jump to navigation

tunay ka bang isa samin? Enero 15, 2010

Posted by gasti in Uncategorized.
trackback

kabisado ko na yung kanta ni Manny Villar. pero hindi ko pa rin sya iboboto kahit pa paborito ng mga anak ko yang jingle nya. dun ako sa mga transformers.

pero magandang idea yung nakikihalubilo ka sa mga gusgusing bata pala. umaangat ang kapogian mo. nagmumukha ka pang malinis.

masarap rin yung pakiramdam na angat ka sa iba ano? hindi naman ibig sabihin na mayabang ka na pag ganun. gusto mo lang yung kakaibang saya na dulot ng pagkakadistansya mo at pag angat ng bahagya sa pangkaraniwang tao. nakakasawa rin maging simple at ordinaryo.

maselan ako sa gamit. hindi ako ganun kadali mamili ng damit,pantalon,short na panlakad,sapatos,bag at kung ano ano pa. sa katunayan nga dahil sa limited lang ang budget ko nung nakaraang pasko dahil sa dami ng gastusin at bayarin, wala akong ibang nabili kundi isang bag. isang bag na sa tingin ko ay maganda. astig. kumportable isuot at higit sa lahat, kakaiba.

binalewala ko lahat ng inalok na bag sakin nung babae sa Sports House nung makita ko na tong bag na to. sakto pa sa budget dahil hindi umabot ng isanglibo ang halaga. di hamak na mas mura kumpara sa mga una kong tiningnan na bag sa adidas, nike, at iba pang kilalang brand. sakto lang din ang kumbinasyon ng mga kulay black, red at white sa panlasa ko. isang minutong kapaan lang para macheck kung may damage at hindi mapaghalatang sabik ng saleslady, dumiretso na ko sa cashier para magbayad. masaya ko nung umuwi at proud ako sa nabili ko. ibinida ko agad kay misis ang bago kong bag pagkauwi ng bahay.

wala syang reaksyon. parang itsurang plain rice lang. pero hindi na mahalaga yun dahil ang importante pwede ko na idispatsa yung gusgusin kong bag at hindi na ko maaasiwa sa pagdadala ng gamit.

parang kelan lang yun. pwede akong magmabagal maglakad sa kahabaan ng Ortigas na parang isang modelo ng bag. liliwanagin ko lang. hindi ito yung mga nature friendly bag na kulay green na pangshopping ng mga nanay. iba to pramis. iba ito. akin lang to.

biglaan ang mga pangyayari. sinorpresa ako ng isang boklogs na lalaki isang umaga habang papasok ako ng opisina. nauuna sya maglakad sakin at nagawi ang tingin ko sa suot nyang bag. ampanget! hindi bagay sa katawan at edad nya ang magsuot ng ganung klaseng bag. parang kamukha sya ng mga lalaking nakapaligid kay Manny Pacquiao. parang hindi sa kanya yung bitbit nya. parang may mali talaga eh…

taragis yan. pareho kami ng bag. pareho pa kaming galing marikina. at magkasabay kami sa byahe.

pakiramdam ko nagsayang lang ako ng perang pinambili ko ng bag. hindi ko na masisikmura pa na bitbitin ito habang nagsusumikap na dumistansya sa boklogs na lalaking lumapastangan ng kalayaan ko.

kung pwede ko lang sana isaklob sa mukha ko yung bag para makaiwas lang sa kahihiyan ginawa ko na. bibili na lang siguro ako ng bago.

Mga Puna»

1. lovely - Enero 15, 2010

ha ha…nabanggit mo na na unique..at kakaiba.
syempre kuya may iba rin makaka gusto ng style ng bag mo un nga lang..masagwa tingnan ung bumili nung bag hindi ung bag ang masagwa haha,,
pwede mo pa rin naman pag tyagaan yan kuya,,di naman siguro everyday makakasabay mo ung tao hehe..:D
so si BF ba iboboto mo hehe..

gasti: pagtyagaan hanggang wala pa pambili ng bago. tsk tsk.
alam ko namang hindi mananalo yung Gordon-Bayani tandem eh pero iboboto ko pa rin sila.

2. chingoy - Enero 16, 2010

ayan kasi hahahaha

eh buti nga yan, bag lang, eh pano kung tshirt o polo, at nagkasalubong kayo… yan 2x na nangyari sa akin nyahahaha

gasti: ngyari na din sakin yan pero iba tong ekspiryens na to. pakiramdam ko nagkaron ako ng bag na pinamimigay ng pulitiko sa mga eskwelahan.

3. bonistation - Enero 17, 2010

haha. baka naman hindi lang talaga bagay sa kanya, at iba pag ikaw na ang may dala. nasa nagdadala rin kasi… ^^ pero minsan mahirap tanggapin pag nakita natin sa iba ang sarili natin lols! lalo na hindi mo gusto yung hitsura hehe.

gasti: hindi talaga. naasiwa nga agad ako nung makita ko eh tapos ambagal pa maglakad. haaays.

4. har har - Enero 17, 2010

ang cute mo.. heheh para kang kapatid q,iniiwasan din nya ung may makasabay n kapareho nung gamit nya..
pag meron xa nkasabay n meron nung kapareho ng s kanya, never n nya gagamitin yun.. wahaha

gasti: nakakailang naman kasi talaga yung may makasalubong ka kapareho ng gamit mo. ok lang kung yung damit mo eh polo shirt na may mapa ng Pilipinas o kaya tshirt ni Francis M o Manny Pacquiao. ok lang naman na may kapareho eh pero wag naman sana magkakitaan. yung tipong taga Mindanao yung nakabili ganun. tapos Abu Sayyaff.

5. rllqph - Enero 17, 2010

nak ng– bakit napunta sa bag! teka! pektur naman!

gasti: ayoko nga picturean eh kasi nauumay na ako. lam mo yung brand na ginagamit usually sa boxing? “Everlast”.

6. Jakey Junkie - Enero 18, 2010

Okay lang ‘yan, sir. Sobrang liit naman ang occurences na may makakapareho kang gamit. Pero bilang ko na din sa daliri ko kung ilang beses na akong nakakita ng kapareho kong suot na “VST and Company” na t-shirt.

gasti: gusto ko rin ng ganyang shirt pero hindi ako makakita ng bilihan. ok lang may makaparehong ganyang damit kc dami sila binebenta na ganyang design talaga. yung bag kc ang hindi ko matanggap.

7. smasherjane - Enero 20, 2010

benta mo sa sulit.com. malay mo mka-200 ka pa dyan..

gasti: masyado naman mababa yung 200…sayang din. bigay ko na lang sa kapatid ko.

8. rllqph - Enero 25, 2010

PLUG: Join 50×50 WP Pinoy Project! Visit http://bit.ly/50x50wppp for more information!

9. Maldito - Enero 25, 2010

ahahhahaa…
buti nman at hindi kayu magkamukha..kambal sa uma pag nagkataon..
weee!!bilika nalang ng travelling bag..sure ako wala ka nang kapareha niyan!

gasti:maigi pa nga nung college bolpen lang bitbit ko..di na kelangan magdala ng bag.

10. antuken - Enero 26, 2010

oi, pareho tayo. gordon bayani rin ako. at alam ko ring hindi sila mananalo, pero iboboto ko pa rin sila. hehehe.

gasti: hehe! onga tanggapin na natin na hindi sila mananalo pero atleast malaman nila na may sumusuporta pa rin sa kanila.

11. espag - Pebrero 24, 2010

hahaha…love the jingle…kahit san ata maririnig mo un…pero xempre dapat indi natin ibase sa ganda ng advertisements ung pagboto…background check ika nga..:)

12. taroogs - Marso 10, 2010

wehehehe,,, buhey nga naman ano? pero ansaya ng post na ‘to. nakaka-relate ako kasi kakakuha ko lang din ng matagal ko nang order na bagšŸ™‚

gasti: congrats sayo taroogs..hehe! iba talaga saya kapag minsanan ka lang bumili ng bag. mga babae kasi parang kolektor ng bag.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: