jump to navigation

sundoT2 Abril 3, 2009

Posted by gasti in movie review, muni-muni moments.
Tags: , , ,
trackback

nagsimula na namang maglabasan ang mga pelikulang katatakutan ngyon. ewan ko lang kung bakit hindi man lang hinanapan ng magandang timing ang showing ng mga ito. for all seasons na ba talaga yan?

hindi naman sa malisyoso akong tao pero “sundot” ang naiisip ko pag binabanggit ang linyang “mag ingat ka! parating na ang iyong sundo..” hindi ko talaga magawang matakot sa mga pelikulang gawa ng pinoy ngyon. siguro dahil mga gwapo at maganda na ang nananakot di gaya dati na mga mukhang aswang at tikbalang talaga. o baka dahil sa bata pa rin ako noon kaya madaling takutin.

isa pa tong T2 napaka confusing ng title. pano naman naging t2 ang kwento tungkol sa mga engkanto? nababastusan din ako sa title nito dahil nagmumukhang “t squared” ang basa ko dyan. tapos yung bidang bata mukhang high sa shabu at parang namolestya ng engkanto. hindi talaga pambata ang ganitong pelikula.

naalala ko tuloy nung highschool pa kami. patago kaming nanonood ng bold ng mga kaklase ko sa bahay. hindi man katatakutan ang tema eh nakakakaba pa rin kasi andun ang takot na mahuli ka ng nanay mo. lols! napagbintangan pa nga kaming nagsa-shabu dahil laging nakalock ang pinto pag dumarating sya at pagbukas nya para kaming tuliro at pawisan.

yung pinanood din naman dati ni misis nung gf ko pa lang sya na may title na “sanib” ni aubrey miles hindi naman nakakatakot. naalala ko kasi yung mga bold flicks na pinagbidahan nya. kaya kahit papangitin pa itsura nya at maging exorcist sa pelikula, wa epek na. nakita ko pa sya paglabas ko ng sinehan at talaga namang hapit ang mga suot. halos lumuwa ang boobs at ang pwet talaga namang maumbok. hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala pero paglingon ko wala na sa tabi ko si misis. dun naman ako biglang natakot. ahehe!

sa totoo lang, bihira na ko makapanood ng sine ngyon. pwede naman kasing magdl ng movies sa internet. malinaw rin naman ang kopya at kahit hindi pa ipinapalabas sa sinehan, mapapanood mo na agad. pwera na lang syempre kung laban ni Pacquiao yan. kahit pa sabihin na nating duling o banlag yang boksingerong yan. kelangan nating suportahan ang bawat laban nya sa ring. mas masaya panoorin yun sa sine dahil di ka puputaktihin ng sandamakmak na mga commercials na pawang sya rin naman ang nag eendorso.

Mga Puna»

1. azul - Abril 3, 2009

“hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala pero paglingon ko wala na sa tabi ko si misis. dun naman ako biglang natakot. ahehe!”

kaw naman kasi kuya ayaw magbehave ee..saka na lang tumitig sa iba pag di kasama si misis..

sa panahon ngayon kelangan praktikal magastos na ang sinehan kea mamirata na lang..ahahaha

gasti: hindi lang naman ako ang nakatingin. marami kaya kami. pero wala lang yun! malisyosa lang talaga mga babae.
maraming nanonood ng sine kasi mas mura pa rin ang rate nun kumpara sa motel.

2. simplefula09 - Abril 3, 2009

may ganung movie pala c aubrey miles…nyaha “sanib”

hehehe natawa ko sa mga unang paragraph…..malisyoso ka lang tlga hehe \/….

gasti: ako lang ba talaga nakaisip nun? sus! may hidden meaning yan maniwala ka..

3. anakngpating - Abril 3, 2009

hehe bumisita ka nga kuya gasti hindi ka naman nag iwan ng bahid ng dugo sa kuta ko hehe..sine tagal ko na din di nakakanood nyan simula ng mag trabaho ako dito sa kuta ko hehe..huling nood ko ata nung 2007 pa silip pa ung napanood namen na libre lang sakin ng tropa kong babae na ewan ko kung bakit curious sya sa palabas na yun at pati ako sumakay sa trip nya na buti na lang hindi nag tanong yung tenant sa ticket booth kung ilang taon na ba ko dahil sa r18 ung palabas na yun hehe…wala lang nakwento ko lang mukang manonood ka ulit ng laban ni pakyaw sa sinehan ah mukang mag sosolo ka ulit hehe…

gasti: bahid ng dugo? nakow nakakatakot naman pala mapadaan dyan sa kuta mo parang di nako makakalabas ng hindi ginigripuhan. hehe!
napanood ko rin yung silip pero sa vcd lang. wala naman yun puro pahapyaw lang..
malamang magsolo nga ako sa panonood ng boxing. pero ayos naman ang mga taong nanonood ng laban ni pacquiao nakikipag usap sayo kahit di ka kilala.

4. Maldito - Abril 3, 2009

nako..kailangan kaya last ko na panood ng sineng pinoy? ahe hehe..matagal na..indi naman sa pangungutya sa sariling gawa, pero loser talaga ang epek ng mga pinoy movies…walang originality parin…kahit pa sabihin nila na suportahan natin..nako sila. asa pa sila..

kakapanood ko lang ng monster vs aliens..ang ganda,,tawa ako ng tawa..parang bata lang. ahe hehe

gasti: haha! puro pambata nga yata ang pinapanood mo eh..ako inaabangan ko na yung ice age 3 kasi trailer pa lang natatawa na ko eh.
actually mga bold flicks lang naman talaga ang sinuportahan ko dati kasi nakakaawa naman sila..walang makain kundi saging lang.

5. joice - Abril 3, 2009

haha onga eh no, yung sundo daw nakaktawa. hahaha.

natatawa tuloy ako naalala ko yung bata sa t2!

gasti: parang timang lang yung akting nung bata noh? haha! bangag eh

6. a.r.d.y.e.y. - Abril 3, 2009

sa Mayo a-dos, nasa pilipinas na ko. at sa sine manonood ng live na boksing. first time! hehehe.

gasti: ayos yun pareng RJ goodluck. magsama ka ng ka-sparring mo sa sinehan.

7. biyaya - Abril 3, 2009

ang labo nga nung T2. Name ata un nung building dun s m0vie..pero bkt T2? Sbi nung hausm8 q, kc daw 2ngkol s mga “engkanT2”. Acheche!ms lalong nkakainis ung nkuha qng sg0t.

gasti: naks naman biyaya ka na pala ngyon! haha! galing..
parang dun nga galing ang title nun ah..engkan t2..nakow! very creative!

8. mangbadoy - Abril 4, 2009

akala ko napanuod mo na ang T2…maganda daw e.

gasti: pinanood namin yung the fast and furious. ayun ang maganda! yung T2 ipapadl ko na lang. lols!

9. emilayskie - Abril 5, 2009

Aba mahilig ka pala manood ng local films. Ang bad ko siguro talaga dahil di ko sila sinusuportahan. Feeling ko kasi sayang pera dahil mapapanood ko rin TV eventually.

Pero tama ka, kakaiba nga ang mga title ng mga local films ngayon. Bakit nga kaya parang pare-pareho na sila mag-isip? Haha.. Siguro try ko rin one of these days manood ng local.

gasti: magdl ka para maganda naman ang kopya. hindi kuha sa sine. haha!

10. Pedro - Abril 6, 2009

tagal tagal kong nawala pero sundot sundot pa rin laman ng blog mo pagbalik ko. hahahahaha!

gasti: mahirap na baguhin ang nakasanayan na. haha!

11. jasper macabulos - Abril 7, 2009

oo nga no. hehe. nice part nung nakita mo si aubrey haha, laughed my ass off. hehe.

would like to invite you..

if ever u got nothing to do.

if u enjoy photography and a bit of informal rhyme…drop by..

http://jeklog.blogspot.com/

most of it are street photography..

but generally random thoughts.

it aims to raise “kamalayang kalye” and to make people feel a bit fortunate about their lives compared to those i frame.

gasti: gusto ko ng photography! ayun nga lang..wala pa akong camera. ahehe! mukhang ok yan ah! sige bibisita rin ako minsan.

12. har har - Abril 9, 2009

nyek.. har har p dn aq.😀

13. foobarph - Abril 14, 2009

gasti! meron ka bang alam na indie film na horror ang genre?🙂

gasti: meron yata pero nakalimutan ko na ang title eh

14. Rommel - Abril 18, 2009

Gusto ko panuorin yung T2. Hehe🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: