jump to navigation

ok lang naman Hunyo 25, 2009

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

ang tamang daan patungo sa buhay na walang hanggan ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng blog entries. kung ayaw nyo maniwala, problema nyo na yun.

kaya naman eto at naisipan ko ulit magsulat para naman matabunan na rin ang uber nakasusuyang balita tungkol sa mga scandal na yan…anyways, napanood ko na yung maricar-hayden part 3(sofa action) at part 4 (natutulog lang). uu na last na to. pramis!

syempre sa tinagal tagal ko ba namang hindi gumawa ng post dito eh baka yung iba sa inyo dyan ay inakalang dinapuan na ko ng A(H1N1) na yan at nagself quarantine sa kwarto. o di kaya naman ay nasabugan ako ng pumutok na transformer dito sa building namin. kesyo nagkaketong o nagkatulo ang inyong lingkod blah blah blah…walang katototahanan ang lahat ng yan.

ang nakaraan…
nahuli ako ng lintsak na traffic enforcer (aka blue boys) ng Pasig ng hindi lang isa kundi 2 beses sa iisang lugar. double accident ika nga. hindi rin talaga nakakatulong ang pagiging inosente mo sa mga bagay bagay lalo na kung may kinalaman sa traffic rules and regulations…at sex. dapat talaga may alam ka kung ayaw mo mapahiya.

Disobedience on signs…papano mo naman masasabing hindi ka sumunod sa sign kung hindi mo naman ito nakita in the first place? engkk hindi uubra kay manong enforcer yan. titiketan ka pa rin plus kumpiskado ang lisensya mo. at ang matindi pa dyan…tumataginting na 500 pesos ang halaga ng isang violation. nakakuha lang ako ng 100 pesos discount dahil nagpatatak ako sa likod ng ticket ko ng pangalan ng isang councilor. pero anyways..hassle rin ang maglakad ng mga ganito.

Beating the red light (reckless driving)…na talaga namang nakipag agrumento ako dahil alam kong wala akong pangtubos, araw ng byernes, at gusto ko lang subukan ang convincing powers ko. at ang resulta, effective! gamit ang aking Santino-look ay unti-unti kong nakuha ang loob ni manong na hindi ko nakuha ang pangalan at agad nyang ibinaba ang sintensya ko papunta sa minimal na “disobedience on signs” at kinalaunan ay hinayaan nya na lang din ako umalis at tinapon na lang ang ticket na para sana ay sa akin. laking pasasalamat ko na lang at may mga tao pa palang ganito na nakukuha sa pakiusapan. pero sige na nga aminin ko ng nainip talaga ako sa letseng traffic kaya hindi ko na pinansin ang pagpalit ng orange papuntang red light…sabihin ko sana color blind ako.

matagal ko na ring pinoproblema itong locked-jaw ko…mga 3 weeks na rin na parusa sa pagnguya ng pagkain, pagsipilyo ng ngipin at paghikab. onting nganga lang mapapamura ka. pero atleast ngyon nagkukuwento ako na hindi bumubuka ang bibig…so far so good. malapit ko na rin siguro maisaayos itong panga ko. kelangan lang ng konti pang masahe mula sa isang maharot na babae. hindi na masyado masakit eh!

salamat pala sa mga concern citizens na nagpaparamdam pa rin kahit hindi na ko nag update. pati na rin dun sa isang nilalang na nag iwan pa ng celfon number na hindi ko alam kung isang patibong. wala ng lugar na safe ngyon.

Mga Puna»

1. IKAY - Hunyo 25, 2009

oks lng nman yung paminsan minsang hiatus mode ka manong gasti…pero syempre mamimiss ka talaga nmen…naks ang dami mo na kcng fans eh! kung tutuusin nga mas sikat ka pa kay HK khit hindi pa nailalabas yung videoscandal mo…bwahahaha!
^_^

gasti: hindi fans ang tawag dyan kundi..friends? aruuu! haha! wala akong mailalabas na video scandal dahil na-preserved ko na sa garapon ang dalisay ng aking kabirhenan. tagong tago sa mga nais mamboso.

2. anakngpating - Hunyo 25, 2009

hehe..buti nga ..nahuli hehe joke..
talagang santino look kuya ang pag papacute mo ha hehe..

bat nga ba nawala ka kasi..
namiss ko pa naman dito..

hehe..

gasti: syempre naman. naalala ko kasi kay santino ang itsura ng kabataan ko…nung mga panahong inaalagaan ako ng mga pari
may nangidnap kasi sakin eh..dinala ako sa facebook. ayun nawili ako sa kakalaro.

3. anakngpating - Hunyo 25, 2009

aba’y kuya i add mo ko sa pesbuk hehe..lovely_damnhype@yahoo.com
naadik na rin ata ako sa kakalaro..

talagang nakidnap ka..yang mukha palang yan eh nakikidnap pa hehe…
peace..mwah..

sinong mga pari ba ang nag alaga sayo..am bait bait naman ng batang ire hehe..

gasti: haha! nakakaadik nga yung mga laro dun..eh pano ba yan, restricted kasi yung acct na yun eh. moderated. pero kung may farm ka baka magkita tayo.🙂
kamukha ko nga kasi si Santino noon..mukhang magaling mamalimos..ahehe! inalagaan ako ng mga pari…singsing pari.

4. Maldito - Hunyo 26, 2009

dapat lang naman pala sayu na hulihin eh..ha ha ha..joke manong.
tamang tama din pala ang topic namin dito..lock jaw ang topic…ha ha ha….alam mo na yun…nag ask kasi ang officemate ko sa isang babae if pano pag nag lock jaw sila habang nagbbj..ha haha..tawa ako ng tawa..

ang bastos ng bagong office..indi ko feel..ha ha ha

gasti: kabastusan! mukhang nakahanap ka ng bagong tirahan sa office nyo…infairness masarap kausap ang babaeng open minded…ok lang naman pag na-lock jaw sila…basta subo lang wala kamong kagatan.

5. Maldito - Hunyo 26, 2009

number ko yun..indi mo kinuha..sayang..ha ha ha

gasti: alam ko cp number mo. panay nga ang padala mo ng malalaswang forwarded messages sakin eh. haha!

Maldito - Hunyo 26, 2009

gago nito…puro nga religios ang mga messages ko sayu eh,,sinabi ko na sayu magbagong buhay ka na..ha ha ha..dito parin ako sa office.kamusta naman yun?ha ha ha…tagal ng uwian..ampotah…mamatay na ako dito.malapit na ang oct!!!!!yahoooooooooo!!!!!!!

gasti: sus o sya sige na nga..religious na kung religious..eh sa mga banal tayo eh! pasahan mo nga ako ng load minsan. haha! mabuti yan sinasagad mo ang pag-OT para may panlibre ka samin sa Oct. ipon ka lang muna dyan.

anakngpating - Hunyo 26, 2009

ha?un pala ang ibig sabihin ng lock jaw haha..
i see haha…eng eng talaga ko..

gasti: anuba naisip mo? haha! di naman siguro pating..

6. jason - Hunyo 26, 2009

may part 4 talaga???

wala na talaga ko sa uso
nyahahahah

gasti: walang kwenta yung part 4 kasi kinukuhanan lang sya habang natutulog..yung part 3 ang talaga namang must-see!

7. azul - Hunyo 26, 2009

at bakit ka naman nalock-jaw?hmmm sana mali ang naiisip ko..

ako din nahuli ng beating the red light dati kahit wala namang traffic light.sayasaya noh..hays!

gasti: ibig sabihin..pinalo mo yung traffic light? ganda ng hula ko noh. andami lang talaga buwaya na nakauniporme.

8. lio loco - Hunyo 26, 2009

akala ko naman nag-rirerbyu ka na rin. tagal na nga rin akong pabalik balik rito pero nakakauyam na yung seks scandals. wala bang bago? huhlolz!

at bigla akong nakyuryus bat nalockjaw ka. hindi ba dapat mga babae lang ang nalo-lockjaw? nyahahaha!

gasti: hahaha! naghanap ng update ng scandals…langya! wala naman ako rerebyuhin bukod sa mga sex positions na yan. kinakalawang na nga ang skills ko.
parang gusto ko na nga maniwala sa kulam eh…mabisa kasi yung pagpapatawas sakin ng nanay ko..nawala bigla yung sakit! amazing!

9. eilla - Hunyo 27, 2009

hi! ngaun lng ulit ako npadpad sa blog mo, innn tlga yan scandalicious na yan naku bka meron ndn ako nyan ha hehehe … enjoy tlgng basahin ang mga post mo:)

gasti: uy parang pamilyar ka nga sakin…salamat naman at naligaw ka ulit. mukhang tahimik naman ang buhay mo at malayong mai-scandal eh..safe ka pa.

10. Wacky - Hunyo 27, 2009

Ang lakas pala ng convincing powers mo, ha, sir gasti, buti nakuha sa pakiusap. Eh ako, hirap ako mangumbinsi ng mga tagaHRD, kaya eto, jobless pa rin ako, ehehe. May hiring ba sa inyo, sir gast? Comsci grad ako. Willing magwork magdamag, ehehe!

gasti: work magdamag? hmmm…gusto mo ibugaw na lang kita..hehe! goodluck sa jobhunting mo..wag ka mawalan ng pag asa..bsta babae ang HRD madadaan sa pagpapa-cute yan. yayain mo kasi kumain sa labas.

11. madbong - Hunyo 28, 2009

locked-jaw? siguro puro kay gigil kay misis kaya nagkaganyan haha

gasti: hindi rin pards…tinutulog ko lang yan kung anomanyan..haha! ayun nga kakahikab kasi. napalaki ata ng buka ng bibig.

12. JoiceyTwenty - Hunyo 29, 2009

nako patingin mo na yung lock jaw mo.. delikado yan, tsaka believe it or not pwede makacause ng sakit ng upper back yan. nako yung tatay ko twing lumuluwas ng maynila, walang paltos, laging nahuhuli ng mmda.. hahaha! kase naman sa probinsya walang stoplight! go lang ng go at nadadaaan sa pakiramdaman.. hahahaha ayun di sanay sa syudad.

gasti: naisaayos ko na sa ngyon yung panga ko…pero parang nagkatrauma na ko..ayoko na ibuka masyado baka mahirapan na naman ako ibalik sa dati eh..haays!
ayos pala yang erpats mo malakas ang pakiramdam..hehe! laking tulong din yan kapag nasiraan ka ng headlights habang nagmamaneho sa gabi.

13. Jeck - Hunyo 29, 2009

bakit ka ba nag locked jaw? hmmmm
siguro nakipagboksing ka no? hahaha
padalaw lang!

gasti: langya ka jeck! buhay ka pa pala..san ka ba kasi nagtatago ngyon?
di ko rin alam kung pano ako na-lock jaw..siguro sa paghikab lang. sa psp lang naman ako nakikipagboksing eh.

14. Jakey Junkie - Hulyo 2, 2009

Oh, idol! Nagbabalik din ako matapos ang patay-sinding karir ko sa tinatawag nilang “blogging.” Buti na lang at bagong URL ng blog ko ang diyan. Palitan mo na lang ng “Jakey Junkie” kasi hindi na bagay sa’kin ang “miserable.”

Dinaan mo sa pakiusapan ‘yung mga enforcers? O dahil sadya ka lang pogi na katulad ko? Nyehehe.

gasti: uy jake..tagal ko na rin wala balita sayo ah! buti nakabalik ka na rin..sige ayusin ko na link mo..
hehe! nadaan sa pakiusapan..siguro mukha lang talaga akong anghel..na walang muwang sa syudad.

15. bonistation - Hulyo 4, 2009

eto ang mga namiss kong linya ni idol gasti eh

“elangan lang ng konti pang masahe mula sa isang maharot na babae.”

basta pag gusto kong mainspire mag blog din bumabalik ako dito hehe para mag update. par amagrefresh para magrecharge hehe!

anyhow. pa check up yan glock ng jaws nayan baka kung ano na yan!!

‘concern citizen’ din – wag mag alalala hindi ako nagiwan ng number (lol)

gasti: haha! ginawa mo pa talaga kong charger..to talaga oh! salamat sa paalala..fully recovered na yung jaw-locked ko..pwede na ulit! yeheey!

16. apollo - Hulyo 5, 2009

pre, sa wakas nakapagbasa na ulit ako ng blog mo. pero eka, konti lang pala naidagdag mo…? putik na websense ng office. sinasabotahe kami pre! waaaa!

gasti: haha! gaano ka na ba katagal nawala dito? konti lang naman talaga nadagdag. saktan mo na yang mga IT nyo!

17. naglalambingnacute - Hulyo 7, 2009

ngek! ako gasti hindi ko namalayan na nawala ka hahaha.. hay naku!

gasti: haha! uu nga eh parang pagdating mo may update na agad. ngyon ko nga lang din nalaman na nagbday ka na pala.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: