jump to navigation

anong oras na? Pebrero 25, 2010

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
trackback

ang pinakaiiwasan ko sa lahat ay yung mahabang diskusyunan. alam ko matipid ako magsalita kaya matutuwa ang mga power tripper sakin dahil naniniwala akong pag aaksaya lang ng panahon ang makipagtalo pa sa ganyan. either way, lumaban ka o manahimik ka, lagot ka.

sino ba ang gusto ma-late? at ano naman kaya ang maganda at katanggap tanggap na rason ang maaaring sabihin sayo ng isang taong puro kamalian at kakulangan ang napapansin mo. ayoko lang ikumpara ko ang sarili ko sa iba dahil alam kong wala naman ibang magaling sayo kundi yung mga lumalapit sayo pero sana naman sa ganitong pagkakataon, maging patas naman sana ang pagtrato mo  samin. pagsabihan mo lahat ng empleyadong late pumasok hindi yung puro ako na lang. wag ganun.

bigo ako na maging kalmado sa pagsusulat ko nito kagaya ng pagpipilit ko kahapon na idepensa ang isang oras na late ko. nakakainis pa rin pala pag naalala. napakarami kong gusto sabihin pero walang lumabas sa bibig ko. sumakit lang ulo ko kakaisip at paniguradong tumaas na naman ang blood pressure ko. nadagdagan pa ang pagkaasar ko sayo at pananamlay ng kapit ko sa kumpanya. sayang, kung patas ka lang sana makitungo baka sakaling maintindihan ko pa.

kung alam mo lang kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko sa loob ng banyo sa loob ng tatlumpung minuto na pakikipagbuno sa inidoro mailabas lang ang mga dapat ilabas. ang mabilisan at delikado kong paglalakad ng tatlong kanto makarating lang ng highway at makasakay ng jeep dahil walang nakaparadang trycycle sa labas ng bahay. ang pagguho ng mundo ko nung makita kong napakahaba ng mga taong nakapila na nag aabang ng masasakyan. siguro tantya ko nasa pangpitumpu ako sa pilahan. halos isang oras ako nakapila ng walang upuan. at nung makasakay naman ako eh palyado naman ang buga ng aircon sa pesteng shuttle service na napatapat sakin. hindi rin nakatulong ang traffic sa c5 para magkaroon naman ako ng kaunting biyaya nung araw na yun. pero sa kabila ng lahat ng yan ay nagsumikap pa rin ako pumasok para maipakita sayo ang aking dedikasyon sa trabaho. ilang beses mo na ba narinig ang mga dahilan na LBM para sa sick leave? ako lang talaga itong mahilig sumugal ng pwet sa kalsada na kahit pa minsan ay may mga muntik-muntikan na.

at ano naman ang naging epekto sayo ng pagkalate ko sa pagkatao mo at katayuan mo sa buhay? syempre wala! ikaw pa rin yan. at patuloy na mangbuburaot sa mga susunod pang mga araw. Are you ready?! Am I ready?! Let’s get it on!

Mga Puna»

1. naglalambingnacute - Pebrero 25, 2010

basagan na ng bungo!!!

hahaha cool lang gasti.. hirap nga naman ng pinagdaan mo tapos may mga asungot pa ano? hahaha

Let’s get it on!

2. lovely - Pebrero 25, 2010

chill kuya..
haha..gusto mo bang ganyan ang gawin mo sknya haha..
at si bossing ba yang nasa entry mo hehe..

lilipas din yan haha..

3. a.r.d.y.e.y. - Pebrero 25, 2010

kaya naniniwala akong may sumpa ang pagkakaroon ng posisyon bilang manager. madami nagiging kagalit.

4. maldito - Pebrero 26, 2010

hahhaha..gore ang picture…parang dalawang wrestler nag aagawan sa duguang napkin.lols.
meron tlaga ganyang boss hanuNung tipo na parang hindi sila nagkasla sa mundo at ang linis nila..acheche..
ganyan din bossing ko dti.ayun na kick out dhil mas matalino pako sa kanya.lols.

5. kayedee - Pebrero 26, 2010

nyakss.. d mo n kelangan sbhn, s pix plng ramdam q n ang glit u! hehe..
chilax lng pre! ang blood pressure…🙂

6. eloiski - Pebrero 26, 2010

awwww… yan ang mahirap sa lahat eh. kung bakit kasi may mga unfair na tao. baka naman pinag-iinitan ka? di kaya? o baka nagpapansin lang sa’yo… hakhak!

7. bonistation - Marso 2, 2010

relaks.. ganyan talaga ang buhay.. pero lilipas dinn yan.

8. gasti - Marso 2, 2010

maayos naman ang lagay ko at ni boss. nagsisimula na ako magtraining at pinaubaya ko na ang katawan ko sa mga berdugo ng gym.

9. lizel17 - Marso 3, 2010

cool ka lang;;;;ganyan naman talaga ang buhay……minsan nasa ibabaw minsan nsa ilalim

10. yiN - Marso 5, 2010

padaan tsip. pinabasa ko na kay boss tong entry. =p sorry na daw.
chill lang, tutumba kusa yun.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: