jump to navigation

holy beach Abril 8, 2009

Posted by gasti in to whom it may concern.
trackback

bago man lang tayo magkalimutan, gusto ko lang batiin ang mga nagdiwang ng kanilang kaarawan nitong nakaraang araw pati na rin yung magbday sa byernes santo kung sinomansya. enjoy pa rin dapat. wag ka magpapaniwala na porket natapat dyan ang araw ng bday mo eh byernes santo na rin ang mukha mo. di ganun yun.

saka yung mga natapat sa araw ng patay yung kaarawan, masuwerte kayo. maraming patay ang gusto makipagpalit ng katawan sa inyo makapaglasing lang..

anyways malamang kapareho ko rin kayong magbabakasyon sa iba’t ibang parte at sulok ng mundo. ingat na lang tayo sa byahe! long drive na naman to…

Batangas here we come! Gov. Vilma Santos! laking bear brand din kami…

sa wakas! makakapagtampisaw na naman ako sa dagat…sa piling ng mga sirenang mahilig kumain ng biko. matamis yaan!

tandaan! bawal masugatan sa byernes. hindi na gagaling yan.

Mga Puna»

1. lio loco - Abril 9, 2009

ayun o. holy beach talaga eh no? pwede magrequest ng bitch pagbalik mo? hehehe.

gasti: 1 bitch coming right up…

2. har har - Abril 9, 2009

aaaahhh…
sarap nman… enjoy poh kau! ingatz! :p
nga pla,bkt po d gagaling pg nsugatan ng fri?!

gasti: hindi gagaling kasi yun ang sabi sabi. patay daw kasi si jesus at walang magpapagaling ng sugat. acheche!

3. madbong - Abril 9, 2009

huwaw, beachtime na naman si parekoy. yung pics ng mga tsikas ha wag kalimutan.

btw, sabi nung tiyahin ko nun na pagnasugatan daw ng biernes santo ay may lalabas na kalabaw dun sa sugat. ang ginawa ko ay talagang sinugatan ko sarili ko dahil gusto ko magkaroon ng alagang kalabaw. ayun disappointment lang inabot ko ahehe

gasti: haha! grabe naman sugat yan lumalabas ang kalabaw? eh mas malaki pa sa tao yun ah! baka ikamatay mo na yun..sus talaga ang matatanda anlakas manakot.
wala akong pics ng mga tsikas eh mahirap na magaka ebidensya. hehe! pero may lumapit sakin babae gusto pa kong gawing photographer.

4. anakngpating - Abril 9, 2009

haha uu hindi ako magpapasugat pero bakit yung mga nag papapako sa krus eh nasusugatan pero gumagaling din sugat nila pag katapos hehe..un ang tanong sa isip ko..

mag bebertdey lapit na rin bertdey ko 6days to go hehe bute na lang hindi ako natapat sa mga nabanggit mong petsa.hehe..

wow ha batangas ako dapat nasa marinduque rin pero sa kasamaang palad hindi ako nakasama sa kadahilanang may pasok pa rin ako kahit mahal na araw hays..
gusto ko pa naman makita mga tropa kong morion dun hehe…namiss ko ang dagat ang ang roro ..
pasalubong kuya ha dont forget mini balisong pwede na sakin hehe…

gasti: ayos bertdeyan mo na pala. penge naman ng hotdog na may kasamang marshmallow na nakatusok sa puno ng saging..ahehe!
andami ko rin palang sugat sa paa at kamay. nahiwa ng matulis na bato at corals.

5. anakngpating - Abril 9, 2009

ingat na rin po sa byahe hehe…salamat enjoy sa mga sirena//

gasti: wala naman ako nakitang sirena..puro dugong lang.

6. mangbadoy - Abril 9, 2009

mag-ingat sa mga dikya baka makagat ang uten mo… :))

gasti: walang dikya doon puro mukhang dikya lang. katakot!

7. popoy - Abril 13, 2009

gusto ko mangbitch este magbeach. mas feel ko kasing maligo sa natural na ganda ng dagat habang nakikita mo ang ganda ng paligid. ahihihi.

kaso malabo. puro resort na pool ang papaliguan namin this vacation. hahays.

gasti napadpad ulit ako dito!!!!

gasti: masarap talaga maligo sa dagat sobrang lawak kasi ng lulubugan mo..ahehe! para sa mga katulad kong di marunong lumangoy. namnamin ang lasa ng tubig dagat.
welcome back sa kuta ko popoy!

8. simplefula09 - Abril 14, 2009

wow…support bitching este beaching….balitaan mu kame ha..pasalubong na din..hekhek

gasti: pagdamutan nyo itong saging at pinya na binili ko. ahehe! singkamas u like?

9. Myk - Abril 17, 2009

Bakasyon? Ano yun?

gasti: uhhmm yan yung wala ka? ahehe! mas ok yan kesa sa gimik.

10. har har - Abril 17, 2009

1-2-3 nge!!! Ptay c jesus n0n? Db commemoration lng un? Anu ibg nila sbhin,every year nmamatay at nbubuhay c jesus..? Naku,cla tlaga. Pauso..hehe

gasti: hindi nga sila pauso eh kundi paluma. acheche! tumatandang paurong. pero napaniwala nila ako dati nung bata pa kami..hindi ko rin alam kung bakit pero natakot ako lumabas ng bahay.

11. bioniclugaw - Abril 20, 2009

tagal na ako di nakapunta ng beach. ala bang picture ng outing nyo gasti? hehe.

ingat din at baka makuhanan ng hibla ng buhok. mabubuwang ka daw pag nakuhanan ka tapos tinapon sa dagat or sa ilog yung hibla ng buhok mo.

galaw-galaw sa tag-araw. ayan nagcomment na rin ako. stalker mode ako parati. haha.

gasti: wala pang pics eh. nakikikopya lang din naman ako kasi wala akong sariling cam. hehe!
stalker pala ah! diba lurker din yun? buti natauhan ka na at nagparamdam na rin. nakakabuwang din daw kasi pag nagkukubli sa sulok.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: