jump to navigation

ramdam ko kayo Hulyo 24, 2009

Posted by gasti in movie review, muni-muni moments, wasakan.
trackback

ilang araw na rin akong nagtatyaga sa mga basura na ipinalalabas sa tv. kahit anong pindot ang gawin ko sa remote namin, may teleserye pa rin. ganun talaga ang buhay kapag walang cable kaya madalas pinipilit ko na lang matulog ng maaga.

ano pa bang aral ang matututunan ko kay Santino? kay Rosalinda? kay Zorro? kay Jillian? at sa magkapatid na David Garcia Jr.? napakadrama ng buhay nyo! samahan pa nitong mga political ads na paulit ulit lang. pakialam ko ba sayo kung lumaki kang Tondo at sanay ka sa hirap. isa pa tong si Kuya Mar na napaka catchy ng binibitawang salita..sa katunayan nga eh nakabisa ko na..teka..ehem! ehem!

“ramdam ko kayo, huwag kayong matakot, lalaban tayo..” sabay may eepal na gusgusing batang babae..”hindi nya tayo pababayaan!” ayan naman ang tinatawag na panalong kumbinasyon.

anyways, hindi ko naman sila iboboto. dahil isa akong tapat na Marikenyo, kay Bayani Fernando ang boto ko kahit pa alam kong wala syang pag asa manalo.

masarap manood ng pelikula. napakaraming pagpipilian pero hindi lahat worth it panoorin sa sinehan dahil sa mahal ng presyo ng ticket..magkano na ba? 130-150 pesos tapos syempre kung lalaki ka ikaw pa manlilibre ng gf mo pati kakainin nyong dalawa, sama mo pa ang pamasahe. pero atleast pag kayo na, pwede na sigurong hati sa mga gastusin..eh pano kung nanliligaw ka pa lang, para ka na ring hinoldap na bukal sa iyong kalooban. ang mabuti pa, kung may computer at internet ka naman sa bahay, magdownload ka na lang ng movie tapos dun kayo manood sa kwarto habang nagkakainan. nakamenos pa kayo.

ganito ah! bigyan ko kayo ng suggestions. ang mga pinapanood lang talaga sa sinehan na sulit gastusan ay mga pelikulang may higanteng robot, gorilla, dinosaurs, aliens, at boobs. yun lang dapat. wag na kayo magpauto sa mga madadramang pelikula at comedy na pwede mo rin namang tawanan o iyakan sa loob ng bahay. pareho lang yun. sa panahon ng krisis, dapat tayong maging wais.

napanood nyo ba yung episode sa wowowee kung saan pinagsama sama sa isang dance number sina Pokwang, (very dark and bilasang) Chokoleit, at si Aling Dionisia? umaygad! mabisang pampurga yan!
kung kaya ko lang sana buhayin si Babalu, Panchito, Chikito at Rene Requiestas ginawa ko na. mukha pa lang kasi nila eh natatawa na ko. kumpara mo naman sa mga komedyante ngyon, parang nang aasar lang.

sana naman wag na maulit ang ganitong mga pangyayari sa telebisyon man o sa pelikula. please lang. sana huli na ‘to.

on the other hand, damihan nyo pa ang pagpapalabas ng commercial o eksena sa pelikula kung saan may mga babaeng basa at kakaahon lang sa pool o dagat.

Mga Puna»

1. Jeck - Hulyo 24, 2009

sa panahon natin ngayon, darating ang araw pati si aling dionisia mag e endorse na ng shampoo at napkin! haha

PS. malupit yung magnolia commercial nila ni manny: ‘yis mum!’

gasti: oy jeck! kamusta naman ang buhay? ahehe!
infairness andami na commercial ni aling dionisia ngyon..kumikita na rin sya ng sarili nyang pera sa mga guestings nya. mas magaling din sya umakting kesa kay Manny. ok din yung sa Ginebra commercial nila..”Manny! dapat may pulutan..”

Maldito - Hulyo 30, 2009

haymizhu jeck..mwa mwa…tsup tsup!ha ha ha….
indi ba nagalit si clang noong sinabi ko sayu na magdadala ako ng babae na bubuntisin mo sa oct? ha ha ha

gasti: haha! magandang pasalubong yan. may libre pang tulo..

2. jason - Hulyo 24, 2009

hahahhhhahaha

natatawa ko sa lahat ng sinabi mo heheeheh

lalo na sa production number ng mga amateur na comdeians…

napaka pilit nga ng dating nila hehehehehehehe

yung sine nga 150 pesos na… tskk
masaya lang manood ng sine pag last full show
kasi konti ang tao.. hehehehehe

gasti: sa last fullshow nagtitipon ang magsing irog na walang pambayad sa motel.
ewan ko ba sa mga komedyante ngyon, kundi dating bold star, bakla naman.

3. a.r.d.y.e.y. - Hulyo 24, 2009

kaya nga ako nagbagong buhay na, hindi na ko halos nanonood ng tv. sabagay wala namang ibang pinoy channel dito sa provider namin kundi channel 7 lang. pero abot pa rin dito ang singaw ng politika dahil sa mga balita. pati landian ni dingdong at marian. pweh!

i miss the kangkong, itlog, talong, tag-ulan na (ang bukid ay basa), anakan mo ako etc etc days.

gasti: haha! ibang klase ka talaga parang Rj. hindi ko yata nabalitaan yang tag-ulan na (ang bukid ay basa) na pelikula saka anakan mo ako. pero nakakamiss nga ang mga ganung palabas sa sine.
kapuso ka pala? kasi no choice ka rin eh! hehe! yung mga news naman ngyon laging meron kasamang update sa kalagayan ni Cory saka sa sex scandal ni Hayden.

4. blu - Hulyo 24, 2009

hahaha..

kay gandang babaeng basa naman ito..tama ka dito!

5. chyng - Hulyo 25, 2009

Kakadiri ang mga commercial ng politiko. Pero nakakatuwang malaman na alam mo lahat ng characters ng mga palabas sa tv, halatang nanonood ka! haha

Gusto ko pa ng tips para sa tipid dates! more more!

gasti: ilang buwan na rin kasi akong sumusubaybay sa mga programang yan ng hindi ko namamalayan. ahaha! nagkalat ang kabaduyan ng mga political ads..grabe! pag aaksaya ng pera talaga.
tipid tips…hehe! sige next time dagdagan ko para makatulong naman ako sa pagkontrol ng lumalaking populasyon ng Pilipinas.

6. Ampness! - Hulyo 25, 2009

Kaya nga hindi na ako nanunuod ng tv ngayon eh, wala naman akong mapapala sa mga ganyan.

At sa mga pelikula, tama, i-download nalang sila sa internet. Nakalibre ka na, may sarili ka pang kopya. Diba? Hehe

gasti: tama ka. lalo na yung mga bold flicks nung 90’s masarap ulit ulitin ang panonood nun dahil kapupulutan mo ng ginintuang aral. saka nakakahiya naman kung bibili ka pa nun kasi baka sabihin nilang bastos ka.
ahhmm..pero puro disney movies lang pinapanood ko sa bahay.

7. mark - Hulyo 26, 2009

wahahahh!

So Funny….

8. L - Hulyo 26, 2009

ako ,walang teebee, walang libangan, wala lahat. potang pangarap talaga. katatapos lang ng pre-board exam namin kaya ngayon lang ule naligaw ng landas sa madalas tinatambayan.

at dahil wala ngang telebabad na nagaganap sa buwakanginang buhay ko ngayon, anong commercial ang nakakapanigas ng *toot* na hubog ng katawan ni anne curtis ito?

gasti: oy san ka na bang lungga nagtatago ngyon? mukhang nagconcentrate ka na talaga sa pagrereview. maigi na rin yan.
galing sa commercial ng gsm blue yang pic na yan. gawin mong inspirasyon sa pag aaral🙂

9. Aling Baby - Hulyo 26, 2009

lol, hinoldap ng bukal sa kalooban.
ay naku, kaya marami nang namimirata dahil mahal lahat!

bigla ko rin tuloy namiss sina panchito, rene requiestas at etc..totoo, mukha palang nila busog ka na sa kakatawa. :))

gasti: iba na kasi ang henerasyon ngyon..mas nakakatawa talaga yung comedians dati parang effortless..humarap lang sa camera, mapapatawa ka na. ngyon talaga naku..puro bakla na impersonators.

10. joice - Hulyo 26, 2009

haha hindi ko naapnood yung wowoweee. sayang, sana nasuka din ako!amp

gasti: naku sayang nga..you miss 1/2 of your life.

11. bonistation - Hulyo 27, 2009

haha.dun ako nagising sa picture taragis! haha kasarap naman kasamang maligo nyan! hahayss nakakamis tuloy ang comercial sa pinas nyahaha!!

minsan ang buhay ng telebisyon sa pinas ay parang circus isama mo pa ang mga news and current affairs.. hahhayss minsan OA na din. kahit simpleng pag patay tatawagin “karumal-dumal” wahah na observe ko lang.. anywhow hayaan natin sila!

natawa ako dun sa tema ng mga dapat panoorin number1 ung malalaking robot hehe! masarap sa big screen un at malakas na audio! [puro kalansing ng bakal (diko pa napapanood walang sine sa saudi waaaa,wait pa namin malinaw na copy sa bittorrent ^^)

nice shot! ramdam ko kayo!

gasti: wala ba talagang sine dyan sa saudi? nakow hirap pala. sabagay ayos na rin yung mga movie na nadl sa internet makakapili ka na ng magandang kopya. kahit mga luma na mahuhukay mo pa.
yung mga balita dito sa pinas puro banggaan ng sasakyan, sex scandal, saka updates sa kalagayan ni Cory. sobrang pinapahaba ang pagbabalita kaya nakakasuya na. maigi pa yung mga commercial ng alak ano? hehe! nakakaentertain.

12. azul - Hulyo 27, 2009

ang bilis magswitch ng topic from kampanya to movies na dapat panoodin sa sine..ahaha

ako din bayani fernando ang trip kong iboto (kahit na di pa ko nakarehistro)ahahaha

gasti: magregister ka na. sayang din yung kikitain mo sa mga politicians..

13. shynyrd - Hulyo 27, 2009

ang mabuti pa, kung may computer at internet ka naman sa bahay, magdownload ka na lang ng movie tapos dun kayo manood sa kwarto habang NAGKAKAINAN. nakamenos pa kayo.

hmmmm let me think first…

pede ba mag comment ng green dito “wink”

NAGKAKAINAN NG ANO KUYA?

LINAWIN MO, KASI MAY PAGKABERDE UTAK KO EH,, E

gasti: huwag ka na masyado mag alala. may pagkaberde rin naman ang utak ko. tama naman siguro yung pagkakaintindi mo.

azul - Hulyo 28, 2009

@gasti, ” huwag ka na masyado mag alala. may pagkaberde rin naman ang utak ko”

aw!you mean di pa maxadong berde ang utak mo ng lagay na yan?ahaha

gasti: nukaba. minsanan lang kaya yun. papasa pa nga akong virgin eh!

Maldito - Hulyo 30, 2009

saang parte? virgin my ass!

gasti: ang sabi sa banal na aklat..maniwala ka lang at ikaw ay masasagip.

14. anakngpating - Hulyo 28, 2009

nahuli ako dito ah..di ako naka base haha..

bakit si anne kuya ang napili mo ang payat kaya nyan haha..(nilaet haha..)

pldt kasi ang tagal ng serbisyo 5 araw ako walang net..nyemas yan ..

kamusta naman si nanay dioniscia haha..ang dami ng alahas sa katawan nung matanda haha..kaya maraming nahuhumaling sknyang D.I hehe..

isang upper cut lang un kay manny..haha..

gasti: paunahan ba talaga? hehe! si anne ang napili ko kasi maganda ang kuha nya dyan pero madami rin naman pwede pa. wag lang yung mga gurangis na nagmumurang kamatis dahil nakakawala ng respeto sa matatanda yun.
haynaku sumasakit ulo ko kapag napapanood ko yung mga interview nya. lalo na yung guesting nya sa shall we dance..ampota di ko talaga kinaya! parang hihimatayin ako.

anakngpating - Hulyo 30, 2009

haha,..parang hihimatayin ka..abay sana pinatay mo na lang ung tv hehe..

bisita ka nama dito..
http://anakngpating.wordpress.com/2009/07/30/thanks-giving-list/

gasti: nabasa ko na. hehe! salamat sa pagkakasali ko dyan. ansipag mo gumawa ng listahan ah! kala ko tuloy papanaw ka na.

15. IKAY - Hulyo 29, 2009

pero isa sa mga namimiss ko sa panonood ng TV eh yang mga commercial
na yan…kc d2 sa kuwait halos wlang commercial…pero ayoko ng mga commercial ng mga politiko kakabuwiset…hehehe

at sobrang mahal na nga ng sine jan sa pinas ngayon…eh mas lalo nman d2 kya yung iba nghihintay nlng ng pirated dibedi…or kya nga ngdodowload n nga lng sa internet.

gasti: nasa kuwait ka pala? ahehe! bawal din ba manood ng bold dyan? haha! parang mahirap din yung walang commercial kasi di ka makapagbreaktime sa banyo.

16. Maldito - Hulyo 30, 2009

eh pano ka naman makakapanood ng mabuti kung magkakainan lang din naman kayu sa loob ng kwarto?ha ha ha…sos naman to.

si aling dioni marami nang commercial..ampotah, unfair na talaga ang mundo, nauna pa siyang yumaman sa atin.kaw ba bossing payag ka ba maging kamukha niya para yumaman? ha ha ha..

matutuwa ka ba bossing pag sinabi ko sayu na indi ako nanood ng telebisyon? kung manood man ko, sinusigurado ko sayu na 30 minutes lang kaya kong ilaan..nasusuka na ako pag nag extend pa ng 30 minutes ako.ha ha ha..

sa susunod trust quality condoms na magmomodel si aling dionicia..ha ha ha

gasti: pano ka naman titigasan kung ang endorser ay si Aling Dionisia? sus! sayang ang condom kasi di mo masuot suot..haha! ang sosyal 30 minutes ang airtime ng tv..baka naman nagtitipid ka lang sa kuryente? subukan ko nga turuan magboksing anak ko baka sakaling maging next Manny Pacquiao eh di nakapag artista na rin ako..

17. Jakeyj Junkie - Hulyo 30, 2009

Siguro ganu’n talaga ‘yun, kasi sobrang daming mga Pinoy ang nakaka-relate sa mga sitwasyong pino-portray ng mga teleserye. Nakakalibang na din dahil nga wala nang nangyayaring maganda dito, kaya kumbaga e parang consolation prize na lang. Pero ewan, ako kasi e parang pare-pareho na lang ang formula ng mga teleserye e. Iyakan, conflict, pangangaliwa, pag-asa, may mamamatay – ganu’n at ganu’n na lang.

Buti na lang, may BITAG. Tunay na maasahan. 😀

Ayos panoorin sa sinehan ‘yung talagang may mga dating. Kasi mostly naman e pwede namang pang-DVD na lang.

gasti: ahehe nanonood din ako ng BITAG ni Ben Tulfo.. astig na show! maganda pa nga manood sa TV5 eh

18. xG - Hulyo 31, 2009

hindi na ako nanonood ng tv
so hindi ako makarelate
hahahaha

wala ng JLC sa telebisyon
ano pa ang silbi ng lahat ng ito?

wala.
</3

gasti: john lloyd cruz na naman…tsk tsk! ang lalaking mahilig sa oldies.

19. joan - Hulyo 31, 2009

..saya saya naman dito. ahehehe. padaan lang kuya😉
..natuwa ako dito
“saang parte? virgin my ass!

gasti: ang sabi sa banal na aklat..maniwala ka lang at ikaw ay masasagip.”
..asteeeeeeeeeeeegin. hehe. :>

gasti: haha! o ayan siguro naman naniniwala ka na.

20. naglalambingnacute - Hulyo 31, 2009

ramdam ko kayo…

amft.. naiiritita din ako sa commercial ng mga politician na yan gasti.. ginamit pa yun bata.. sos naman>>

at yun mga comedian ngaun trying hard magpatawa… hay.. wala nga tayong magagawa wala din kaming cable wahahaha

gasti: lahat talaga ng politiko manggagamit. yaan na natin silang mag ubos ng pera sa kakaganyan. pero di ko sila iboboto.
Kris Aquino for president!

21. antuken - Hulyo 31, 2009

tulad ni maldito, di rin ako nakakapanood ng tv mashado. noon, lagi. babad ako sa ch9 atsaka studio23. nung kabataan ko.

ngayon, i’d rather sleep than watch tv. kung mag-tv man. laging discovery, travel&living, axn atsaka biography channel. hehe. laging pagod sa work kaya ang routine ko, tulog pag-uwi. haay.

sabi mo ang lfs (last full show) eh para sa mga syotang walang pangmotel. anak ng… lagi kaming last full show manood ng sine. para di siksikan sa sinehan.

di ako maka-relate sa sinasabi nyong commercial ni mommy ni pacquiao… hahaha, di ko pa napapanood. hahaha.
**extra — oi jeck!!! kumusta ka na?

gasti: sosyal ng mga channel! haha! may biography pa. ok sige yung tungkol sa last full show, pang estudyante lang yun. kasi sa mga nagwork naman, may pambayad na.🙂
dami na commercial ni Aling dionisia kaya. mas maganda nga ang akting nya kesa kay Manny eh.

22. smasherjane - Agosto 1, 2009

dalawa plang kyong pinoy bloggers na nbabasa ko since lumipat akong wordpress knina. so far so good.. preho kyong manyak ni maldito. i like manyaks..🙂

teka lng. nkita mo na ba gnawa ni bf sa mga u-turn slots? nman oh!

gasti: nakanaman! welcome home! so good being manyak? haha! thanks anyway!
yung mga u-turn, nag eexperiment kasi si bf. baka trip nya lang makakita ng mga sasakyan na paikot ikot. pagminsan nagtatanggal din ng traffic light yun eh.

23. anakngpating - Agosto 1, 2009

hi ..favor naman po pa update naman po ng url ko
http://www.anakngpating.com/

salamat..hugs..lovely po hehe.,..

gasti: ayos ah! nag dotcom ka na rin pala..updated na lovely!

anakngpating - Agosto 4, 2009

salamat kuya hehe..

24. Dorm Boy - Agosto 3, 2009

Napadaan lang sa blog mo! Tama ka wala ng quality pinapanood sa TV at dapat pumili lang ng papanoorin sa sinehan! Ayos ang blog mo! Asteeg!

gasti: salamat dorm boy! kaya siguro yung iba nagvideo na lang ng sex scandals para may magandang mapanood. naisip ko lang naman.

25. kathlyx 1596 - Mayo 16, 2010

wow ganda ni anne parang aako……eheheheheheheh….jowwwwwwwwwkeeeeeeeee……………..

gasti: mas nauna ko naisip ang kaseksihan at kakinisan bago yung kagandahan sa picture na yan..hehe!

26. palong palo! « The Invisible Blog - Mayo 2, 2011

[…] at kagaya nga ng sinabi ko na noon, bihira lang naman ang movie na karapat dapat na panoorin sa sinehan. at dahil bawal na ang titilating films, (“tumbok” is not one of those) karapat dapat lang na panoorin natin ang mga pelikulang astigin sa epeks-epeks. gaya na nga nitong latest release ng Marvel comics na Thor. at gusto ko lang sabihin rin na hindi lang isang Avenger ang makikita nyo dito kundi pati na rin si “Hawkeye”. makikita nyo syang aasintahin ng pana si Thor. ganun lang. spolier na ba yun? […]


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: