jump to navigation

araw ng mga puson Pebrero 9, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
Tags: , ,
trackback

ako ay nanumbalik na sa pananampalataya ng pagsusulat. medyo nalibang lang sa mga school activities ng anak ko at syempre sa iba pang bagay na may kinalaman sa pamilya. maayos pa rin naman ang lahat gaya ng dati. hindi lang talaga ako biniyayaan ni Manny Villar ng sipag at tyaga para ikuwento pa dito sa blog ang mga eksena.

this is it! nalalapit na ang araw na pinakahihintay ng magsing irog. ang araw kung saan maraming nagpapareserve. triple ang presyo ng mga bulaklak. pinakamalakas ang bentahan ng stuff toys at chocolates. at syempre pa ubusan na naman ng pera ito at pasiklaban ng creativity at thoughtfulness ng mga kalalakihan. wag nyo na tanungin kung anong kaya kong gawin para lang maimpress ang misis ko. makita nya lang ako nakasuot ng boxer shorts at mabigyan sya ng ilang minutong full body massage eh solb na yun. pero kung gastusin ang usapan, pass muna ako dyan. sa akinse pa kasi ang sweldo ko. walang kwenta.

matagal ko rin naman problema itong mga ganitong araw. gusto mo magpasikat sa mahal mo kahit sa araw lang na ito syempre para naman hindi sya magmukhang kawawa kung ikumpara sa ibang babae. pero mahirap talaga kapag ang kakumpitensya mo eh yung mga lalaking pinaglihi sa pera. sa totoo lang, hindi naman babae ang kahiyahiya kapag wala sya natanggap na bouquet ng bulaklak, imported na chocolates at life size na teddy bear. kapag natunton na ang salarin (bf o asawa), aakusahan na agad kami na walang kwenta at unromantic. ganun talaga eh! ano bang malay nyo sa hirap na pinagdadaanan namin? hindi pa ba sapat na kasama nyo ang mahal nyo sa espesyal na araw na yan? kulang pa ba ang unlipops para maipadama ang masidhing pagmamahal na yan?!

“Syinota mo ko eh! syinota mo ko! kaya kelangan gastusan mo ko. bilhin mo lahat ng gusto ko para magtagal tayo.”…oohhh girls just wanna have fun!

curious lang ako. bakit ba kelangan valentines day pa kayo mag anuhan? kasama na ba sa mga panata yan parang pakikipagsiksikan at stampedan sa Quiapo kapag fiesta ng Nazareno para lang makahipo sa Poon? napakaraming couples ang nagsisiksikan sa mga motel pag ganitong araw. napakatraffic. pati mga restaurant nagmumukhang fast food dahil dagsa ang mga tao. parang mas maigi pa mamundok na lang para mas magmukhang romantic ang setup. maganda yun taguan tapos flashlight lang ang ilaw nyo. ingat lang sa mga lamok dahil makikisupsop din yan.

may naalala ako motel dun sa bandang Maynila, napaka original. “Mahal Kita”. ganito lagi ang usapan ng magsyota na magagawi dito sa lugar na ito eh!

boylet: Oh ano mahal mo ba talaga ko?
girlaloo: Ahhmm..oo naman..syempre dyowa kita eh!
boylet: gusto ko marinig sa bibig mo. sabihin mo! patunayan mo na mahal mo nga ako.
girlaloo: anukaba?! ehhhmm…ano kasi eh nakakahiya! ano ba kasi gusto mo gawin ko?
boylet: simple lang! gusto ko lang malaman kung mahal mo talaga ko..ulitin ko ang tanong. Mahal mo ba ko?
girlaloo: oo na nga. Mahal kita! sabi ng puso ko.
boylet: sure na ha! wala ng atrasan to! o sige manong driver pakiliko nyo na dyan banda dyan.

pagalingan lang ng diskarte sa pangungimbinsi yan. mas maituturing ko pang kaawa awa ang isang lalaki na hindi makaiskor sa gf  nya kesa sa isang lalaki na single pero sagana naman. goodluck na lang this valentines! eto na ang break mo. kagatin mo!

Mga Puna»

1. empress - Pebrero 9, 2010

hahaha nakakatuwa naman ito.. puno nanaman ang mga biglang liko nyan sa lingo.

gasti: punuan talaga kaya maigi pang magtake-home na lang. pero syempre kaya ka nga pupunta dyan eh dahil wala privacy sa bahay o patago ang inyong relasyon. dapat talaga ngyon pa lang magpareserve na.

2. teody-anne - Pebrero 10, 2010

tok! tok! hi gasti..ahehe.. nakikicomment lang.. i couldn’t agree more… lilindol na nman dito sa sta. mesa kya kylangan ng itali sa mga puno ang bhows namin bago mag-14.. at mapupuno na nman ng mga anino ang mga bintana ng aming mga kapitbahay na paupahan.. ^_^

gasti: hello der! tourist destination talaga yang sta. mesa. PUP grad ako eh kaya alam ko yang mga lusutan dyan. haha! kapit ka sa matigas baka di mo kayanin ang intensity.

3. chyng - Pebrero 10, 2010

bakit andami motel dun eh katabi ng school at mga ampunan? weird..

gasti: karamihan naman ng customers ng motel eh mga estudyante. sinadya nilang ilapit sa mga mall at eskwelahan ang mga motel. andami pa nga lagusan dyan eh para iwas huli.

4. naglalambingnacute - Pebrero 10, 2010

ahahahaha kakatawa correct mapupuno nanaman ang mga dapat mapuno…

its the tot dat counts nga kasi😆

kahit bulalaklak ng kampupot ibigay saken solb nako dun wahahaha.. pero hindi muna dapat yan problemahin ko biep muna😆

gasti: enjoy being single. ayaw mo nun? libre ka lumagare ng date kahit kanino mo gustuhin.

5. kayedee - Pebrero 10, 2010

yan ang gasgas na style ng mga lalake pra mka score ” mahl mko? patunayan mo! ” tsk.. e2 nmang c babae nddla! hahhah.

6. bonistation - Pebrero 12, 2010

nakita kona yung motel na un “MAHAL KITA” haha! astig nga ‘yon at kung dadalin mo ang mahal mo dun hindi na sya magtatanong kasi bubungad sa kanya sa windshield ang sagot “MAHAL KITA”

gasti: wala ng tanong tanong..hubad na!

7. Jeck - Pebrero 12, 2010

lagi kong nadadaanan yang mahal kita motel. magandang pangsurprise yan sa bago mong gf kung sakali. yung tipong pipiringan mo sya ng mata tapos sabay banggit na may sasabhin ako sa iyo na mahalaga. dapat saktong pagtanggal mo ng piring nandun na kayo sa tapat ng mahal kita motel. bwehehehehe

gasti: napakaromantic mo palang tao. at talagang kelangan bago mong gf yung dadalhin dyan..haha!

8. Maldito - Pebrero 13, 2010

buti nalang may duty ako sa day na yan…
pasalamat sila..
hindi na nila kailangan mag competensya sakin.ahaha.joke

gasti: sino ba sila? tama yan..give chance to others naman. nagkalat na nga ang scandals mo eh.

9. bonnie - Pebrero 14, 2010

nakidaan lang. hehe.

Happy valentines day!

gasti: happy valentines day din..thanks!

10. lizel17 - Pebrero 15, 2010

happy valentines day na lang

11. neil - Pebrero 15, 2010

We have job vacancies. Ask me.

12. kikilabotz - Pebrero 18, 2010

haha. paturo pa nga ng mga teknik jan. hehe

gasti: inosente ka pala ha! pareho tayo.

13. amy - Pebrero 18, 2010

heheheh..,.,,., ang kukulit namn ng mga coments dito pero for me nman d naman kelangan na mag motel kau para lang patunayan na mahal u ang boylet dahil ung iba naman un lang talaga ang habol.,…… kong ako naman sa girl sasabihin ko sa boylet na kong mahal nya din ako magantay xa ng tamang panahon para gawin un dahil kong tlagang mahal kanya kaya nyang magtiis at mag intay diba?????

gasti: kaya ko naman magtiis at mag antay. pero madami namang ibang paraan para makaraos ng hindi nagpapasukan. pwede na siguro yun makalusot ano? haha! huling hirit sa tag init.

14. amy - Pebrero 18, 2010

hay,,, naku iba na talga ang panahon ngaun maxado nang malupit heheheh^^

15. antuken - Pebrero 20, 2010

ako never nausuhan ng balentaym’s na yan. ever. hehe. swerte ni mr. antuken saken no? hehe.

gasti: medyo malaki na rin siguro ang savings ng mister mo dahil dyan..hehe!

16. lovely - Pebrero 25, 2010

haha..mabuhay na lang ang single haha..:))


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: