jump to navigation

ondoy in my life Oktubre 8, 2009

Posted by gasti in bagyong ondoy, kamalasan, muni-muni moments.
trackback

“Bangon Marikina! kaya natin ‘to” – MCF

nakakapagod ang nagdaang araw. hindi nakaligtas ang bahay namin sa pagdaan ng bagyong Ondoy. kahit gustuhin ko man isipin na mas maswerte pa rin kami kumpara sa mga residenteng nakatira sa provident village ay hindi ko magawa. napapailing na lang ako minsan kapag naalala ko yung ngyari. hanggang ngyon hindi ko parin naiuwi ang sasakyan namin na lumubog dahil nasa pagawaan pa at kami naman ay nakikitulog muna sa tita ko dahil magulo pa rin ang itsura ng bahay.

hindi ako nagkukuwento rito para manghingi ng awa o kahit na anong donasyon. kahit papano, maayos naman na ang buhay namin dahil may trabaho pa rin kaming binalikan. nakatanggap na rin kami ng tulong mula sa kanila. nakapag stock na rin kami ng sangkaterbang delata at noodles bago pa man dumating yung bagyong pepeng. andun pa rin sa bahay at hindi maubos lalo na yung sardinas dahil hindi naman ako kumakain nun.

unang beses ngyari ang ganung kalalim na baha sa lugar namin. kwento nga ng tatay ko simula nung lumipat sila sa Marikina galing ng Cagayan Valley noong 1960’s pa ay pinakamalalim na ang hanggang hita na baha. hindi pa sementado ang kalsada noon at hindi pa napapagawa ang bahay.  may mga ilang pagbaha na rin akong naranasan at nilusong pero sa buong buhay ko ngyon lang ako napalakad sa baha na umabot na sa leeg ko. partida na nakatingkayad pa ko nyan at tanging flashlight lang ang ilaw habang naghahakot ng gamit papunta sa kapitbahay. malas lang kasi wala pang 2nd flr ang tinirhan namin kaya pahirapan talaga magsalba ng gamit. kahit anong patong na ang ginawa, inabot pa rin. pasalamat pa ako dahil hindi inabot ng baha yung itaas na kama ng double deck dahil marami rin kaming gamit na nilagay dun. malas lang talaga nung van dahil hindi ko naman kayang buhatin yun at isampay kung saan.

ligtas naman ang lahat ng pets. pati mga laruan ko nailikas na namin bago pa magsilanguyan lahat. nagmukha nga kami rescue team ng kapatid ko dahil nung kasagsagan ng bagyo ay kami lang ang mga lalaking pwedeng magbuhat sa compound namin. 4 na bahay  ang nagpakasasa sa mura naming katawan. daig ko pa ang naggym sa binuhat naming 4 na refrigerator,  tv, electric fan, washing machine, sofa, lamesa at sangkatutak na kahon na puno ng mga libro, damit at kung anu-ano pa. pagkatapos ng lahat ng pagbubuhat ng yan, alas dose na at ang tanging laman ng tyan ko ay cup noodles na lumutang sa baha at makunat na chicharon.

ganun din halos ang naging eksena nung mga sumunod na araw. walang mabiling pagkain sa palengke, panic buying ang mga tao sa supermarket at offline lahat ng ATM. ang kinakain naming kanin ay galing sa bigas na lumubog sa baha kaya yung pagkakaluto ay papasa ng lugaw. walang kuryente simula sabado hanggang huwebes. pagod ka na sa pagtanggal ng putik sa bahay, kelangan pa paypayan ang mga natutulog kong chikiting sa gabi. sumatutal eh 4 na araw akong hindi pumasok sa trabaho.

tambak ang mga basura. eto yung mga panahong matutulala ka na lang sa sobrang dumi ng paligid. hindi mo alam kung san ka magsisimula. titingnan mo pa lang, pagod ka na. mabuti na lang din at hindi naman kami nagkasakit kaya sige pa rin sa paglinis. naawa na ko sa misis ko dahil kahit anong tibay nya, hindi nya napigilang mapaiyak nung makita nya ang ganung eksena. gastos na naman.

gusto ko lang magpasalamat sa mga concern citizens gaya ng mga bloggers na naging kaibigan ko na rin dito. at sa mga iba pang tao na mahilig lang talaga makiusyoso. huling beses ko na ito gagawin at pagod na rin ako sa pagkuwento. recovery period muna tayo ngyon.

Mga Puna»

1. Jeck - Oktubre 8, 2009

pareng gasti, mabuti naman at nakaka-recover na kayo ngayon. this too shall pass. sana matuloy pa rin yung inuman natin nila maldits. libre na daw nya lahat!

gasti: salamat naman kung ganun. medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil sa balita mo.
alak naman ang babaha next week. malapit na yun.

2. lovely - Oktubre 8, 2009

glad to know na ok ka kuya at ang pamilya mo..lalo na ang mga chikiting..kahit kami nahirapan din..pero mabuti na lang di inabot ung 2nd floor kundi nasa bubong na rin kami, walang piniling lugar ang baha noh, wala ring piniling mahirap o mayaman..nagawa din namen na kumain ng bigas na lumubog sa baha, sobrang panic buying talaga ang nangyari,.wala ring mabili dahil ang palengke natin nilubog din di din nakapag handa ang mga may negosyo..
pero sa ngayon medjo nagiging ok na ulit, basta tulong2 talaga ang mga taga marikina..salamat din sa mga nag bigay ng tulong..satin..tayo kasi ung pinaka na apektuhan..

di mo akalain talaga ung nangyari..kayang kaya ng lahat to..
makakabawi rin tayo at pinangako ng BF na magiging ok na ulit satin, tayo pa rin ang magiging cleanliness na bayan heeh..di talaga sya papatalo..
sa fb ko nakita yan love istori na yan haha..tawa talaga ko ng tawa hehe,,.

gasti: onga magkabayan tayo kaya malaki din baha dyan sa inyo. buti hindi naman umabot sa 2nd flr kasi talagang mahirap na yun nag abang ka ng rescue sa bubong.
andami pa rin kelangan linisin ngyon sa marikina. andami talagang nalugi negosyo ngyon baka hindi na rin magkaron ng tyangge sa ilog.

lovely - Oktubre 16, 2009

iniisip ko na nga kuya kung mag kakaron pa ng tyangge sa ilog mukang hindi na yata..may naririnig ako na ililipat sya sa tapat ng munisipyo pero maliit na lang un dun di na tulad ng sa ilog..
saka mukang matatakot ang mga negosyante di ba may nakaraan na ang mga tyangge noon dun nilubog din ng tubig sobrang nalugi..dahil din sa baha..

3. bonistation - Oktubre 8, 2009

habang binabasa ko ung mga pets ang nauna koang naisip haha! kasi alam ko hindi mo naman pababayaan ang pamilya mo pero nag alala ako s amga alagang hayop kasi hindi sila priority for sure.. pero sa pagpapatuloy ng pag babasa ko buti nalang at nabanggit mo na dun na safe sila haha itatanong ko talaga kasi ang tungkol sa kanila hehe.

buti at ok na uli kaung lahat. tiis lang din talaga! hays ako din naranasan ko ang ganyan sa nueva ecija nung 20004 pero hanggang bewang lang ang baha sa loob ng bahay! taas na din nun at nakakapagod mag buhat ng mga gamit nakakjapan lumo!

hayss!

gasti: talagang mas concern ka pa sa mga pets kesa sakin? hehe! uu ok naman sila matibay eh..yung mga isda ng kapitbahay namin namatay lahat kasi 5 days wala kuryente.
nakakapagod talaga magbuhat kasi hindi naman ako prepared. wala nga ako exercise eh kaya parang nabigla yung katawan ko. buti hindi naman ako nagkasakit. muntikan lang.

4. smasherjane - Oktubre 10, 2009

“huling beses ko na ito gagawin at pagod na rin ako sa pagkuwento. recovery period muna tayo ngyon.”

seryoso? nalungkot nman ako.. sna sabbatical lng, bkasyon kna lng muna, everyone who had to go through that ordeal need rest aplenty.. pro wag kng mgpaalam.. don’t go, please stay beside me wwhhooooo..

you’re one of my blogger strongholds, at khit d pa tyo ngkita, ngtext o ngusap sa personal, alam ko ka-wavelength kta kya pag nwala ka sa blogosphere, liliit ang mundo ko.. so i’ll keep coming back to your page every now and then to check when and if you’re back..

gasti: hehe! natawa naman ako dun. thanks jane! ang ibig ko lang naman sabihin eh titigilan ko na pagkuwento nung tungkol sa bagyo. pero nakakatuwa naman na gumaganyan ka. napapakanta rin ako.
♫Wait until I can tell you all my schemes..Chasing rainbows spinning dreams…
Finding someone to love like you♫

smasherjane - Oktubre 13, 2009

yun lang! buti nman kng gnun..

na-LSS ako sa kntang yan nung isang araw, lech.. lamig kc boses ni jmc.. alabit..

gasti: onga malamig boses nya..walang sabit. giniginaw nga ako pag naririnig ko sya kumanta.

5. Maldito - Oktubre 11, 2009

dapat lang talaga na unahin ang mga alaga keysa sa sarili….code of conduct na yan sa mga animal lovers and breeders..ahahahahaa.
noong last year ako, ngayun ikaw naman ang binahaan….magiging Ok din ang lahat, basta importante buhay tayu, may trabaho at may mga tao tayung mapupuntahan sa oras ng kagipitan..
napaluha ako sa comment ni jeck..parang hindi siya eh.ahahhahaa
ingat bossing…maglagay ng kapote.wahhaha

gasti: haha adik syempre kunyari member ako ng PAWS na tagasagip ng hayop nung bumagyo. gusto ko nga iurong ng onti ang pinas palayo ng I.T.C.Z. para naman hindi na maging daanan ng bagyo.
nagseseryoso naman yan si jeck pagdating sa kalamidad. saka sa lovelife. hehehe!

6. antuken - Oktubre 11, 2009

i forgot na taga- marikina ka. it as maldits who reminded me. tinatanong nya kse how you were. hindi ka raw nya ma-contact. e wala rin naman akong contact number mo, so hindi ko rin sya ma-update.

one of life’s trials ang pangyayaring naganap dahil kay ondoy. it’s good that you’re okei.

ang bahay namin (my mom’s) malimit binabaha rin. kaya i hate the rain. i never liked it. kse kahit walang bagyo, minsan binabaha kami basta dire-direcho ang ulan.

as expected, binaha kami. pero it’s nothing compared to what happened to you guys na anjan sa marikina/rizal/pasig area (tama ba scope ko?), kaya kahit papano, pasalamat na rin.

maldito texted me last week ata na tuloy na nga daw sya. kaso parang ang sinet nya na date, sunday. tama ba?

gasti: hindi na rin naman ako nagtxt nung mga araw na nagliligpitan. magulo pa kasi sa bahay. eto ayos naman. sana lang wag na maulit yung ganung pagbaha kasi nakakaubos ng lakas. buti ok rin ang family mo. mas mataas nga siguro dyan compared dito samin.
yup sunday nga yung dating nya. sana lang wala na bagyo.

7. joice - Oktubre 12, 2009

buti ok ka na.. yung anak mong cute na cute, ok lang ba sya? hay. ondoy talaga.

oh well. patuloy kong ipapanalangin ang kaligtasan mo at ng pamilya mo.

gasti: thanks joice! ok naman kami lahat. mukhang enjoy pa nga ngyon yung anak kong yun kasi nahilig maglaro sa tubig. parang wala naman epekto sa kanila ang pagbaha.

8. madbong - Oktubre 12, 2009

di bale yang baha, importante wala sa pamilya mo ang nawala. yung klameyt ko nung hayskul laglag ang pangkabuhayan dahil wala ni isa na naisalba dun sa internet shop niya. gagawin na lang daw niya ngayun na kapitan ng talaba yung mga pc niya.

gasti: lugi talaga mga business dito samin kasi lahat binaha. hanggang ngyon nga eh naglilinis pa rin sila. kami naman nagpapaayos na rin ng bahay. ang hirap lang ng palipat lipat nakakapagod na.

9. alaehboi - Oktubre 13, 2009

sir, saludo ako sau…bow

gasti: ala eh salamat na rin. carry on.

10. lio loco - Oktubre 13, 2009

huli man daw at magaling, it’s the thought that counts.

ginoong gasti, sana okei ka na, higit lalo sa anak at asawa mo. dama ko ang seryosong tono ng post na ‘to maski na andun pa rin ang kakaibang “gasti wit.” lahat na ata ng taga-luzon naapektuhan ng lintek na mga bagyo. kahit dito samin eh hindi minintis ni pepeng. tsk!

isipan mo na lang , parating na naman ang isa pang super typhoon diyan senio. ang pangalan: maldito. hehe.

ingat ginoong gasti!

gasti: hehe salamat sa suporta. nakalabas ka na ba ng baguio? grabe din ang pinsala dyan ah. hindi nga binaha pero landslide naman..tsk tsk!
kinabahan ako ng onti sa nabanggit mong super typhoon. langya si maldito pala..malapit na nga sya dumating. inaabangan na sya ng mga pulis dito.

11. popoy - Oktubre 22, 2009

gasti, nakakalungkot ang nangyari at isa din pala kayo sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. hindi ko alam na taga Marikina ka din pala. sana eh ok na kayo ngayon at nakamove on na sa pangyayari. nawa’y hindi na maulit ang ganitong kalamidad sa mga susunod na araw, buwan, taon… Ingat!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: