jump to navigation

ganyan din ako kapayat noon Marso 9, 2010

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

naranasan nyo na bang maging payat? mawalan ng kumpiyansa sa sarili dahil sa kakulangan sa nutrisyon…ang maipit sa pampublikong sasakyan dahil napaggitnaan ng mga obese. ang ma-bully ng mga kaklase dahil sa mukhang mahina. ang pagtawanan ng mga mapanghusgang mga nilalang kapag nag attempt ka sumalang sa timbangan para sukatin ang haba at timbang. lalo na kapag naghubad para maligo sa pool o sa isang beach resort. nahihiyang umahon sa dagat dahil mapapansin ka na naman..wala ka nga magawa. naranasan ko na lahat yan.

kung gusto ko pa ng ganitong klase ng diskriminasyon, hindi na sana ako babalik ng gym. dun na lang ako sa office at mag tatrabaho hanggang sa tubuan ng sangkaterbang kuliti ang mata ko at lumobo ang mga eyebags ko ng dahil sa stress.

kung nagawa nila, siguradong makakaya ko rin. panata ko, tapusin ang kapayatan.

Paid by friends of Gasti Houtenco

seryosong usapin ang pag eehersisyo. binasa ko lahat ng slogan at tips for proper and balance diet na nakadikit sa mga dingding ng gym na pinupuntahan ko. wala lang naiinip lang ako minsan kapag nagbubuhat. mas ok na yung babasahin ang pinaglalagay nila kesa naman yung sa dati ko pinuntahan na puro poster ng wrestler ang makikita mo. hindi naman nakakainspire.

makalipas ang 2 buwan ng mind conditioning at 1 week (so far) na paglalagi sa gym ay masasabi kong guminhawa na ang pakiramdam ko. ganado ako magbuhat kahit wala ako kakilala o ka-buddy na pumupunta sa gym. mabuti na yung ganito wala ako inaantay. sarili ko na lang iniisip ko. andyan naman yung mga trainers na very supportive sa ginagawa mo. at mangilan ngilang berdugo na kakalabitin ka at sasabihing..”ganyan din ako kapayat noon”. at sasang ayunan naman ng ibang kakilala nung tao. role model na pala ako ngyon? parang sketch o draft pa lang bago mabuo ang masterpiece. naisip ko tuloy sana noon ko pa to ginawa.

sangkaterbang tips na ang nakuha ko sa mga kagaya nila at nagkaron ako ng kumpiyansa sa sarili ko na kakayanin ko to. ngyon pa na nararamdaman ko na ang results at naaadik na ako magpakitang gilas. mas maigi na rin na ito ang pagkaabalahan ko kesa magpakabihasa sa pagtatanim ng prutas at gulay sa farmville at pumatay ng mga zombies gamit ang mga halaman. naisip ko nga siguro magbubukid talaga ako nung past life ko.

bale yung panonood ng pinay scandals at japanese sex goddess minsanan na lang para hindi naman ako manghina kapag nagwork out sa gabi. sobra ng sakripisyo yun kung pati yan ay mawawala.

after office hours daily routine:

kumain ng rice meal (light) (w/egg and saging)

magpahinga for 1 hour

uminom ng amino 1000 (or 2000) powder o tablets bago magsimula magwork out.

mag gym ng 1-2 hours (opening hanggang closing para sulit ang bayad monthly – optional )

kumain ulit ng rice meal (heavy)

magpahinga for 40 mins bago matulog. (pwede na isingit ang panonood ng porn for entertainment value)

kapain ang muscle. humarap sa salamin at kumbinsihin ang sarili na may pagbabagong naganap.

matulog ng payapa.

Tip: huwag indahin ang sakit at kirot kinabukasan para hindi mabigyan ng negative feedback ang mga sakripisyo mo.

Know your limits: habang nagbubuhat ka at napautot ka, stop na. pwersado na eh!

Mga Puna»

1. yiN - Marso 9, 2010

Ayos gasti. Ako push ups lang tinatamad na ko. Pero padating na mahal na araw, umpisahan ko sa cleansing. Tas gain weight. Cheers!

gasti: cleansing ba? ayos yan. kelangan mo lang ng mind conditioning bago ka sumabak sa matinding ehersisyo. basta ako ngyon sineryoso ko na talaga. kahapon nga hinapit ko yung 40 sit ups ng walang hingahan. lols! eto masarap naman sa pakiramdam. kaya mo yan!

2. Prinsipe ng Pangarap! - Marso 9, 2010

ayos ako naman sobrang payat ko noon. ngayon i can say na tumaba na ako at ayoko ng ganito. i wanna be lean. waaaaaaaaaaaaaah! sana pumayat na ako. hmmmp!

gasti: hehe! ayos na siguro yung tumaba ka..try mo na lang mag gym para madevelop ang muscles.

3. Maldito - Marso 10, 2010

hahhaa..go go go master! magpalaki ng mabuti para sa june mag beach party tayu dun uli sa megamall!aahhaha..
mabuti naman bossing at nag simula na muling mag gym..sana hindi ka na ulit tamarin.we!

gasti: haha! masaya yan..beach party sa megamall. asan ang beach dun sa toykingdom? lols! sige palakihan tayo ng biceps pagnagkita tayo. nasa focus na ko ngyon eh kaya hindi na ko tatamarin. 3 months na nga agad yung binayaran ko para panigurado.

4. Lust - Marso 11, 2010

atleast you was once..tapos na..
ako gusto ko pumayat..pero kahit anung gawin ko imposible talaga…haha

gasti: eh ang payat ko pa rin kaya. lifelong commitment dapat tong pag gym ko eh. maginhawa naman sa pakiramdam. kaya mo rin magpapayat kapag ginusto mo talaga.

Lust - Marso 12, 2010

kakayanin..=)

5. chyng - Marso 12, 2010

masama maciadong maging confident sa sarili. dapat alagaan ang katawan. lalo ngayon summer na (ang labo!) haha

gasti: onga dapat huwag pabayaan ang sarili dahil masasayang ang lahat ng pinaghirapan. hehe! hubaran pa naman ang labanan ngyong summer kaya nakakapressure.

6. Jakey Junkie - Marso 16, 2010

Okay ‘yan sir!

Ako sobrang tanggap ko nang hinding-hindi ako tataba kahit ga-kargador ang appetite ko. ‘Ala nang magagawa kung mabilis ang metabolism ko.

Pero nagbago ang lahat nu’ng ika-isang taon ko na sa opisina. Unti-unting lumaki ‘yung tiyan ko. Nagsisikipan na ‘yung mga pantalon ko.

gasti: haha! tyan talaga karaniwang problema ng lalaki eh kahit babae pa. mabuti ng agapan sa ngyon kesa mahirapan ako pag lumobo na masyado. may pag asa pa tayo pards…less cardio more buhat. and more extra rice.

7. bonistation - Marso 19, 2010

wow, goodluck kay idol gasti!
ako din sobrang payat dati at naranasan ko din yung mga sinabi mo..

pero ang lahat ay may katapusan! naks haha! hindi palaging nasa ilalim ka. weee! haha
basta goodluck dyan! tuloy tuloy lang ang mahalaga healthy ka at magaan ang pakiramdam!!

gasti: wala na yata kahit anong bakas ng kapayatan sayo ngyon..hehe! good for you. naniniwala naman ako na may kapupuntahan din tong pagbubuhat ko. saka exercise na rin kasi maigi sa katawan yung pinagpapawisan at nagbabanat ng buto.

8. Jhaynee - Marso 23, 2010

ako naman kelangan magpapayat.. naiisipan ko na ring mag-gym pero tamad pa rin ako hanggang ngayon.. hahaha!!! yung bf ko dati payatot din pero nag work out din siya at nag amino kaya yummy na yummy na ngayon.. hahaha!!! sigurado magugustohan ni mrs. gasti yang pagpapalaki mo ng…..katawan.. hahahaha!!! good luck kuya!!!

gasti: haha! talagang yummy ba? eh di solb ka na dyan. try mo ng isang beses sa gym baka magustuhan mo. tuloy tuloy na yan kasi pag nasimulan na eh. namimiss ko na nga ang sakit pag hindi ako nakapagbuhat.
hindi ko naman minamadali ang pagpapalaki ng katawan eh pero gusto ko ASAP. haha! para next summer panghubarang katawan na.

9. iamronel - Marso 30, 2010

ako gusto kong pumayat..huhuhu🙂 nice post btw

gasti: marami naman ang may gusto magpapayat. ganun yung mga kasama ko sa gym. 2 lang yata kami nagpapa-gain ng weight.

10. smasherjane - Mayo 8, 2010

prang mas prefer ko yung exercise na may natututunan akong skill, like swimming or tennis. pro that’s just me. mga lalake nga nman, mas gus2 pag ngkakakitaan ng pawis at baktong sa gym.

gasti: maganda rin yung naisip mo na way to exercise pero sa tingin ko mas epektib ang pagpapalaki pag sa gym eh. pero yung tungkol sa nagkakakitaan ng baktong, lols! may mga girls din naman ako kasama sa gym.

11. Maldito - Mayo 14, 2010

@ girls at the gym: naggygym din sila bossing para magka baktong…

PS: Ano ang baktong?he he he

gasti: sa pagkakaalam ko..bakat-utong yan…hehe! ang badtrip minsan yung may amoy baktol ka nakasabay magbuhat tapos sobrang pawisin pero tamad magpunas ng katawan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: