jump to navigation

hindi na ako maka-shoot Setyembre 22, 2009

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

eto ang resulta ng 3 days long weekend sa akin. lahat na yata ng parte ng katawan ko ngyon ay masakit dahil sa ginawa kong ehersisyo nitong nakaraang araw, ewan ko ba kung bakit kailangan maging ganito ang epekto ng pagjogging sa katawan. wag nyo sabihin saking mahina ako. eh bakit marmol ba kayo? siguro nabigla lang.

gusto ko naman kasi sulitin ang sampung pisong binayad ko bilang entrance fee sa sportscenter eh. para kunyari sosyalan naman ang pagtakbo at feeling professional runner na umiikot sa oval. malayo sa mga commoners na makakasabay mo sa riverpark habang nag eenjoy sa view ng mga puno at janitor fish at syempre ang paglanghap ng sariwang hangin kapag nagbagsak ng jebs ang mga kalabaw doon.

hindi ko na napigilan ang sarili kong paspasan ang takbo at iwanan si misis na parang naglalakad sa luneta. para kasing maghihikab lang ako pag nagsabay pa kami kaya kumaripas agad ako ng takbo. at ayun nga, makalipas ang tatlong ikot, parang gusto ko na humiga sa damuhan habang hinihintay si misis na bumagsak sa mura kong katawan at magpaikot ikot kami na para bang isang eksena sa pelikula. pagkatapos syempre, jackpotan na yun. pero sa kasamaang palad, walang ngyaring kunganoman. nagkabadtripan lang dahil masyado sya nagmamadali. lahat na lang. kumbaga sa anuhan, gusto nya pasok agad. eh ako gusto ko yung marami pa dinadaanan. haaays life is so short, why won’t you let me love you before we run out of time.

anyways, hindi ko alam kung makapagjogging ulit ako next weekend dahil wala naman kasiguraduhan ang panahon ngyon. pero sana maka limang ikot naman ako next session. sarap din yung pakiramdam ng pinagpapawisan. lalo na kung may kasama kang nagpapapawis. ahihi! parang iba yata yung dating.

gustong gusto ko talaga magexercise sa totoo lang. kung mabigyan ako ng pagkakataon na makapagleave ng kahit 5 linggo lang para sabayan ang training ni Pacquiao sa Baguio ay lubos kong ipagpapasalamat ito. mag aaply na rin akong sparring partner / punching bag nya para sulit naman ang bakasyon. kaunting sakripisyo lang yan kapalit ng muscles na pwede kong isiksik sa nanghihina ko ng katawan. magtiwala kayo sakin. kaya ko pa!

Mga Puna»

1. popoy - Setyembre 22, 2009

eh o tama talaga yan, magexercise tayong lahat. mabuti sa katawan. eh pede ka naman magexercise kahit nagwowork. yung simpleng paglalakad eh ayos na. minsan sumayaw sayaw ka din ng nobody but you dahil maganda yun sa pwet. kung bakit maganda sa pwet eh hindi ko alam, gawa gawa ko lang yan.

eh ako nga pinakaexercise ko tuwing papasok eh yung maglakad mula ayala station ng MRT hanggang dito sa Paseo De Roxas. eh o san ka pa? pero binabalak ko ding magbuhat ng bakal, o kaya mag construction tuwing weekends. lol

gasti: haha! ayos yang plano mo dagdag muscles na. dagdag kita pa. sawa na nga ako sa paglalakad laging ganun na lang ehersisyo ko. ayaw ko yang nobody, gusto ko yung boom boom pow. masarap sabayan.

2. Nikko - Setyembre 22, 2009

hahahha
lampa ako hindi marmol hahaha
kaya mas mahina ako sayo kung mahina tingin sayo ng ibang tao

napadaan lang po
para makibase…😛

gasti: kamusta naman dyan? nalito ako sa gender mo. hehe! wag mo sabihing lampa ka. hindiu ka lang siguro marunong mag ingat. hmmm…mas ok ba yun? haha!

3. antuken - Setyembre 22, 2009

good luck. hehe. i tried jogging too. didn’t enjoy it. hahaha. kaya eto, tumataba na. hehe.

gasti: haha! baka wala kang kasamang fafable kaya di mo naenjoy. try mo ulit!

4. myk - Setyembre 23, 2009

kaya ko naman mag 5 ikot sa oval pero lakad jog lakad lakad jog lakad nyahahaha

gasti: kaya naman cguro yung 5 ikot pero hindi diretso takbo. mga 2 breaktime cguro ayos na. haha!

5. smasherjane - Setyembre 23, 2009

DOMS and tawag dyan sa sakit ng katawan mo. google it.

at tama ya, mgexercise ka’t mgpalaki ng katawan pra pag ng-EB kyo sa october, ma-inlove syo yung mga ksama sa 75%..

gasti: parang iba pagkaintindi ko sa sinabi mo. haha! teka ma-google nga.
naku mukhang di aabot sa October, pangmatagalang ehersisyo ito eh. siguro 2010 pwede na. para sa sarili ko lang ito ginagawa ko.

6. Dorm Boy - Setyembre 23, 2009

Gusto ko rin magexercise at sumakit mga katawan ko pero di ko magawa!!! Hay layp!

gasti: hmm..maglasing ka tapos maghamon ka ng away sa mga kapitbahay. siguradong sasakit katawan mo nyan. hehe!

7. Akrebley - Setyembre 23, 2009

Before ginagawa ko yan pero brisk walk lang, mabilis kasi maubos ang lakas pag takbo ang ginawa.

gasti: brisk walk naman ako lagi kahit saang lugar. nababagalan pa rin ako kaya gusto ko takbuhan naman kapag nasa jogging lane. pero ok din yan pag medyo pagod na pamparelax.

8. lio loco - Setyembre 23, 2009

tangina. natawa ko run sa paikot-ikot sa damuhan na may kasamang jackpotan imaginings. lol!

mukang may pinaghahandaan ka ginoong gasti at pasexer-sexercise ka pa ngayon sa sports center. hehe.

sa kasamaang palad, di ko pa naiispotan si pakyaw rito sa session road. san na nga ba ule siya nagti-training?

gasti: pinaghahandaan ko lang ang kinabukasan ko. lagi ako nanghihina kasi walang ehersisyo.
nasa Baguio ka pala? di ko alam saktong lugar ng piunagtrainingan nya eh pero dun yun sa “Cooyeesan Hotel’s Shape-up Gym”

9. azul - Setyembre 23, 2009

namimiss ko na tuloi ang magjogging tuwing umaga kasabay ng bespren ko..tsk tsk..

kamusta naman ang mga binti mo?

gasti: magjogging ka ulit, baka makahanap ka pa ng bagong bestfriend dun. haha! ayos naman ang mga binti ko. hindi naman ako nabaldado.

Maldito - Setyembre 24, 2009

take it from me: pag hindi na makatakbo dahil sa foor strain, gumamit ng wheel chair…diba? ang talino ko talaga..hay mga pans!ahahahhaa

gasti: haaays lulong ka na naman sa droga. pag hindi na makatakbo, gamitin ang kamay.

10. Maldito - Setyembre 24, 2009

mabuti ang ganyan…mag barbel ka habang tumatakbo…tignan natin kung makakaabot ka pa ng finish line.ahahhahaa..
ako nga hindi na rin nag gygym..inabot na naman ng katamaran..lumalaki na ang beer belly, pero sabi nila mas sexy nga yun eh.lols

gasti: naisip ko nga rin na kargahin na lang si misis habang tumatakbo pero baka naman ikamatay ko na yun. haha! badtrip yung gym sa may amin closed for renovation. nagtyatyaga na lang tuloy ako sa pagjogging.
ang sabi nga ng iba, “ang tunay na lalaki, malaki ang tyan.”

11. shynyrd - Setyembre 24, 2009

ayay..kaya ayan, tinamad ako mag jog.. toinks…

gasti: tinamad ka mag jog nung mabasa mo itong entry ko? salamat. laking tulong pala.
sana wag umulan bukas ng umaga! ready to fight na ko.

12. bonistation - Setyembre 24, 2009

sarap talaga pag pinapawisan matapos ang pag tutok sa computer at sa cubicle sa office. hirap lang din i maintain kasi minsan nauunahan ng “nakakatamad” mas masarap pang mahiga o matulog hehe.

limang linggong pahinga!!? astig ng pangarap haha!! parang OFW lang ah!! 45days vcatioN! yahuuu uuwi nako idol!! bakasyon pinas! makakapag practice na naman ako ng ano…. (hehe)

gasti: magpraktis ka gumawa ng bata? haha! ayos yan sige suportahan kita. mabuti naman at nakakabisita ka pa rin ng pinas. wala ka man lang ba pasalubong sakin?

bonistation - Setyembre 25, 2009

haha oo ba! meron! kaso lang eh masyado kang sikat baka walang chance na makita kita (lols!)

13. lovely - Setyembre 25, 2009

hehe sampu na ang bayad sa entrance ng sport center..my gosh..5php lang dati ah..kaya pala kung humingi ang kapatid ko dati 20 lang ngayon 50 na..si mcf nga naman hehe..

haha..natawa ko dun sa damuhan naimagine ko tuloy ung pagulong gulong kayo dun haha..hang kulet hehe..ang laki-laki nun eh hehe..wag lang maputik ang damuhan haha..

kaya mo pa ba talaga kuya gasti hehe..
bat di mo itry ang mag bike din..at basket ball
pag nanghihina ang tatay ko ganun ginagawa nya..aakyat sya ng antipolo..hehe..

14. smasherjane - Oktubre 7, 2009

tsong, mgparamdam ka.. alam ko from marikina ka kya i’m a bit worried for you and your family.. hope you’re ok..

gasti: thanks jane. kasama kami sa mga binaha pero ok na naman kami sa ngyon. andami nga lang kelangan pa ayusin kasi magulo pa rin ang bahay.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: