jump to navigation

propesyon Agosto 11, 2009

Posted by gasti in muni-muni moments, self review.
trackback

mahigit 3 taon na rin ako dito sa kumpanyang kinabibilangan ko ngyon. naalala ko pa, pinasok ko itong trabahong ito bilang isang tech support. marami ng araw at sweldo ang nakalipas at sa ngyon hindi ko na talaga alam kung anong posisyon ko dito. matagal pa bago ako magretiro at hindi ko rin nakikita ang sarili ko na tatanda sa ganitong trabaho. mabagal ang oras. lumalabo ang mata dahil sa maghapong pagbabad sa computer at sa sobrang kaunti ng empleyado, board games lang ang pwedeng malaro kung magkakaron ng sportsfest.

andito na naman ako sa sitwasyon na palaisipan ang future. alam kong hindi ako makukuntento ng ganito lang. nakakasawa rin namang magpainit ng itlog sa maghapon. gusto ko na ng pagbabago pero saan naman ako magsisimula? san ba talaga ang calling ko? Lord wag muna ah! bata pa ako.

nasisiguro ko namang walang “calling” na mangyayari sakin para maging isang pari. para magbalik loob at sikaping maging malambot ang kwan habambuhay. masakit man isipin pero matagal na panahon ko ng pinamigay ang aking kabirhenan sa iba’t ibang lugar. hindi na ako pwede dyan dahil pamilyado na ko. sayang naman yung mga skills ko kung hindi magagamit. wala man ako sariling parokya, may mga parokyano naman ako. ‘chus!

ang isa pang pinag iisipan ko ngyon ay subukan ang pagtuturok este pagtuturo pala. kaya ko naman yun sa tingin ko dahil napakahaba ng ano ko..pasensya. at syempre gusto ko rin naman hasain ang communication and convincing skills ko. pakiramdam ko nga ay tinatawag na ako ng eskwelahan. “halikaaa na gastii…magturuan tayo! pag aralan mo akong mahalin!”. suportado rin naman ni misis ang ganitong plano ko pero may kundisyon. kung pwede raw ay elementary students ang tuturuan. mas ok pa kung preschool para safe. kamusta naman ang tiwala? Amen.

sa ngyon ay plano pa lang naman ang lahat dahil hindi ko pa sinisimulan ang first step. at yun ay ang pagtuntong muli sa school para kumuha ng ilang education units. bukod pa syempre ang first priority ko sa lahat. yung pagpapalaki ng katawan na kakailanganin ko rin para sa pakikipagbuno sa mga estudyante minsan at maging kaakit-akit kagalang galang sa harap ng mga estudyante at guro. marami pa akong kakaining bigas.

kung wala man mangyari sa planong yan ay subukan ko rin kumuha ng work sa mga government offices. matagal ko na ring gusto subukan maging fixer. lols! pero ang totoo nyan, kahit sabihin nating maliit ang sweldo dun, madami rin namang benepisyo hanggang sa pagreretiro. isama mo pa ang mga under the table negotiations na dahilan ng pagyaman ng iba. sangkatutak rin ang mga holidays at empleyado. anong malay nyo baka balang araw ako na ang itanghal na Mayor ng Marikina. papaanurin ko na lang sa ilog lahat ng kriminal para ipakain sa janitor fish.

Mga Puna»

1. Maldito - Agosto 11, 2009

binay is dis chu?ha ha ha……
ako din gusto ko na magresign..pero indi pa pwdekasi graduating ang mga alam mo na..indi pwde din naman na bigla bigla nalang at indi din pwde na sa sarili ko lang to..
baka early next year magiging successful mangbobote na din ako…ha ha ha..
cge magturo na nga lang tayu..dun din kasi calling ko..ahhaha..
college ako para may kainuman? [pers ba?

gasti: nakanaman! ambilis mo ah! uu patapusin mo muna yang mga scholars mo bago ang sariling kaligayahan..balang araw malay mo gawin ka ng santo.
saka ko na isipin yang pagtuturo sa college pag nasimulan ko na sa elementary..hehe! tayo na at turuan ng kabutihang asal ang mga bata straight from the experts.

2. a.r.d.y.e.y. - Agosto 11, 2009

normal siguro yang nararanasan ng mga katulad nating mid-20’s. kung ano ang nakahain sa future ahead. kung gustu mong subukan na ang convincing skills mo, try mo munang kumbinsihin si misis na payagan kang magturo sa CEU or St. Paul Manila. college-in-whites pre, college. hahaha!

gasti: haha! yan naman talaga ang pangarap kong pasukin na eskwelahan. pero malabo pa kahit gustuhin ko. sa ngyon baka hindi ako galangin ng mga estudyante. saka kamusta naman ang nag uumapaw na tukso. mahirap magconcentrate. pero nakaka excite isipin ang mga posibilidad. hahaha!

3. bernardumali - Agosto 11, 2009

magandang pangarap. masarap magturo. ingat lang sa gobyerno. baka may hiden camera, okay lang sana na makuhaan ka na nagsasayaw ng careless whisper wag lang tumatanggap ng lagay. toinks.

gasti: malinis naman ako trumabaho..hehe! patas naman ako lumaban. supilin ang mga corrupt! magiging asset ako ng BITAG!

4. shynyrd - Agosto 11, 2009

aw pag future talaga pinag uusapan, kailangan seryosohin, dahil hindi pwedeng bahala na si batman..

Kung san ka masaya kuya, suportahan kita.

Isa ako sa magiging parokyano mo. Este,, taga basa lang pala ng blog mo hehehe

gasti: salamat sa suporta. kelangan mahanap ko na ang daan tungo sa kinabukasan. asan na ba kasi yung future ko?

5. apollo - Agosto 11, 2009

hmm… try mo kaya mag-apply sa office pre? then pwede kang magvolunteer na magturo sa mga schools like la salle or ateneo. alam ko, may extra pay aside sa pay sa regular work. hehe…

gasti: office ng school? hmm..yoko sa la salle at ateneo magmumukha akong pulubi dun. ok rin kung pansamantalang part time job muna para mapraktis.

6. bonistation - Agosto 12, 2009

awww magiging kilabot ka ng kolehiyala pag college students ang tinuruan mo hehe!!

kamusta naman ang tiwala!? ahah natawa ako! sobrang laki ng tiwala sa chick-stick mo ah! haha! baka kamo gusto mo eh mag online teacher nalang at ng sa bahay ka nalang mamalage! wahahaha!

hahays!! dumarating talaga sa buhay natin yang nagsasawa tayu sa araw araw na ginagawa natin kaya minsan kailangan nating lumabas at tignan ang paligid upang mas mapreciate pa natin kung anong meron tayu!

gasti: salamat naman sa pambobola. haha! kilabot ka dyan. baka pagkamalan lang akong kaklase nila. online teacher ba? potek! gusto ko na nga magpakalayo sa radiation ng computer eh!
gusto kong makalanghap naman ng sariwang hangin, makisalamuha sa madaming empleyado, mamangka sa ilog, umakyat sa matatayog na bundok. ah basta siguro kelangan ko na ng bakasyon.

anakngpating - Agosto 14, 2009

sama ko jan sa bakasyon na yan haha..

gasti: sige sakay na! mamasyal tayo sa palengke. lols

7. smasherjane - Agosto 12, 2009

naisip mo na bng mgprofessional manwhore? prang bagay syo yun..🙂

gasti: matagal ko na kayang naisip yan pati yung pagiging porn star pero hindi pinalad mabigyan ng break dahil laging nabubuking. concentrate na lang ako sa pambubugaw.

Maldito - Agosto 13, 2009

dyan…dyan ka magaling! bugaw!…ha ha ha

gasti: wag ka ng magreklamo dyan at husto naman ang bayad na inaabot ko sayo!. porsyento lang ang sa akin.

smasherjane - Agosto 13, 2009

tsk tsk tsk, d ka pla mgaling mgtago..

gasti: napakamatapat ko kasing tao kaya ganun. pero magaling pa rin naman ako sa ibang bagay na patago🙂

8. azul - Agosto 12, 2009

ramdam kita gasti..gusto ko na din magresign dito dahil malapit na akong mag 3 years..ahahay..

at parang gusto ko yung idea ni bon na online teacher..ganyan nga sabihin ko sa siopauQ..tiwala naman ako sa kanya ee…pag nasa bahay..ahaha

gasti: haha! dyan kayo magaling..sa pagbabantay. kulang kayo sa tiwala. haynaku! mga praning, mga praning, mga praningning..laging gising, laging gising, laging gisingsing…

9. The Lady in Green Ruffles - Agosto 12, 2009

ayos ah..ako rin, im on my quest in seeking a position in gov’t office..like ko denr..

gasti: ayos din dyan. mapuno. naisip ko rin maging tagabilang ng puno at tagalagay ng marka sa hayop.

10. Dorm Boy - Agosto 13, 2009

Timing na timing ang article mo sa naiisip ko, plan ko na rin lumipat at ayusin ang takbo ng future ko… gusto ko rin magturok! hehehe!

http://dormboy.wordpress.com

gasti: haha! ayos yan dorm boy. turok lang ng turok. napakafulfilling na work.

11. anakngpating - Agosto 14, 2009

ah jan naman ako susuporta sayo kuya gasti alam kong matalino ka(weh) at k ung tatakbo ka nakow iboboto kita naks hehe..ganyan kita ka idol hindi lang sa blog haha..kaso baka pag naging mayor ka na baka di mo na mapansin tong blog at ako..sows eh jan lang ako sa bayan oh heheh..

at pag naging mayor ka..wala ng bawal ha..sayang ang 100 na mga multa sa pinatupad ni mcf eh ehhe.. eh nyemas yan haha..joke lang..
tapos..
pag mayor ka na..baka pwede mo ko bigyan ng magandang trabaho jan sa kinauupuan mo haha..pwede na ang maging secretarya mo hehe..toinx..o kaya taga timpla ng kape hehe..pero alam ko..

teacher ng pre-school ang trip mo kaya dun ka na lang..dun ko ipapasok chikiting ko hehe..toinx..

gasti: di nga nasa bayan ka lang? sige wag ka mag alala..para sa aking minamahal na kababayan, ramdam ko kayo. hindi ko kayo pababayaan.
bigyan kita ng trabaho. ikaw na bahala sa farm at restaurant ko sa facebook pag naging Mayor ako. ikaw na rin ang taga update ko sa twitter at plurk. o ayan ha baka magtampo ka pa. pwede na rin natin pagtrabahuin sa opisina ang anak mo.

anakngpating - Agosto 20, 2009

uu bayan lang ako hehe..
mar (rohas) ikaw ba yan hehe..
wow ha may farm ka rin,resto pa, twitter at plurk hehe..
wala pa kong anak hehe,,.pamangkin ko ung tinutukoy ko hehe..

gasti: 5 mins away lang ako dyan sa bayan. hehe! uu napakabusy ko nga sa kakamanage ng resto at farm. pero infairness kahit pagod hindi naman ako pinagpapawisan🙂
ahh pamangkin. akala ko sya na yung anak ng anakngpating. gulo mo!

12. antuken - Agosto 15, 2009

ako ultimate goal ko kumuha ng 8-5 hrs/day, 5 day workweek na trabaho. saktong sa gobyerno ang nakikita ko. i’ve been with the company for more than 5 years now. carry naman e. ang di carry e ang shifting schedule. plus the tremendous work hours i’m giving now. like 6am ako papasok. i leave the plant almost 8pm na. or minsan mas late pa. kumusta naman ang sleeping hours ko di ba.

hindi ko carry maging teacher. mabilis kse uminit ulo ko bobo e. hahaha. i miss blogging!

gasti: kelan naman daw ang awardings chona? may iniipon ka bang points para maredeem mo sa dec.? hehe! sipag naman. nakakapagod kaya yan. saka nakakawala ng gana sa sex. yoko naman ng ganyang buhay. gamitin mo na ang VL mo.

13. myk - Agosto 17, 2009

Pwede tapos makiki seat in ako sa mga klase mo..

OT: asan na kaya si *beeep hahaha

gasti: haha! ang hilig mo talaga maki-seat in. eh pano kung preschool nga ang tuturuan?
bakit hinahanap mo si kwan? wala na rin ako balita dun.

14. blu.sparks - Agosto 21, 2009

ako tapos na sa job hopping stage..ahehehe
ngayon nasa gov’t na.
hangang retirement na to.
at ok talaga dito.

gudluck parekoy.

gasti: buti naman ikaw kuntento ka na. diretso na lang ang tingin. gudluck din sa career! ayos yan.

15. xG - Agosto 21, 2009

pareho naman tayo
gusto ko maging teacher
kahit ano
basta yung tipong nagtuturo
mga ganun ganun

hindi yata bagay sa iyo

hahahahah

gasti: yung parang pagtuturo sa mga kainan? haha! turo-turo. o sya sige di na nga bagay. kasalanan ko ba kung mukha akong estudyante? haays.

16. joice - Agosto 21, 2009

weeee. change of career ha? hehe! anu ba ituturo mo if ever? education graduate ka talaga?🙂 susuportahan kita dyan! ako kase dream ko talaga magturo, actually kasama sya sa options ko pero sa ngayon gusto ko muna talaga mag-clinic. pag ok na experience ko, tsaka na ko magtuturo para mas maraming matutunan saken ang mga future students ko.🙂

hmmmm, nagpaplano nga kame magbusiness ng mga highschool friends ko..tapos in five years time, dapat daw may business na din kame ng mga college friends ko (na ang goal namen eh magtayo ng review center haha). oh well sana matuloy lahat, at sana may pera na ko para masimulan na yan. hehe!

goodluck saten!🙂 sana mapunta ka kung san talaga ang calling mo:) weeeee!

gasti: IT grad ako. wala nga ako education units eh. madmai naman ako pwede ituro sa estudyante. ako pa?! haha! turuan ko ng kabulastugan na magagamit sa pang araw araw na buhay.
ayos din yang business kung may pera din lang. sige tuloy nyo lang! masaya din yan kung magtutulungan kayo sa negosyo. tagal ko na nga nag aantay wala pa rin calls.

17. deejay - Agosto 24, 2009

goolak sa pagmumuni muni mo gasti. hehehe. genyan talaga minsan, nawawalan tayo ng direksyon. minsan mukhang di na makakabalik sa tamang landas pero somehow, we find our way back.😀

gasti: salamat deejay. naliligaw na ba talaga ako ng landas? haha! parang napariwara eh noh?! di bale mild lang naman to. susundan ko lang yung mabangong amoy at makakarating din ako sa tamang lugar.

18. madbong - Agosto 25, 2009

tol, go for it. wag kang matakot umalis sa comfort zone mo. kung siryosos ka namang pumasok sa government, meron ka na bang civil service eligibility? hayaan mo hinde kita iboboto este iboboto pala kita bilang mayor kung sakali hehe.

gasti: ayun nga ang isa pa. hindi pa ko nakapag exam. salamat sa suporta. hehe! flying voter ka naman.
seryoso naman ako palagi. lalo na kapag nauubusan ng pera.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: