jump to navigation

basang sisiw Agosto 4, 2009

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments, to whom it may concern, wasakan.
trackback

maulan na naman. marahil umiiyak ang mga anghel sa pagkamatay ni tita Cory kaya walang humpay din ang pagbagsak ng ulan sa buong Metro Manila. o baka naman sa Ortigas lang? di ko alam wala naman ako sa lugar nyo.

bagyong Jolina. taimtim kaming nanonood sa pagdadalamhati ni Kris Aquino sa tv habang ikunukwento nya ang mga huling kaganapan bago namatay ang kanyang ina. pulang pula ang ilong nito sa kakaiyak at kakasinghot sa sipon na naguunahan papunta sa bibig nya. nakakaawa sa totoo lang parang tinablan ako ng mga oras na yun. kahit pa wala akong masyado maalala nung panahon ng panunungkulan nya bukod sa nakakaburat na maghapong brownout at hindi ko mapanood ang paborito kong palabas. akala ko noon, sya nakaimbento ng generator para pagkakitaan tayo. mali ako. pero nababaklaan pa rin ako sa kulay yellow. sorry na Tita Cory! sleep well!

at syempre gaya ng ibang interview sessions, pag dumarating sa kalagitnaan o palapit na sa climax, kelangan bitinin muna para makapagpalabas ng commercials. lipat naman kami sa kabilang channel. may interview rin sila! ayaw patalo talaga..pero teka, si Jolina umiiyak, close ba sila ni Tita Cory? mabuti na lamang at inawat ako ng anak ko ng akma ko ng babatuhin ng elepante yung tv namin. (uu ganun ako kalakas! kapag nakainom ng cobra energy drink.) taragis yan! namatayan lang ng aso kung anong pagdadrama na ang inaatupag! isa pa tong baklang kapatid ni Richard Gutierrez inamo amo pa! nagbigay pa ng regalong aso. wala na ba talagang ibang maibabalita na mas makabuluhan pa dyan? sige next time paglamayan rin natin ah!

kahapon lang, nagpapatumpik tumpik pa ako kung papasok ba akong opisina dahil napakalakas ng buhos ng ulan. mga bente minuto na rin akong nag aabang ng trycycle nung mapagpasyahan kong bumalik na lang muna ng bahay at mag antay ng himala. halimbawa, may isang seksing babaeng nakahubo at nagpapaulan ang dumaan sa harap ko at aayain akong kuskusin ang likod nya ng hindi ginagamitan ng kamay. mga ganung eksena ba. anyways, bago pa mangyari yan ay tinawag na ako ng tito ko para sumabay na lang sa kotse nya papasok ng opis.

makalipas ang isang oras na pasundot sundot na kwentuhan at traffic, nakarating naman ako ng matiwasay sa dako pa roon. umuulan na kaya binuksan ko ang aking ever reliable payong. sa kasamaang palad, biglang lumakas ang buhos ng ulan. nakatirik ako sa intersection kasama ang ilang pedestrians na nag iintay tumawid. letse! anlamig. paiba iba ang direksyon ng hangin kaya wala ring silbi ang payong na dala ko. di rin nakatulong ang mga traffic enforcers na pabor sa pagtakbo ng sasakyan at binabalewala ang traffic lights. samu’t saring mura na ang naglalaro sa isip ko ng biglang may nakisukob sakin.

hindi nyo naitatanong, nung college days ko sa PUP ay sandamukal na mahaharot at kinky na dilag na ang nakasiping este nakisilong sakin kapag may dala akong payong. meron pa nga minsan na sa kasarapan ng kwentuhan ay di namin namalayan na papasok na kami ng motel. pero syempre joke ko lang yan. baka sa kariton na lang ako matulog kapag nabasa na naman ni misis to. ang sinisiguro ko lang sa mga babaeng nakikisalo sa payong ko, bago magkapaalaman, basa na sya. toinks!

ibang kaso naman ito. dahil lalaki sya. basa na agad at naka-long sleeves pa. wala na rin naman ako magagawa kaya hinayaan ko na lang hanggang sa makatawid. iniwan ko na lang din sya sa ilalim ng overpass para magpatila ng ulan. pasensya na. late na rin ako eh! alangan namang ihatid ko pa sya hanggang sa building na pinapasukan nya. abuso na yun. kasalanan ko bang maiwan nya sa jeep yung payong nya?

brief na lang yata ang hindi nabasa sakin. pagdating ko ng opis, hinubad ko agad ang sapatos ko, medyas, at kung pwede lang sana ay pati pantalon dahil abot hanggang tuhod ang nabasa. kaya lang baka ipahuli ako sa guard pag may nakakita sakin. maghapon ko na lang matyagang ibinabad sa fan ng cpu ang medyas at sapatos ko. infairness! buhay pa naman ang mga officemates ko.

Mga Puna»

1. kuri - Agosto 4, 2009

tagal ko na pala hindi nakakadalaw dito. as usual, aliw pa rin ang mga kwento mo pare!

gasti: uy kuri! musta na? ako rin bihira na makadalaw dito eh. haha!

2. a.r.d.y.e.y. - Agosto 4, 2009

napansin din ng misis ko yang iyakan nila kris vs jolina. nakakasura lang talaga ang gma. wala na talagang maibalita. buti hindi pa nila ibinabalita kung tuwing kailan ang regla ni marian.

gasti: simbolo ng kabaduyan talaga yan si Jolina. mas ok pa siguro kung puro sports na lang ang pag usapan natin.

3. anakngpating - Agosto 4, 2009

buti na lang di ako nanonood ng tv haha..

buti ngat buhay pa mga office mates mo hehe..

gwapo ba ung sumukob sayo kuya haha.,..akala ko nga babae hehe..

gasti: tipikal na opis boy ang itsura. di naman sya mukhang holdaper o myembro ng agaw-puri gang.

4. antuken - Agosto 4, 2009

kahapon when i got to work, sabi ng mga tao sa ofis: “mam, holiday daw sa wed!” ako naman: “huh?!? baket naman?!?”

ganun ako ka-out of touch sa mundo. di ko alam na libing daw pala ni cory. masama na talaga ata ang trabaho ko. ni di ko magawang makibalita na sa mga nangyayari sa paligid ko. tsk tsk.

at holiday? ano yun? shempre pa, may pasok kami.

i hate the rain! lagi na lang umuulan.

gasti: hindi mo nabalitaan yun? masyado na nga yata malala ang pagiging workaholic mo..masama yan! napanood mo naman siguro yung libing? ibang klase! di na siguro mauulit yun.

5. IKAY - Agosto 5, 2009

nyahaha! ang korni talaga ni jolens nakngpitumpotpitongpating eh bka nman nanay nya yung aso kya sya nagngangawa…hahaha!

at buti nman alam mong isang himala talaga ang mgkaron ng isang babaeng naliligo sa ulan ng nakahubo..hehehe!

pero buti nlng pla at hindi mo napanood ng live si jolens nung time na yun at bka cguro pinag untog mo sila ni raymond bakla dahil sa kaartehan nila.

gasti: anliit nung aso nya. pag inapakan mo, para ka lang nakaapak ng tae ng kalabaw.
yang mga himalang ganyan talaga ang inaantay ko. nakakita na ako ng ganun dati. baliw nga lang saka madungis.

6. Maldito - Agosto 5, 2009

indi nga? nangyari yung interview kay jolina.indi ko napanood eh..ha ha ha,,ay teka indi rin pala ako nanonood nun. malungkot din ako dahil sa pagkamatay ni cory, iwan ko ba marahil siguro na pinanganak ako sa glory years ni cory..naalala ko tuloy ang pinamigay na “oatmeal” noong panahon na yun dahil nagka hunger crisis sa pinas.he he he…farewell tita cory.

PS: Kahit kailan indi ako nagkaroon ng payong. Ma try nga..gagamitin ko sa tuwing mag ninyt out kami.lols

gasti: totoo yun namatayan sya ng aso. pinag aksayahan nilang pag usapan yun! letse!
nakakaiyak talaga yung pagkamatay ni tita Cory. naisip ko lang na baka pagtawanan ako sa bahay pag nakita tumulo luha ko kaya nakapagpigil ako. haha!
mabisa yang payong. kaakibat nyan ang pagiging gentleman. payungan mo na lahat ng magagandang babae na makita mo kahit pa meron na sila dala.
teka bakit ikaw nabiyayaan ng oatmeal? wala yata ako naalalang ganun! so unfair!

7. bons - Agosto 5, 2009

wahahha! ‘toinks’ haha! sarap din magtampisaw sa ulan lalo ng kung kasama mo ung sinasabi mong hubad na magpapakuskos ng likod na hindi ginagamitan ng ulan! taragis haha kasaya naman nun bumaba naba ang langit sa pagkakataong ganon!? haha

kaswerte naman nung nakisukob sayu eh wala syang kaalam alam na isang magilas na blogger na ang nagpasukob sa kanya! putek kung ako yun papa autograph pako sayu! tapos pa kiss wahahaha!

effective din pala ang fan ng cpu haha!

gasti: pakiss? haha! parang nag aadik lang. dahil sa pagsukob nya, lalo lang ako nabasa! potek yan.
mabisa talaga yung fan ng cpu kasi mainit ang buga nun. dapat nga sa likod ng ref eh! nakakahiya naman.

8. naglalambingnacute - Agosto 5, 2009

wala nga yata talagang tigil ang pag iyak ni kris sa tv di yata nauubusan ng luha e no??? no comment sa jolina thingy.. haha

naku inom ka ng vitamins gasti para iwas sa sakit pag ganyan nababasa😉

gasti: kung hindi sya iinom ng tubig, malamang tuyot na katawan nun sa daming nailabas nyang liquids. wag mo na pansinin si Jolina. pag naalala ko talaga gusto ko apakan yung asong binigay sa kanya.
salamat sa concern. ikaw ba umiinom rin ng vitamins bago magpakabasa?😉

9. azul - Agosto 5, 2009

hmmmm ako natuto na.nagdadala na ako ng extra pants sa ofis para incase na mabasa na naman ako ng bonggang bongga ng ulan ee hindi ko na kailangan magtiis sa lamig ng aircon at basang damit..

gasti: ginagawa mo talaga yun? ayos ah! condom lang kasi ang binabaon ko.

10. Ampness! - Agosto 5, 2009

Mahirap talaga mag-commute pag malakas ang ulan. Kaya nga ako nasa pangnumero-uno ng wish list ang kotse eh. Hehehe

gasti: importante talaga yan. andami na kasi ng populasyon sa Pilipinas. dami kaagaw.

11. shynyrd - Agosto 5, 2009

bumalik daw si Kiko (yung bagyo), nakisali sa parade para kay Cory. ahehehe

gasti: uu nga nag u-turn daw. after pala ng bagyong Jolina eh Kiko na..ambilis!

12. smasherjane - Agosto 6, 2009

kc nman, dpat mligo kna lng sa ulan pag wlang mgandang palabas sa tv. mgpalamig ka muna’t ng mbawasan yang mgka-HOT mo..😀

gasti: hindi na yata kaya ng ligo sa ulan lang itong hotness na ito. haha! pero sige try ko yan after mag gym.

13. Myk - Agosto 6, 2009

bakit pag kasabay mo ako nung umuuwi tayo dati wala namang nakikisilong sa payong ko?

gasti: nagdadala ka rin ba ng payong noon? siguro tingin nila hindi na kasya🙂

14. JoiceyTwenty - Agosto 8, 2009

onga eh, palaging maulan these days. wapak, nakisabay talaga ang pagkamatay ng aso ni Jolina kay tita cory eh no? hahaha. nako kawawa naman si kuyang walang payong! nung maulan nasa bahay lang ako madalas tapos nung lumabas ako aba nahingan pa ko ng pamasahe ng dalawang matandang nakasalubong ko. tingnan mo nga naman ang dulot ng ulan, hindi ka na nga makalabas ng bahay, mahoholdap ka pa ng halos isang daan.

wow talagang kelangan babae lang ang sumisiping eh este sumisilong sa payong mo nung college? hayup! hahaha.. nako mabuti nga’t wala ka dito sa espana, alam mo naman nagiging pacific ocean dito pag ganitong bagyo! kaloka!

gasti: naku nagpadala ka naman sa mga palimos scam na yan. dapat hindi ka agad naniniwala tuloy parang nagpaholdup ka pa.
hindi payong ang kelangan dyan sa espanya kundi bangka. haha! buti nga pwede pumasok samin dati ng nakatsinelas eh wala kasi kaming uniform.

15. mmk - Agosto 9, 2009

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: