makakapagrelax nito sa ganitong sitwasyon. naalala ko yung kanta ni Shontelle na “tshirt”

♫..in bed I lay, with nothing but my tshirt on ♫♪

pagkatapos nya laruin ang tyan ko, lumapit ulit sya sa pinto at chineck kung talagang naka-lock na. kinabahan na ako dahil hinarangan nya ang labasan. wala na akong lusot.

doktora: hubarin mo na yang pantalon mo at tumuwad ka sakin.
gasti: *akala ko nagbibiro lang si dok at nag aantay na ko ng punchline. kunyari rin nagkadiprensya ako sa pandinig.
doktora: sige na hubarin mo na yan at sisilipin ko yung pwet mo.
gasti: *oh shit! totoo nga…

yo dj! hit it..*ayayay! wag dyan! may kiliti ako dyan..wag dyan!..

Bro! bakit mo naman ako pinabayaan?

Mga Puna»

1. anakngpating - Marso 19, 2009

haha tawa ko ng tawa dun sa bading eh hehe ..at sa usapan nyo ni chilli teka bat di mo tinanong si chilli kung bakit di sya naguupadate ng blog nya nag asawa na ba sya hehe..

ano na nangyari senyo ni doc bakit naputol nung pinatuwad ka na napaisip tuloy ako pati ko dumudumi sa pag iisip hehe…
akala ko kung ano na lang din yung pinapatigas mo hehe..braso pala yun hehe…

gasti: binatang binata pa yan si chilli. medyo secretive talaga pagdating sa lovelife..ayaw nga magpabugaw man lang.
hindi ko na kayang ikwento ang mga sumunod na ngyari. masyado ng maselan at sensitibo kasi. ang masasabi ko lang, hindi ako tinigasan kay dok.

2. IKAY - Marso 19, 2009

at talagang walang naliligtas na chicks syo…akalain mong nearsighted ka pero nasilipan mo prin yung chickababes ha!…hehehe

kya cguro medyo namumutla pa si chilli may after shock pa sya sa pinagawang pagpapatuwad sa knya ni doc…hehehe!

gasti: wala naman talaga ako intensyong manilip. pero yung babae baka sinadya nyang masilipan. nabiktima lang nya ko ng konti.
si chilli nanahimik. nagka-trauma ata. ahaha!

3. azul - Marso 19, 2009

ahaha tawa ko ng tawa habang binabasa toh..ahahaha

sabi ng pinsan at mga kaibigan ko ganun daw talaga gingawa pag general chek up..

check nila yung”dadi” mo kung may luslos..tas yung wetpax mo kung may almuranas..ahehe

so all in all kamusta aman po ang check up with doktora?

gasti: mukhang nag enjoy naman si doktora sa pagcheck up nya. nanghinayang lang ako kasi hindi ko magawang umutot nung mga sandaling napakalapit ng mukha nya sa pwet ko. makaganti man lang sana.

4. simplefula09 - Marso 19, 2009

hahahaha angkulet nmn nun…..
wah..bitin…..anu na nangyari sa inyo ni DOK???
hehehehe wak kna mahiya (meron ba?) savihin mu na..hehe

gasti: kalimutan na natin pare pareho ang ngyari nung araw na yun. isang masamang bangungot lang ang lahat. gusto ko ng magmove on.

5. Maldito - Marso 19, 2009

ahahahaa….goodluck..samin wlang tuwad tuwad..ahahhahaa….kamusta naman yun? tapos pina ubo ka no? ahahaha..nong nag work ako sa SM ginanun din ako..waahahhaa..pero past is past…ahaha..every year naman yang sa inyu eh…kaya goodluck next year..
wahahhahahaha

gasti: hahaha! pota wala ng ulitan to! magpapa-excuse na lang ako next time. ayoko na!

6. emilayskie - Marso 19, 2009

Wahahahha.. Ractal exam yun eh. Kailangan talaga yun. Hahahhaha.. Natatawa ako sa kwento mo. Kailangan talaga may masamang mangyayari na nasa isip eh noh? Hahaha.. Ang kulit!

gasti: expect for the worst ika nga..pero di ko napaghandaan tong ganitong klase ng exam. pakiramdam ko namolestya ako nun eh!

7. mangbadoy - Marso 19, 2009

nakaka ilang nga yun na try ko yan dati sa medical ko sa pinas… dati nga gamit ang ballpen lalaruin pa ng doctor ang balls mo..

gasti: haha! walangya talaga yang mga doktor na yan! specimen lang ang tingin nila satin.

8. Cindyrella - Marso 19, 2009

wahahah!! nakakatwa naman tong mga tots mo habang nangyayari ang mga to!! ano kaya ang tots ni doc ano? ^^

gasti: kung alam ko lang na may ganunang mangyayari sana nakapag ahit pa ko…bahala na sya kung anoman isipin nya basta hindi na ulit ako babalik dun.

9. lio loco - Marso 20, 2009

ampotah! bentang benta ‘to sakin. narereminisce ko ‘yung ginahasa rin ako nung mandatory medical exam, ang sakit ng puta. echas nga malaki nahihirapan akong ilabas, ang kalikutin pa kaya? maddapakingshet!

gasti: haha! buti naman at nakarelate ka. charge to experience na lang to! first time ko kasi…ansaklap!

10. flamindevil - Marso 20, 2009

this is the worst part of annual physical exam – patutuwarin ka para icheck ang pwet mo.haha. mas maaasiwa ka pag bading pa yung duktor mo.hehe

gasti: sa babae nga nakakaasiwa na eh sa bading pa kaya..malamang nagsisigaw na siguro ako. haha!

11. koSA.Pogi - Marso 20, 2009

hahaha..
taena oks lang yan!
professional naman yung mga yun eh..
madumi ka lang talaga mag-isip..hehe
pero nakatsamba yung mga doctor na yan ahhhh…
malulupit sila..lols

gasti: nakatsamba talaga! virgin pa ako sa ganun eh!
hindi naman porke’t professional ay wala ng kabastusan sa katawan. tingnan mo si doc hayden. ahehehe!

12. gudang - Marso 20, 2009

ahahahaa :)) ang lupit namaan!😀 pero okay na din, atlis natapos na din.. ahahaha😀 lupet..

gasti: tama ka. napakalupit ng tadhana.

13. deejay - Marso 20, 2009

LOL. kakatawa tong kwento mo! bentang benta sa akin. nyahaha!

“ayayay! wag dyan! may kiliti ako dyan..wag dyan!..” ROTFL

may soundtrack pa talaga! wahaha! luvet.

gasti: haha! yo dj! parang ikaw lang yug nagpatugtog ano? hehe! salamat sa pagbisita.
natutuwa rin ako sa mga pinagsusulat mo.

14. antuken - Marso 21, 2009

ganyan din ginagawa samen sa APE (annual physical exam namin) namin. the part i hate the most eh yung blood extraction. susko. katakot talaga. next na yung test sa pulmonary. papahingahin ka ng malalim tapos bubuga ng malakas through a very wide nozzle ha. kapagod sa lungs.

di ba parang mali si doc? 110/90 is high? eh ang normal BP nga 120/80 e. sus. i know what happened next after ka patuwarin. sinapo nya balls mo. ganyan ginagawa dito e. ewan ko kung ano chine-check nila. sa girls ang ginagawa nilalamas ang boobies.

papahigain ka sa bed, tapos sasabihin na tanggalin ang bra at i-angat ang shirt. buti na lang sa past 5 APEs ko eh girl ang nag-p-physical exam. otherwise, kakahiya. hehe. sabihan mo si chilli miss na namin mga adventures nya with maria. hehe. sila na ba?😉

gasti: 110/70 daw ang normal eh. ewan ko ba..maayos naman ang pakiramdam ko o baka na-highblood lag ako kay dok. teka…nilalamas ang boobs? kaswerte naman nyan. ahahha! makapagshift na nga ng career.
sige makakarating kay chilli yang panawagan mo. gaya mo hindi rin ako updated sa lovelife nya eh

15. a.r.d.y.e.y. - Marso 22, 2009

aaaaah annual medical check-up.

tuwing schedule check-up, sinisigurado kong itim ang suot kong brip. dyahi kasi kung pinaghubo ka at kulay puti ang brip mo at nagka-mantsa. hehehe.

gasti: hindi ko naisip agad yun ah! sana pala dilaw ang sinuot kong brip.

16. glesy the great - Marso 22, 2009

nyahaha… fininger ka sa pwet.. bwahahaha.. yan ang parang magdadalawang isip ako!!!ahaha…. nyahaha kaya kinakabahan ako tuwing may physical exam ako… ahehe.. cheers;p-glesy the great

gasti: kabahan ka kapag lalaki ang naka assign na magcheck up sayo..nakow!

17. bernardumali - Marso 23, 2009

lol. pinasquat ka ba saka pinaubo, then tiningnan kung umaangat? Kung natry mo yun kumpleto na ang medical check up mo hehehehe.

gasti: teka liwanagin natin..kelangan ba talaga umaangat? haha!

18. lyzius - Marso 24, 2009

di ba pinapabuga pa kayo para malaman kung me luslos?
pinapabuga ba o pina uubo?

gasti: pinapaubo. habang nakatuwad at nakababa ang salawal. napakalaswa.

19. yummy - Marso 28, 2009

hahahhahaa ammfff namiss ko magbasa ng blog mo ahh
nakakatakot naman magpacheck up😄

gasti: uy uu nga noh! tagal mo hindi nagpakita rito..kamusta naman? yaan mo pag nagkatrabaho ka na mararanasan mo rin ang ganito. ang mamolestya.

20. bonistation - Abril 13, 2009

pahabol na comment, na late ako ng basa tawa ako dun sa picture sa xray room? ahaha at cabaret pa pala ha hehe. kulang yata ang kwento? hanggang sa pwet lang ba? wala ba sa harap? alam ko may sisipatin pa si doc at may titimbangin pa eh! hekhek!

anyways! saludo padin ako sa idol ko kakaibang magkwento! hehe.

gasti: haaays..di ko na maalala kasi hinimatay ako.

21. don.kabute - Abril 29, 2009

nyahaha ayus na experience yan tol at least may maikukwento ka sa mga apo mo! naalala ko rin nung nag pa medical exam ako.. haha first time ko din nun matuhog.. este maexamine from behind. namfufu lalaking gurangis pa naka first blood sakin, nakngtinolangtinapa talaga… in fairness ang galing nya kumalikot… nakiliti ako ng sobra at may ngiti sa aking labi. tinanong nya ako “bakit? masakit ba?” nasabi ko nalang “Doc nakakakiliti” whahaha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: