jump to navigation

unlipops Disyembre 8, 2009

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

napansin nyo na rin bang Disyembre na at malamig na naman ang simoy ng hangin at kay saya ng bawat tanawin? sana lang wala kayo sa Maguindanao para maappreciate nyo rin yung pinagsusulat ko rito. look to the brighter side. buhay ka pa rin diba?

eto ako ayos naman. masaya rin yung naging experience ko sa fieldtrip nung anak ko. medyo napahiwalay nga lang kami sa ibang estudyante at magulang dahil hindi kami sumusunod sa mga rules and regulation. gaya na lang nung pumunta kami sa bahay Tsinoy..

tagabantay: Sir bawal po picturean yan.

gasti: alin? ito ba? *sabay pindot ng camera..ayos lang yan..minsan lang naman to eh!

mabuti na lang at masunurin itong anak ko sakin kaya hindi naman ako masyado nahirapan bantayan sya. hmm…teka..parang ako pa nga naging sunud sunuran sa kanya kasi sya ang nagdedecide kung san kami pupunta. pero wala naman syang angal pag gusto ko na sya kuhaan ng picture.  basta wag lang sa estatwang nakakatakot. (kasama na run si santa claus. haaays!)

ang sunod na destinasyon eh sa aerospace. madami eroplano dun. tapos sa bioresearch. madami isda dun. ang galing ko magkwento ano? lols! lagyan ko na lang ng konting pictures para mas ok.

meron pa kami libreng isda na inuwi. buti nabuhay pa. wala naman siguro natutunan ang mga bata sa pinuntahan namin sa totoo lang dahil anong asahan mo sa nursery? basta busog mata nila ok sila. kunyari ikaw makakita ng nakaburles na sandamukal..mga ganung eksena ba.

at ang huling destinasyon eh sa star city. dito na ko napagod. andami sanang rides pero karamihan hindi pa pwede sa mga nursery dahil may height limit. ayos pa rin dahil mukhang nag enjoy pa rin yung anak ko sa pagstrolling namin sa lugar lalo na dun sa Dino Island dahil mahilig sya sa mga dinosaurs.

balik aral na naman. extra challenge sa mga kagaya ko ang pagtuturo sa bata pag may palapit na periodical exam at sa inaraw araw na lintsak na assignments na yan. pahirapan pa naman mangumbinsi ng bata. ewan ko ba sa mga titser talaga na parang hinahamon ang pasensya ko dahil kahapon lang ako nakakita ng 1/4 ng buong libro ang assignments na binigay. sumosobra na talaga itong mga madre na to…tsk tsk! syempre ginawa ko na ang pinakalohikal na pwede gawin ng isang butihing ama sa mga sitwasyong kagaya nito na nahihirapan na ang anak. sinagutan ko yung assignments nya. ahhahaha! akala nila sister Rita mananalo sila sakin ah! ayan checkan nyo maigi yang sagot ko..perpek yan!

pero syempre hindi naman lahat. gusto ko rin turuan ng tamang study habits yung anak ko. kaya lang inantok na eh kaya tinimplahan ko na lang ng dede.till next study session na lang ulit. hindi pa tayo tapos mga Sisters.

anyways, malapit na rin ang bday ko. kung hindi kayo magpapadala ng greetings ayos lang. sino ba naman ako sa buhay nyo? ganyanan naman eh..ahehe! wag na kayo mag abala pa. pero kung tatanungin nyo ako kung ano gusto ko..etong sagot ko dyan. unlipops!

Mga Puna»

1. antuken - Disyembre 8, 2009

hahaha. advance happy birthday. ano ba yung unlipops? di ko yun alam e.

gasti:😀 yan ang nauuso ngyon eh. yung unlimited.

2. Maldito - Disyembre 9, 2009

unlimited pops?ahahhaa..di ka ba mapapagod niyan?ahahaha
if i know…nahirapan ka sa pagsagot ng assignment ng anak mo.ahahahha..
nakita ko nga ang pictures sa facebook..mukha ngang ikaw pa ang nag enjoy keysa sa anak mo eh.lols.
yung unan picture..akala ko si gina alajar.lols

gasti: marami naman akong naipong lakas eh..tagal ko na nga hindi nagagamit ang skills ko sa ganyan. ano naman ang mahirap sa pagconnect the dots? ahahha! maning mani nga!
matanda na si gina alajar para ikumpara mo sa picture na yan..haha! ganda nga nung pagkakagawa sa istatwa eh mukhang buhay.

3. Jakey Junkie - Disyembre 10, 2009

UNLIPOPS. Alam na hahahahaha apir!!!

Okay ‘yan ser at nagagabayan mo ang anak mo sa bawat baitang ng kanyang buhay sa pinakamabuting paraan na alam mo.

Teka, makahanap na nga ri ng Unlipop.

gasti: haha! syempre alam mo na yan…enjoy naman ang father time eh! ang bilis lumaki ng mga bata kaya dapat sulitin mo ang bawat oras sa kanila.

4. chyng - Disyembre 11, 2009

Im back on this blog! Woohoo! Ü

Inferness panahan ng fieldtrip ngayon ha..

gasti: woohoo! nagbalik si chyng! hehe! yup it’s fieldtrip time..panibagong experience sakin.

5. lovely - Disyembre 11, 2009

haha..hang galing mag kwento haha..may natutunan ako..
pasadyang kunan ang hindi pwedeng kunan ng picture..haha..

advance piberdei kuya gasti hehe..

gasti: salamat lovely. subukan mo ring maging paparazzi sa pagkuha ng pics. wala naman sila magagawa pag naclick mo na.

6. Jhaynee - Disyembre 12, 2009

kuya gasti ngayon lang din ulit ako nakadalaw dito ah…
makulit ka pa rin talaga..

ok din yang anak mo ah. mas takot kay santa claus kesa sa dinosaur? hehehe

7. madbong - Disyembre 12, 2009

tol musta na? naalala ko yung field trip nung panganay ko sa fort santiago, ayaw bumaba dun sa karwaheng hinihila ng kabayo. kakahiya dahil naka 6 na ikot siya, ayaw pagbigyan yung mga kaklase hehe

gasti: hehe ayos yun anak mo ah sulit ang byahe🙂 mahilig din sa kabayo anak ko pero nung pumunta kami sa Baguio na sobrang dami ng kabayo na pwede rentahan sya na rin nag ayang umalis kasi ambaho dun sa lugar dami jebs ng kabayo.

8. bonistation - Disyembre 14, 2009

haha birthday mo na naman nga pala sa pasko isang taon na pala ang nakalipas awwwts! TATANDA na naman!! anyway, nabuhay ba ung uwi nyung isda?! edi habang nasa starcity kau ang isda nasa bus?! hehe

gasti: oo isang taon na nakalipas yung pinadala mo greetings naalala ko pa. ayos naman yung isda dun sa loob ng bus habang nagpapasarap kami sa star city. baka mahilo kasi pag sinama namin sa mga rides.

9. myk - Disyembre 17, 2009

saan tayo sa birthday mo?

gasti: dyan lang sa tabi tabi. wala pa ko plano eh

10. napundingalitaptap* - Disyembre 25, 2009

nyoknyoknyok….mabuting ama.

at matigas ang ulong ama.

ang rules ay rules.

pero dahil ama ka na, alam mo na ang tama!

tapos ang gulo-gulo ko, i know.

namis ko dito! yey!

gasti: yey! ang gulo mo. hehe! pundido pa rin si alitaptap? merry xmas and pinyuyir sayo!

11. lio loco - Disyembre 31, 2009

parang mas nag-enjoy ka pa sa anak mo ser ah. mukang alam na kung sino ule sasama senio ni misis sa susunod na eskarsyon ni junior. huhlolz! happy new year g. gasti! putukan na!

gasti: haha! parang ganun na nga. nakakapagod lang din maging bantay bata pero ayos naman ang bonding. pinyuyir din sayo dyan lio loco! ingat sa pagnguya ng watusi.

12. doroastig - Enero 3, 2010

munting pahabol: HAPPY NEW YEAR SA LAHAT ! ! !

gasti: pinyuyir din sayo dyan doro! nakahabol ka pa.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: