jump to navigation

may pinagmanahan Hulyo 7, 2009

Posted by gasti in iskul bukol, muni-muni moments, self review.
Tags: , ,
trackback

napakadaldal talaga ng mga bata. kahit ano na lang lumabas sa bibig may masabi lang..makapagpapansin lang. nakakatuwa rin naman kung minsan dahil hindi mo na kelangan ng radyo o tv para maentertain. pero pag katagalan na eh parang gusto mo na patulan at bigyan ng isang mahigpit na headlock at peoples elbow. Please don’t try this at home.

gaya na nga lang nitong mga nakaraang araw na para bang napabilis ang pagtanda nya. mahilig lumabas ng bahay ng walang suot na tsinelas..kapag sinabihan mo naman, tsinelas ko ang isusuot. napakadaming excuses. konting lakad mo lang sa mall, aarte na ng “pagod, pagod! sakit binti” tapos magpapakarga na. eh sa bigat nitong batang to talaga namang lupaypay ang mga balikat ko na para bang pakiramdam ko ay kargador ako sa palengke.

ngyon ko rin nararanasan ang hirap ng pagpapaaral sa bata. hindi naman kagaya ito ng mga iskolar na dalaga na kapag binigyan mo ng pang tuition fee ay solb na ang sex life mo tuwing gabi. magkaiba yun syempre. ang mga kids lalo na ang mga unang beses pumasok sa iskul ay sabik makapag aral hindi sabik sa pangshopping.

pumapasok na sa eskwelahan ang anak namin. isang eskwelahan na pinapalakad ng mga virgin madre na nakalimutan ko na ang pangalan sa sobrang haba. basta ang naalala ko lang may Saint something sa unahan. nagleave pa kami pareho ni misis para magpicture-taking sa classroom at bantayan kung anong gagawin ng anak namin sa first day of school nya. nakakatuwa pala manood ng ganung eksena. ang cute nya rin kapag nakasuot ng uniporme. parang hindi makakagawa ng anumang kasalanan. makalipas ang buwan ng Hunyo na isang oras lang kada araw ang schooling ng mga nursery kids, ngyon regular days (2 hours) na ang pasok. at kasama na sa mga pagbabagong yan ay ang pagkakaroon ng assignments.

kahit gustuhin ko man na ako na lang ang sumagot sa mga assignments nya para matapos na ang lahat nang walang mahabang diskusyunan ay hindi naman pwede. kelangan ng mahabang pasensya sa pagtuturo sa mga bata. kadalasan kasi ay nakakatamad naman talaga gumawa ng assignment..sagabal sa paglalaro yan. pero wala rin naman alam sa pangongopya ang mga bata kaya hindi nya rin magagamit ang skill na yun sa iskul. in the end, kelangan mo pa rin sya turuan.

pero paano na kapag ginamitan ka ng mga palusot gaya nito…
“labo mata..labo! di kita!”
biglang tatayo at susukatin ang sarili. “Oh tingnan…liit pa!”
“hirap! di kaya..ayaw! gutom oh! (*sabay lilis ng shirt para ipakita ang tyan.) liit tyan! Dad! dede! ”

anakngtipaklong na mga palusot yan! kanino kaya nagmana ang batang to?!

syempre kung looks lang ang pag uusapan aangkinin ko na yun dahil wala ng dapat pagtalunan pa. ganun talaga itsura ko nung kabataan ko. pero pagdating sa schooling, di naman nauso dati yang nursery, kinder na yan at dumiretso na ko sa prep. at lingid sa kaalaman ng iba, may honor kaya ako nun! sus! minamani ko lang ang lahat ng ituro ng mga teachers. giliw na giliw nga sila sakin at gusto pa kong ikandado sa loob ng hawla para hindi na ako mawala sa paningin nila.

consistent din akong section 1 noong elementary at ni minsan ay hindi ako nagpabaya sa pag aaral. natuto akong magdrowing ng maayos at tumae sa banyo ng walang ibang nakakaalam. sneak attack! bihira ako lumiban sa klase sa pagkakaalam ko. minsan pa nga akong tinawag na iron man dahil napakasipag ko pumasok at hindi ako nagkakasakit. kasama na rin yung ugali kong otomatik na nagiging pandekorasyon sa loob ng classroom kapag oras na ng recitation. pinapatayo kasi ni Maam yung mga hindi makasagot. pero..pero..pero! ako ang pinakamatibay sa lahat dahil ako lang ang kaya tumayo maghapon.

hindi na masyadong importante na pag usapan natin ang hayskul at college days ko dahil hindi masyadong magandang ehemplo yun sa mga bata. hayaan nyo na lang na maalala nyo ang preparatory school days ko. na pwede kong ipagmalaki sa inyo at sa misis ko. aminado naman kasi syang tamad sya mag aral nung bata pa sya. ayun nga lang nung nagseryoso na, talaga namang with flying colors ang drama. nag ala-darna na sya at ako naman, syempre si Ding.

narito nga pala yung isang pic ng batang excited pumasok sa school. salamat sa mga madre na matyagang gumagabay at nagtuturo sa mga makukulit na bata.

Mga Puna»

1. anakngpating - Hulyo 7, 2009

ang cute naman, naiisip na tuloy ako kung paano na pag mag aaral na rin ang mga chikiting ko..sows wag naman sana laging may palusot haha..at wag pahirapan ang tita sa pagtuturo haha..(pero alm kong kasali sa paglaki un haha)

kay kuya gasti nga talaga magmamana ang anak nya hehe..

gasti: kasama talaga yung kakulitan sa paglaki ng bata kaya magready ka na. sakin talaga nagmana yun. ambilis makaisip ng palusot. haha!

2. naglalambingnacute - Hulyo 7, 2009

hahaha! ang galing magpalusot! biruin mo malabo na ang mata! LOLs

nakakatuwa naman talaga ang mga bata ngayon no???

wish ko lang ma experience ko narin yan mga sinasabi gasti haha

pero ang looks hmmm cutie ang bata🙂 Nakakatanggal ng pagod ng yan!

gasti: nakakatawa nga sya kapag umaarte na malabo ang mata eh! pagalit pa. haha!
anong gusto mo maexperience? hmmm…nakakatanggal ng pagod at nakakapagod rin at the same time. welcome back pala!

3. naglalambingnacute - Hulyo 7, 2009

hmmm tsuri … sabi ko sana ma experience ko na rin yan joy na sinasabi mo!! hhi😉 yun magkaroon ng anak na makulet!

hoonga tagal ko di napadpad dito….

gasti: ahh darating din yan…sa tingin ko naman lahat ng bata ay makulet..meron lang talaga na ubod ng kulit. ipon ka muna ng maraming pasensya..hehe!
hindi na rin kasi ako nakakapagbloghop masyado eh kaya wala na rin ako masyado balita sa mga nasa blogroll ko.

4. IKAY - Hulyo 8, 2009

eh ngtaka ka pa kung kanino ng mana yang baby mo..hehehe
pero ang kyut…kyut cguro nya habang ngpapalusot ano..
yung pamankin ko nga ring 4 yr old ng-aaral na…at yun ang sipag daw pumasok hekseyted lagi pag recess time nila..hehehe

gasti: kelangan ingatan ang mga bata para hindi magka-trauma. mukhang enjoy naman sya sa pagpasok eh kasi may recess at play time din.

5. JoiceyTwenty - Hulyo 8, 2009

haha cute cute!! ilang taon na baby mo? kamukha mo yan? sure ka? haha🙂 ankyut eh
naalala ko tuloy yung pamangkin ko.. 1st day of school.

teacher: hi, anung pangalan mo?
pamangkin: ah.. ehhh… naiwan ko po ata sa bahay.

hahhahahahaha. nakakatuwa nakakatuwa.🙂 pero ayun, naggraduate naman sya ng prep na top 1 sa klase. hahah grade 1 na ngayon pero prang 2 years old pa din sa liit. hahaha

gasti: 3 yrs old pa lang yan. mga edad ng kakulitan. nakakatuwa talaga sila pero kelangan mo ng maraming pasensya.
mukhang tuwang tuwa ka nga sa pamangkin mo ah! haha! bulilit ba? hatakin mo ang binti para humaba.

6. antuken - Hulyo 8, 2009

ang aga naman nya pumasok. naco, sana hindi sya maaga mag-sawa sa school. otherwise baka di na sipagin mag-college yan. hahaha.

buti ka nga hinatid mo yung anak mo nung 1st day nya sa school. ako? sus, ipinara lang ako ng lola ko ng jeep. tapos sabay sabi sa driver na ibaba raw ako sa school. tapos binigyan ako ng directions how to get to her sister’s office (teacher din dun). 4 years old lang ako nun ha.

kaya nga nao-oa-yan ako sa mga naguumiyak na bata at humahabol sa parents nila. sus.

your bulilit looks so cute!

gasti: sobrang advance naman na pag iisip yan..hehe! 3 and a half yrs. old kasi sya nung June kaya pwede na daw.
hehe! pinabayaan ka nga ng lola mo..mukhang malaki tiwala sa kakayahan mo ah buti nakarating ka naman ng maayos.

7. azul - Hulyo 8, 2009

naku patay tayo jan si bebeko din malapit na mag aral…ngayon pa lang na tinuturuan ciang magsulat ee madami ng reklamo at palusot panu pa kaya pag nag aaral na talaga cia..ahahay

at hankuyuut ng bebe mo..

gasti: ngyon pa lang mag isip ka na ng mga tricks para mauto mo yang anak mo. humanda ka na ring gumawa ng mga assignments nya..hehe! ako nga bumabalik na naman sa pagdodrowing.

8. Maldito - Hulyo 9, 2009

he he he..ganyan talaga ang mga bata. ang kukulit.pero talo ko pa sila pag ako ay napikon na.ha ha ha..pinapatulan?
wala akong maalala noong nag kinder ako..indi naman ako dumaan dun…accelarated ako..he he he…sa sobrang talino tinatamad na nga mag recite kaya palaging nasa labas ng room..ha ha ha

gasti: eh nursery pa nga lang to eh..malayo pa ang lalakbayin. minsan talaga hindi maiiwasan na pumatol ka sa bata..lalo na sa mga katulad nating isip bata..hehe!

9. Nobe - Hulyo 9, 2009

mabuti na minsan ang madaldal na bata kaysa sa mga batang “tuko” lang ang alam. kagaya ng anak ko ngayon na 1 year old pa lang. hahaha

love,
nobe

http://www.deariago.com
http://www.iamnobe.wordpress.com

gasti: haha! 1 year old pa lang pala eh..aakayin mo pa talaga yan. puro dede lang din ang alam.

10. chyng - Hulyo 10, 2009

mejo mahirap nga mag-guide sa mga bata na mag-aral. kelangan siguro ng matinding matinding motivation. atcympre wag moko tanungin kung panong style, wala kong tyaga sa ganyan!😀

gasti: napag aaralan naman yang tyaga na yan…syempre anak mo na eh kaya tututukan mo hindi gaya ng ibang bata. wag ka mag alala…kahit anong style pa yan, makakaya mo rin!
🙂

11. b@kekang - Hulyo 10, 2009

hi po..ang cute ng baby u parang mga anak q hehe..aq nmn pinapapasok q n mga anak q pg 31/2 yrs.old n sila..at para excited sila pumasok sila pinapapili q ng mga gamit nila sa skul..kaya ayun..excited tlga sila pumasok..at dahil wala aq sa piling nila everyday q p rin sila tinatanong thru webcam kung ano baon nila at assignments nila..hayz miss q n silang lahat.

gasti: naks naman! ulirang mommy..hehe! mahirap nga yang malayo sa anak pero buti na lang at may webcam..di pa nila makakalimutan mukha mo.

12. lio loco - Hulyo 10, 2009

nyahahaha! mukang may papalit na sa kaastigan mo kung ganun. ang lulupet ng banat. parang hindi bata. hinuha ko, lalaking bibo at talentadong bata ang anak mo. at siguro, habulin din ng chikas. nyahahaha!

gusto ko na rin tuloi magkaaanak. pero wala munang nanay. takot sa commitment. huhlolz!

gasti: syempre naman. kung makikita mo lang ang pinaggagagawa ng batang to naku…kumpleto na ang araw mo.
akala ko ba eh sabik ka na sa commitment? pero sabagay mag ingat ka! napakaraming babaeng naghahanap ng mabibiktima ngyon. baka mapikot ka. haha!

Maldito - Hulyo 11, 2009

cmpre naman..mana yan sa ninong niyang si Maldito..

ha ha ha….

gasti: o cge..tutal eh tinuturing mo na ring inaanak yung bata, sisingilin na kita ng 6 na regalo nung nakaraang bday nya at pasko na hindi ka nakapagsumite. yung mga action figures daw ah!

13. deejay - Hulyo 10, 2009

hangkyut! hehehe!😛 obyus naman na sa yo rin nagmana pati sa kakulitan e.

*kaway kaway kay gasti*

gasti: uy deejay! naghahasik ka na naman ng tsismis..hehe! mas makulit pa yata sakin yang anak ko eh! rumoronda raw sa loob ng clasroom.

14. eloiski - Hulyo 13, 2009

waaah naiimagine ko kayo ng misis mo. hakhak! talaga naman eh noh! moral support kung moral support! yahooo!

buti na lang at mabait ako noong chikiting ako. hindi ako hinahatid sa iskul. hidni ako binabantayan kasi mabait nga ako eh.

kaya laking gulat ko na may napaiyak akong bata na hindi ko maamin amin na napaiyak ko kasi nga mabait nga ako eh!

hahaha!

ang cute cute niyaaaaaaaaa! waaaah!

may pinagmanahan nga atang talaga! aweeee!

gasti: bad ka pala ah nagpapaiyak ka ng bata. hehe! uu naman todo support kami syempre sa anak namin. ang mahal kaya ng tuition fee! dapat pagbutihin nya ang pag aaral nya.
at tungkol naman sa ka-cute-an, eheeem! nasa dugo lang yan. lols!

15. madbong - Hulyo 14, 2009

tol nakakatuwa ang mga anak pag ganyang edad, yung nagsimula na sila magtanong at magrason……… at maging pilosopo hahaha. pero dumedede pa pala

gasti: uu pards andami sinasabi ng mga bata pag ganyang edad parang nagmamadali tumanda. ayun nga eh dumedede pa rin. yun kasi pampatulog nya eh.

16. bonistation - Hulyo 16, 2009

huwaw! ang pogi ng anak ah! ahahah! kaya pala proud na proud yihaa!!! kabangis ng dugo mo oo heheh!

gasti: haha! salamat pards. syempre kahit ano naman talaga itsura ng anak mo eh ipagmamalaki mo pa rin. matutuwa ka lalo pag nakita mo ang sarili mo sa kanya.

17. The Lady in Green Ruffles - Hulyo 20, 2009

hehe, nakakatuwa at medyo nakakaasar nga minsan dahil nakikita ko yun sa ate ko at pamangkin ko pero in the end,,masarap pa rin ang feeling lalo pagdating ng recognition day!

gasti: parang chilimansi lang ano? haha! salamat sa pagdaan ms lady in green ruffles..may naalala akong chichirya sa pangalan mo.
sosyalan ang blog mo ah! sponsor?

18. Jakey Junkie - Hulyo 22, 2009

Kesa naman ako. Preparatory pa lang e kinakikitaan na ako ng mga senyales na malibog ako. Pero bukod diyan e pwede ko ring ipagmalaki na humakot, opo humakot, ako ng mga medalya nu’ng elementary ako.

At siyempre, marapat lamang na kahit na ba abala kayo ni misis sa pang-araw-araw na hanap-buhay, may sagradong oras pa rin para sa paghubog ng inyong supling.

gasti: oy jake! welcome back! nakanaman! ang aga pinasukan ng libog ang katawan mo. congrats sa paghahakot ng medalya nung elementary. magandang souvenir din yun.
sagradong oras..gusto ko yan. lalo na kapag malamig ang simoy ng hangin sa gabi.

joice - Hulyo 27, 2009

oy teka pasali naghakot din ako ng medalya nung elementary balibiktoryan pa nga ako nung grade 6 tapos yung tatay ko PTA president! woohhh!

gasti: nakanaman! mahilig kayo sa hakutan ah. gifted child naman pala pati tatay influential. ahehe! congrats! mukhang maganda ang hinaharap mo.

19. sumant - Nobyembre 23, 2009

I am really pleased to go through the post; it has really caught my attention. And thank you very much for the post.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: