jump to navigation

you know! Mayo 5, 2009

Posted by gasti in balitang isports, movie review, to whom it may concern, wasakan.
trackback

syempre alam nyo na.. wala ng duda! pound for pound champion of the world. Dave Batista! ang umangal ibabalibag.

nakaka-excite talaga manood sa sine ng mga laban ni Pacquiao. kahit mas matagal pa ang entrance at 3 national item na kinanta kesa sa kabuuang 5 minutes and 59 seconds ng laban na yun ay masasabi ko namang sulit ang ibinayad kong limandaang piso para makaiwas sa pagmumura kung aantayin ko pa ang laban nya maipalabas sa tv. 3 hours delayed. yan ang serbisyong totoo!

uhhm naalala ko inulit pa yung 2 rounds bago pinalabas yung announcement ni Michael Buffer ng pagkakapanalo ni Pacquiao. galeng noh? bale napatagal nila ng 4 rounds ang laban at sumatutal eh 6 na beses bumagsak si Hatton. di pa kasama dyan ang instant replay. parang napakasakit naman ata masyado nun kung pinusta mo ang lahat ng sinuweldo mo nung katapusan para sa Briton. plakda eh. muntikan na nga daw pumasok sa ring si Gus Abelgas at ang kanyang SOCO team.

at syempre ang eksena naman sa mga sinehan eh talaga namang sigawan, hiyawan, talunan at dakmaan. buti na lamang at walang naisugod sa ospital sa mga kasama kong nanood na mga war veterans. kasi naman nakatungkod na nga makikipagsiksikan pa. hindi naman sa nabitin ako gaya ng ibang nagsigawan ng “anubayan! di man lang pinatagal ni Manny..bale 250 pesos per round ang binayad natin.” ayos lang yun sakin. atleast panalo. at first time yata nangyari sakin to na muntikan na ko maiyak sa loob ng sinehan. lols! damang dama ko ang drama at excitement sa mga sandaling iyon. lalo na ang yakapan session with trainers at assistants na naganap bago magsimula ang suntukan. pati tuloy si Ricky Hatton yumayakap na rin nung mismong laban. iba ka talaga Manny. nakakaano ka.

isang suntok lang. isang segundo na lang ang natitira bago matapos ang round 2 ay tinapos na ni Manny ang laban. mas mahaba pa ang airing ng mga commercials nya sa tv kesa sa kabuuan ng bakbakan. ganun talaga eh! sabi nga ni Manny nung weigh-in pa lang “Only God knows what will going to happen tomorrow night. just pray for us. I will do my best to make you guys happy” Amen!

sa isang banda. hirap pa rin ako intindihin ang inglisan ng dalawang boksingero. you know?! isang may british accent at isa namang may carabao english accent. hindi man ako boksingero gaya nila eh napadugo naman nila ang ilong ko sa kakapakinig ng mga interviews. this is too much you know?!

Filipino! Filipino! Filipino ang lahi ko…salamat Manny! Im proud to be a Capricorn.

narito nga pala ang ilan sa mga nakalap kong pics ng laban ni Manny. credits sa http://www.mannypacquiao.ph

muntikan na matalo si manny. kung tumama lang sana ang right hook ni Hatton na nakita nyo sa litratong ito.

pac-hattonfnedlv01330wmabuti na lamang at mabilis kumilos si Manny at nakailag sya. sorry na lang ref.

at eto naman ang knockout punch ni Manny. ang killer left hook na talaga namang sapul na sapul ang target.

article-0-04c9ae34000005dc-995_468x4041
partida na duling pa yan.

at syempre ang final shot. sa maniwala kayo at sa hindi. nakatayo pa si Hatton pagkatapos nya tamaan ng killer blow ni Manny. narito ang ebidensya.

_45730835_rick_466_geto diba nakatayo pa? now you know!

Mga Puna»

1. simplefula09 - Mayo 5, 2009

ntawa ko sa pix na tamaan yung ref,,,,hehe

wow sa sinehan pa tlga nanuod….hehehe mas masaya nga cguro pag dun na nuod,,,,sana next tym makapanuod din me ng live….. wiw😛

“di bale ng bitin,,,at least di aman pagod si pacman” hakhak

gasti: masaya talaga manood ng liveshow. kakaiba ang pakiramdam. nakakaexcite nga.
buti nga umabot pa ng 2 rounds noh? muntikan ng itigil nung 1st round pa lang eh.

2. otep - Mayo 5, 2009

efal ang ABS-CBN yun lang.

excited mag balita..

next time manonood lang din ako sa sinehan..
😀

gasti: lagi naman epal yun eh! palibhasa hindi na nila maipapalabas ang mga laban ni pacquiao kahit kelan.

3. anakngpating - Mayo 5, 2009

woot hehe naks sabi na lam ko manonood ka sa sinehan ng mag-isa ulit eh ehhe..anyway kahit ako hindi ko sila maiintindihan sa interview hehe buti pa ung iba naintindihan pinagsasabi sa interview hehe..gagu din ung coach ni hatton adik ata un nakatira ng tawas bago ang interview ang angas ehehe..

gasti: syempre naman pacfan yata to. hehe! nxt time baka isama ko na yung kapatid ko saka tatay ko.
wag mo na masyado intindihin yung pinagsasabi nung coach ni hatton kasi epekto yun ng pagkakaalog ng utak sa sobrang dami ng tama ng suntok nung boksingero pa lang sya. wala naman syang pinagkaiba sa mga aeta kung itsura din lang ang pag uusapan.

4. an_indecent_mind - Mayo 5, 2009

sulit naman ang 250 pesos per round mo di ba?

nakapandakma ka din ba??

hek hek hek!

gasti: sulit na sulit. para sa aircon charges..hehe!
dinakma ko na lang yung sakin para hindi ako manakawan. mahirap na.

5. azul - Mayo 5, 2009

akala ko nga matatapos na yung laban sa unang round pa lang..

di ka ba nakipagpustahan gaya ng ibang nanonood?

gasti: syempre hindi. naubos na kasi ang pera ko pambili ng ticket. haha!

6. aperockstar - Mayo 6, 2009

vitwater.

you know.

traiwanaw.

Pacman! Idol!!

7. blurosebluguy - Mayo 6, 2009

saya naman at napanood mo pala sa sinehan….ako nagkasya na lang sa youtube kinabukasan…kasi wala akong gma dito sa kinaroroonan ko….ahpi na rin panalo ang pakyaw!

8. aga - Mayo 6, 2009

i know!!!
achut.

9. foobarph - Mayo 6, 2009

tagooosh!

10. Maldito - Mayo 6, 2009

congrats gasti sa pagkapanalo mo sa laban niyo ni hatton….ha ha ha…

indi ako nanood….iwan….ha ha ha..tinotopak ako..

adik ka na talaga kay manny..baka magulat nalang ako sa huli stalker ka na niya..ha ha ha

gasti: ako talaga ang lumaban? haha! magaling kasi si Manny nakakabilib pero wala syang magandang mukha, tayung boobs,makinis na legs at shaved na kwan kaya hindi sya kaistok istok. sige matutulog na ko.

11. popoy - Mayo 6, 2009

HINDI EPAL ANG ABS-CBN!!!! gusto kong sabihin yan. hahaha. nangaasar lang sila kasi ginago sila ni Manny P. gantihan lang. ahm lagi pala nilang ginagawa yun hahaha.

ayos, mayaman na naman si Manny Pacquiao. nainis lang ako sa mga kasama nyang linta. lalo na si Singson at Atienza. mga amoy lupang sugarol hahaha.

sana wag na ituloy ni manny yung balak nyang pagtakbo. baka yun ang ikabagsak nya.

gasti: uy protective sa abs cbn. di obvious na kapamilya. lols! anong masama naman sa pagtakbo? eh magjogging lang naman sya. kasama yun sa training regimen eh! uhhmm…malakas ang kutob ko na this time eh mananalo na syang congressman.

12. anakngpating - Mayo 6, 2009

may tag/award ako sayo..
bisita ka dito..
http://anakngpating.wordpress.com
hugs..

gasti: hehe! late na ang reply ko pero thanks! belated happy bday na rin pala.

13. myk - Mayo 7, 2009

Napanood ko ito ng libre nung nasa alaminos ako..naka solar all access ata ang buong alaminos nun.. salamat sa vice mayor nila wahehe

gasti: wow sosyal. buti at nakapanood ka ng live na libre. buti rin at hindi pa bumabagyo nung nasa alaminos kayo. hehe!

Myk - Mayo 12, 2009

Oo naman nag sun dance kami bago pumunta dun hehehe. Inulan kami nung nasa NLEX kami pabalik na ng Manila😀

14. lio loco - Mayo 8, 2009

nyahahaha! at sa sinehan ka pa talaga nanood. sowska!

basta ako manny packy por 2010, you know! woot woot!

p.s. doncha think hatton’s gee ep is a hot britsh bitch?

gasti: mani pakyo por layp! ahehe! bumibili pa nga ako ng mga vcd ng mga nakaraang laban nya eh. lols!
ayoko sa mga mestisahing hilaw na puro pekas. pero infairness to the bitch, model nga daw yun kaya may ibubuga rin.

15. madbong - Mayo 8, 2009

sa slomo makikita mo na pumeyk muna si pacman ng kanan bago pinakawalan yung left hook. ako din nakibakas sa pay-per-view ng tropa para makinood hehe.

gasti: magaling ka rin mag observe pards! tama ka. napansin ko nga din na nagcross over move sya bago ibinuslo ang winning shot eh. perfect timing.

16. yummydingding - Mayo 8, 2009

Pacman mania parin dito hehehe…
Naalala ko toh eh hahaha, muntik ko na batuhin yung tv sa hotel sa Cagayan de Oro kasi nakabakasyon kami nung malaman ko na sobrang mahal nung pay per view nanggigil ako hahaha.

Buti na lang mababait yung amerikanong guests na nandun din. Nagpa pay per view sila dun sa lobby ng hotel hahaha nagtatakbo ako sa pababa. Ambilis siguro mga 20 minutes ko na lang nakita yung laban hahaha. Nakakapagtaka lang kasi kahit mga PUTI si pacman ang gusto hahaha.

gasti: buti naman at hindi mo tinuloy ang paghuhurumentado. hehe! syempre naman pacmania na to hanggang eleksyon. busy na kasi ako eh. lols!
speaking of puti, type talaga ng mga puti ang moreno. kasi lalaking lalaki. baka bakla yang mga amerikano na nakita mo.

17. lautootx - Mayo 11, 2009

hehe. npadaan po ako sa iyong blog. exchange links po tayo ah.😀

gasti: love at first sight na ba yan ineng? o sige nalink na rin kita. salamat!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: