jump to navigation

sunshine after the rain Oktubre 28, 2009

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

panahon na siguro para mapatungan naman ng ibang entry ang mga kadramahan na dulot ng bagyong Ondoy. sana masaya sya sa kung saan mang lugar sya naroroon..tangena nya. ahehe! may galit pa din.

kasalanan nya kung bakit naging praning ang mga tao sa bagyong Pepeng at Ramil. hindi na pwedeng makipagsapalaran ngyon.

nakuha ko na last week ang sasakyan namin mula sa pagawaan. mahigit 3 linggo rin yun nakatambay at mabuti naman maayos na ulit ang takbo nya. ayoko na lang sabihin kung magkano ang nagastos para wala ng magcompare notes sa mga nagastos natin. ayos na yung ganyan.

at teka, nabaklaan ka na naman sa title ng entry ko? “ur my sunshine after the rain, ur the cure against my fear and my pain..coz I’m losing my mind when ur not around..it’s all…it’s all because of you…”  toinks! o sige isisiwalat ko na ang mga nagbabagang balita sa araw na ito..

* nairaos namin ng masaya at magulong  pool party ang bertdeyan ng anak  ko sa antipolo. panalo ang lahat ng games, food at prizes. atleast dito, hindi na baha ang nilusong namin kundi swimming pool na.

*masakit man sa puson pakawalan ang 2 sa aking precious romance collection, ipinagbili ko na ito sa isang kuripot na seller sa isang website. nakipagkasundo ako makipagkita sa may mrt taft station at after 1 and a half hours kong paghihintay ay nakuha ko rin ang bayad. kumaripas ako ng lakad-takbo pasakay ng mrt at pabalik ng ortigas parking. pawisan pa ako at sinisikap na habulin ang hininga para naman hindi mapagkamalang bastusin ng kahera..sabay tanong ng maikling linya na kadalasan ay binibitawan ng mga pokpok kapag nang aalok ng bilasang karne sa kung saan…

gasti: anong oras na? *sabay flash ng smile na nakakaputi ng kili-kili.

parking girl: sir, 6:59 na po!…

gasti: ah ok sige eto na yung card ko, pa-out na!

parking girl: sige sir akin na bilisan nyo..dali! bilis pa…bilis pa..ahhhh! more! more! say my name! uhhhhmmm (fading sound) (hingang malalim)

pasensya na na-carried away lang. ahehehe! time out is 7:0o pm. pasok pa sa early bird promo period. praise the Lord!

at after 5 attempts na patakbuhin ang makina, gumana naman. putris, muntikan na ako hindi makalabas. naniniwala akong meron akong guardian angel..na palabiro.

* hindi na umandar ang sasakyan after 3 rides kinabukasan. parang naubusan ng token ampota. pero ayos lang naayos naman agad. nagkaproblema lang ang starter..nalagasan na naman ako ng 300.

* at eto hindi ko alam kung magandang pangyayari ito maituturing dahil hindi naman ako naka-attend sa mismong eb day sa Choosen Common Ground..(isipin nyo na lang na baha pa rin sa lugar namin para hindi na kayo masyado magtampo) nagkita na kami ni Maldito after almost 3 years of long distance relationship. ambakla ng term pero hindi na mahalaga yun. ang importante, pogi kami. saka hindi pala sya bading gaya ng inaasahan. haha! medyo tahimik pala yang taong yan. halatadong nakikiramdam. yung mga tipong bigla ka na lang susunggaban pag napalingat ka sandali. be afraid. be very afraid….ang kalbo, masamang tao.

biro lang yun. mukha naman syang mabait. ahehehe! sabay bawi. pasensya na lang dun sa mga hindi ko nasipot sa Malate. medyo nagkaron lang ng aberya. ganun talaga eh! bawi ako next time.

Mga Puna»

1. Jeck - Oktubre 28, 2009

wala nang next time! bwahahah dahil ang next time e malamang kasal na nila Xg at maldito! lols

3 years na pala kayo ni maldits? kami mga 2 1/2 pa lang e. bwahaha!

pasakay kami minsan sa tsikot mo. tsaka psp game sharing naman!🙂

gasti: haha! next time kasi wag nyo na i-broadcast. nahihirapan ako magpaliwanag eh.
3 magkasalo? hinulaan ko lang yang numero na yan eh! tamad ako magbrowse sa archive. wag ka mag alala pasakayin kita next time tapos pick up tayo babae…lols parang gangbus lang. ipapaayos ko pa yung psp ko.

2. antuken - Oktubre 28, 2009

ang engot naman kse nyang si maldito. sa lahat naman ng pangalan na sasabihin sa text, pangalan ko pa. pwede naman si jec(k)sica. hahaha.

nakalimutan ko nga pala rin banggitin sa post ko yung tungkol sa kabaklaan issue ano? hehe. still, hindi pa rin ako magbibigay ng conclusion kung bading ba sya o hindi. i need more time. hahaha.

gasti: onga eh naexcite siguro kaya ganun. malakas pa naman makakutob ang mga babae. ayun nadale. sige next time sipatin natin maigi. di ko nasilip kung burdado ng bulaklak yung brief eh!

3. smasherjane - Oktubre 29, 2009

ayan, back to (ab)normal na si gasti.. yeahboy..

gasti: syempre hindi naman pwedeng magmukmok na lang ako sa isang sulok habang buhay…hindi ako yun. this is it! awww!

4. lovely - Oktubre 29, 2009

haha..andaya di ako invited sa bday swimming ng anak mo kuya ehhe..yay.

haha..3 taon na rin pala tagal na rin..
ui kuya may tyangge pa din sa ilog akalain mo un..:))
mcf talaga di papatalo hehe

gasti: punuan na kasi kaya di na kasya..ahehe! andami pa dumisa gilid ng ilog ah! kung magkatyangge man dun baka kalagitnaan na ng november kung talagang hapit sila. panata na raw kasi yun every year.

5. Maldito - Oktubre 31, 2009

hahaha..gago. hahay…sa sobrang nabasa ko dito..wala na akong masabi…
wala naman akong dapat patunayan.hehhee.bahala na kayo.wink wink.
sayang hindi niyo tinignan brief ko nun…sos kayu…naka cross stitch pa naman ako nun.heheh

gasti: haha! o sige na nga di naman talaga big issue yang kasarian na yan basta totoong tao. maigi nga rin at lalaki ka kaya safe naman ang virginity nating dalawa.
oops nakalimutan ko pala banggitin si Tony..ahehe! baka magtampo. kasama rin naman natin sya sa megamall.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: