jump to navigation

tw0 0ten Enero 6, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

akalain mo nga namang magsusulat pa pala ako dito sa blog na ito. pwede ko na nga sana ituloy tuloy ang pamamahinga ko rito para mapagtuunan ko naman ng pansin ang iba pang importanteng bagay gaya na lang ng pagpapataba. maging bigaten sa 2010. ilang taon ko na nga ba plano yan? ahhh since highschool pa. demmet!

wag kayo maniniwala sa mga sabi sabing kapag naging tatay na, dun na magsisimula magsitabaan ang mga lalaki. kalokohan yan. 4 years na akong tatay at eto pa rin ako at mukhang kinulang sa dilig. hindi lang minsan ako sumubok magbuhat sa fitness gym pero anong ngyari? nagsara sila pareho. minsan ka na nga lang makatyempo ng gym na malapit sa bahay at 20-50 pesos lang per session tapos pag sinisipag ka na eh saka naman magsasara. bigyan nyo naman ako ng chance!

engagement/kasalan year na rin pala ngyon. andami ko kakilalang naghahapit magsipag asawa na. sakto na rin kasing edad para sa pag aasawa ang 27 kaya siguro yung mga kabatch ko naghahanda na isugal ang buhay at kapurian nila. best wishes na lang sa inyo lahat dyan. sana makabuo kayo agad.

balik tayo sa kinabukasan ng blog na ito. wag na kayo magtaka kung maging once a week o once a month ang update dito dahil nakadepende ang lahat ng yan sa sex life ko tamang pagkakapwesto ng mga bituin. at isa pa may gusto lang ako baguhin dito sa kuta ko. ayoko lang dumating yung panahon na kelangan ko pa gumawa ng krimen para makasulat at maipahatid kay Dr. Love ang aking mga hinaing. kunganomanyun malalaman nyo rin.

at syempre pa lilinisin ko na ang mga sidewalk vendors dito sa blog ko. aayusin ko na ang mga links. humahaba na kasi ang listahan ng pinagkakautangan ko. gagalingan ko na magbloghop next time. pinyuyir to all!

Mga Puna»

1. Jeck - Enero 6, 2010

testing. testing… lols!
magsibalikan na tayo sa blogging ngayon 2010! ay, kami lang palang inuuod na ang mga blogs ang dapat bumalik.
o ayan, sipag sipagan na mag-update! gagayahin ko na si glenn adik!🙂

gasti: kamusta naman kabute? ahahha! sana nga makapag update ka na rin. mas madalas ka pa magtago kesa sakin eh

2. The Gasoline Dude - Enero 6, 2010

Gusto mo sa ‘yo na ang mga taba ko sa katawan? Libre lang, sige na sa ‘yo na lahat! LOL

gasti: haha wag naman taba baka masobrahan naman ako sa cholesterol nyan.

3. lizel17 - Enero 7, 2010

maging masaya ka na lang sa kung anong meron ka………..

gasti: madali lang sabihin yan. pero hindi ganun kasimple ang lahat.

4. rllqph - Enero 7, 2010

ok lng yan, basta mag po post ka pa rin!

gasti: ganun na nga. may mga bagay lang talaga mas kailangan unahin. pero tuloy pa rin ito.

5. etchosera - Enero 7, 2010

di naman kailangan na araw araw ay may update ka. ang mahalaga mahal mo at gusto mo ang isinusulat mo hindi ung kahit ano na lang may maisulat ka lang. keep on blogging…

gasti: salamat sa paalala. pero wala naman ako balak araw arawin ang paggawa ng entry. halimaw lang gumagawa nun. tama ka ang mahalaga eh gusto mo yung ginagawa mo.

6. Maldito - Enero 9, 2010

new year resolution ata ng karamihan ay mag blog regularly..
weh? sabi lang naman yan eh..PATUNAYAN niyo!
ahahaha..nagsabi ang perketo.
nakailang putok ka ng new year?ahahaha

gasti: wala akong pinutok. ansakit nga sa puson eh..haha!

7. bonistation - Enero 10, 2010

hapy nyu yir!~

gasti: pinyuyir bon!

8. wesarimo - Enero 11, 2010

welkam bak pare. welkam. welkam. bow!

9. lovely - Enero 15, 2010

haha..basta makapag update pa din ok na un kuya ehhe..😀

10. lizel17 - Enero 16, 2010

ok hindi madaling maging masaya sa kung anong ibinigay sa yo pero meron bang simpleng gawain na magagawa mo sayong sarili na madali at hindi mahirap without using any cents from your pocket, kung meron man..care to tell?

gasti: gusto ko sanang sabihin na pagtitikol pero masyado namang simple yun. siguro ano na lang..push ups.

lizel17 - Enero 20, 2010

hahaha…………nakakatawa naman pala yang humors mo….

11. lizel17 - Enero 22, 2010

alam mo na ba kung saan nagtatago c the great maldito….lol

gasti: haha! kaya ka pala naligaw dito para magtiktik ah..hmm…nagbabakasyon pa siguro yun.

12. antuken - Enero 26, 2010

according to my lolo na doctor, you need protein para lumaki (tumaba). ang binigay nya sa pamangkin ko, pediasure. try mo mag ensure. effective daw. hehe.

gasti: tama! kelangan ko siguro ng madaming gatas at protein shakes gaya nung diet ni Pacquiao. masubukan nga yan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: