jump to navigation

silence of the lambi Abril 1, 2009

Posted by gasti in kahihiyan, kamalasan, muni-muni moments.
trackback

eto na siguro ang tamang oras para basagin ang aking pananahimik. tutal eh napapanis lang din naman ang laway ko ngyon dito sa opis dahil 2 oras na ko walang kausap at nagsosolo sa panonood ng babaeng haponesa na nakasuot ng schoolgirl outfit. april fools day na pala!

ano nga bang makabuluhang gawin sa araw ng mga foolish hearts? ano pa eh di makapanloko! ngyon pa lang, humayo na kayo at landiin ang mga ex-gf/ ex-bf nyo, wag kayo mag alala..kapag nagkabukingan at nahuli kayo ng mga bago nyong karelasyon, batiin nyo lang sila ng “happy april fools day! yari ka! hahahaha!” at back to normal na ulit ang buhay.

sayang hindi pa ginawang holiday noh? eh di sana umaga pa lang nasimulan ko na ang pambuburaot. ang sarap pa naman gumala ngyon bagong sweldo. pakiramdam ko nga kahapon eh byernes na. sumasaya lang naman kasi ako kapag dumarating ang araw ng byernes, sweldo, at kapag holiday kinabukasan. saka nga pala pag nakakain ng bagong paligong ulam. ok kalimutan nyo na yung huli dahil nagdedeliryo lang ako.

nakasama ko na rin ulit ang misis ko makalipas ang mahigit isang linggo nyang trip sa Korea. namiss ko rin yang babaeng yan at talaga namang inantabayanan ko ang pagbalik nya. nagamit ko pa syang excuse para makapagleave sa trabaho. hindi pa nga ako nakatulog kinagabihan dahil sa sobrang excitement. at dahil sa alam kong maiinitan sya pagbalik ng pinas, at talaga namang matagal na ring sira ang aircon ng sasakyan, dinala ko muna yun sa pagawaan. naisip ko pag sumakay sya ulit sa sasakyan namin, masosorpresa sya.

ayos na sana ang plano kundi lang ako siningil ng putarages na pagawaan na yan ng tumataginting na 18k! at syempre dahil wala naman akong cash, pagdating ni misis eh credit card agad ang hinanap ko sa kanya. napakagandang pagsalubong. pakiramdam ko noon parang nasa lubluban ako ng putik kasama ang mga kalabaw.  gusto ko biglang magbakasyon sa afganistan at magpabala sa kanyon. hindi ko na tuloy na-enjoy ang 2 gundam robot, tshirt at tsokolate na pasalubong ni misis. aanuhin ko pa ang lamig ng aircon kung pati si misis ay manlalamig na rin sakin?

anyways, naayos na yun at back to where I belong na naman ako. wala na naman dapat ireklamo sa dami ng blessings na dumarating sa buhay namin. at isa pa, napaka-goodboy ko nga nung wala sya. puro laruan lang ang inatupag ko. este pag aasikaso sa mga bata pala.

kahapon rin ang unang sweldo ni misis sa bagong nilipatan nyang kumpanya at gaya ng nakaugalian na, bumili kami ng lechon manok sa baliwag at pansit sa Lola Helen panciteria. kung sino yang matandang yan, wag nyo na alamin. patay na daw.

nakakalungkot lang isipin minsan dahil sa sobrang layo na ng agwat ng sweldo namin ni misis, pumapatak na sa isang kinsenas, mas malaki pa ang tax nya kumpara sa kabuuang sweldo ko kahit hindi ako kaltasan. ganun kalaki ang pinagkaiba ng kinikita namin. kahit siguro gabi gabi pa akong magsasayaw ng nakaburles sa mga gaybar eh hindi ko na malalampasan ang sweldo na yan.

Mga Puna»

1. madbong - Abril 1, 2009

pre, may bago na palang pinapasukan ang misis mo, ok lang na mas malaki sahod niya sayo basta siya ang gagastos sa mga major na gastusin hehe.

korea ba kamo? nakarating nadin ako dun (lotte chokolates ba pasalubong niya sayo?)

gasti: haha! sa ngyon puro ipon muna para sa future bahay. medyo hati naman kami sa gastusin eh mga 70-30 ganun. ahehe!
yung chocolates sulat koreano eh di ko mabasa. choco-covered mallows ang itsura nya.

2. deejay - Abril 1, 2009

gasti pakiexplain nung title. hehe.

happy april fools!😀

gasti: haha! naguluhan ka sa title ko noh wag mo na lang pansinin. parang gusto ko na lang kasi manahimik muna.

3. anakngpating - Abril 1, 2009

oki lang yan hehe more blessings tanggap lang tanggap di ba hehe…
hindi naman sa laki ng kinikita yan eh hehe,,,.
wow ha nagpagawa ka ng sasakyan na 18k ang singel sayo buti hindi mo na sapak ung naningil sayo hehe,..teka bat kasi di ka muna nag tanong kung mag kano ang ibabayad mo..hehe
nanay helen jan din kami madalas kumain ng pamilya ko hehe…:)patay na pala yun pero tuloy pa rin ang panciteria na yun sikat di kasi sya sa bayan eh..

gasti: natanong ko naman kaya lang napasubo na eh..andami kasi pinalitan na parts kaya nagkaganun.
aba teka..magkababayan nga tayo. hehe! sarap ng pancit dun eh mga anak na raw nagpapatakbo nung business na yun.

4. azul - Abril 1, 2009

so ego na po ba ang pinaguusapan dito?ehek

okei lang po yan di aman kayo nagpapalakihan ng sweldo ee.ang masama nian kung cia lang ang nagtatrabaho at ikaw ee taga lustay lang..

yung gundam robot na lang sana ibinayad mo dun sa gumawa ng aircon nio..ahehe

hapi april fools day

gasti: mahirap kumita ng pera kaya dapat sa mga makabuluhang bagay lang ito ginagasta. gaya nga ng mga laruan na yan. lols! may sentimental value na.

5. a.r.d.y.e.y. - Abril 1, 2009

parang napanood ko na yan sa pelikula ni richard at sharon ah, insecure ang lalaki dahil mataas ang sweldo ni babae. ayos lang naman yun, walang masama dun. nagbibiruan nga kami ni misis ko eh, sabi ko sya na lang mag-abroad at ako na lang sa bahay, bilhan nya lang ako ng PS3. hehehe. game naman ang loka.

gasti: hindi ko yata napanood yang pelikulang yan..hehe! ok lang din naman kay misis yun eh sabi nga nya gawin nya na lang ako driver tapos sya na magpapasweldo sakin. ahehe! nababagot din naman ako sa bahay pero gusto ko naman magbusiness. naiinggit kasi ako sa mga nagja-jogging sa umaga. parang napakarelax ng buhay nila.

6. emilayskie - Abril 1, 2009

Huwag nyo na po alalahanin ang sweldo. Ang importante ay pareho kayong nagta-trabaho para sa inyong mga pangangailangan. Malay mo ma-move up ka isang iglap lang di ba tapos triple na kagad sa sweldo nya? Malay mo lang naman.

Nagpaka-good boy ka nga naman ba talaga? Bakit nakakakain ka pa ng bagong paligong ulam? Wahahha..

Happy April fools day po! Hehe..

gasti: walang himala! saka wala rin akong malay kaya di ako naniniwala dyan.
hindi na nga ako makakain eh naisip ko lang naman yan. happy april fools day!

7. joice - Abril 2, 2009

hi gasti! grabe namiss kita :)) haha hindi ko pa nabasa yung post mo. comment muna:))

gasti: haha! ganun na pala ang kalakaran ngyon..comment muna bago basa. welcome back joice! tagal mo di nagparamdam.

8. simplefula09 - Abril 2, 2009

elcumbak po😛
ang tameees nyong mag asawa..hehe
swerte mo nmn po😛
wag mo na isipin yung sa compensation,,,mahalaga pareho kau ngwwork..😛

gasti: 3 beses mo ko binelatan. salamat.
hindi to swerte kundi blessing..nakow gumaganun pa. ahaha! nagpapalakas.

9. antuken - Abril 2, 2009

ako mas malaki rin ang basic ko kesa kay hubby. pero pagdating sa take-home pay. talo nya ako. wala kse akong OT pay. tapos mas malaki ang rates nila (OT, ND, rest day premium, etc.). lekat.

gasti: wala rin akong OT pay at lalo na night diff kasi fixed ang oras ko dito…maaga nga ako lagi umuuwi eh. hindi naman siguro nagkakalayo ang sweldo nyo.

10. anakngpating - Abril 2, 2009

uu kababayan kita hehe kaya lagi akong nandito sa kuta mo ikaw lang ang hindi nabibisita sa kuta ko hehe…pis
akswaly baka ng nadadaanan ko na bahay nyo kapag pumupunta ko jan sa klasmeyts ko sa barangka eh pero minsan lang un..
malamang ipinamana na lang yun sa mga anak nya yung bar ata sa liko nun kanila rin hehe nakalimutan ko ung pngalan basta tapat sya ng ilog at may kasama atang 56 yung pangalan nung bar..hek3.

gasti: haha alam na alam. siguro nga nadaanan mo na yung bahay namin. pero hindi kami taga barangka. makadalaw nga dyan sa kuta mo

11. Maldito - Abril 3, 2009

wow naman..so depress ka na sa lagay na yan dahil malaki ang sweldo ni misis…sos ka..ako nga indi ako nagrereklamo..

dahil wala pa anman akong misis..aha ha ha..

penge ng isang gundam..matagal na din kasi akong indi nakabili..hu hu hu…

pa apply naman dyan sa asawa mo…baka may janitor na available position..papatusin ko na…ha he he

gasti: haha! di ko pa nga nabubuo yung isang gundam kasi masikip na yung lagayan. wala pa rin naman akong nabili eh..puro bigay lang.
wala na daw bakanteng upuan sa kanila eh. mag apply nga rin sana akong sekyu.

12. joice - Abril 3, 2009

18k? anu ba yun centralized aircon? yung tipong pag nasa edsa ka eh buong edsa malalamigan? haha! ang mahal naman! haha.

oh well welkam back kay misis mo!

gasti: ayoko na isipin kasi nakakasira lang ng araw. katangahan ko talaga pag minsan..kinakain buong pagkatao ko.

13. myk - Abril 6, 2009

binati mo ba si barney bday niya ng april 1 hahaha

gasti: syempre…hindi. pero naalala ko naman sya.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: