jump to navigation

samalamig Abril 23, 2009

Posted by gasti in bakasyon stories.
trackback

masarap talagang mamasyal. kundi lang nakakaubos ng pera ang paglalakwatsa eh di sana inaraw araw ko na. o kaya every weekends pero nakakapagod rin. kaya eto back to my bossings arms na naman. medyo natagalan lang ako mag update dito dahil tinamad ako magsulat. pero wag kayo mag alala dahil hindi naman ito dulot ng kunganomang depresyon na kagaya nung sa misis ni ted failon na nauwi sa pagpapakamatay. nasa ayos pa naman ako gaya ng dati.

gaya ng nabanggit ko sa huling entry, natuloy naman kami sa batangas at talaga namang sinulit ko ang bawat paglusong ko sa dagat. sa katunayan, andami ko ngang sugat sa talampakan at kamay. puro hiwa dulot ng mga matutulis na ligaw na bato na hindi ko alam kung pano napunta sa daanan ko. gaya na lang ng mga lumulutang na plastic ng boy bawang, peewee at ang pinakamatindi sa lahat, yung buong pagmamalaki kong dinampot at winagayway sa mga beachgoers na isang pirasong gamit na pantyliner. dabest talaga ang nagtapon nun.

anyways, gaya ng inaasahan, andaming tao. may mangilan ngilang nakasuot ng two-piece bikini na masasabi nating pwede na at sakto sa panlasa ng mga nagpepenitensya. nagkalat ang tukso sa paligid pero hindi ako nagpaapekto. syempre pa! hindi naman ako basta basta nadadala ng mga ganyan. kahit pa gaano kaputi at kakinis yang taong yan, hindi uubra!. lalo na kung sa ngiti at kilos nya ay halata mong dati syang lalaki. putarages yan! hindi nyo ko mapepeke!

moving on, last friday naman ng madaling araw ay bumiyahe kami papuntang Baguio. tsalap tsalap ng sariwang hangin. bihira na malamigan ang dala kong “elephant” kaya naman nag enjoy talaga sya dun. aktibong aktibo. o sya sya dapat hindi ko na ine-elaborate pa ang mga bagay na ganyan dahil understood na yun. basta ang punto ko rito ay malamig.

ang haba nga lang ng byahe. dumaan kami sa Marcos hi-way nung papunta at inabot din yata kami ng anim na oras dahil sa nakasabayan namin ang mga nagkakarerang mga siklista. ayun nga lang dahil paakyat yung daan, usad pagong sila lahat at parang magco-collupse na ang mga itsura.

nakarating naman kami ng matiwasay sa transcient house na inupahan namin bandang 11am na siguro nun. diretso agad sa galaan pagkatapos at talaga namang halos nalibot na ata namin yung buong lugar sa sobrang kasabikan dahil madami kaming kasamang first timer. ako naman 2nd time ko na pero hindi naman ako masyado nakapamasyal dati at nasabayan ng bagyo ang company outing namin doon. atleast itong trip na to naenjoy ko at talaga namang lupaypay ako sa pagod. ginabi na rin kami ng uwi nung linggo dahil sa traffic. mga 7 oras naman siguro ang byahe namin noon kahit pa sa kennon road na kami dumaan. uu tama. dun sa may higanteng ulo ng leon na talaga namang parang artista sa sobrang dami ng gusto magpa-picture.

tahimik na ang buhay ko ngyon. nakikipagsapalaran na si misis sa Australia kasama ng mga kangaroo at koala bears. balita ko pati si nemo ay nahanap na nya sa sydney. mga 2 weeks din kami hindi magkikita kaya syempre nasa palad ko na naman nakatadhana ang aking kapalaran. sayang maulan pa naman.

4th year anniv na rin pala ng kasal namin sa darating na May. napakabilis talaga ng panahon at hindi ko na rin namalayan. akalain mo yun? may asawa na pala ako! ahehe! biro lang baka biglang maging binata ulit ako pag nabasa ni misis to at akalain kong panaginip lang ang lahat.

hindi ko alam kung ano pumasok sa isip nya at out of the blue ay bigla na lang naisipang gusto nya umakyat ng bundok. pagbalik nya daw ay makisaling ketket kami sa mga mountaineering group ng kumpare ko. sabagay hindi na masama at mukhang magandang ehersisyo na rin ito para samin. matagal na rin kasi akong hindi nakakaakyat ng bundok ng hindi pagapang eh. sana matuloy itong plano na to.

walang pektyurs? silip na lang ulit kayo sa ibang araw pag naisipan kong mag update. OK! hibernate na ulit.

Mga Puna»

1. anakngpating - Abril 23, 2009

haha nageexpect na rin sana ko ng pic kuya gasti kaylan kaya..
at talagang akalain daw na may asawa ka na pala noh hehe..
well happy aniv po sa inyo ni ate..enjoy..
at hiking wow masarap pong umakyat ng bundok kung hindi po maulan hehe..
at talagang may nagtapon ng panty liner hanubah hehe…:)
ewwww hahaha…buti di mo nakita kung sinong shokeng ang nag tanggal nun sa ilalim ng dagat..

gasti: darating din yun mga pics..basta pag meron na lagay ko agad dito. masarap talaga umakyat ng bundok lalo na kung maputi at makinis..uhhm teka iba pala yun. haha!

2. simplefula09 - Abril 23, 2009

“syempre nasa palad ko na naman nakatadhana ang aking kapalaran”

hahaha natawa q dito…..hakhak

^.~)/”)eow……😛

gasti: I need a helping hand u know…

3. lio loco - Abril 23, 2009

oo. alang pektyurs! anakngpating. ung mga bingwit mo pa namang bitches ang inaabangan ko. hahahaha!

happy anniv sa inyo ng misis mo. akalain mo un? di mo namalayang may misis ka na pala. nyahahaha!

at hindi ko maarok ang elephant syndrome. ano ang tinutukoi mo run?

hindi kaya ikaw ung nakasalubong ko sa session nung nagpunta ka ng baguio? hehehe.

gasti: hmm wala yata akong natandaang ganung pictures eh. tingnan ko na lang pag nakuha ko na yung pics. hindi mo alam ang elephant syndrome? ano ko lang yun.
nauna ka yata pumunta ng baguio sakin eh ako last weekend lang.

lio loco - Abril 25, 2009

putangina. ang slow ko pala. hindi kasi elepante sakin. ano lang…ahm…sawa. nyahahaha!

kala ko may dala kang elepanteng chick. tsk tsk.

gasti: haha! common na kasi ang sawa eh kaya nakigaya na lang ako kay shinchan.
teka, elepentang chick? no waaaay! haha! baka ikamatay ko pa yun pag nadaganan ako.

4. madbong - Abril 24, 2009

pichurs! pichurs! para makita namin ang ebidensiya hehe.di lang pala batangas, may baguio pa…..sarap ng bakasyon mo parekoy.

matanong ko lang, musta na si chili at bakit di na siya nagpopost?

gasti: inabandona na nya yung wordpress blog nya. nasa multiply na ata sya ngyon eh. nagtatago rin.

5. fampings - Abril 24, 2009

natawa naman ako sa mga doble meaning na mga sentence mo…haha

gasti: walang double meaning sa mga nakasulat dyan. puro kabastusan lang.

6. deejay - Abril 26, 2009

“mga 2 weeks din kami hindi magkikita kaya syempre nasa palad ko na naman nakatadhana ang aking kapalaran.”

hinay hinay lang, baka kalyuhin. wehehehe.

gasti: malaki ang maitutulong ng lotion sa mga panahon na to.

myk - Abril 29, 2009

ayaw mo ng sebo de macho? hehehe

7. Maldito - Abril 26, 2009

timing..kakauwi ko lang din galing ng resort na naman….suko na ako..mukha na akong uling na ginamit ng sampung beses..ha ha ha..

gusto ko naman sa bagui.pero siguro mabobore lang ako dun….may pagka kiti kiti kasi ako..ha ha ha…mas maganda kasi sa dagat..maraming gawin pag nasa tubig ka..lols

gasti: nognog! ahaha! baka hindi na kayang ibalik ng papaya soap ang dating kulay mo sa kapal ng layer ng balat.
masaya sa baguio..pwede ka rin magswimming dun. maninigas ka nga lang..haha! pero atleast bagong experience.

8. bonistation - Abril 27, 2009

idol maglagay kana hanggang ngayun di padin kita nakikita! sabik naku hikhik! ^^

nasa Australia napala misis mo! hahayss! mukhang sa darating na panahon ay dun ka nadin mamalagi hmm! saya!!

gasti: hehe! saka na yung pics kapag lumaki na katawan ko…malapit na yun mga 10 yrs na lang..lols!
sandali lang si misis sa australia. hindi naman kami mag-migrate dun. ayos na kami sa pinas. pasyal na lang siguro sa ibang bansa.

9. azul - Abril 27, 2009

wow at todo bakasyon ka pala kuya..ako di na nageexpect na nagpapakita ka ng piksyurs..ahehe

gasti: haha! ang bilis mo naman mawalan ng pag asa.

10. antuken - Abril 27, 2009

ay kainggit. masarap mag-inom sa baguio. anlamig kse ng panahon. although i haven’t tried going there ng summer.

sarap mag-beach. haay. mukhang matatapos na naman ang summer na di ako nakapag-beach. ay nakapag-beach pala kami (company outing)…

gasti: try mo pumunta pag summer sa baguio. kaya lang andami tao. sobrang sikip ng mga pasyalan pwera lang yung camp john hay.

11. myk - Abril 28, 2009

wala si mare? sama ka sa miming sa san mateo din lang hehehe may 9 pwede ka? pm mo na lang ako sa ym nakabakasyon kasi ako ngayon madalang akong online har har har.. di ako suspended nagpapahinga lang


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: